Chapter III

"Guys paano yung project natin sa English, kulang pa tayo ng dalawa"
Paalala ko kina Ella.


"Ayun si Sam oh tsaka yung katabi niya si Marie" sabi ni Ella.


"Oo nga Sophia, close naman na kayo 'di ba?" close ba kami? close na ba yun? nakakahiya feel ko hindi pa kami close e.


"Wag na sila. Iba nalang" pilit ko.


"Sige nga sinong iba? Puro lalaki na yang mga yan oh yung mga madalas absent pa. Kailangan natin ng may kwenta" pag-aalalang sabi ni Bri.


"Oo na. Kakausapin ko na" wala na kaming choice. Sana magaling din sa paggawa ng libro 'tong si Sam at Marie.


Lumapit na ako sa kanila. Mukhang wala pa rin silang ka' group.



"Sam, Marie. Gusto niyo bang sumali sa group namin? if ever na dalawa palang kayo." lakas loob na sabi ko.


"Sige okay lang" sagot naman ni Marie. Si sam ayun nakatingin lang sakin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.



"Bri pumayag naman sila. Pag-usapan nalang daw natin mamayang after class" sabi ko ng nakabalik na ako sa upuan namin.


"Sige. Sige duon nalang tayo sa bahay nila Ella mamaya." pagdedesisyon ni Bri.

"Ay wow bahay mo Bri? Desisyon ka gurl." pang-iinis ni Ella.



Dumating na yung next subject teacher namin. Maths. Inaantok nanaman ako pati tong dalawa.



Natapos na yung klase. Nagkumpulan kami sa tabi ng railings inaantay sina Sam at Marie.


"Hi guys! saan tayo gagawa? dapat umpisahan na natin e." salubong samin ni Marie.


"Tara na sa bahay NAMIN para may matapos tayo" sabat ni Ella na halatang pinaparinggan si Bri. Inirapan lang siya nito.

"Guys feel at home lang kayo, kung nagugutom kayo may pagkain sa kusina, kung nauuhaw kayo may softdrinks sa ref, kung kulang parin may tindahan sina Ella" banggit ni Bri habang nagtatanggal ng sapatos.


"Aba magaling, kung gusto niyo dito na rin kayo tumira lahat para happy lalo na si Bri" pagpaparinig ni Ella habang tumatawa lang kaming apat.


"So ano nang plano natin guys?" pagsisimula ni Marie.


"Ay wala nang patalastas o deretso trabaho agad, gusto ko yon!" masayang sagot ni Ella.

"Well gusto ko sana yung mala Shakespeare alam niyo yun, yung tipong nakakadugo ng ilong para instant 95 kay ma'am" excited niyang dagdag.


"Pangit!" sabay na hindi pagsangayon namin ni Sam.


"Aray naman! ngayon ka na nga lang magsasalita mapanakit pa Sam, nagsheshare lang naman ako ng opinyon hmp" pagiinarte ni Ella.



"Hindi naman sa ganon, I mean kung gusto natin maplease si ma'am into giving us high remarks for this project, dapat may malalim na pinaghuhugutan yung entries natin for the whole book to carry a meaningful piece" pageexplain ni Sam.


"Ay ang lalim, pak na pak" sagot ni Ella.

"Ay bet" pagsangayon naman ni Bri.


"Well what do we expect kay top 1 diba hahaha" pagmamayabang ni Marie.


"at dahil ikaw ang top 2 ikaw na magisip ng topic" sabat sakanya ni Sam na nagpatawa naman saaming lahat maliban kay Marie na napakamot nalang sa ulo.


Nagsimula na nga kami sa kanya kanya naming trabaho para sa book na gagawin.



We have decided na ang topic nalang ng gagawin namin ay yung mga inner thoughts namin which for me is a good idea since atleast maiilabas namin yung mga bagay na hindi namin casually naipapakita sa iba which means I will get to see more of Sam this way.




"Guys kapag tapos niyo na isend niyo nalang gmail ko para ako na maglayout" nagvoluteer na ako.

"A-Ako nalang din. Okay lang naman sakin ako na rin magprint." biglang sabi ni Sam. Bakit naman aakuin niya lahat? groupwork kaya to.


"Ano ka ba, ako na tsaka marami ka ng ideas na nashare at marunong din naman ako maglayout." sabi ko nalang.


"Eh.. kasi. Sige den" okay lang ba siya?


"Don't worry i'll try my best na hindi ko mabasa yung mga sinulat niyo para si ma'am lang may alam" Yan nalang sinabi ko mukhang nakampante naman sila.



Alam ko naman na yung possible na topic nila Bri at Ella. We all have some backgrounds and problems pero okay naman kaming tatlo. Si Bri o Brielle Rafael broken family na sila since nung baby palang siya.



Lola at papa niya nalang din kasama niya sa bahay pero may fiance na rin yung papa niya halata din naman na close sila ni Bri.



Si Ella o Bella Choi Santiago hindi siya close sa legitimate family niya kasi nung bata siya pinaampon siya sa mama niya ngayon kasi hindi siya tanggap ng bioligical father niya kasi babae siya e chinese kasi sila.


All I know is masaya siya sa mama niya ngayon.

Kay Sam at Marie lang din talaga ako nacucurious lalo na kay Sam. Parang andami niyang tinatago.



"Isesend ko nalang yung mga layout na magagawa ko para we can decide kung ano yung gagamitin" Napagisipan na rin naming umuwi na ng natapos na namin yung ibang parts ng book.


Nang makauwi ako sa bahay kaagad akong naglinis kasi pauwi na rin galing trabaho si mama at papa yung mga kapatid ko baka nakikipaglaro sa labas. Nang natapos ko na lahat nakalimutan kong hindi ko pa pala nabababa yung bag ko kaya naglinis na rin ako ng katawan at nagbihis.


"Cassandra saan yung dalawa? Tawagin mo na pauwi na sina mama" sabi ko sa kapatid ko.


"Ate Hannah" tawag sakin ng bunso namin si Janeane.


"oh?" sabi ko. "Anong iluluto mong hapunan te?" tanong niya.


"Adobo by" sagot ko naman.


"Sige te pasarapin mo a?" sabi niya sabay deretso sa banyo para mag'shower.


Dumating na yung mga magulang ko halatang pagod sa trabaho. Si mama isang private employee. Si papa naman tricycle driver.


"Nak tubig naman" sabi ni papa kay Cassandra.


Nagsimula na rin kaming kumain. Nagkekwentuhan sa ganap namin ngayong araw. Si mama biglang nakwento na nalaman niya yung mga corruption sa kompanya nila.



"Ma huwag mo nalang munang bigyan ng pansin baka ikaw paginitan ng mga involve diyan" sabi naman ni papa. Kumakain parin naman yung mga kapatid ko.


"Yun na nga pa e, kinausap ako ng boss ko kung may alam ako. Napaamin na rin ako kasi baka alisin din ako sa trabaho" nag-aalalang sabi ni mama. Sinubukan kong ibahin yung topic.


"Ma, Pa kuhanan daw po pala ng card next week tsaka yung mga bayarin din po paguusapan dun" sabi ko.


"Sige anak pagiipunan ko yan buti at mas maaga mong nasabi. Kamusta pala ang mga grades mo?" tanong naman ni Papa.


"Okay naman po pa pasado naman po" sabi ko naman.


Natapos na kaming kumain at nag-ayos na rin kami para makapagpahinga na.


Chineck ko na yung mga sinend sa akin nila Bri. Inumpisahan ko na rin yung paglayout. Sinend ko na rin sa kanila yung layouts kaya nagantay na lang din ako, nagbasa muna ako sa phone ko.



"Ba't hindi nagrereply mga yun?" Bulong ko sa sarili ko.


Nang tingan ko ulit. Napa'pikit nalang ako ng mata sa inis ko sa sarili ko.


"Sophia naman e bakit magkakamali ka pa ng isesend bakit yung ginawa mo pang entry para sa libro?!" inis na sumbat ko sa sarili ko. Nakakahiya baka mabasa ni Sam yung mga problema ko sa buhay.



Pinilit kong hindi nalang muna isipin. Sinend ko ulit pero this time sinigurado ko ng tama yung masesend ko. Nakapagdesisyon na rin kami sa layout kaya tinapos ko na rin yung isang chapter sa binabasa ko.





"Lord thank you for another day.." pagtapos ko sa dasal ko hanggang sa nakaramdam na ako ng antok.


~~~~~~~

uwu:<

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top