Chapter 48
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa sobrang ganda ng view rito sa 4-star hotel na tinuluyan namin. Tanaw ang magandang view mula rito sa balcony ng kwarto. Tanaw ang swimming pool sa baba at sa hindi kalayuan, kitang-kita ko ang payapang asul na dagat. Ramdam ko rin ang may kalamigang hanging dumadampi sa balat ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Sobrang ganda ng lokasyon ng lugar dahil sa pagiging nature-friendly nito.
"I hope you like the place." Napalingon ako kay Arc. Isinandal niya ang mga braso niya sa railings.
"Sobra." Malawak ang ngiti ko. Gumuhit ang matipid na ngiti sa labi niya.
"Thank you, Arc."
Inalis niya ang pagkakasandal ng braso niya mula sa railings tiyaka humarap sa akin nang nakahalukipkip. Ngayon ay ang likod naman niya ang nakasandal. "Thank you lang?" Medyo nakakunot na tanong niya.
Pati tuloy ako ay napakunot. "Thank you...so much?"
Napaangat ang kilay niya. "So much?"
"Baka kasi kulang ang 'thank you' lang." Pamimilosopo ko.
Bumuntong-hininga siya. Natawa tuloy ako. Alam ko naman kung anong gusto niyang sabihin, gusto ko lang talaga siyang asarin. Bago pa siya may masabi ay lumapit ako sa kaniya tiyaka mabilis na pinasadahan ng halik ang labi niya. "Thank you, love."
Mukhang hindi yata niya inaasahan ang ginawa ko at sinabi ko dahilan nang ma-estatwa siya sa pwesto niya. Teka, 'yon naman ang ginagawa ng mga leading lady sa mga nababasa at napanonood ko ah. Tiyaka isa pa, siya kaya ang nagpasimuno sa 'love' na endearment.
Tumikhim siya at umayos ng tayo. "I'd...better go to my room." Naglakad siya palayo. Nilampasan ako nang hindi man lang ako tinitingnan.
"Hindi ba may pupuntahan tayo----"
"We're leaving in five minutes. Kunin ko lang sandali 'yong phone ko sa kwarto." Sagot niya nang hindi ako nililingon hanggang sa tuluyan na siyang makalabas.
Napangiti ako. Seeing him act that way made me smile. May cute side ka rin pala, Arche Callisto.
Nag-retouch lang ako sandali bago ako lumabas ng kwarto matapos kong i-ayos ang ibang mga gamit ko. Ang unang destinasyon namin ay ang basco lighthouse. Noong unang punta namin rito ay hindi pwedeng umakyat sa lighthouse, sana naman ay pwede na ngayon. 'Yon ang isa sa mga inaasam-asam ko rito sa Batanes.
Nag-text si Arc sa akin na hihintayin niya ako sa labas dahil may kauusapin pa raw siya kaya tumuloy na ako pababa. Kaagad ko naman siyang nakita paglabas na paglabas ko. Abala niyang sinusuri ang Aerox na nakaparada sa harap niya habang kausap niya ang isang staff ng hotel.
"Enjoy the ride, Sir." Nakangiting iniabot ng staff ang susi kay Arc. Nang makalapit ako ay nginitian din ako ni kuyang staff. "Ingat po kayo ni Sir, Ma'am." Ngumiti naman ako pabalik.
Nagtatanong ang mga mata ko nang balingan ko si Arc ng tingin, "Motor rental?" Tanong ko, itinuturo ang sasakyang nasa harap namin.
Tumango naman siya. "Hindi ka mage-enjoy kung hindi ka sasakay rito."
Natawa ako. Parang bumalik lang kami sa high school days noong 'yong Aerox pa ni Arc ang madalas naming sakyan dati sa tuwing gumagala kami.
"Anong ngiti 'yan?"
Mabilis kong binawi ang ngiti ko dahil sa tanong niya. "Do you still remember our first ride together?" Nang-aasar pa ang ngisi niya. Bakit ba ang galing niyang basahin ang iniisip ko?
"Ah...'yon. 'Tagal na kaya nun. 'Di ko na nga masiyadong maalala." Sagot ko.
Hindi napawi ang mapang-asar na ngisi sa labi niya. "Tanggi pa." Bulong niya na nagpataas ng kilay ko. Aba't talagang----
Hinila niya ang kamay ko para makalapit ako sa kaniya. Isinuot niya sa akin ang helmet, matapos ay mataman akong tiningnan sa mga mata ko.
"Mind reader ka ba, Arc at pati iniisip ko alam mo?" Tanong ko.
"I just know what you were thinking. Mali ba? Knowing you, I guess, I was right. Imposibleng makalimutan mo 'yon. Baka nga may diary ka pa tungkol sa 'kin eh."
Maagap kong hinampas ang braso niya na sa halip na indahin niya ay tinawanan lang niya ang reaksiyon ko. "Bakit? Totoo ba? May diary ka no'ng high school?"
"Halos ang mga babaeng high school students ay may diary, pero ibahin mo 'ko. Ba't naman ako magda-diary? Mukha lang, pero hindi. Nakakatamad kayang magsulat."
"Talaga lang ah."
"Tara na nga lang. Ang tagal naman." Umangkas na ako sa likod ng motor bago pa magkabukingan.
Ang lakas talaga kahit kailan mang-asar ng lalaking 'to. Isang katangian ni Arc na bihira mo lang makita sa high school dahil mas madalas ang pagiging seryoso niya.
"H'wag mo masiyadong bilisan ah." Paalala ko.
"Trust me. You're going to enjoy this trip. And don't worry, I'll drive with your speed limit."
"Dapat lang."
Rinig ko pa ang pag-tawa niya. Nakuha pa talaga niyang tumawa.
Hindi ko alam kung sa kaliwa ba o sa kanan ako titingin. Kumbaga sa pagkain ay walang tapon ang view na nadaraanan namin. Sobrang ganda talaga. Wala kang ibang makikitang kulay kung hindi asul at luntian. Ang asul na kalangitan, ang payapang asul na dagat at ang mga puno't bundok na buhay na buhay dahil sa kulay nitong luntian.
Mabagal lang ang takbo ng sasakyan. Talagang inihanda ko na kanina pa ang mini tripod para mas madali kong makuhanan ang magandang tanawin. Sobrang lawak na ngiti ang hatid sa akin ng lugar na ito. Matagal ng ito ang pangarap kong puntahan, at tingin ko ay paulit-ulit kong babalik-balikan ang lugar na ito. This has a special place in my heart. It became special, now that I'm here with the person I like the most...with the special person I love.
Ano ba 'yan. Ayan tuloy napapa-english pa ako.
"Here we go, Bataneeees!!!" Sigaw ko habang ivini-video record ko ang sarili ko pati ang dinaraanan namin.
Hanggang sa makarating kami sa lighthouse ay panay ang picture at video ko gamit ang phone ko.
"Wow..." Maka-laglag panga talaga ang ganda rito habang tinitingala mo ang taas ng basco lighthouse.
"Aelia." Napatingin ako kay Arc nang tawagin niya ako. Mabilis na pitik sa camera niya ang ginawa niya para kunan ako. Kukuhanan na nga lang ako, candid shot pa. Nag-post tuloy ako ng kung ano-ano para naman hindi puro candid. Ang hilig niya mag-stolen shot eh.
"Tara sa taas." Wala na akong nagawa nang hilain niya ako.
Mukhang nakisama ang panahon sa amin dahil kami lang ang tao rito ngayon at syempre 'yong dalawang kuya kanina sa baba na nag-entertain sa amin.
Hindi ako makaimik nang tuluyan na naming marating ang itaas na bahagi ng lighthouse. Napamumura nalang ako sa isip ko sa sobrang ganda ng nakikita ng mga mata ko.
"Here's your dream, Aelia."
Napatingin ako kay Arc, "Arc, umamin ka nga. Magkano ang binayad mo sa mga guard sa baba para pumayag lang silang umakyat tayo rito?"
Natawa siya, "Wala. Sinabi ko lang na tutuparin ko ang pangarap ng girlfriend ko."
Natahimik ako sa sagot niya. Nakatingin lang kami sa isa't isa hanggang sa natawa nalang kami pareho. "Baliw ka talaga."
"Baliw ka sa 'kin."
Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. "Excuse me? Dati lang 'yon."
"I don't think so, Aelia." Nakangising sagot niya. Lumapit siya sa akin, sa bandang likod ko tiyaka niya ipinulupot ang mga braso sa baywang ko, bagay na hindi ko inaasahan dahilan nang mabilis na pagkabog ng puso ko.
Parang napako tuloy ako sa pagkakatayo. Napahawak nalang ako sa malamig na railings. Nahihirapan akong huminga at minabuting manahimik nalang dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kaniya. Mas na-doble pa ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko nang maramdaman kong ipinatong ni Arc ang baba niya sa balikat ko.
"And here's my dream..." Kinuha niya ang magkabilang kamay ko tiyaka ako mahigpit na ikinulong sa braso niya. "...Being with you, with all your dreams. Being with you, whenever you want to escape from the noise of the world. Whenever you're longing for a rest, I'm here, Aelia. I'll always be here, love."
Napangiti ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko, sa pagkakataong 'to, wala na akong ibang mahihiling pa.
Isang bagay na pinangarap ko lang noon at inakalang sa mga libro lang posibleng mangyari, pero heto, at ako mismo ang saksi sa mismong kwento kung saan ako ang leading lady at ang leading man...ay walang iba kung hindi ang long time crush at first love ko. Ang paborito kong gitarista. Ang pinaka-gusto kong pinakikinggang bokalista. At higit sa lahat, ang natatanging lalaking may espesyal na espasyo sa puso ko.
Arche Callisto Garcia Salviez. My forever moon.
Kumalas si Arc sa pagkakakulong ko sa braso niya tiyaka ako iniharap sa kaniya. May dinukot siya sa bulsa ng suot niyang pants. Isang maliit na box na kulay deep ocean blue ang kulay.
Binuksan niya ito dahilan nang bahagyang pag-awang ng labi ko. "Arc..."
Dalawang singsing ang laman ng box. Simple lang ang style nito, pero kahanga-hanga ang disenyo. May mga maliliit na bato ito. Ang isa ay may hugis araw at ang isa naman ay may hugis half moon na disenyo.
"This is to pair my moon bracelet." Wika niya. Tinanggal niya mula sa box ito. Akala ko magkahiwalay ang dalawang singsing, 'yon pala ay magkasama ito. Parang naka-intertwined ang design nila sa isa't isa.
Hinawakan niya ang kamay ko at iniangat ito tiyaka marahang isinuot sa akin ang singsing. Napangiti ako nang sumakto ito sa daliri ko.
"Ang aga naman yata ng proposal mo." Biro ko na ikinatawa niya.
Marahan niyang hinahaplos ang kamay ko kung saan nakasuot ang singsing habang pinagmamasdan niya ito. "Your name in ancient Roman means 'sun'...It's a promise ring, Aelia." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Sun and moon. It's you and I. It means 'us'."
Hindi ko mapigilang mapangiti. "Us. You and I, Arche Callisto Salviez."
Ngumiti siya. Para sa akin, ang ngiti niya ang pinakamagandang view na gustong gusto kong nakikita.
"I love you, Aelia." Marahan niyang kinabig ang leeg ko palapit sa kaniya hanggang sa naramdaman ko na lamang ang paglapat ng labi ko sa labi niya.
Marahan, malalim, at dama ko ang bawat hatid na emosyon ng halik niya.
Napangiti kami sa isa't isa nang magkahiwalay ang mga labi namin. "Totoo nga."
Medyo naguguluhan si Arc, "Ang alin?"
"Na mahal din kita. Na mahal padin kita."
Matunog ang naging ngisi niya. Hanggang sa sumunod na mga nangyari, naramdaman ko nalang ang muling paglalapat ng mga labi namin.
This feels like a dream, but it makes me the happiest, knowing that this is no longer a dream.
Sa dami na ng napanood at nabasa kong love stories, ito na ang pinakagusto ko sa lahat, ang kwento na paulit-ulit kong babalikan. Ang kwento na 'to kung saan hindi lang ako extra kundi ako at siya ang bida.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top