Chapter LXVI


I heard a groan behind me habang nakatitig lang sa kurtina na hinahangin ng dahan dahan.





"Hmmm.. ha?! anong oras na!" malakas na sigaw ni Keily kaya nagtalukbong nalang ako ng mukha.






"Huy shet alas-dyes na gurl!" naramdaman kong palapit siya sakin bago pinalo yung unan na nasa mukha ko.






"Aray naman" I softly reacted.






"Tumayo ka na kaya, tanghali na" sagot niya.





"Parang di ka naman nasanay simula ata pagdating natin dito lagi ka nalang napapabaligwas paggising"



"Aba ang grumpy angaga aga"




Tinanggal ko yung unan sa mukha ko and looked at her with a frown.




"Akala ko ba tanghali na, ewan ko sayo" binalik ko ulit sa mukha ko yung pagkalambot lambot na unan.



It wasn't for my comfort, I just really needed the safe space of darkness to freely think about what happened kaninang madaling araw. Parang mas okay kung panaginip nalang yun e.




"Alam mo ewan ko na rin sayo, akala ko ba magswiswimming tayo hmp"




"Di na daw tuloy" I answered.



"What? bakit? ano yun natuyo yung dagat? I deserve an explanation, antagal ko na tong inantay my god"



"Because" I shortly said.


"Because what?"



"Because because" I laughed.



"Ampu-"



"Oh gigising pa pala kayo, nagabala pa kayo" di pa natatapos ni Keily yung sasabihin niya when Ella opened the door and walked into the room.



I closed my eyes under the pillow while listening to them.




"Els bat di daw tuloy swimming? huhu ready na ako e, nakasampay na nga yung bathing suit ko sa cr" Keily whined.




"Gaga may biglaang business call kasi si Sam kaninang umaga ayun umalis muna importante daw e, pero sakanya nakapangalan yung reservation sa beach side"





"Ha? e ano naman ngayon, edi sabihin natin we're friends" sagot ni Keily.




"Sige basta ikaw magbayad"




"Awit naman, edi wag"



"Si Justice nalang daw bahala satin, manlilibre ata ng lunch" bumukas agad yung mga mata ko ng walang pakundangan.




"Kaya go lang Keily, wala namang pumipigil sayong suutin yung red mong two-piece sa kainan" Ella giggled before walking out the room.




"Hmp, atleast libre" I heard Keily said bago pumuntang banyo.




"Soph pakihabol naman sakin tuwalya ko naiihi na ako!" sabay sigaw after the bathroom door closed. A groan is all I can answer back.





"Sophiaa" maarteng pasok ni Bri sa kwarto. Di ko binaling ang tingin ko sakanya habang hinahanap ko kung saan yung tuwalya ni Keily.



"Hoy Fajardo, pansinin mo nga ako" dagdag niya bago umupo sa kama ni Keily.




"Apaka burara naman kasi Keily!" sigaw ko dahil hindi ko parin mahanap kung nasan yung tuwalya niya.




"Ha?! bakit?anong ginawa ko?" rinig kong sigaw niya pasagot galing banyo.



"San ba nakalagay yung tuwalya mo?!" tanong ko.



"Ha? ay wait, andito na pala!" dagdag niya, I threw my hands in the air and sighed.




"Bat ang bruhilda mo naman ang aga aga" singit na tanong ni Bri.




"Tanghali na" I murmured bago sumampa sa kama at dumapa, I smelled the sheets and tried to release some tension. I know how Bri's senses are like that of a cat's.




"Oh tanghali na pala bat hihilata ka nanaman?" she fired back. I just kept my eyes closed.





"So san ka naman galing kagabi?" she spoke after a second of silence, bigla naman akong napalingon sakanya with wide eyes.



"Sinasabi ko na nga ba e" she instantly said.




"Ah- wala pa akong sinasagot!" I defended.




"Sapat na yang mukha mo" she rolled her eyes.




"Kasi naman dinatnan ako kagabi maghahanap sana ako ng pads sa bag ni Ella kaso nakalock para namang magnanakaw mga kasama niya.. and hindi ko naman pwedeng gisingin yon ayoko pang mamatay" she looked at me.




"So pumunta ako dito, and to no surprise wala ka sa kama mo.. hmm sus" she crossed her arms.




"Anong sus dun? di ba pwedeng uminom lang ako sa baba?" sagot ko.




"Pwede naman, pero kasi medyo matagal din akong nagantay, baka iba na ang ininom" she raised a brow.




"Gago ka ba?- e saan ka den nakakuha ng pads?" I changed the subject at pakiramdam ko di ko na kakayanin yung confrontation.





"Ako? jan lang sa bag mo, e ikaw? san ka nakakuha ng maiinom?" she asked with the hint of curiosity and sarcasm.




"Edi sa ref" I turned my face away from her. Bakit ba laging alam nito mga nangyayari sa mundo, ang epal.



"Oh talaga? sarap?"



"Ano?.. oo" sagot ko bago ngumiti.




"Tanga seryoso?!" balik niya mukhang nagulat. Gusto pala niya ng ganito edi sakyan ko nalang.




"Oo masarap Bri, sarap ng hagod sa lalamunan kong tuyo.." I closed my eyes at hinawakan yung leeg ko.




"Lalo na kung may ice sana" I returned to my serious face.



"Tangina mo, panira ka ng umaga"



"Once again, tanghali na" I plopped my head back down sa pillow.




"Oo tanghali na di ka pa nagtoothbrush dugyot ka kasi" pang asar niya bago humiga sa kama ni Keily.



"But it was just a kiss" I spoke after minutes of contemplating whether I needed to get this out my system o kailangan ko lang ng isang bote ng vodka.



"I know" Bri shortly answered.



"What?"



"Inexpect ko na, pero bakit kiss lang?"




"Ang laki mo talagang judger" I teased her. Kahit naman anong i open ko sa babaeng to kalmado lang siya, kahit siguro sabihin kong nakausap ko si satanas isnoban lang ako nito.




"Di naman sa kinukunsinti kita-"




"Yeah yeah, I know. It was a big mistake" I cut her off.




"Mistake na gusto mong ulit ulitin" wow. That wasn't even a question, she just knew.




"Shut up" I groaned. I don't know what to feel towards Justice at this point, Ali and I were both wrong with what we just committed. Pakiramdam ko angdumi ko namang babae to betray my fellow woman.




Alam ko rin naman na hindi ko pwedeng sabihin sakanya, I already ruined a part of them, ayoko namang itulot tuloy.




"Natatapos ba maligo yang si Keily?" singit ni Bri.



"Hinde"




"Saan na den ako maliligo, nasa banyo namin si Ella, mga two years na siya don" reklamo niya.



"Dun sa banyo nila Ali" sagot ko.



"Tanga nakakahiya"



"Wala ka namang hiya" I answered back.



"Gago hatid mo den ako" she requested.




"Bobo nito, anak ba kita ghourl?" I whined pero hinila na niya ako patayo papunta sa kwarto nila ni Ella.




"Oo halika na mommy paliguan mo ako" she teased.




"Kuha lang ako damit wait ka jan" iniwan niya ako sa pinto nang nakasandal.



"Pano kung ayaw ko?" I sleepily said.




"Sinabi ko bang may choice ka?" she continued rummaging in her bag to fetch out clothes.




"Katok ka muna" utos niya sakin habang nakatayo kami sa harap ng pinto nila Ali.



"Bakit ako? di naman ako yung makikiligo" tanong ko.



"Kasi gusto ko" aba gago to ah.




"Ano? kung ikaw kaya ihampas ko pang katok?"




"Sige naaa" she took my hand and used it para kumatok sa pinto"




"Puta ka talaga-" I pulled my hand away with force.









Mga ilang segundo na kaming nakatayo pero walang sumasagot.


"Hoy parang may mali.." sambit ni Bri.



"Ano naman?" I asked.



"Baka may killer sa loob-"



"Ano?!" I bumped her shoulder.



"Nasosobrahan ka na sa kakapanood Brielle" sagot ko.



"E open mo den, oh matapang ka diba" she crossed her arms.




Nasasaktan naman pride ko dito, I held the knob and turned it slowly. Sumilip ako pero wala namang tao kaya tuluyan ko nang binuksan.



"Justice?" I spoke to announce our presence pero walang sumasagot.




"Oh wala naman palang tao maligo ka na" sabi ko kay Bri.




"Ay buti naman" sagot niya bago dumeretso sa banyo hawak yung mga gamit niya.




"By the way, pakisabi pala kay Ella pasama sa pagplantsa yung blouse ko-"






"Ahhhh!!! waitt!" agad akong napalingon at napasigaw rin.





"Ay sheeet!!" sigaw rin ni Bri.





"Bakit!!?" I screamed back. Nagulat ako to see the bathroom door open with Justice struggling to cover herself gamit yung towel niya.





Mukhang naglue si Bri sa kinatatayuan niya kaya agad akong tumakbo para iclose yung door.





"Hala sorry Justice!" I shouted pagkasara ko ng pinto.




"Angtanga mo talaga" I whispered kay Bri.




"Hindi ko naman alam ikaw nagsabi na walang tao-"








"Ano yun?! bakit? anong nangyari Sophia?" biglang pasok ni Ella habang naka bathrobe pa at naka towel yung buhok.





"Siya talaga? ako nga mas malakas sigaw e" Bri exclaimed.





"Jusko Brielle pag si Sophia sumigaw emergency pag ikaw trip mo lang" sagot ni Ella.






"E ito kasi binuksan niya yung pinto nasa loob si Justice-"





"Tol hindi ko nga alam ano ba- Justice sorry talaga!" singit ni Bri.





"Alam niyo angaga aga nambubulabog kayo mga hmmm" gigil na lapit ni Ella sakin bago kami hinila pabalik ng kwarto nila.





"Sino kasi nagsabing pumasok kayo dun?!" bungad niya agad matapos kaming paupuin sa kama.




"Si Soph" agad na sagot ni Bri.



"Hoy!" angal ko.




"Hi guysss! bakit naman may chika minute nang wala akooo-" biglang pasok ni Keily with the same get up as Ella, basa basa pa ng konti.





"Tumahimik ka jan"





"What? lah Els why so galit naman sakin? ako nga dapat magalit hindi ako join here, what's the tea I missed?" Keily excitedly asked.





"Si Justice nakahubad" aba gago Brielle.





"Amputang-" pitik ni Ella sa noo ni Bri.




"Aray, totoo naman e" reklamo niya.





"Omg what? paano? with who? we have to tell Sam!" ano daw? gago ba tong si Keily.





"Magisa" maikling sagot nanaman ni Bri kaya nabatukan na siya ni Ella.





"Ha?!magisa?"Keily asked confused.






Napapikit nalang kami ni Ella sa hiya at inis sa dalawang to, anglaswa magusap parang mga tanga.







"Ako na magsosorry" as always, Ella saves the day. Tuluyan na siyang nagbihis bago lumabas ng kwarto guessing pupunta na kay Justice.





"Ikaw kasi" ganti ko kay Bri.




"Sabi mo walang tao" sagot niya.





"Sa kwarto wala, di ko naman sinabing pati sa banyo" depensa ko.







"Ahhhhh so nakahubad...sa banyooo" Keily spoke finally understanding the context.






"Dumi kasi ng isip mo yawa ka" sagot ko sakanya.





"Pero teh angsexy parang wala kang laban" biglang asar ni Bri.





"Alam mo gago ka" I rolled my eyes.





"Ay affected yiii" dagdag na asar ni Keily.





"E kung tamaan kayo sakin" I warned.






"Luh okay lang yan nahalikan mo naman na ulit si Sa-" I quickly grabbed Bri's mouth at tinumba siya sa kama bago pa magpakawala ng kababalaghan.






"What?! anong nahalikan? sino? hala huy ano yun?!" curious na tanong ni Keily.





"Wala, tatanga tanga lang tong si Bri gusto atang makatikim" I eyed her.





"Wait- di na sasabihin!" laban ni Bri under my hold. Dahan dahan ko siyang binitawan at hinayaang umupo.






"Kiniss ni Sophia si Sam" she ran palabas bago ko pa narealize yung sinabi niya.





"Oh my God!" arteng sigaw ni Keily. Di ko na siya pinansin, dumeretso na ako palabas para habulin si Bri when I bumped into Ella sa door.





"Ano nanaman!?" she irritatedly asked.






I sighed. Every body loves a chaotic morning.. I sarcastically thought. Ay, tanghali na pala.









"Sorry talaga kanina Justice ah, to kasing si Bri walang isip" minata ni Ella si Bri while apologising to Justice who's driving.




"It's all good, lahat naman tayo may ganun" she joked.





"Ay hehe pero angsexy mo ah" I face-palmed when Bri tried to compliment her to ease the atmosphere.





"Ay angsipsip" singit ni Ella.






"Oo nga, don't make libre her na nga Justice" dagdag ni Keily.





"Huy wala namang ganyanan" labag ni Bri. Tumawa si Justice.





"Hayaan niyo na, siya nalang ipapangbayad ko" she joked back. Well, magkakasundo kami dun, I just smiled at them.





We ate lunch at a simple, classic diner serving traditional greek cuisine. Medyo naignorante lang naman kami, but Justice knew what to do, and so far, we do be getting along as a group.





"Bakit naman parang antahimik mo today Keil" tanong ni Ella sa pagkainan.





"Pano wala kasi bebe niya" sagot ni Bri habang inaabot yung ketchup.





"Hoy hindi naman, di lang natuloy yung swimming.. hng pero pwede na din" she made a pouting face.






"Luh kadiri" Bri disgustedly joked.





"E mas kadiri naman magketchup jan sa pagkain mo" nagsagutan sila.





"Aba mali ka nang pinupunto, masarap ang ketchup sa lahat" depensa ni Bri.




"Bri.. hindi sa shawarma" sabat ni Ella.





"Anong shawarma?tanga, gyro nga daw gyro" sali ko sa rambulan.





Tiningnan ko si Justice na tumatawa lang sa usapan namin.





"Oh edi gyro na den, bat naman ako tanga magkamuka naman sila"




"Oo nga for sure magpinsan sila so same same lang" pagtanggol ni Bri.





"Hoy tinutulungan na nga kita kakampihan mo pa si Ella" asar na sagot ko kay Bri, we heard Justice laugh louder.





"Now I know why Sam really gets along with you Brielle, yan din sinabi niya the first time we ate here" she giggled.





"Oh tingnan niyo si Sam na nagsabi, family is family, shawarma yan dumadaloy sa dugo niyan ang pagiging shawarma" dagdag na depensa ni Ella sa sariling katangahan.





"Hatdog wala nakong masabi" I joked which made the table laugh.





"Oo hotdog rin masarap sa ketchup" Bri pointed.





"Oo na ms. ketchup, kunin ka na sana ng Del Monte na ambassador" I teased her.





"Ay feel ko ayaw nila kasi mas mukha lang siyang bote ng ketchup" asar pa ni Ella.




"Omg guys funny, angsakit na ng tiyan ko" maarteng singit ni Keily.




"Di ka kasi nagkeketchup" nakuha nanamang isingit ni Bri yung holy ketchup niya.





"Bastos, tawa lang talaga ako ng tawa sainyo"





"Kahit naman magisa ka" I intruded.





"Hahaha good idea palang kumain tayo sa labas ngayon, you all deserve a laughing break" Justice spoke still smiling.







"Anyway, I need your help later. I really planned na gagawin ko to magisa pero hindi ko rin kasi talaga alam paano" pagkuha ni Justice ng atensyon namin after our meal.




"Ha? para saan ba?" Ella asked.



"Well, I'll be leaving for New York tomorrow kasi one week lang talaga yung kinaya kong i-leave sa work and I want to treat you guys to a drink"




"Did I hear inuman?" biglang singit ni Bri.





"Oo gago pag libre talaga may special senses ka e" I cut her.





"Hmm yes, inuman sana but I-ah, hindi ko kasi alam kung anong gusto niyo"




"Omg anything will do" Keily answered.





"Oo kahit bote lang kay Keily, basta may pulutan yan" sabat ni Bri.





"Huy no naman, I can do vodka nga e"





"Ah so vodka is your drink?" Justice asked. Natawa nalang kami.




"Oo kung may 10 ml sana" Bri joked.




"Angsama niyo, dare me ha, gagalingan ko talaga" mahinhin na sagot ni Keily.




"I mean, I know Sam doesn't drink beer, but what about you guys?"




"Honestly di naman talaga kami palainom" sagot ni Ella.





"Ay santu-santuhan ang gaga, wag kang maniwala jan Justice, sadyang hindi niya lang alam na umiinom pala kami kasi kalahati parang ng session tulog na yan"





"Kaya nga sinungalin ka idadamay mo pa kami" I added sa reklamo ni Bri.





"Wow pag inuman ang energatic natin ahhh, pinapahiya natin sarili natin ah" Ella looked at us with wide eyes.




"Hahaha hindi naman Ella, I really want to try drinking with you guys, masaya kayo kasama sa mga kwento niyo paano pa kaya pag lasing na" Justice intervened.




"Di ka pa ba nakasama uminom like walwalan?" I asked her.



Umiling siya habang natatawa.



"Gurl baka itakwil mo kami"




"Oo nga lumalabas pa naman mga sikretong malupet pag lasing" Bri added.




"I'd listen, gusto ko kayong makilala" Justice answered.




"Sure ka jan? maduduming tao kausap mo" Ella said laughing.




"Hoy pahamak, hinde Justice, you're in good hands naman" singit ko.



"Wow good hands, feeling ka bad influence ka kaya" angal ni Bri.




"Aba nagsalita ang nakatumbler ng san mig sa cabinet hayup ka" shempre papatalo ba ako.




"Hoy wait! di pa inuman binubunyag mo na ako suntukan nalang oh" hamon ni Bri akmang babatuhin ako ng tissue.







We laughed off the whole lunch session, now we're walking in aisles looking for drinks na hindi naman namin alam kasi mukhang mga mamahalin.




"Guys I feel like ano nalang this one nalang kasi pink" turo ni Keily sa bote.




"Naalala mo sana nangyari satin sa the bar pink gin okay ka lang?" suway ni Ella.




"Wag papalinlang sa kulay baka ikamatay" I joked.




"Sige ito den mukhang tubig safe tayo jan" sabay abot ni Bri sa bote ng Absolut Vodka.




"Huy kakahiya baka mahal" suway ulit ni Ella.





"Oh may tatlo pang ibang flavor niya baka mas mura" turo ko.




"Please don't worry about the price, minsan ko palang naman kayo maiitreat" singit ni Justice na naglalakad lang kasama namin.




"Oh don't worry daw kunin na natin lahat to" isa isang kuha ni Bri at lagay sa cart, walang hiya talaga.




"Okay edi kunin ko na rin yung pink cute kasi e, Justice okay lang? hihi" pacute ni Keily.




"Huwag niyo nang ipaalam saakin, just go, you're actually helping me out" Justice smiled.




"Oh and anong gusto niyong pulutan?" dagdag niyang tanong.





"Ay shet buti natanong mo, jan kami talaga mahilig" walang alinlangang sagot ni Bri.





"Alam mo ikaw nakakahiya ka" binatukan siya ni Ella. "





"Can anyone come with me, para sabay na" Justice requested. Sabay sabay silang tumingin sakin tatlo, lumaki ang mata ko sakanila.




"Bakit ako?" I mouthed.





"Ah si Sophia nalang magaling yan mamili" pasubo ni Ella.





"Ah.. okay lang?" Justice looked at me kaya napangiti nalang ako.





"Yeah sure, saan ba dito yung aisle ng pagkain?" hindi na ako nakaangal pa.





"Well, it's your call. Aantayin nalang namin kayo sa line mamaya Ella" she answered bago naglakad palayo, sumunod nalang ako sakanya, but not forgetting to look back at the three at murahin sila gamit yung mata ko, mga demonyo naka thumbs up pa sakin.






"Uhm anong usual go to niyo for snack sa inuman?" tanong niya.




"Ahh alam mo kahit ano e basta hindi chips, sinisukmura kasi si Ella sa chips" I answered still looking around, malaki kasi yung grocery store na pinuntahan namin kala ko sa may tinda tindahan lang kami bibili.





"Oh ganun ba? how about fruits?" I giggled.





"Ah ano kasi weird samin pag umiinom hindi kami masyadong kumakain ng pulutan, binibiro ka lang nila Bir, usually chaser lang talaga ng weaker drink"




"Ahhh well, yung mix nalang kaya?" she suggested.




"Ah oo! they're kind of fond sa mixes ever since we found out how to drink, Bri and Ali's go to is with juices, si Ella naman laging hiwalay yung beer niya and sometimes a bottle of soju, yan naman si Keily, we made sure she blacked out nung first time niya" di ko naiwasang magkwento at matawa.





"Ay sorry ah" I cut of my giggles. Ngumiti ng malaki si Justice saakin.





"You guys are so tight, I can see how no other beats your place kay Sam"





"Ah? haha" I don't know but my body reacted in an awkward way.




"I mean, it's really fun to hang with you guys. You know each other so well, it's like you never need anything else outside your cirlce" she explained.





"Siguro kasi lumaki kami nang magkakasama since high school, alam mo yun lahat ng best and worst na experiences namin pinagdaanan namin na magkakasama" I smiled at her.




"Hmm.. I kinda saw that happen" para bang hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng mahinhin niyang ngiti.





"Uhm.. why? aren't you and your friend group meeting for a party din before the wedding?" bigla kong natanong, mukha siyang nahimasmasan at napailing.




"We're all packed this season e, that's why Sam and I are still narrowing down the list of dates na pwedeng sumakto sa time ng lahat ng gusto namin iinvite" I nodded slowly and hummed.




"So? mixes nalang?" pagiba niya ng topic.



"I think so, siguro meat nalang din, Ali loves grilling, she does it almost always when we get together-" I gulped after those words exited my mouth, I feel like mali na lumalabas sakin yung pangalan ni Ali infront of Justice.




"Huy, it's fine. Don't feel so uncomfortable, Sam's your friend, I'm her wife-to-be. We can talk about everything, there's no need to feel like may mali" I didn't know if I was calmed down by that or it just added fuel to the fire in my mind surrounding the gray area of my untouched feelings for her fiancée.





"Ah-e sorry" napangiti nalang ako.








"Uyy as expected Sophia magaling mamili" bungad ni Bri samin sa linya sa cashier.



"I know right" I confidently answered.










Naglalakad na kami papuntang sasakyan when Justice excused herself to answer a phone call.




"Sam? why are you calling?" mahina kong rinig, sina Ella busy na maglagay ng pinamili sa likod ng sasakyan.




"Oh okay, are you sure?" na cucurious na ako sa pinaguusapan nito ah.




"Sure, pabalik na kami" tumingin si Justice sakin kaya binaling ko agad yung tingin ko kina Keily sa likod.





"Ah nakabalik na daw si Sam, kung gusto niyo pa daw she spoke with the beach owner na pupuntahan sana natin kanina, we can have the whole afternoon and night nalang okay lang?"




"Omg reallyyyy??" excited na sagot ni Keily.





"Ay bumabawi si Sam ah" tawang sabi ni Ella.




"Dapat lang, okay tara na naiinitan na ako" banggit ni Bri.





"Wow di palang sabihin na excited ka na" I teased her.





"Sumakay ka na den o dito ka nalang" laban niya pabalik, gago talaga.








The ride back, all I felt was anxiousness. After I ran back to the room last night, ready ba akong harapin si Ali without passing out sa kahihiyan.








Sobrang bilis the next thing I know papasok na kami ng pinto bitbit yung mga inumin at pagkain kanina.



"Magbihis na kayo Keily at Bri, ilalagay lang namin to sa ref ni Sophia" utos ni Ella bago kunin kina Keily yung bitbit nila.




"Omg sure sure" sagot ni Keily bago nauna nang lumakad papasok.





"Uy! hi Sam, andito na pala kayo" I heard her greet which made me stop in my tracks and gulped. Bri bumped me almost immediately so I had to recollect my thoughts.





"Wag halata beh" she whispered teasingly. Inisnoban ko lang siya bago siya nakalayo nang nakangiti.





"Hi Sam, hi Matt namiss ka ni Keily" sigaw niya habang umaakyat na.




Upon entering the living room before Justice and Ella, the sight of Ali greeted me. Slouched on the couch, busy in her laptop beside Matt who's talking to her, holding some papers.




She suddenly removed her dark brown blazer revealing her white dress shirt, her brows meet each other until she realized we were in the room.





"Oh, kala ko si Keily at Bri lang iistorbo samin e" agad niyang nilapag yung laptop sa table at tumayo bago kami nilapitan.





She was smiling at me, or at us and before I knew it I felt a hand on mine. I frozed looking at her who's looking in a different direction. Until binalik niya yung tingin sakin at natawa.




"Ayaw mo bang ibigay sakin yan?" she looked at the grocery bag in my hand.




"Huh?" napatingin ako sa kamay namin.





"Ay sorry!, sige sayo na- I mean sige kunin mo na.. yung ano, yung mga bitbit ko" I stumbled on my thoughts handing her the bags.




"Huy Ella, dami mong bitbit kaya di ka lumalaki" she then joked walking past me towards Ella who was behind.





Should I feel relieved that last night was nothing? that Ali is acting like it was nothing..





"Alam mo lilipad tong mga to sayo konti nalang" panlaban ni Ella.





"Grabe kakaumpisa ko lang mangasar, pikon ka lang" depensa ni Ali.





"Justice pigilan mo ako, baka maligo ng alak tong bebe mo" pagbabala si Ella bago sipain sa paa si Ali.




"Aray naman! yung alak nalang sana" reklamo niya, natawa lang si Justice.




"Jan ka na nga" nilampasan siya ni Ali bago nagkunyaring aabutin na yung bitbit nito.





"Ay sige lang Buenavista, maaano ka saken-"




"Here, I'll take it" Matt butt in reaching for the bags na nakay Ella.





"Yaan mo yan Matt di naman na talaga lalaki yan " tuwang tuwa na pangaasar pa ni Ali sa harap ni Justice.





"Halika ditong yawa ka-" tinadyakan siya ni Ella patalikod sa inis nito kaya napatawa nalang kaming tatlo.






"Halika na nga Sophia, samahan mo nalang ako sa kusina magayos baka masapak ko to sa harap ni Justice"







"Hey love" my ears did not mean to perk at the soft sound of Ali's greeting to Justice.




"Hi" she answered with the feeling of relief, in her tiniest voice but was loudly heard.





"You can wash up upstairs, I already ran warm water. Just wait for me okay?" Ali kissed her on the forehead smiling sweetly.





Nagulat nalang ako kahit fake na ubo lang yung ginawa ni Ella.





"Mapanaket?" she spoke. I rolled my eyes.






"Tanga, tinitingnan ko lang kung may naiwan pa tayong mga bitbit"





"Ahh sige sabi mo e" tinuloy tuloy ko lang yung paglipat sa ref ng mga inumin.






"Una na ako sa taas, wala pa akong naready na gagamitin" paalam ko matapos ilagay yung huling bote sa loob.






"Sure, magready ka din ng bagong mata pagpahingahin mo muna yan silaw na silaw na e" Ella sarcastically answered.





"Gago nagsabing sakanila ako nakatingin"





She gave me a raised eyebrow look.





"Well not me, but you just did." she firmly said.





"Tangina niyo talaga nila Bri, at Keily, masagasaan sana kayo mamaya ng jetski" I stomped my way upstairs.









I already reached the top of the stairs when someone called my name.




"Sophia?"





"Oh?!" I answered annoyed before facing back.






"A-ay sorry" kahihiyan talaga ako sa mundo, I felt warm blood rush over my body when I saw Ali's surprised face.






"Uhm no it's fine, you're probably not in the mood" she chuckled.





"Uhh- hindi naman, siguro gusto ko lang maligo" pagpapagaan ko sa sitwasyon.





"Oh right, I could only tell mainit yung sikat ng araw kanina e. Just right, I was about to tell you that I prepared warm water sa bathroom sa baba, Keily's taking a bath sainyo and she'll probably take up time baka magmadali ka na mamaya" she explained.






wtf, may banyo sa baba?





"Anna?" she spoke again.




"Huh?- ah ganun ba? sige bababa na ako mamaya, thank you" ngumiti ako sakanya kahit gusto ko nang lamunin ng lupa, sinabi kaya ni Justice yung nangyari kaninang umaga? bakit hindi namin naisip ni Bri na may banyo sa baba? bakit naman Lord.






"Okay.." she smiled back, bago tumango at bumaba na ulit.






Okay puta shet ano daw? what just happened? andami kong iniisip ah pero putang inang Brielle hindi sana kami napahamak kaninang umaga.






Bakit niya kaya ginawa yun? mabait si Ali pero angsweet naman, ano kayang ibigsabihin nito?





Thoughts swam around my mind as I take a bath with this glorious warm water, angsarap sa katawan ah dahil ba gawa ni Ali? ampucha ano ba namang isip yan Sophia.






Agad na akong natapos maligo baka mabungangaan ako ni Ella na late nanaman kami makaalis kahit siya naman nagpapalate.





I reached for my towel pero biglang wala akong makapa.






"Shete" I realized I forgot it sa bed. Paano na den? wala naman ako sa condo para tumakbo lang ng nakahubad pabalik ng kwarto, sa taas pa yun bakit ba naman ako pinaparusahan ng ganito.





I tried to take a peek sa labas ng banyo but saw no one. I sighed before shouting Ella's name, baka sakaling nasa may kusina parin siya na medyo malapit lang.







"Ella!!?" I paused hoping sasagot siya.







"Els!" nilabas ko ng konti yung ulo at katawan ko para tumingin sa labas, kamalasmalasang nilalang naman.








"Op?" Ali almost immediately slid infront the door after my second call, my eyes grew as I tried to stop the scream building up on my throat.


~~~~~~~

uwu :>



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top