Chapter 7


Kinabukasan, katulad nang sinabi ni Arc, maaga akong pumasok dahil sa practice. 6:45 palang ng umaga nandito na ako sa harap ng music room dahil ayoko namang ma-late sa unang practice ko kasama ang Neptune. 


Sa sobrang kaba ko ay puro voice exercise ang ginawa ko pagdating na pagdating ko. Hindi ko nga alam kung ano-anong mga verses ng kanta ang mga na-kanta ko. Kinakabahan ako! At sa sobrang kaba ko halos makalimutan kong dalhin 'yong tumbler ko. Naiwan ko sa classroom kanina. Babalikan ko na sana kaso biglang dumating ang isang lalaki na nagpa-bilis ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa kinilig ako kung hindi dahil mas nadagdagan pa ang kabang nararamdaman ko. 


Litaw ang kulay abong t-shirt niya sa loob dahil naka-bukas ang puting polo niya. Naka-sukbit sa kanang braso niya ang itim na bag pack at sa kabilang braso naman nakasabit ang bag ng gitara niya. 


Sa pagiging sobrang supportive ko sa Neptune, kilala ko na ang lahat ng miyembro nila. Wala naman yatang estudyante ang hindi nakakikilala sa kanila rito sa Valenciano o mapa-ibang school man. At ang lalaking nasa harap ko ngayon ay walang iba kung hindi ang rythm guitarist nila Arc, si...


"Hoy!" 


"Ay Clifford Mendoza!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa panggugulat niya sa akin. Nakangisi na siya ngayon at pinaliliitan ako ng tingin. "Ikaw ah. Ba't mo 'ko kilala? Stalker ka noh?" 


Napakunot ako, parang nakalimutan kong miyembro siya ng Neptune. "Stalker? Agad-agad? Luh, nananaginip ka yata ng gising." 


Natawa siya, inilapit pa niya ng bahagya ang mukha sa akin, at ngumuso kaya bahagya akong umatras, napakunot ang noo dahil sa 'di ko matansya ang trip niyang gawin. "Mukha ngang nananaginip ako. Pa-kiss nga baka sakaling magising-----aray t*ng ina!" Mabilis siyang lumayo para lingunin ang sumapok sa kaniya. 


"Umagang-umaga, nanlalandi ka." At ladies and gentlemen, here's the Drummer: Ardaine Eugenio. Ang cool niya tingnan sa boyish style niya. Tama, babae si Ardaine, at madaming kapwa babae niya ang may crush sa kaniya rito sa Valenciano. 


"T*ng ina, kailangan manapak?" 


Sa halip na pansinin ni Ardaine si Clifford ay napatingin siya sa akin kaya napaayos ako ng tayo. Parang naunahan ako ng hiya para sana batiin siya kaya tipid nalang akong ngumiti, tumango naman siya pabalik. Akala ko i-isnobin ako. 


"Wala ba sa 'yo 'yong susi?" Tanong ni Ardaine kay Clifford na hinahaplos parin ang likod ng ulo nito. 


"Kung meron sa 'kin, malamang kanina pa bukas 'yang pinto ng music room." Pamimilosopo niya at muli na namang napa-aray dahil nakatikim na naman siya ng sapak kay Ardaine. "Ayusin mong sumagot, g*go."


"Ayusin mo kasing magtanong. Parang bobo lang eh." Kontra pa ni Clifford. Natawa ako sa loob-loob ko. Ito 'yong side nila na hindi nakikita ng karamihan maliban sa mga nakakikilala sa kanila. At dahil makakasama nila ako, mukhang kailangan kong masanay sa bangayan ng dalawang 'to. 


"Watzup!" Nakataas ang dalawang kamay ni Xander Elfenio—ang bassist—habang palapit siya sa amin. Nakipag-high five pa siya kay Clifford at Ardaine. Kasunod niya si Erin Miguel Laczon, ang natatanging keyboardist ng banda. Mukhang si Erin lang ang pinaka-tahimik sa kanila. Ni hindi man lang bumati at nagsalita. Mukhang wala nga siyang pakealam sa paligid niya at sa mga kasama niya dahil naka-suot ang wireless earphone sa tainga niya, dire-diretsong tinungo ang pinto para buksan ang lock nito. 


Naunang pumasok sina Clifford at ako ang nagpahuli. Mukhang hindi pa nga napansin ni Xander ang presensiya ko dahil busy siya sa pakikipag-chikahan kay Clifford. Pero nang madako ang tingin niya sa akin ay napatigil siya, napakunot pa nga, mukhang nagtataka kung bakit nandito ako sa teritoryo nila. 


"You must be the new vocalist." Wow naman, nag-english pa nga. Napaka-expensive naman mag-salita ng english ng bassist na 'to. 


"Temporary vocalist." Napatingin kami kay Erin Miguel nang magsalita ito mula sa sulok, hawak niya ang isang libro. Akala ko hindi niya kami naririnig dahil sa suot na earphone. 


"Paka-emphasize mo naman sa temporary, tol. Broken 'yarn? Nawala lang si Vanessa eh." May pang-aasar sa boses ni Clifford, pero nanatiling tahimik si Erin. Mukhang siya ang pinakamadaldal, sunod 'tong si Xander. Pero teka nga lang, may something ba si Erin at Vanessa?


"Torpe 'yan kaya ganyan." Napa-angat ang balikat ko sa gulat nang bigla nalang umakbay sa akin si Xander nang hindi ko man lang namalayang nasa tabi ko na pala siya. Nakangisi pa siya habang nakatingin kay Erin. 


"Teka nga, ikaw ba talaga 'yong bokalistang sinasabi ni Cali?" Tanong niya, mukhang hindi kombinsido sa akin. Cali pala ang tawag nila kay Arc dito sa banda. Short for Callisto. Sasagot palang ako nang dumagdag si Clifford na ngayon ay hawak na ang gitara't nilalaro ang strings nito. "Curios talaga ako kung pa'no mo nabihag ang isang Arche Callisto. Given na ang ganda ng boses, pero ga'no ba 'yan ka-ganda at natanggap ka agad? Parinig nga." 


Bumitaw sa pagkaka-akbay sa akin si Xander. Tumabi siya kay Clifford habang hawak ang chin niya. Napatingin ako kay Erin na walang pakealam sa nangyayari at kay Ardaine na nakaupo sa harap ng drum, mukhang naghihintay rin na mag-sample ako ng kanta. Ito na nga bang sinasabi ko. 


"'Wag ka ng mahiya, tayo-tayo lang naman dito." Nakangising sabi ni Clifford. 


"You can't sing well." Napatingin kami kay Erin na akala kong walang pake. Binuklat niya sa kabila ang pahina ng librong binabasa niya, nakatutok do'n ang buong atensyon. 


"Judger ka, tol. 'Di mo pa nga naririnig ang boses niya." Kontra ni Clifford, pero parang walang narinig si Erin.


"Do you think you can sing for us? I don't think so. Neptune's not looking for a hesitant vocalist." 


Natahimik ako. Hindi ko inaasahan ang atakeng 'yon ni Erin. Aaminin ko, nasaktan ako kahit na totoo naman at may punto naman ang sinabi niya. Walang makakapantay kay Vanessa bilang bokalista ng Neptune, 'yon ang totoo kaya wala akong karapatang sagutin si Erin para depensahan ang sarili ko. 


Ramdam ko ang tingin sa akin ng tatlo, mukhang nakikiramdam. Hindi big deal sa akin kung wala ni isa sa kanila ang gustong kumontra kay Erin para depensahan ako. Totoo naman kasi, hindi kayang dalhin ng boses ko ang banda nila.


"Do you think we can't perform without your presence?" Napalingon ako nang marinig si Arc. Teka, kanina pa ba siya dumating?  "Neptune doesn't need a rude member. Pwede ka ng umalis. Bukas ang pinto." 


Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Arc. Napatingin ako kay Erin na isinara ang libro at tumayo. Tiningnan ng malalamig niyang mga mata si Arc. " I think, you don't know what you're doing, Arc?" 


Napangisi si Arc na parang nakakatawa ang sinabi sa kaniya ni Erin. "That's what you think. Well, I'm sure I know what I'm doing." Diretso ang mga tingin niya kay Erin. Ganito ba dapat? Kailangan mag-englishan kapag nagsasagutan? 


Tahimik  na lumabas ng kwarto si Erin at ang tanging nagawa ko lang ay sundan siya ng tingin. Wala ba siyang planong ipaglaban ang side niya rito kay Arc? 


Pagbalik ng tingin ko kay Arc ay bigla akong kinabahan dahil seryoso ang tingin niya sa akin. Buti nalang ay bigla siyang inakbayan ni Clifford. "Ang angas mo talaga, tol! T*ng ina, taob talaga kami sa 'yo eh." 


Napakunot ako. Wala lang ba talaga sa kanila ang pag-alis ng kasama nila? 


"Don't worry, baby girl, babalik din 'yon si Erin. Broken lang 'yon ngayon kaya gano'n." Komento ni Xander, mukhang nabasa ang iniisip ko. "Ouch, t*ng ina, tol! Kailangan manikmura?" Reklamo pa niya nang bahagya siyang sinikmuraan ni Arc. "Umayos ka na." 


Sinundan ko ng tingin si Arc nang kunin niya ang gitara sa isang sulok. Paano ko matutulungang maka-score ti Tamy sa lalaking 'to kung ganito ang setup namin? Dahil sa pagiging temporary vocalist ko, baka mas lalong mapalapit ang loob ko sa kaniya. Bagay na alam kong dapat kong iwasan, kaya paano? Paano ako iiwas kung ganito? 




...


"Easy ka lang, Ae. Isang kanta lang naman ang kakantahin natin tyaka e-extra lang naman tayo sa teacher's day program. At tandaan mo, hindi naman talaga pang-teachers 'yong kanta, kaya 'wag ka masyadong kabado, basta damhin mo 'yong kanta. Kaming bahala sa 'yo." Tinapik pa ako sa balikat ni Clifford.


Buti nalang kahit papaano, naibsan ang kabang dinadala ko dahil mas komportable na ako ngayon sa presensiya nila. Parang close na close na nga kami matapos akong ipakilala kanina ni Arc sa kanila bago kami nagsimula sa practice kanina at ngayon ay break muna. 


"Ok lang ba talaga 'yong pagkaka-kuha ko sa kanta?" May pag-aalalang tanong ko na ikinatawa niya. 


"Kung nandito lang si Erin, magsisisi 'yong sinabihan ka niyang hindi mo kayang kumanta ng maayos." Si Ardaine ang sumagot matapos makainom sa hawak niyang bottled water. Oo nga pala, 'yong tubig ko, bakit hanggang ngayon wala....


"Eli!" Napatingin kaming lahat sa pinto nang pabagsak 'yong bumukas. 


"Theo?" Nakakunot na tanong ko at napatingin sa hawak niyang tumbler na pagmamay-ari ko. Teka, bakit dala niya 'yon eh si Darrel ang chinat ko kaninang ipadala sa akin 'yan. 


"T*ng ina nito, 'apakayabang, akala ko baril 'yong dala." Komento ni Clifford, pero nilampasan lang siya ni Theo para lapitan ako. 


"Aba't snober ang isang 'to ah." - Clifford


"Tubig mo." Nakangiti niyang inabot ang baunan ko ng tubig, parang hindi nga niya nakikita ang presensiya ng mga kasama ko kaya bigla akong nailang sa pagi-iskandalo niya ng biglaan dito sa music room para lang ihatid 'tong tumbler ko. Inabot ko nalang 'yon, "Salamat." Bwiset na Darrel 'yon, kailan pa sila naging close nitong transferee na 'to at ang kapal na ng mukha niyang ipahatid ang tumbler ko? 


"Anong ginagawa mo rito?" Napatingin ako sa naiwang bukas na pinto kung saan pumasok si Arc kasunod niya si Xander. Diretso ang tingin ni Arc kay Theo na parang ano mang segundo, ibabato niya ang hawak na bottled water dito. 


"Chill ka lang, insan. Hinatiran ko lang naman ng tubig 'yong bokalista ni'yo. Mukhang 'di siya inaalagaan dito." 


Insan? Napatingin ako kay Theo. So mag-pinsan sila ni Arc? At anong sinasabi ng transferee na 'to? Napatingin ako kay Arc na napataas ng kilay. "Alis." 


Ayan na naman, nagsu-sungit na naman ang leading man, at bakit ba sa tuwing ginagawa niya 'yan ay ang gwapo niya lalo?! Feeling ko, ako 'yong leading lady na pinag-aagawan ng leading man at second lead. Ang haba naman yata masyado ng buhok ko? Hay, imagination~


"Masiyado 'to. Bakit ba ang sungit mo? Selos ka lang yata eh." May pang-aasar sa tono ni Theo. Napatingin ako kay Arc at talagang saktong nagtama ang mga tingin namin kaso lang ay mabilis din siyang nag-iwas ng tingin at saktong inakbayan siya ni Xander. "Pa'no magseselos 'to? Subukan mong si Tamara ang landiin mo, baka oo." 


Sa sinabi ni Xander ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa loob ko. Tama naman ang sinabi niya. Nakalimutan ko na namang iba ang leading lady sa kwentong 'to. 


"Pwede bang h'wag kang dumikit sa 'kin?" Iritadong wika ni Arc, mukhang si Xander yata ang sinasabihan, pero hindi na ako nakatingin sa kanya dahil abala ako sa pag-bukas ng tumbler ko at kunwaring tinitingnan ang song lyrics sa bond paper na nasa harap ko. 


"Type mo 'yon si Tamara Fuentejas?" Tanong ni Theo kay Arc kaya napatingin ako sa nauna. Pinanliitan ko siya ng mata at napangisi ako sa ideyang pumapasok sa isip ko. Type yata talaga ng Theo na 'to si Tamy eh. Kawawang transferee, taken na ang natitipuhan niya at talagang pinsan pa niya ang magiging karibal niya. 


Hindi ko na inabalang pakinggan ang usapan nila dahil ayoko na rin namang marinig ang obvious na sagot ni Arc. Isinuot ko ang headseat. Buti nalang at biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng jogging pants ko kaya do'n natuon ang atensyon ko. May chat galing sa magaling kong baklang kaibigan. 



daReal Queen 


Pinahatid ko kay Ramos yung tumb mo, di ko maharap may tinatapos ako 


At pano kayo nagkakilala ni Theo?

GAGANG MALANDI KA!!!

San mo nakuha yang Theo na yan? 

Nickname-basis agad?

Mukang mas close pa kayo, GG!!!

In peyrness, gwapo! 

Di bagay sa tropa list ko 

Sa aasawahin pdeng pde! <3




Mahina akong natawa bago nag-tipa ng reply. 


Pinsan siya ni Arc

Mukang ayaw pumatol sa jeki mga lahi nila Arc eh

Sorry ka sis :D 



"Hoy, sino 'yan, huh?" Kung hindi lang mabilis ang kamay ko, naagaw na ni Theo ang phone ko. Inalis pa niya ang suot kong headset. Nakangisi siya ng mapang-asar sa akin. Napatingin ako sa iba na nag-aayos na sa kaniya-kaniya nilang mga pwesto. 


"Ba't nandito ka pa? Wala ka bang klase?" Tanong ko sa kaniya at inayos na rin ang pwesto ko. 


"Maya na. 'Di ko pa nga naririnig magmura si Arc. Tyaka gusto ko rin marinig ulit 'yong boses mo."


"Huh?" Hindi ko naintindihan ang ikalawang sinabi niya kaya napatingin ako kay Arc na nakatingin din pala sa akin. "Hanggang kailan mo balak makipag-tsismisan d'yan sa g*gong 'yan?" Masungit na tanong niya, masama pang sinulyapan ang katabi ko. Nakangisi naman si Theo. "One" Bilang niya bago lumayo sa akin para maupo sa couch. Binibilang ba niya 'yong mura ni Arc? Para sa'n? 


"Go, Aelia! Galingan mo!" Malakas ang boses ni Theo at talagang chineer pa ako. Nakakahiya ang transferee na 'to. Hindi na ako magtataka kung naiirita si Arc sa presensiya niya. 


"Teka, ba't wala 'yong low-key pianist ni'yo?" Daldal na naman ni Theo. 


"Pwede bang itikom mo muna 'yang bibig mo, Theodore?" Si Ardaine ang kumontra.


"At, pwede bang itikom mo rin ang bibig mo dahil hindi ikaw ang kausap ko, Yuhenyo?" Pambabara ni Theo na ikinatawa ni Clifford, pero napamura rin dahil nasapol na naman ang sentido niya ng librong lumipad mula kay Ardaine. Nag-mura pa siya at halos isumpa si Ardaine.


"Pwede namang ikaw muna sa keyboard, Theo habang wala pa si Erin." 


"No." Mabilis na kontra ni Arc kay Xander. 


"Ilang beses mo na 'kong nire-reject, insan. Baka nakakalimutan mong sa dami ng instrumentong kaya kong tugtugin, isa ang piano?" May pagbubuhat ng bangkong depensa ni Theo. Pianista rin pala siya. Wow. 


"Come on, Cali. Sa practice lang naman." Pangungumbinsi ni Xander. 


"Pagbigyan mo na 'tong mukhang ulol mong pinsan, Arc. Tingnan mo, kawawang-kawawa naman." May pangungutyang segunda ni Clifford, hinahaplos padin ang sentido. 


"We can still play without the keyboard----"


"Pero parang may kulang." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sumali sa debate nila. Napatingin silang lahat sa akin at dahil sa hiya ay napayuko ako. Naramdaman ko nalang ang pag-akbay sa akin ni Theo. "See? Pati 'tong bokalista ni'yo boto sa 'kin." Energetic pa siya. 


"Kung sa practice lang naman, pwede na nating hugutin 'tong si Ramos para sa keyboard habang wala pa si Erin." Komento ni Ardaine.


"I said no"


"KJ mo naman----"


"T*ng ina, Theodore, umalis ka nga rito." Natigilan ako nang biglang tumaas ang boses ni Arc. Hindi lang 'yon, talagang malutong pa ang murang binitawan niya. 


"Ito na nga, boss, sabi ko nga aalis na." Nakataas ang dalawang kamay ni Theo, tanda ng pag-suko, pero halatang nakangisi. "Sige, Eli. Kita nalang tayo mamaya." May pagka-FC na paalam niya sa akin. Tinanguan ko nalang. Maka-Eli parang close na close kami ah. 


Napatingin ako kay Arc na nakatingin sa akin, parang may kung ano siyang iniisip. Siya ulit ang unang nag-iwas ng tingin. "Start the practice. May gagawin lang ako sandali." Paalam niya tyaka lumabas ng kwarto. 


Anong nangyari ro'n? 




...

Akala ko puro kalokohan at hindi magse-seryoso sila Clifford sa practice, pero kahit pala wala si Arc na tumatayong leader ng banda nila ay seryosong-seryoso parin sila. Si Clifford muna ang nagsilbing gitarista, sa drum si Ardaine habang sa keyboard muna si Xander pansamantala. Naka-ilang practice rin kami bago dumating si Erin. Tuloy-tuloy lang siyang pumasok palapit sa isa pang keyboard. 


"Ulol ka talaga. May nagwo-walk palang bumabalik. Welcome back, tol!" Pang-aasar ni Clifford. Tahimik na itinaas ni Erin ang kamay niya at natawa ako dahil pinakyuhan niya ang kaibigan niya na ikinatawa ng tatlo. 


Ganito pala ang ganap sa Neptune. Parang walang nangyari kaninang tensyon. Akala ko hindi na babalik 'tong si Erin. Nag-isip-isip pa ako ng kung ano-ano. Na kung paano nalang kung mabuwag ang Neptune dahil lang sa bagong temporary vocalist nila? Syempre wala namang ibang masisisi ro'n kung hindi ako. 


"So what did Cali tell you this time? Bakit bumalik ka?" May pang-iintrigang tanong ni Xander. Kinausap ni Arc si Erin? Wow. Na-kombinsi niyang bumalik 'to ng gano'n kabilis? Paano? At tyaka kanina lang ay parang magsusuntukan na sila. 


"None of your business." Walang ganang sagot ni Erin.


"Pa'no ba 'yan, tol? Ibig sabihin, tanggap mo na 'tong si Aelia?" Tanong ni Clifford. Napatingin ako kay Erin na tiningnan din ako. Kinakabahan ako dahil hindi siya kaagad sumagot. Pumihit muna siya ng ilan sa keyboard hanggang sa tugtugin niya ang Fur Elise. Wow. Kuhang-kuha, at ang bilis ng galaw ng kamay niya. 


"Depends."


"Paanong depende?" Tanong ni Xander.


Patuloy parin sa pagpihit ng key si Erin. "Depends if she could reach my standard." Simpleng sagot niya. Alam ko na kung anong standard ang sinasabi niya. At aware ako na si Vanessa ang tinutukoy niya, ang standard na alam kong hindi ko mapapantayan. 


"'Hindi ako kasing-galing ni Vanessa, pero gagawin ko 'yong best ko para sa Neptune...bilang temporary vocalist ng banda." Lakas-loob na sabi ko. Hindi na siya sumagot. Kinindatan pa ako ni Xander, inakbayan ako ni Clifford na parang sinasabi niyang kaya mo 'yan! 


"Teka, ba't nasa'n na ba si Arc?" Nakakunot si Clifford nang bumitaw siya sa pagkaka-akbay sa akin. 


"He told me he needed to leave early. Has some errand as usual." Malamig na sagot ni Erin. As usual? Madalas ba siyang wala sa practice? Parang bad trip siya kaninang umalis siya. 


"I wonder where did he ride this time?" Wika ni Xander. Ride? 


Nakailang take pa kami ng practice bago kami naghiwa-hiwalay. Bumalik ako sa classroom para tapusin ang dalawang subjects namin ng hapon. Ipinasa na kasi ang excuse letter ko sa mga nauna naming subjects kanina kaya ayos lang na absent ako. Mukhang malakas ang Neptune rito sa Valenciano eh. 


Hindi ko nakasabay si Darrel dahil may pupuntahan pa raw siya kaya mag-isa akong uuwi papuntang terminal ngayon pauwi sa bahay. 5:25 palang naman ng hapon kaya medyo maliwanag pa. 


"Kuya, five pesos nga po rito sa pineapple juice." Tinakalan ako ng tindero at inabot ko naman sa kaniya ang bayad. 


Habang naglalakad at sipsip ko ang straw ng palamig ko ay kinuha ko muna ang phone sa bulsa ng jogging pants ko. Messenger ang una kong pinuntahan. Wala namang bagong chat sa GC kaya nag-bukas nalang ako ng FB. Pagbukas ko ng notif, bumungad sa akin ang kauna-unahang update. 


Theio Ramos sent you a friend request


Ini-stalk ko ang profile niya. Medyo nagulat pa ako sa bio niya. Pa'no ba naman ang nakalagay ay....


Luh, stalker oh!


Napailing ako. Nag-scroll-scroll lang ako. Halos shared-posts kasi ang laman ng profile niya at puro mga kayabangan at kalokohan ang mga 'to. Syempre hindi pwedeng lampasan ko ang photos. May mga ilan na kasama niya si Arc sa picture. Pero hindi lang silang dalawa ang nasa frame. Mukhang family event ang mga 'yon. Dahil nakita ko si Arc sa mga pics, naisipan kong bisitahin ang profile niya matapos kong i-accept ang friend request ni Theo, pero as usual wala man lang kalaman-laman ang account niya. Walang bio, walang photos, o kahit shared posts man lang. 'Paka-low-key, pero akalain mo ang daming nagkakagusto sa kaniya. 


Halos mabitawan ko ang phone ko nang biglang lumitaw ang chat head sa gilid ng screen ko. Kinabahan ako ng sobra dahil profile ni Arc 'yon. Nagbilang pa ako ng ilang segundo bago binuksan. 


Arc Salviez


How's your practice? 


Nagtanong lang siya kinilig na ako ng todo rito. Parang BF lang na naghihingi ng update sa GF niya. Iba na yata ang lebel ng imahinasyon ko.


Maingat ang pagta-type ko sa screen keyboard, una dahil kinikilig ako at pangalawa dahil gusto ko na maayos ang sagot ko....



OK lang. 



Dadagdagan ko sana ng, Sa'n ka nagpunta kanina? Ba't 'di ka na bumalik? Kaso baka magmukhang random o feelingera ako sa kanya. Akala ko hindi na magre-reply si Arc, pero makalipas siguro ng dalawang minuto, saktong nakarating na ako sa terminal nang makatanggap ako ng chat galing sa kanya. 



Kailangan mo pa ng improvement.

Xander sent me the record.



Ano? Bakit 'di ko alam ang tungkol sa record na 'yon? Video record ba?  Sa halip na magtanong-tanong pa ako ay sumagot nalang ako. 



Oo nga, pansin ko rin na parang may kulang sa pagkanta ko :(

Sorry, kabado parin kasi ako



"Bayad po." Iniabot ko ang ten pesos kay Kuyang Driver bago sumakay sa loob ng motor. Buti at wala pa akong kasama. Binuksan ko ulit ang phone ko.



Emotion. You need to feel the song. 



Parang tanga akong nakangiti rito kahit na seryoso naman ang usapan namin. 



Parang ako ang main character sa kanta 

Need kong damhin ang bawat lyrics kasi yun ang magsisilbing emosyon ko



You got my point. Ganon nga. 



Ire-reply ko sanang, Pwede bang 'Can't Help Falling In Love' nalang ang kantahin para natural na madama ko 'yong kanta? with JOKE sa last kaso hindi naman kami gano'n ka-close ni Arc para makipag-biruan ako kaya hindi nalang. 


Ok! Magpa-practice ako sa bahay.


Nag-heart react siya sa reply ko bago ulit nag-chat. 


SY tom.



Malakas ang kabog ng dibdib ko. Last practice na namin bukas! Nag-heart-react ako sa last chat niya. 'Yong pulang-pulang puso para tie lang kami. Akala ko nagtatapos na ang medyo mahaba-habang usapan namin, pero nakatanggap ako ulit ng chat niya bago may dumating na bagong pasahero.



Don't forget your tumbler. 



Arc, bakit ganyan ka? Bakit parang nakakakita ako ng sign na dapat akong umasa? Na karapat-dapat ko ring gampanan ang role ng leading lady? Pa'no kapag nahulog pa ako ng mas malalim sa 'yo? Sisisihin ko ba ang sarili ko dahil umasa ako, o dahil nahulog ako nang hindi mo man lang sinalo?












Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top