Chapter V


Dahil tapus na ang exams and recognition looking forward na ako for summer vacation.


Nakita kong nakaupo sina Ali sa Rocco Park, malapit sa building namin. Nilapitan ko sila pero hindi ata nila namalayan yung pagdating ko.


"Excuse po ma'am open minded po ba kayo for business?" Pangiistorbo ko sa ginagawa nila. Bakit ba kasi busy tong mga 'to?


"Sophia kung mangugulo ka mamaya nalang" inis naman kaagad tong si Bri.


"So ano balak niyo for summer?" Binalewala ko nalang pagtataray ni Bri sanay na ako.


"Overnight kaya tayo? Kina Ella" suggest ni Bri.


"Sure ako na sa foods and chips" sabi naman ni Ali.


"Ako na rin sa drinks" dagdag pa ni Bri.


"Ako na sa bahay" sarcastic na sagot ni Ella.


"Ako na sa tsaa" Napalingon sila sakin na halatang naiinis na bukod kay Ali na'gets na ata sinabi ko.


"Hindi ka makausap ng matino e no?" sambit ni Ella. Duh ba't di nila gets yun?


"Spill-the-tea guys yun kasi yung joke kaso slow kayo" Pagpapaliwanag ko kaso ayun nabatukan ako. Hirap naman maging havey.




"Finally tapus na yung clearance natin and last day of school na! So sleepover latur guys!" Ang sakit sa tenga ng boses ni Ella. Oo nga pala mamaya na yung sleepover. Ready na ba akong sabihin sa kanila? Bahala na si Robinhood, para maiba naman baka dami pang gagawin si Batman e.



Nilapitan ko si Ali napansin kong parang ang lalim ng iniisip."Ali okay lang ba talaga sayo na sabihin na natin mamaya?" pagaalalang tanong ko.


She smiled. That smile and those hazel eyes never failed to calm me down.


"Of course. Kaibigan natil sila they deserve to know. There's nothing to hide" Bakit kapag sinabi na niya okay na lahat? or am i just inlove? geez.


"Thank you Ali." she then kissed me sa noo and smiled.



Ever since nagkakilala kami ni Ali mas naging madali sakin ang bawat araw. May napagsasabihan ako. May karamay ako. She always made me feel that I matter, that I was needed and enough.


Nauna nang naglakad sina Bri kaya hindi narin nila kami napansin.


"Una na ako sasakay guys, antayin ko nalang kayo sa bahay, wag nang babagal bagal ha excited na ako!" paalam ni Ella.


"Oo na sige umalis ka na, ingat!" sagot ni Bri.



"Punta na rin ako sa parkingan namin guys, una na ako sainyo" pagpapaalam din ni Bri.


"Ingat ka rin" sabi naming dalawa ni Ali.



Nagsimula na kaming maglakad ni Ali papunta sa parkingan ng tricycle samin. Araw-araw na rin namin tong gawain hindi lang namin pinapahalata kila Ella para hindi sila magtaka lalo.



"You know what?" pagbasag sa katahimikan ni Ali kaya naman napalingon ako agad sakanya.



"I never really thought this out, I just kind of went with how things flew between us. Have you never asked for my help that day, maybe I'd still be just watching you from afar." Nakatingin parin siya sa dinadaanan namin pero alam ko na para sakin yung sinasabi niya.



Pero ano daw? watching me from afar?..



"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko.


"Yes Anna, I liked you even before you noticed me." Totoo?! Ang haba naman ng hair ko.


Nahalata kong nahihiya na siya sa sinasabi niya. Hindi kasi siya sanay na ang vocal about sa feelings niya e.



"I didn't thought of it as something more than wanting to be friends with you since babae ka rin, but I said to myself if hindi ko mafigure out yung talagang nararamdaman ko sayo then maybe it's too big, or too deep, or just enough to exceed the thin line between friendship and love." Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Hindi ko alam kung iiyak na ba ako o tatalon sa tuwa.


Hindi na siya makatingin sakin and she's starting to have deep breathes and kept scrunching her nose. Nahihiya na siya naramdaman ko yon. Kaya hinawakan ko ang kamay niya. To make her feel comfortable.


"So to have you now, to hold you, to kiss you and to have your smile, I guess I figured it out already, everything I didn't before."She stopped walking at tinignan ako sa mga mata. I'm starting to feel the tears na gustong sumabog.


"I love you Anna and if coming out to our friends will test our commitment then I'm willing to risk it, I trust what we have now" Handa rin ako Ali. Para sa atin. Para sayo.



"Pa thank you sa paghatid, magtetext po ako ingat po kayo" hinalikan ko sa pisngi si papa bago bumaba sa tricycle namin.



"Late ka nanaman! sinabing wag babagal bagal e" sigaw ni Ella sa likod ng gate ng bahay nila.



"Sorry na pinaglinis pa ako no saka inalagaan ko pa mga kapatid ko bago ako pinayagang umalis" pangangatwiran ko.



"Ok fine, let's just have fun tonight. Kanina pa namin inaantay yung spill-the-tea mo" Naglakad na kami papasok sa bahay nila.



Angcreepy talaga ng bahay nila Ella, anglaki kasi tapos siya lang ang naiiwan madalas, si tita kasi nasa kabilang bahay nila, don kasi yung tindahan na kailangan niyang bantayan.



"Oh Sophia dala mo ba yung cards?!" bungad sakin ni Bri pagpasok namin ng bahay.


"Oo, pero saan muna si Ali?" agad ko namang napansin.


"Nasa taas, sa master's nagaayos ng pagkain, pakiakyat na rin yung mga bean bags na nasa den" utos ni Ella.


Agad ko iyong sinunod at umakyat na kung nasan si Ali. Nadatnan ko siyang nilalatag yung mat at nakatalikod sa pintuan.


I hugged her from behind at sa gulat niya muntik niyang nabitawan yung hawak niyang mat.



"Don't worry nasa baba sila" bulong ko.


"I wasn't worried, aamin na rin naman tayo diba, I just didn't expect anyone na bigla akong ihuhug sa likod" sagot niya.


Narinig na namin yung footsteps nila Bri, buti nalang wooden yung sahig from stairs to second floor di katulad ng sa first puro tiles.



"Hoy ano nang pinaggagagawa niyo jan bat di pa maayos yung mga gamit!?" bulyaw ni Ella.


"Start na natin yung game?" pagaaya ni Bri.



"Ha! talo ka nanaman!" pangaasar ni Bri sabay paglagay ng pulbo sa mukha ni Ella, "ikaw pa yung excited ha"


"Iba na nga lang madaya naman kayo e palagi nalang ako talo, go fish nalang tayo or bluff game" nagtatampong sabi ni Ella.


"Nalaro na natin lahat yan e, anong oras na rin, oras na para sa spill-the-tea mo Sophia!" pagpupumilit ni Bri.


Huminga ako ng malalim at tumingin kay Ali... "Sige ako na unang magtatanong" sabi ni Ella.



"Kayo na ba?" dugtong niya.



"Ha?" gulat na sagot ni Ali



"Hatdog" pangasar ni Bri. Inirapan lang siya ni Ella.



"Seryoso nga, Sophia, Sam.. kayo na ba?" nakatingin saamin si Ella habang binabanggit ito.


"Ata?"
"Yes" sabay naming sagot ni Ali.



"tayo na?!" gulat na tanong ko sakanya.


"Magaaksaya pa ba ako ng pagkakataon, I've waited long enough, so yes Ella, Bri..kami na." madiing sagot niya.


Natahimik kaming lahat.




"Wow iba ka 'day paklaban! #SPEED!!" amazed na sabi ni Ella.



"Didn't see that coming huh, pero te haba ng hair mo te, nagrejoice ka ba gurl?" pakantang sabi ni Bri kahit sintunado naman.



Well I guess this is it...kami na.

~~~~~~~

uwu:>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top