Chapter II
"... ang mamatay ng dahil sayo"
Late nanaman ako. Sinalubong ako ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa quadrangle ng school.
"Nasaan ba kasi sina Bri? Akala ko ba nandito na yung mga yun" Bulong ko sa sarili ko. Tinignan ko yung phone ko pero wala namang tawag o text. Tinawagan ko pero hindi sumasagot.
Nag-ikot muna ako para maghanap pero wala parin.
"Saan ba kasi nagsusuksok yung mga 'yon?" Inis na sabi ko.
Sa pag-ikot ko nakita ko yung isa naming classmate.
Nilapitan ko.
"Uh.. Hi" pagaalinlangan na sabi ko. "Sam, Right?" tanong ko.
"Ah. Oo." ramdam ko na pati siya hindi komportable sa pag-uusap namin. Hindi naman kasi kami close.
"Nakita mo ba sina Bri?" sasagot na sana siya pero niyaya ko na siyang samahan ako hanapin sina Bri. Patapos na rin naman yung announcement ng principal namin.
Hinila ko ang kamay niya habang nakikisingit sa mga estudyanteng excited ng bumalik sa kanya-kanyang classroom.
"Kaya ayaw kong mahuli sa pag-alis kapag flag ceremony e siksikan umagang umaga" Inis na sambit ko.
Wala paring imik tong kasama ko naka'ilang ikot na kami sa bawat canteen at parks sa school pero wala parin sila.
"Ano ba yan. Anong oras na late na tayo sa first class natin." Sabi ko. Sinusubukan kong pagsalitain siya pero parang hindi ata talaga nagsasalita to. Paikot ikot lang ang tingin.
"Tara na baka nandun na rin yung mga yun." Hinili ko ulit siya papunta sa building namin sa first subject.
Dumating kami at nasa harap na si ma'am.
Dahan-dahan kaming pumasok para hindi agaw-pansin. Tumabi kaming dalawa kina Bri sa harap.
"Lilipat na ako dun sa likod" mahinang sabi ni Sam. Sabay sa pag-alis niya sa mga kamay ko sa kamay niya. Hawak ko pa pala.
Aba. Nagsalita pero parang inapi ko naman sa hina ng boses.
"Dito ka na mas okay makinig dito"
Sumunod naman siya. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi kami naguusap nito sa room. Tahimik grabe.
"Psst. Hoy ba't magkasama kayo ni sam?" bulong ni Bri.
"Kasama ko naghanap sa inyo duh."
inirapan niya lang ako.
Pagkatapos ng klase nakita kong nagmamadali nang umalis si sam, ayaw na atang malate sa susunod na subject.
"Sabay na tayo sam!" sigaw ko para tumigil siya sa paglalakad, lumingon siya sakin nang nakakunot ang noo, parang nagtataka kung bakit sunod parin ako ng sunod sakanya.
Sinusubukan ko lang naman maging friendly nakakasawa na kasi sina Bri.
"Uy una na ako." umalis na ako agad hindi ko na inantay ang sasabihin nila Bri at Ella.
Sabay nga kaming pumasok ni Sam sa susunod na subject. Tumabi na rin ako sa kanya.
"Bring out 1/4 sheet of paper" sambit ni Sir.
"Ano ba yan buti nalang hindi ako tumabi kina Ella baka wala akong maisagot" sabi ko sa sarili ko.
"Sam, pakopya ka a?" sabay tawa. Ngumiti siya. Ano yun pumapayag ba siya o joke time lang yun para sa kanya? Lipat na ba ako kina Bri?
"There will only be one question for 10 points essay. Pick one from the 3 laws of motion by Isaac Newton and explain its concept using real life scenarios." what??
"Luh. Ano daw?" sinilip ko sina Ella, mukhang parepareho kaming babagsak.
Napatingin ulit ako kay Sam humihiling na sana hindi biro yung sinabi ko sa kanya kanina.
"Psst.. Sam!" pasigaw kong bulong pero hindi ako pinapansin. Nakakahiya na to ha. Nilingon ko ulit siya pero tinraydor ako ng mga mata ko. Napako nalang yung tingin ko sa kanya. Maganda pala siya. Bakit ngayon ko lang napansin?
"Sige Sophia ngayon ka pa talaga lalandi habang nasa bingit na ng kamatayan yung grades mo". Ito naman kasing katabi ko top 1 nga namin ang damot naman pala sa sagot. Hindi na kami friends hmp.
"Hoy Sophia! Bakit hindi ka tumabi samin sa kahit anong klase ha? Pati sa quiz kanina wala man lang biyayang galing sayo e katabi mo na nga si Top 1" malakas na pagrereklamo ni Ella.
"Hindi umeffect powers ko e, hayaan mo na gagradute parin naman tayo" Bakit ba kasi ganun yun. Snob. Maganda pa naman.
"Oh ano baka hindi ka pa sumabay sa lunch niyan" sabat naman ni Bri. Sabay naman sa pagkakita ko kay Sam palabas ng room.
"Sam sabay ka na samin maglunch!" pagyaya ko sa kanya. Nakita ko sa peripheral view ko yung reaksyon nila Ella na parang nakakita ng himala. Tumango na lang din si Sam.
"Oh guys saan ba tayo kakain?" painosente kong tanong kina Ella.
Agad na rin kaming dumeretso sa city mall at napagusapang sa Mcdo nalang kumain.
"Oh kami nalang ni Sophia ang pipila, anong mga order niyo?" biglang alok ni Bri.
"Ha bat ako?" tanong ko naman
Nilakihan nalang ako ng mata ni Bri na parang may gustong iparating.
"Ah e sige den" napapayag nalang ako.
Iniwan na namin sina Ella at Sam na halatang hindi komportable sa table.
"Gaga anong balak mo?" tanong ni Bri.
"Ha? balak saan?" nagtataka kong sagot.
"Bakit bigla nalang kayo naging close ni sam? Sinasama mo pa sa lahat ng pupuntahan natin" Pagtataka niya.
"Ayaw niyo yun may matalino na sa atin tsaka 3 is crowded di ba? The more the manier" palusot na sagot ko. Nginitian ko na lang si Bri para mas kapanipaniwala yung sagot ko.
Hindi ko rin alam e. Parang gusto ko siyang makilala. Na'curious yata ako dahil sa pagkatahimik niya. Bahala na.
"Guys hindi daw available yung Sweet Soy Chicken Fillet kaya itong ala king na lang sa inyong dalawa" sabi ni Bri.
Nagsimula na kaming kumain. Napansin ko si Sam na hindi parin ginagalaw yung pagkain niya.
"Uy Sam bakit hindi mo ginagalaw yan?" tanong ni Ella.
"Uh.. e kasi lactose intolerant ako". pahiyang sagot niya.
"Ha? Hanudaw?" tanong ni Ella.
"Hakdog" pang-aasar ni Bri. "Lactose intolerant nga daw siya" dagdag pa niya.
"Oh e ano nga yun?" tanong naman ni Ella.
"Aba malay ko, sakanya mo itanong, ano nga ba yun Sam? hehe" natatawang sagot ni Bri.
"Kung makahatdog ka kala mo naman kung sinong may alam" pangasar ni Ella kay Bri.
Magsasalita na dapat si Sam pero inunahan ko na siya.
"Ah sige palit nalang tayo Sam, sayo nalang itong akin."
"Huh di ko parin gets." curious na sabi ni Ella.
~~~~~~~
uwu :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top