Chapter VII

"Hey boo, wakey wakey it's already 8 am I promised kuya we'll come with them to the beach at 10."


"Nasa langit na ba ako, bakit may anghel akong nakikita?"



Narinig ko siyang tumatawa.



"Ugh fuck tumatawa pa, angganda."


"Silly, get up or maiiwan tayo dito" tuluyan na akong nagising sa mga halik ni Ali. Lord kahit habang buhay na ganto ang umaga ko sobrang sapat na po ito.



Nakita ko si Ali na may hinahalungkat sa closet bago may iniabot saakin na towel, "here take a bath, antayin kita sa baba for breakfast." paalam niya.



Tumuloy na akong banyo bago ko pa mas lalong mapahiya ang sarili ko. I have to look good today, lalo na't pupunta kami sa beach saka para naman hindi isipin ng family ni Ali na kaladkarin akong babae no.



I wore my white one-piece and topped it with a flowy white dress. Bababa na sana ako for breakfast when I saw Ali sitting and feeling the piano.




She's wearing a white see-through cropped top and denim shorts. I can clearly see her black bra and knew it was a 2-piece. Whooo umaga palang nagiinit na ang paligid.



Pupuntahan ko na sana siya nang bigla niyang plinay ang piano...

Di ko namalayan na napatagal na pala akong nakatayo sa may pintuan at pinagmamasdan ang ginagawa ni Ali...



"Dear God how did I get so lucky" bulong ko sa hangin.


"Anna!, ready ka na? kain na tayo inantay kita para may kasabay ka sa hapagkainan e." nagulat ako napansin na pala ako ni Ali.



Bumaba na kami at bumungad sakin ang mga pinsan ni Ali na nagkalat sa sala.



"San sila tita?" tanong ko kay Ali




"Ah they decided na magdate somewhere else, it's just us and my cousins ang pupunta nang beach" sagot niya.




"Eyy! so sexy naman my pinsan kaya nauunahan kaming magbebe e." pangaasar ni kuya Jaxtin kay Ali.



"Shut up kuya, kain na tayo" inirapan lang siya ni Ali bago dumeretso sa kusina para kunin yung pagkain namin.

"So Sophia huh?" paupo na ako nang nagulat ako sa tumapik ng balikat ko. I'm assuming he's not kuya Kyle, he doesn't look shy at all.



"I'm Zach, I'm the same age as Sam, now I know why she fell for you" nakangisi niyang sabi. What does he mean by that?



"btw if you're not in the mood for our family's crazy, you can come to me" pakindat niyang sabi.



"Uhm.. okay??" uncomfortable kong sagot.



Nagulat naman ako nang biglang may nambatok sakanya. "Hoy Zachary anong pinagsasabi mo mukhang takot na takot sayo tong bisita natin" gigil na sabi ng isang babae.



"Ughh sa wakas may makakasama na ako sa pamilyang toooo!, I am Eliz, short for Elizabeth the eldest sa magpipinsan, 3 years ang tanda ko kay Sam which means ading din kita hahaha" pagpapakilala nito.



Lord ang unfair naman po ng genes nila Ali, sana all nalang talaga. Her whole family can turn heads everywhere.



"Hello po uhm.. ate" sagot ko naman.



"Wag mo na akong i ate kunyari nalang matagal na tayong best friends hehe" natatawa niyang sabi.


Napangiti nalang rin ako bago tuluyang nakaupo at nagsimula nang kumain.


Napansin ko naman ang tingin ni Ali saakin, parang himihingi ng pasensya dahil sa pamilya niya.


Pagkatapos kumain ay tumayong bigla si kuya Jaxtin. "Leggo naa! my abs are craving the waves! I'll go ahead and fix the surfboards." sabi niya bago lumabas.



Napatingin nalang ako kay Ali, "We're surfing?!" gulat kong tanong. Napangisi nalang siya at hinawakan ang kamay ko.



"Stop worrying, I'll be right by your side" pagpapakalma niya.




Nagulat naman ako nang sikuhin ako ni ate Eliz sa tabi ko, "Sam can handle the biggest waves here, you have nothing to be afraid of phia."



Ha? anudaw? phia? seryoso siyang kunyari matagal na kaming best friends natuwa nalang ako sakanya, atleast may karamay na rin ako dito puro kasi lalake ibang pinsan ni Ali e.



Pero ano daw ulit? si Ali? surfer. Wow this vacation is starting to really make me see how lucky I am sakanya.



Isa isa na kaming sumakay sa kotse para bumaba nang beach, Ali said the beach is not more than a hundred meters away pero it's too hot outside to walk and mabibigat yung mga surfboards so napagdesisyunan nalang nilang magsasakyan nalang.




Si Zach ang magdridrive ngayon since siya yung nakita ko sa driver's seat, uupo na sana ako sa tabi ni Ali sa likod nang..


"Hey Sophia, why don't you stay here sa passenger's seat, I'm kinda lonely here you know" hirit ni Zach.



Napatingin ako kay Ali na nakakunot ang noong nakatingin sa pinsan niya, "Hmm? ah e sig-" pababa na ako ng sasakyan when Ali held my wrists.



"Loneliness suits you Zach, eyes on the road, Anna is staying here beside me" malamig niyang sabi.


She looked at me with a small smile while tapping the seat beside her.


Bakit ba angcute niya.


Umupo na ako sa tabi ni Ali.



"I told you not to smile too much, I'm serious when I said nakakafall" she smirked at me.



Pinaandar na ni Zach yung sasakyan. Nasa passenger's seat si kuya Jaxtin,
sa harap namin si ate Eliz and I'm assuming si kuya Kyle yung katabi niya since siya nalang ang hindi ko pa nakakausap. Awkward nga.



Nakarating na kami sa beach nang napansin kong may hinahalungkat si Ali sa bag niya, "kuya Jax!! diba sabi ko pagkatapos mong gamitin yung sunblock ibalik mo sa bag ko!" sigaw niya.



"Ah shit oo nga! sorry na insan naiwan ko sa may countertop sa kitchen" sagot ni kuya Jaxtin.



"Sa susunod talaga hindi ka na makakahirit sakin" asar na sabi ni Ali.




"Anna babalikan ko muna yung sunblock ah di kasi ako nagbebeach nang wala yun masakit masun burnt saka para na rin may gagamitin ka" paalam ni Ali.



"Ha? sama na ako sayo" sabat ko.




"Hindi na sama ka nalang muna kay ate Liz panigurado namang deretso dagat yung mga lalake kailangan niya din ng katulong magset up, babalik ako agad" sabi naman ni Ali kaya napatango nalang ako.



Pinanood kong umalis ang sasakyan na drive ni Ali bago ko pinuntahan ko ate Eliz at tinulungang magset up ng picnic table.




"Ah Sophia can you please help me first here di ko kasi mabuhat ng sabay yung surfboard ni Sam, pwede ikaw nalang magdala sa shore?" paghingi ni Zach ng tulong.




"Ah sige san ba dito yung kanya" akma ko nang hahawakan ang itim na surfboard nang hinawakan ni Zach ang kamay ko...




Shit ano to? dapat talaga sumama na ako kay Ali e. Napalunok ako bago salubungin ang tingin niya sakin habang nakangisi.



"Saakin to, kay Sam yung gray doon." sabi niya habang hawak parin ang kamay ko..



"Uhm.. ah okay sorry-" sinubukan kong tanggalin ang kamay ko sa hawak niya pero hindi siya bumibitaw.


"Unless yung sakin naman talaga ang gusto mo..." what the fuck?!



Tiningnan ko siya ng masama ngunit parang walang epekto yon sakanya dahil patuloy parin siyang nakangisi saakin.



Hinila ko na ang kamay ko para lang hindi na umabot sa kung ano to. Pinuntahan ko na yung surfboard ni Ali at dinala sa pampang.



Paglingon ko naman ay nakasunod na si Zach na bitbit ang puting surfboard.


"Ali asked me to buy this for you para may magamit ka rin for this vacation" sabi niya.



"Uh thanks" sagot ko sabay kuha sa surfboard.



"So, I'll teach you the basics first" pagaalok niya.



"Are you right or left handed?" tanong niya



"Uhm left" sagot ko.



"Okay then make sure you're right foot ang nasa harap ng board and your dominant foot ang magbabalance, can you slightly bend your knees" utos niya.



Sinunod ko nalang siya at binend ang tuhod ko.


"Like this?" tanong ko sakanya.


Tumawa lang siya and said "yeah, good."




"Now forward you body a little and lift your arms for balance"



Sinubukan ko namang agad gawin ang sinasabi niya.



Ngumisi siya at pumunta sa likuran ko.



Nagulat ako nang dahan dahan niyang hinawakan niya yung tagiliran ko down to my waist, ramdam ko na rin ang hininga niya na papalapit sa tenga at leeg ko.



Magrereact palang ako nang biglang nakita ko si Ali na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin.



Nagulat nalang ako nang tinulak ni Ali si Zach at tuluyang sinapak hanggang pareho na silang puno ng buhangin.




"Ali! Tama na!" natatarantang sigaw ko sa kanya. Pero parang walang epekto kaya pumagitna na ako sa kanila at itinaas si Ali dahil konti nalang mababasag na niya yung mukha ni Zach.



"Fuck you Zach! you really had the guts to take your dirty little shitass dito?!" galit na galit na sigaw ni Ali habang hawak ko siya at pinapakalma ni ate Eliz ang nakahigang si Zach



"I stayed with you even after Lolo disowned you because of your fucking attitude! and this is how you act infront of my girl?! you disrespectful rat!" ngayon ko lang nakitang magalit si Ali, her fist is already bleeding dahil sa pagbugbog niya kay Zach.





"Maybe our family was right when they kicked you out, you've brought too much dirt! Nagsisisi na akong kinampihan kita nung mga panahong yon! " nanggigigil na sabi ni Ali.




"Stop it Sam, Anna take her away, ako na ang bahala dito" utos ni ate Eliz.




"Halika na Ali, tama na." pagpapakalma ko sakanya.




Naconvince ko na si Ali na lumayo kila Zach, hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin kaya naman nagpalakad lakad nalang muna kami sa pampang hanggang hindi na namin sila tanaw.




"Let's just surf Ali, teach me" pagpapakalma ko sakanya.




Napabuntong hininga nalang siya at ngumiti saakin "Wait here, I'll get the boards. I'll make sure to really stay by your side now" sabi niya bago umalis.




Ilang oras na ang lumipas after namin maglunch sa isang nearby cafe at nagstart magsurf.




"Anna! tara na that's it for today, mapapagod ka na niyan" tawag sakin ni Ali.



So we sat beside out surfboards and stared at the sea.



The sun is starting to set already turning the horizon into a pinkish hue.
 



"I'm sorry Anna.." malungkot na sabi ni Ali.



"He wasn't supposed to come, pinilit ko lang sila mommy, I thought nagbago na siya" dagdag niya.



"It's fine Ali, let's not destroy this vacation please.. cause so far, I'm having fun." nakangiti kong sabi sakanya. Naalala ko naman yung kamay niyang may sugat.



"Ah oo nga pala akin yung kamay mo, patingin" sabi ko.

"hmm? bakit?" nataranta niyang tanong.


"I saw it bleeding kanina, please let me see" pagpupumilit ko.



"No, it's fine namalikmata ka lang" iwas na sagot niya.

"Sam, patingin." husto ko ng sabi kaya naman napilitan siyang ipakita ito.



"Don't go crazy like that again, you can't keep hurting yourself for me." nagaalala kong sabi.



"If I have to take every bullet for you, I would and still the pain will prove to be worth it" naglalambing niyang sagot.


Tiningnan ko siya sa mata at dahan dahang lumapit.. hanggang sa ramdam na namin ang hininga ng isat isa...


Tuluyan nang tinanggal ni Ali ang pagitan ng mga labi namin..




It was a short sweet kiss, but it was enough to seal the day and calm my uneasy mind.

.
"I love you Sophia.." she whispered habang magkadikit ang mga noo namin.


"I love you too Sam.."

~~~~~~~

uwu :>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top