Chapter IX
"Shet, Pa wait lang po!!" sigaw ko kay papa habang nagmamadaling magbihis sa uniform.
Bakit naman kasi ang aga ng pasok e Kulang na kulang yung bakasyon.
"Hannah halika na anong oras na" pagmamadali sakin ni papa, ihahatid na kasi niya ako sa school.
"Opo! papunta na" agad ko nang isinuot yung bag ko at tumakbo palabas sabay sakay sa tricycle.
It's the first day of our last year of highschool, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Finally, this is it gagraduate na kami this school year and I'm just happy I met Ali, she had been a whole lot of help sa highschool life ko. Meeting her really thought me a lot. Now I'm ready to face another year with her.
Isip ko habang tinitingnan ko ang mga pictures namin sa phone ko. Most of it ay si Ali, ewan ko ba everytime I saw her doing or thinking about something, I felt the urge to take a shot and keep it forever.

this was taken nung last day namin sa Batangas, after she promised that she'll bring me here again yung kasama na sila Ella at Bri.

this was me in our bed when I had to enroll the both of us through the internet dahil magdedeadline na hindi pa kami nakakauwi.

and of course.. our first beach date.
Kinikilig ako habang nagscroll pa, hindi ko namalayang nasa gate na pala kami ng school.
"Nak, dito na tayo" sabi ni papa.
"Thank you pa ingat po" pagpaaalam ko pagkatapos siyang halikan sa pisngi.
I stood infront of the huge gate ng school, breathed in the familiar air...
Ackk! makikita ko na ulit si Ali! excited kong alala.
Maglalakad na aki nang biglang nagring ang phone ko. Agad ko naman tong sinagot.
"Hoy babaita, late ka na! nasa bago na kaming room bilisan mong tumakbo habang wala pa yung adviser" bulyaw ni Bri sa phone.
"Si Ali nandiyan na?" tanong ko naman.
"Ha? tanga ka ba? hindi ka nagbabasa ng bulletin board, promoted sa section 1 si Ali tayo nila Ella sa section 3" sagot nito.
"Ah? e ganun ba? hindi kasi niya sinabi sakin e. Sige punta na ako building 3 room 21 diba?" pagbasa ko sa bulletin board.
"Oo bilis na pero wag tatakbo baka di ka makarating ng buo, tanga ka pa naman" pangaasar ni Bri bago pinatay ang call.
...So di na pala kami magclassmate ni Ali, bakit naman hindi ako sinabihan nun wala pa manlang goodmorning text. Malungkot na akong nakarating sa room at dumeretso sa tabi nila Ella sa likod.
"Oh mas late pa pala yung adviser kaysa sakin e." inis kong sabi.
"Gandang bungad naman ng attitude mo te badmood agad, nakakahawa naman e!" inis na bati ni Ella.
Inirapan ko lang sila.
"Pano ba naman, hindi naman mga mukha niyo yung inaasahan kong babati sakin no! " miss ko na si Ali.
"Aba nagbakasyon lang pakademonyo mo na ah!" pangaabot sakin ni Ella.
"Eh! shh! maingay!" pagpigil ni Bri sa gitna namin.
"Wow nagbago ka na Bri, kala mo kung sinong nagaaral ng mabuti" sabat ni Ella.
Magsasalita na sana ako nang nagbukas ang pintuan sa likod ng room, dalawa kasi ang doors, front door saka malamang back door yung isa pa.
Pumasok naman ang hindi ko inaasahang dumating, si Ali.
Dumeretso siya sa tabi namin nila Bri, sa tabi ko habang nakayuko.
"Huy bakit ka nandito?, nawala ka ba?" mahinhin kong tanong.
"Di mo manlang ba ako namiss?" malungkot na sagot nito at tumingin sakin.
Napansin kong namumula pa ang mga mata niya halatang kakaiyak lang.
"Anong nangyari sayo?!" nagaalala kong tanong.
"Wala.." mahina niyang sagot.
"E bakit ka umiiyak?!" tanong ko ulit.
"Kasi naman! ayoko sa classroom namin!, gusto ko dito lang, sainyo, sayo.." naiiyak na ulit siya.
Shet oo namiss kita, miss na miss kita Ali! yang kacute an mo ugh! what to do with you..
Magsasalita na sana ako ulit nang may pumasok na teacher. Adviser ata namin to.
"Goodmorning class! I'm Mrs. Ramirez, your class adviser for your last year in highschool" bati niya.
Sabay sabay naman tumayo ang klase at bumating pabalik.
Tumingin ulit ako kay Ali na halatang tinatago ang mukha.
"Ali? .. we'll talk about this later okay?" pagpapakalma ko sakanya.
"Why don't we start by introducing ourselves?" sabi ni ma'am.
Jusko wala na bang ilalala ito para kay Ali, ilang taon na kaming nagiintroduce yourself a.
"Ano bato nasa kinder pa ba tayo?" narinig kong naiinis na bulong ni Ella kaya naman nakatanggap naman siya ng siko mula kay Bri.
"Let's start with the girl sa pinakalikod" dagdag ni ma'am obviously pertaining to Ali.
"Uhm.. ah-" nauutal na sabi ni Ali habang nakaupo.
"What? you forgot your name or what? Ms.?" pagsita ni ma'am.
"Buenavista... Sam Aliya Buenavista" sagot naman ni Ali at tumayo.
Pumikit ako sa kaba at baka mapansin ni ma'am na hindi siya taga ditong klase.
"Okay Ms. Buenavista, what is your dream career in the future?" dagdag ni ma'am. Kakalma ba ako o lalong kakabahan.
"Ah-.." paguutal ulit ni Ali.
"Dream career ano ba to guidance counselor?" bulong ulit ni Ella. Tiningnan nalang siya ng masama ni Bri.
"I aspire to be a Lawyer ma'am" pirming sagot ni Ali.
"Wow, we have a lawyer in the class!" balik ni ma'am.
Law.. yun pala ang gusto ni Ali.
Umupo na siya at tumingin sakin na parang may nireveal na matagal na niyang tinatago. Tiningnan ko siya ng nanlalambing bago tumayo ang magpakilala.
"Hi! I'm Sophia Anna Fajardo, your future Doctor." mabilis kong saad bago umupo ulit.
"Goodmorning po, I am Brielle Rafael and I want to be a fashion designer pagtanda." nagsalita na si Bri.
"Ali.. what is your plan on this, hindi naman pwedeng magstay ka dito mapapansin na rin ni ma'am" bulong ko sakanya.
"Just trust me for now boo, I just really missed you, smile for me naman." paglalambing nito.
Napangiti nalang ako sa kilig sa rason niya kung bakit siya nandito.
"That's my girl" natutuwa niyang sabi. "I'll see you sa lunch boo, call me." pagpapaalam niya bago ako hinalikan sa noo at nagtaas ng kamay.
"Ma'am may I go out for necessity" sabi niya.
"Sure." sagot naman ni ma'am.
Kinindatan ako ni Ali bago nagpatuloy lumabas.
Dapat ata hindi ko nalang siya tinanong, miss ko na tuloy agad siya.
Nakinig nalang ako hanggang sa maubos na ang oras na kakaintroduce yourself ng buong klase.
Pumasok na ang susunod naming subject teacher.
"Goodmorning I'm Mr. Fernandez, your science teacher."
pagbati nito.
"So before we start can I ask if you know Ms. Sam Aliya Buenavista?" ha? napataas ang kilay ko sa narinig ko.
Bakit niya hinahanap si Ali.
.
"Well, she was supposed to be in my class, section 1 but I thought baka naligaw siya for her first subject."
E kanina pa umalis si Ali ah, dapat nakahabol pa siya ng first subject nila.
"Sir! bebe po ng kaibigan ko si Sam." sigaw ni Ella.
Napatingin naman ako sakanya sa gulat at nakita kong napayuko si Bri sa hiya.
"Sinong kaibigan? and from what section?" tanong ni sir sakanya.
"Ah si-.." sasagot na si Ella nang takpan ni Bri ang bunganga niya at hinili pababa, tiningnan naman ako ni Bri na parang sumesenyas na ayusin ko yung sitwasyon.
Parang tanga talaga tong si Ella walang delikadesa.
"Sir kaibigan po namin si Sam and she was here kanina pero umalis din siya agad para pumasok na baka po nagkasalisihan lang kayo" pagpapaliwanag ko.
"Oh really?.. okay, thank's Ms.?"tanong ni sir.
"Fajardo po" sagot ko.
"Okay you may take your seat, let's start our lesson." ha? lesson agad first day na first day. Bakit ba kasi namin naging teacher yung adviser ng first section e. Pero atleast baka matanong ko siya about kay Ali sa future hehe.
Lord nagsisimula palang yung araw, ayaw ko pangunahan pero tama na kamalasan please.
~~~~~~~
uwu :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top