Chapter IV
"..it is an honor to present to you the top 10 awardees of Section 4 of the Science Technology and Engineering Program" paninimula ng aming adviser.
".... uh nabasa mo ba yung nasend ko kagabi?"
"oo e akala ko kasi yun yung layout.. sorry.." pagaalinlangan niya.
Eto na akalain mo yun nakapasok kaming tatlo nina Bri at Ella sa top 10.
"It's actually nice knowing you." sabi ni Sam
"Ha? knowing me?" pagtataka ko.
"Nabasa ko di ba? I understand the pain." nginitian niya ako like she was giving me the comfort that i need.
Nagsimula na yung adviser namin sa pag'announce ng top 10.
"Top 1, Sam Aliyah Buenavista" proud na sabi ni Ma'am.
"So can i consider us as friends?" tanong ko. she smiled. damn that smile.
"Sure." she said.
"Top 5, Sophia Hannah Fajardo" nabalikwas ako sa pagkakaupo ng marinig ko na yung pangalan ko.
Nakita kong pumapalakpak sina Bri na may pa'thumbs up.
"My human diary? hmm.." napaisip ako sa tanong niya.
"Ikaw. I mean na'oopen ko sayo lahat pati yung hindi ko masabi kina Ella." sagot ko
"Top 7, Brielle Rafael" nakangiting naglakad papunta sa stage si Bri.
"Sam.. gusto na ata kita" pag-amin ko.
"gusto? oo di ba? magkaibigan tayo oh" sabi niya.
"Hindi mo gets. Hindi ko rin gets. Pero alam ko gusto kita" naluluha kong sambit.
"Top 10, Bella Santiago." Taas noo ring umakyat si Ella sa stage. Nakakaproud naman to. I'cecelebrate talaga namin to mamaya.
" I like you.. too." nakangiting sabi niya halatang pinapagaan yung loob ko.
" sigurado ka? tama ba tong nararamdaman natin?" naguguluhang sabi ko.
"I don't know but all i know is this is worth trying" mahinahong sabi niya.
"Huy Anna tara na! tapos na yung recognition, kanina ka pa nakatulala jan nagaantay na sa labas sila Ella at Bri mgcecelebrate daw tayo" tawag sakin ni Ali.
Oo hindi na kami first name basis ni Sam, ganun na kami kaclose or should I say na dahil nagaminan naman na kami ng feelings might as well panindigan na namin to.
"So ano saan tayo kakain?" tanong ni Ella pagkalabas namin ni Ali.
Naalala ko tuloy yung unang beses na sumama samin si Ali for lunch, halos wala siyang imik non grabe dinaldal lang siya ni Ella at jinudge ni Bri nang buong magdamag.
Looking back, di ko naisip na magiging ganito kami kaclose. Ali completed our pack, totoo ngang the more the merrier.
"Sophia!" sigaw ni Bri para makuha ang atensyon ko. "Ano na, tutunganga ka nanaman, saan tayo kakain?" dagdag na tanong niya.
"Ah- e.." nagiisip palang ako nang "Alam ko na!" biglang singit ni Ella.
"May bagong bukas na samgyupsalan yung tita mo Sam diba?, beke nemen ehehe" pangkukulit ni Ella kay Ali.
"Oh bat ako nanaman, bagong bukas nga eh lulugihin niyo na agad" sagot ni Ali.
"To naman parang wala naman tayong pinagsamahan hmp" pagtatampo ni Ella. Natawa naman kami ni Bri.
"Oo na sige na pacongrats ko na din at nakasabit ka pa sa top 10" pangaasar ni Ali sakanya.
"Ay mapanaket talaga" sagot ni Ella.
Nakarating na kami sa Samgyupsalan ng pamilya ni Ali. Nagsi upo na kami at kinausap na ni Ali yung tita niya na pumayag naman ilibre na yung kakainin namin dahil nasa top naman daw kami lahat.
"Oh libre na daw tayo ha, basta maiiwan si Ella mamaya maghuhugas ng pinggan" pangaasar ni Ali.
"Alam mo ikaw kanina ka pa, hindi porket nilibre mo na kami may karapatan ka nang alipinin ako ha" bawi naman ni Ella.
"Ay hinde ganun lang daw talaga patakaran ni tita, lalo na't sabi ko ikaw ang paniguradong pinakamaraming makakain." nagtawanan kaming lahat sa pagaasaran nila.
Nagsimula nang magluto ng karne si Bri."hmm mukhang masarappp" natatakam na sabi ni Ella.
"Masarap naman lahat sayo" pangloloko ko dito.
"Nako magsama kayo ni Sam yan lang alam niyo, kawawain ako" sagot naman niya.
Napatingin naman bigla si Ali sakin sa sinabi ni Ella na parang nahihiya at natataranta kaya binigyan ko nalang siya ng tingin na nagpapaghiwatig na kumalma lang siya at mukha namang gumana.
"Oh luto na to" sabi ni Bri.
Kukunin na sana ni Bri pero inunahan ko na siya at binigay yon kay Ali sa tabi ko, "Ali oh ikaw na mauna diba gusto mo yang part na yan".
"Akin na nga lang tong susunod na maluluto" singit ni Ella.
"Ella paki-..." banggit palang ni Ali ay iniabot ko na ang tubig nang hindi nakatingin sakanya, napatahimik naman siya dahil nakuha na niya ang dapat ipapaabot niya kay Ella.
Nabaling ang tingin ko kina Ella na parang may pinapahiwatig kay Bri. Napanatag naman siya nang hindi ito pinansin ni Bri at nagpatuloy lang sa pagluluto.
"CR lang ako guys" sabi ko sakanila.
"Teka sama ako" dagdag naman ni Bri. Ewan ko kung mapapanatag ako o kakabahan lalo, kilala ko si Bri titig palang niya alam kong may kailangan siyang sabihin sakin.
Pumunta na kaming restroom dalawa at naiwang kumakain sina Ali.
"May dapat ba akong malaman Sophia? " pagkalabas ko mismo ng cubicle ay hinarang na ako ni Bri. Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko sakanya.
"Fine, oo Bri." tiningnan ko siya ng deretso sa mata.
"Sa totoo lang hindi ko rin sigurado kung anong meron saamin ni Ali" pagsisimula ko.
"Ah Ali, Ali na pala ngayon." pagsingit ni Bri.
"Pwede ba Bri, napepressure din ako no. Pero so far ang alam lang namin pareho since nagkaaminan kami is that there's something between us na hindi lang friendship." binilisan kong tapusin yung sasabihin ko dahil baka magtaka na yung dalawa sa tagal namin sa cr.
Napa hinga nalang ng malalim si Bri at tumingin sakin.
"Sabihin mo lang sakin pag kaya niyo nang sabihin samin ni Ella" banggit niya bago kami tuluyang bumalik sa table.
Bumalik na rin kami ni Bri sa table. Mukhang nagkakatuwaan sila ni Ella.
"Anong tinatawa-tawa niyo diyan?" tanong ni Bri.
"Wala" sabi naman ni Ella.
"Okay ka lang?" bulong sa akin ni Ali. Napansin niya siguro na nagiba yung aura ko.
Ngumiti ako sa kanya
"Oo naman".
~~~~~~~
uwu :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top