Chapter VI


Dahil wala pa naman kaming balak
puntahan para sa bakasyon. Taong bahay muna ako. Nagbasa muna ako saglit ng libro tsaka ko chineck yung social media accounts ko.

@alithegreat tagged you in a post

"@sophiathefirst I talked to your
dad go pick up a white dress... charot just pack up your things, Batangas is waiting for us, be there in 30"

"What?!" napabalikwas ako saaking pagkakahiga. Bakit walang pasabi yun? Hindi man lang ako sinabihan nila Papa.


Nagayos na ako nakakahiya naman kung madatnan niya akong naka'pantulog pa.



"Ate Hannah andito na si ate Ali!" narinig kong sigaw ng kapatid kong si Hazel.



"Hey you ready to ride?" nakakagulat na sabi ni Ali.



"Ay anak ng butiki!" gulat ko. Bigla naman kasing pasok e.



She chuckled. Luh ang cute lang niya.




"Sabi mo 30 minutes pa hindi pa manlang ako nakapagpalit" pagtatampo ko.




"Ha? wala naman akong sinabing minutes, ikaw lang nagisip niyan, seconds kase yon" pangangatwiran niya habang nakangiti.




"Magbihis ka na nga, don't worry hindi ako sisilip... unless" pangaasar niya.



"Ay wag po bata pa po ako" pagiinarte ko. Napatawa nalang kami sa kalokohan namin.



Natapos na akong magayos ng gamit at saka nakapagpaalam na rin ako sa magulang ko.



Shocks. Sasakyan. Baka scented yung sasakyan niya nakakahiya baka magsuka ako.



"Okay ka lang? Sakay ka na." napansin niyang hindi pa ako sumasakay.


"E kasi baka ayoko yung amoy tsaka baka masuka ako nakakahiya madumihan ko pa sasakyan mo" nahihiyang sabi ko.


"Don't worry I changed it already. Lavander na yung scent." Nginitian niya ako for assurance.



"May gamot din diyan sa compartment and here's my tumbler" Dugtong niya habang nagseseatbelt.



"Uh.. thank you" ngiting sabi ko.



Nagsimula na rin kaming magbyahe papuntang Batangas. 5 hours ride din yung byahe kaya nakinig muna kami sa mga kanta ng BTS.


Sinabayan namin yung kanta. After 2 hours nag'stop over muna kami to eat and rest.



"You really planned this huh." sabi ko pagkaupo namin sa table.



"Yeah. Alam kong magfefreakout ka kapag alam mo" Well totoo naman. Tinuloy nalang din namin yung pagtapos sa kinakain namin saka bumalik ulit sa byahe.


Nakatulog ako sa byahe naramdaman ko nalang na papasok na kami sa driveway ng isang malaking bahay. It's enormous, white walls with wooden doors and windows.



"Anna?"malambing na paggising sakin ni Ali."Tara na ba? or dito ka nalang sa kotse magbakasyon?" pangaasar niya. Aba porket nilibre ako ng Batangas ha.


"Sainyo to?" tanong ko kay Ali.


"It's my Lolo's. It's the first time we went here again after he died 4 years ago" sagot niya habang ibinababa ang mga bagahe sa likod ng kotse.



Ahh mayaman. Pero..



"We??, what do you mean we?" pagtataka ko.


She sighed and smirked at me.



"Look, hindi ko sinabi sayo cause there's a chance na baka magback out ka, but yes my family is in there waiting for you" Ay apu ano ba tong pinasok ko. Iswimming ko na ba to pabalik? Hindi naman ako prepared enebe.




Nagulat ako when I felt hands around my waist. "Just smile, I'm sure they'll love you. Pero wag masyado ha baka mafall yung mga pinsan ko sayo." bulong ni Ali habang nakangiti.


This is it pansit. We entered the front door and I was left in awe with this house, Spanish style house yung dating.

Just in front of me is the guest area complete with comfortable sofas, huge television and even bigger speakers.

Adjacent to it is the dining room, God this is heaven, straight from a home design magazine, the dining table is made of wooden plank, jusko kasya ata buong klase namin dito.

I lost track of my thoughts when I heard Ali started to climb up the staircase. "You might want to change first, nasa taas yung kwarto, halika na" sabi niya.


Pagakyat namin napansin ko agad yung piano sa corner ng end nung stairs, it looks old but aesthetic.

"Lolo loved that piano, yan lang ata dahilan niya dati kung bat pabalik balik siya dito" nakangiting pagpapaliwanag ni Ali.


"Why don't you play some pieces for him?" pagaaya ko sakanya.


Magsasalita na si Ali nang.. "Aliya iha is that you?" masayang bati ng magandang babae coming up the stairs. She must be her mom, she got her hair color.


"Yes mom, andito na si Sophia" agad naman akong pumirmi sa kinatatayuan na parang hindi na makahinga sa kaba.


"Ohhh hi there sweetie, finally huh? I kept bugging Sam here to let us see you na e sa wakas naman." pagbati niya sakin nang may kasamang yakap.



"Uhm.. hello po tita goodevening po" nahihiyang balik ko.



"Nako wag kang mahihiya, feel at home wala ka namang hiya e."....



What?...



"Jokeee!! mga kabataan talaga ngayon hindi naiintindihan ang humor namin hayy hahaha by the way bumaba na kayo asap Sam's dad has been waiting to meet you, and he doesn't like waiting hmm" bumaba na si tita at naiwan akong hiyang hiya sa nangyari.



"Huy Anna" pinisil ni Ali ang pisngi ko. "Hahaha mukhang nahuli ka ni mommy dun ah, ganun lang talaga yun" pagpapakalma niya.



Nakahinga na ako ng malalim at natawa sa sarili habang dumeretso na kami sa kwarto ni Ali.


Pagpasok palang halatang kay Ali na agad tong kwartong to, located sa dulo part ng second floor.



The room is clean, slick, it's calming with warm blue and gray tones here and there. Ang napansin ko lang is that may mga nakastack na boxes sa gilid ng flat screen tv, grabe mas malaki pa sakin yung tv sa kwarto niya.



Nilapitan ko ito at nakitang may isang box na nakabukas, sinilip ko ang laman at nakita ko na puro ito game consoles together with CDs ng kung ano anong laro.



"Mahilig ka sa video games?" tanong ko kay Ali na abalang nag hahang ng mga damit sa closet.





"Anong mahilig? wala yang ibang kinabubuhay kundi video games" napatingin ako agad sa pinaggalingan ng boses.



"Hi Sophia, I'm Jaxtin, Sam's BEST cousin" dugtong niya. Nakatopless siya, only wearing his blue beach trunk shorts. Basa pa ito halatang kakaahon lang sa tubig may towel pa around his neck.



"Oh hi" inabot ko yung kamay ko pero bigla niya akong niyakap which left me in shock.



"Come on, I don't do shake hands we're family right? " nakangising sagot nito. Wow. Just wow.



"Don't you worry, pag dumating yung araw na saktan ka ng pinsan ko, I'll come to your defense. I had a bet with Kyle naman that our little princess here will break more hearts than us" sabi niya sabay kindat.



"Really kuya..." sabat naman ni Ali.



"Ay aba oo nga pala ang prinsesa namin may sarili nang prinsesa.. hahaha di na ako mangiistorbo" sabi nito bago tuluyang umalis. Napangisi naman si Ali.



Angbilis talaga ng mga pangyayari dito.



"So siya pala si Kuya Jaxtin, ang pilyo mong pinsan, sino naman si Kyle?" tanong ko kay Ali.



"Kapatid ni kuya yun, he's a little bit awkward so don't expect he'll talk to you first" paalala ni Ali.


Bumaba na rin kami at dumeretso sa patio to meet her other family members. I can say na they're a family of good looks. Their genes don't lie myghad palahi naman na agad Ali.


Ali's mom or should I call tita..ih enebe kenekeleg eke. Well, she hugged me again happily and took me to see Ali's dad.



Nataranta naman ako at pilit hinila ang kamay ni Ali ngunit inalis niya ang pagkahawak dito at nginitian ako.



"Kaya mo yan" bulong niya at sumenyas na ngumit lang ako.

Jusko lupa lamunin mo na ako. As we neared her dad, I can finally see him in the flesh, he looks just like Ali; a male version of her. Now I know who she got that cold look from. Nagsimula na akong magdasal sa lahat ng santong kilala ko.


"Dad andito na si Sophia oh" pagpapakilala sakin ni tita


"Hi mommy kanina pa kita hinahanap ah" paglalambing naman ni tito sakanya. Hindi nga nagbibiro si Ali nung sinabi niyang her parents have the sweetest bond.


"Oh hi iha mabuti nakasama ka" sabi ni tito.

"Ah-.. e opo tito thank you po sa paginvite" angbobo mo Sophia ayusin mo nga sinasabi mo, invite?! birthdat party?!


"I mean thank you po sa pagtanggap" shet Sophia Hannah Fajardo baka isipin niyang assuming ka na tanggap ka na sa pamilya. Lord kunin niyo na po ako.


Natawa naman silang magasawa nang napansin ang pagkataranta ko.


"Calm down iha, we don't eat people. Have fun with the family okay?" sabi ni tito na talaga namang nakapagpakalma sakin dahil hindi niya naisip na ipatapon na ako sa dagat dahil sa katangahan ko.


"Opo tito, tita thank you po ulit" pagbati ko bago tuluyang bumalik sa pinaroroonan ni Ali.


"How'd that go?" tanong ni Ali.




"I'm just glad nakabalik akong buhay sayo" sagot ko.

She just smiled and patted my back.




"It's been a long day for you, take a shower, I'll cook you dinner." utos niya sakin at hinalikan ako sa noo.


~~~~~~~

uwu :>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top