Chapter LXI
My weeks have been mostly routinely, things are good in the hospital, I'm still trying not to get weirded out with Lance's presence here and there but all in all, nageenjoy ako sa career na pinili ko kahit nakakapagod.
Hindi ko halos namalayan na this week na yung alis namin papuntang Greece, Ella and Keily has been bombarding my phone with calls and messages though paulit ulit ko namang nasasabing I can't go shopping dahil sa trabahao ko.
Totoo naman, it's been busy as I try to make up before I take my leave, ewan ko ba san nila nahahanap oras nila yun pag night shift pagod na pagod pag shopping kahit walang tulog.
"Bitch hindi ka ba talaga sasama? like anong susuotin mo dun, lab gown?! one night won't hurtttt" I smiled as I read Keily's text, tinapos ko na muna yung lunch ko bago nagreply.
"Alam niyo kayo bad influence talaga e, out ko ng 4, midnight ko nalang gawin extra work. I'll meet you sa mall ng 6 libre niyo dinner ko mga hayop" I chuckled before putting my stethoscope around my neck and heading to work.
"Hinga po tayong malalim tay" I was checking up one of my patients na madidischarge na ngayong araw.
"Doctora salamat sa pagbabantay saakin ha" he said with a smile.
"Nako tay walang anuman ho, kahit anong kailangan ninyo malalapitan niyo po ako" I assured him as I got close to him for the three weeks he stayed here because of asthma. Naawa lang rin ako sa asawa niya, siya na mula noon ang nagbantay kaya napapadalas yung dalaw ko sakanila tuwing out ko.
"Ingat ho kayo paguwi, wag nang magkakasakit" I smiled.
"Napakabuti niyo po doctora, mabuti at naging doctor kayo" I looked at nanay with a sincere smile.
I remembered before, how someone always told me that I needed to be a doctor kasi maraming nangangailangan sakin, turns out totoo yun. I held my stethoscope and smiled at that memory.
"Soph e itong blue? ano kaya? kunin ko na kaya both?" Keily asked as she held up two bikinis.
"Ano ba yan Keil, kanina pa tayo paikot ikot kunin mo na yan in all colors para di ka maubusan" I answered.
"Ano ka ba gutom ka na noh? grumpy naman teh" singit ni Ella.
"Two hours na kaya tayong nagshoshopping, dinner na muna tayo kala niyo naman sinong mga hindi patay gutom e" paginarte ko.
"Oo na, kunin mo na kasi Keily pati ako nagugutom na sa arte nitong isang to e san ka ba tayo kakain?" tanong ni Ella.
"Oh don't tell me mcdo nanaman nako" pagbabanta niya which made us frown.
Nakaupo na kami sa restaurant habang nagchichikahan when Ella's phone beeped.
"Ay sino yan ha? girls night out may katext, okay cancelled" I joked.
"Arte niyo naman, malapit na alis natin diba, ganito talaga pag nililigawan" halos mabuga ni Keily yung iniinom niyang juice.
"Ano?!nililigawan parin? apakatigas mo naman Choi!" she commented.
"Hoy! shempre bumabawi nga e bumabawi lammoyun? shempre hinde duh sino ba satin ang single" Ella rolled her eyes.
"Aba baka gusto mong suntukan nalang!" natatawang sabi ni Keily.
"Ay bakit di ka nagrereact Sophia? may love life?"
"Ako nanaman nakita mo e" kinurot ko si Keily kaya napa aray nalang siya.
"Saka duh Ella, kay Ethan ka lang nagkaganyan noh, kala ko ba never run to what broke you before, marupok ka sis" I added which just made her roll her eyes.
"We'll see sa Greece kung sinong marupok" bawi ni Ella.
"What the?! engaged na yung tao parang tanga e" nakakainis naman mapagtripan ako nanaman e.
"Wow umaasa?! may sinabi ba kaming si Sam? jusko naman Sophia tsk tsk" dagdag pang pangasar ni Ella.
I rolled my eyes before sipping my drink, pucha naman e pinagtatawanan tuloy ako.
"Pero gurl sabi ni Bri, secret lang ha, maganda daw teh"
"Nakita na niya?" gulat na tanong ni Keily.
"Ahh ganon?" I tried to sound uninterested.
"Hindi ko alam, baka pic? pero maganda daw, sexy din at matalino" sexy din naman ako ah, at matalino. Ah! ano na tong iniisip ko.
"So nakita niya sa pic na matalino?" I asked sarcastically.
"Hinde tanga, lawyer kasi ata. Pero ramdam ko tong si Bri may tinatago e, malay ba natin kung nagmeet na sila" hmm, edi wow. I object padin, you know.. as a friend.
"Ah sinungaling?" I said.
"Alam mo di halatang bitter ka gurl, ice cream nga bilhin mo pang dessert Keil pampatanggal umay, aarte pa tong isang to bitter parin pala" Ella said with annoyance pero natatawa na.
"Hoy hindi ah, shempre we want the best para sa friend natin" I reasoned.
"At hindi siya yung best?" Keily asked.
Napalingon ako sakanya biting my lip.
"Ah, best pala" Ella fake coughed so I looked at her direction before looking away blinking away the awkwardness.
"Anyway, I want this vacation to go right. For us, for Sam and her fiance, please let's not show kung gaano tayo kawalwalera guys" Ella said.
"Hmm, it's two-week vacation, what could go wrong?" I smiled.
We went home drunk that night, a nasty decision made by the one and only Bella Choi. It's every decision she makes after all; wrong, like fucking Ethan. Puta, nililigawan stage pero may paloving loving, ayoko na maging single.
Now I'm currently sitting on my bed staring at my half-packed baggage, contemplating; left over wine on my right, and my phone on the left.
What should it be? call her and say I can't go? or call her to call off the wedding, tell her I love her still? na hindi siya nawala sa isip ko sa loob ng ilang taon, na hindi pa ako nakaka move on, na siya parin, na sana ako nalang? Ininom ko na ng deretso yung wine bago ibinaba ang baso at humiga.
"Fucking delusional Hannah" I told my self.
I dialed Keily's number instead at sinagot naman ako on the fourth ring.
"Keil" I started crying.
"Huy bakit gurl? anyare?" nagaalala niyang tanong.
"I can't pack" I answered honestly.
"Ano?! boba, hating gabi na alam mong night shift ako, I can't go there to help you Sophia, get the hell up" madiin niyang sagot.
"Oo! alam ko! I just- baka masuka ako pag nagkita kami Keily" I said.
"What? Sophia lasing ka ba?!"
"Hindi ah!" I denied.
"Gaga ka tatawagan ko na si Ella bahala ka jan"
"Hoy wag!" agad na niyang pinatay yung call, parang tanga kaya nga hindi ko tinawagan si Ella e!! ayaw kong mapagalitan.
Almost half an hour later nagring nanaman yung phone ko and the caller is none other than the beasty Choi.
"Hmm?" I picked up still lying with my tear stained face.
"Open your fucking door" napabaligwas ako sa sabi niya.
"Ha?!"
"Hatdog ka Sophia, buksan mo yung pinto ambigat ng bag ko!" nilayo ko sa tenga ko yung phone sa lakas ng boses ni Ella.
Wala na akong nagawa kundi bumaba at pagbuksan siya ng pintuan, tinulak niya na ako papasok pagkabukas at dumeretso sa loob, may dala dala pang mga maleta.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked as I dropped my phone sa kitchen top and opening the fridge to look for water.
"I invited myself for a sleep over" she answered settling down sa sofa after fixing yung dalawa niyang baggages and a hand bag.
"Ano? bukas na flight natin tanga" I said before drinking water.
"Oo nga, di ba obvious?" she pointed at her luggages with wide eyes.
I rolled my eyes at her.
"Wag mo akong ginaganyan Sophia baka gusto mong ipalaklak ko sayo pati baso ng iniinom mo" pagbabanta niya.
"Tch" was all I could say.
"By the way, Keily's coming after her shift, early out siya since 8 am ang flight, baka 3 or 4 am andito na yun" she reminded.
"So nagsama ka pa? condo mo teh?"
"Duh, for all I know you need us now more than anything. Sit" she commanded patting the space beside her.
Wala na akong nagawa kundi sumunod.
"So puta ano? libreng Greece na to iiyakan mo?" she teased facing me.
"Andami nating trinabaho para dito ha, mga nilakad na papers isipin mo, visa palang pahirapan na Sophia"
I wasn't speaking.
"Harapin mo ko Fajardo kukurutin kita"
"Alam mo napakamapanakit mo!" I answered.
"Sumagot ka kase!"
I rolled my eyes.
"Oh ano?" she threatened once more.
"Oh ano ang ano?" I screamed back. Slowly we started laughing sa kagagahan namin.
"Ayan, nabaliw na nga" she said still giggling.
"Mana sayo bhie" I laughed.
"Anu ka ba bhie, mas baliw ka" paglolokohan namin habang tumatawa at nagpapaluan.
We calmed down as our cheeks were hurting sa kakangiti.
"Oh ano na? saan na yung iniimpake mo?" she asked.
"Dun" I pointed upstairs.
"Tara, di niya kaya iiimpake niya" she stood up before pulling me with her as we headed upstairs.
I'm real thankful for my friends, especially for how Ella heals us with her secret touch. She's a social person, known by almost every one, pursued by almost every man na makakasalamuha niya, but she never made us feel different and detached.
It was already past 6 when we checked in at the airport, medyo rush na yung mga tao but we still managed to buy ourselves coffee before chilling sa boarding station.
"Omg I'm so excited guysss" natutuwang sambit ni Keily removing her glasses revealing her puffed eyes.
"Hahaha pota ikaw pa excited, ikaw walang tulog" Ella answered.
"I have over eighteen hours to sleep on the plane naman, excited lang ako makawala nang Pinas" she answered.
"E ikaw Soph? excited ka?" I was caught off guard as I was staring at the still bright sun from the large glass window.
"Ah? oo, shempre" I answered.
"Ah talaga ba?" Ella sarcastically asked.
"Oo nga bangag lang ako" I reasoned. "Chat niyo nga si Bri, anong oras siya makakarating?" I changed the topic.
"Twelve hours ata flight niya, kaninang 2 am pa flight niya so basically mauuna siya" Ella answered.
Si Ali kaya? hindi ba nasa Pilipinas rin siya? nakaalis na kaya siya? I kept my question to myself nalang, mapagtitripan nanaman ako e.
Ilang minuto pa tinawag na yung mga passengers to board the plane. Sure na ba ako dito?
"Soph, tara na!" hinila na ako ni Keily patayo, di ko naman namalayang nakatulala ako.
"Huy teka, di ko pa ubos donut ko" sabi ni Ella bago sinubo nalang ng buo yung natitira niyang pagkain.
"Ayan sige, mabulunan ka sana" I teased her so I gained a pinch on the side.
"Aray! charot lang master" I laughed.
"Nako umayos ka Sophia, iiwan kita" sambit niya habang puno pa ang bibig.
"Ano yon? ah patay gutom?" I joked once more kaya hinabol na niya ako at bantang babatukan when I hid sa likod ni Keily.
"Hoy mga puta, maiiwan tayo pare pareho!" inis na pagpipigil niya samin habang inaabot parin ako ni Ella.
"Oh hindi na hindi na! panalo ka na" pag surrender ko kay Ella kaya pumila na kami habang minamata mata niya parin ako.
"Di pa tayo tapos ha" singit niya nang mauna nako pumasok ng boarding bridge.
Buti nalang sila yung magkatabi ni Keily at nasa kabilang isle ako hindi niya ako mababawian for another eighteen hours.
I sat down after fixing my things and instantly relaxed, but thought that in just eighteen hours magkikita ulit kaming lima, makikita ko ulit si Ali, in the flesh.
I bit my lower lip, kinakabahan na agad ako? Tigil mo na nga yan Sophia, I pinched myself.
Maya maya pa nagannounce na yung attendant for the take off kaya nilagay ko na yung earphones ko after ng instructions and tried to drift off to sleep.
I woke up from the sound of rustling from beside me and saw Ella stood up to walk papuntang rest room, I checked the clock and it was already 11:15; almost lunch time kaya nagdecide ako na gumising na muna ng buo.
I put my earphones back sa bag and checked my phone saglit.
Then I saw Ella coming out from the rest room walking to my direction, nagulat nalang ako when she stepped on my toe.
"Aray!" I accidentally half screamed which made a number of passengers face my way, I then saw Ella smirking walking past me.
"Sorry po" I awkwardly said.
Tiningnan ko ng masama si Ella na kakaupo lang, cursing under my breath, paano naman kaya ako makakabawi sa walang hiyang to.
She stuck her tongue out to me kaya napakunot nalang ako ng noo at inis snoban siya.
It was lunch time and oras na para umorder ng food, and almost instantly I knew what to do.
We were already eating after around fifteen minutes from ordering, I looked over at Ella and Keily before smiling, modestly wiping my mouth with the napkin.
Ella just gave me a confused look while Keily smiled back.
I raised my brow when an attendant came to Ella with two glasses of unordered alcohol before leaning over to tell something, and almost immediately after their talk she looked at me with wide eyes.
I smirked back knowing what just happened, kinausap niya lang si Keily and I heard her laugh kaya natawa na rin ako.
Prior to the flight I ordered a premium meal, I would have paid for it but now I saw a better opportunity, pinadagdagan ko pa, pampalubag loob masarap naman yun.
Wala naman na siyang magagawa e kahit tapakan niya ako ulit siya parin magbabayad ng extra hundred fifty two dollars, nakapangalan na sakanya e.
A little over lunch time, after I watched two movies nakatulog na rin ako and woke up at around 6 when the sun was already setting.
Has flying to you always been this easy? has it always been a choice? ako lang ba yung duwag Sam? O ikaw rin, flying to me came easier para sayo, was it ever an option? or like the sun, have you always been just waiting at every horizon.
Hindi na ako nakatulog pa kaya nanood nalang ako at kumain hanggang sa announcement na malapit na ang landing.
I made sure to fix my self already hindi ko alam kung anong oras na so I put on my hermes silk scarf before looking at myself sa phone cam to check if presentable pa ako, pwede pa naman.
After over fifteen minutes, we touched down in Mykonos, as the flight attendant has said. Finally, or should I say holy fuck. Huminga akong malalim before looking over kina Ella at Keily na nakaglasses pa. While Ella still looks pissed.
Paglabas namin ng plane gabi na pala, almost 10 pm kaya pinagtawanan nalang namin si Keily sa get up niyang ready na magbeach, gusto ko narin naman munang nagrest bago gumala, and of course magwalwal.
As we were in the escalator I asked if may susundo ba samin.
"Hmm, wait chat ko si Bri sabi naman ni Sam meron pero di ko alam kung sino, oh ano, oh kung naalala pa ba nila tayo"
"Ha?" I looked back at Ella.
"Ha mo jan, pakain ko sayo yung inorder mo walang hiya ka, kapal ng mukha mo ikaw pinaka maraming sinasahod satin hayop" I instantly tried to hide behind Keily na nauuna na sa pababa but Ella caught my scarf kaya lumipad na nung nabitawan niya.
"Hoy! shit first hermes ko yon tanga ka!" I cursed rushing to catch it as we walked to the exit habang tinatawanan lang nila ako.
"Puta ka Ella, buhatin mo yung bagahe ko!" I screamed as I ran to fetch my scarf.
It then landed on the floor kaya binilisan ko na pulutin to, mahangin pala dito, gandang bungad naman Greece ano.
As I was picking it up, a hand brushed against mine kaya napatingin ako agad pero madilim kaya hindi ko nakilala kung babae o lalake yung tumulong sakin.
Inabot nalang sakin yung scarf pagkatayo ko and agad naman akong nagthank you bago umatras na at pagpagin ito.
But as I was holding it I felt a tug from the opposite side so I instantly looked back.
My eyes didn't know where to look, but back to her light orbs, drowning; again.
"Anna?"
~~~~~~~
uwu :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top