Chapter 43
Aray!
Napahawak ako sa ulo ko nang magising ako. Bwiset na hangover 'to. Teka...anong kwarto 'to? Bakit dark shade ng airforce blue at gray ang interior theme? Sa pagkakatanda ko, hindi ganito ang theme ng kwarto ko.
Kinusot ko ang mga mata ko pagkabangon ko, at inilibot ang paningin ko sa apat na sulok ng kwarto kung nasaan ako. May study table sa gilid kung saan naka-setup ang wireless desktop at isang laptop sa tabi nito. Walang masiyadong nakalagay na mga notes at kung ano mang papel sa mesa tulad ng akin kaya malinis itong tingnan.
Sandali nga, ano bang nangyari kagabi at...
Napatakip ako sa bibig ko nang ma-realize kong si Arc ang huling kausap ko. Kung si Arc ang huling kausap ko...hindi kaya...hindi...hindi pwede! Bakit naman niya ako dadalhin dito? Meron naman sina Vanessa para ihatid ako sa bahay.
Napasabunot ako sa buhok ko. Para ma-confirm kung nasaan ako, isa lang ang paraan.
Iniwan ko ang kama at tinungo ko ang pintuan ng kwarto. Marahan kong binuksan ito para maiwasang makagawa ng ingay at dahan dahang lumabas. Mukha tuloy akong may gagawing krimen dahil sa ginagawa ko.
Tumigil ako sa marahang paglalakad nang masinghot ko ang mabangong amoy ng sinangag. Sa kusina!
Nakapasok na ako sa condo ni Vanessa, pero hindi ganito ang style. Baka naman si Ate Marga ang sumundo sa amin kagabi? Baka secret condo niya 'to? Pero, imposible namang i-sikreto pa niya sa amin na may ganito siyang property.
Napatigil ako nang marating ko ang kusina. Napaawang nalang ang bibig ko nang makita ang isang lalaking nakatalikod sa akin habang abala siya sa pagluluto. Seryoso ba 'to? Siya ang pinaka-huling taong gugustuhin kong makasama sa isang condo.
Parang may mga kabayo na namang nagsisitakbuhan sa dibdib ko. Wala man lang ba sa mga kaibigan ko ang nag-abalang ihatid ako sa bahay, at talagang si Arc pa ang nagdala sa akin dito sa condo niya?
Hindi pa niya ako napapansin dahil nakatalikod siya sa akin at abalang naghihiwa. Sinadya kong tumikhim para makuha ang atensyon niya.
Nilingon niya ako. "Hey, morning." Matipid ang ngiting bati niya.
Tama ka, Arche Callisto. Walang good sa morning. Tinanguan ko siya dahil baka isipin pa niyang ang rude ko kapag hindi ako sumagot, gayong dito na nga lang ako nanatili buong gabi.
"Kanina ka pa riyan?" Tanong niya bago bumalik sa ginagawa niya. Napaka-natural niya na parang wala lang sa kaniya na may babaeng natulog magdamag rito sa condo niya dahil sa kalasingan.
"Tapusin ko lang sandali 'to bago tayo mag-almusal."
Tayo? Hindi ko alam kung mahihiya ako, maiinis o matutuwa sa nangyayari ngayon. Hindi lubos sumagi sa isip ko na mangyayari ang ganitong eksena sa amin ni Arc. Hindi na talaga ako iinom ng alak.
"Hindi mo naman kailangang mag-abala pa. Aalis na rin ako niyan." Sabi ko. Hindi man lang siya sumagot.
Iniwan niya ang ginagawa niya para gumawa ng honey and lemon tea. "What's with the rush?" Inabot niya sa akin ang tasang naglalaman ng tea, "Drink this for you hangover."
Nakatingin lang ako sa kaniya dahil hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari.
"I made this in front of you, with your eyes widely open. Walang lason 'to, Aelia."
Napataas ang kilay ko, "May sinabi ba akong nilagyan mo ng lason?" Masungit kong tanong bago ko kinuha sa kaniya ang tasa. Rinig ko pa ang matunog niyang ngisi bago siya bumalik sa ginagawa niya kanina.
Hinipan ko ang tsaang nasa tasa tiyaka ako marahang sumimsim rito. Gusto ko sanang mag-request ng iced coffee dahil 'yon ang nakasanayan kong inumin tuwing umaga, pero h'wag nalang dahil baka magmukha lang akong demanding sa kaniya.
"By the way, tapos ko na nga pala 'yong logo. I sent you an email noong nakaraan pa." Hindi naman sa pinagdidiinan ko na wala pa akong nare-receive na response sa kaniya mula noon, ang gusto ko lang ay malaman niyang nag-email ako tungkol sa project.
"I saw it."
Nakita mo pala, pero hindi ka man lang nag-reponse.
"I had a lot to work on after the trip from Batanes. Sorry for the long wait."
"Ayos lang. Ni-remind ko lang 'yong tungkol sa project baka makalimutan mo."
"Don't worry. I have it on my list." Lumapit siya dala niya ang ulam at sinangag na inilapag niya sa counter na nasa pagitan namin. Kumuha siya ng plato, kutsara't tinidor, at dalawang baso mula sa hanging cabinet. "By the way, you did great. Wala ng dapat baguhin sa logo design na ginawa mo. You reached the client's standard. Check your email. Our client has already sent you the referral letter, and your payment has already settled too."
Medyo nakahinga ako sa sinabi niya. Good to hear na na-reached ko ang standard ng kliyente.
Natigil ako sa pag-simsim sa tsaa nang lagyan ni Arc ng kanin ang plato ko. Naglagay siya ng isang sliced ng omelette, isang hotdog, tiyaka inilapit sa akin ang mainit na sabaw. "Hangover soup."
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Kababae kong tao tapos heto at ipinagluto ako ng long time crush ko no'ng high school ng hangover soup?
Ganito ang eksaktong mga eksena na kinakikiligan ko sa mga k-drama, pero ngayong nandito na, nangingibabaw ang kahihiyang nararamdaman ko. Mas gugustuhin ko na nga lang mag-teleport papunta sa ibang dimension. Correction lang huh, baka iniisip ni'yong may katiting na kilig akong nararamdaman...wala ok?
"Ayaw mo ba ng ulam?...Anong gus----"
"Ayos lang, Arc. Salamat." Sinimulan ko nalang kumain para ituon dito ang atensyon ko.
Mmm...dati na bang marunong magluto si Arc? Ang sarap ng niluto niyang hangover soup. Pero, syempre hindi ko 'yan sasabihin. Asa pa siya.
Katahimikan ang bumalot sa hapagkainan. Ibinaba ko ang kutsara at tinidor ko dahil parang kanina pa napapaso ang bibig ko sa katanungang kanina ko pa gustong itanong sa kaniya.
"'Yong n-nangyari pala kagabi..." Ikinuyom ko ang hindi niya nakikitang kamay kong nakapatong sa hita ko.
"Kagabi? Mmm...anong nangyari kagabi?" Nakangising tanong niya at parang naging slow-mo ang mapaglarong pagsubo niya sa hotdog. Ang hot...
Aelia Dela Fier!! Gumising ka nga!! Walang hiya kang bruha ka, umayos ka! Kinuha ko ang baso ng tubig sa tabi ko para uminom. Anong klaseng tanong ba 'yong tanong niya?
Matunog ang ngisi niya, "Ano bang meron kagabi?"
Hindi ako slow para hindi malaman ang kasalukuyang tumatakbo sa isip ni Arc. Sa dami na ng nabasa kong libro at napanood na drama, alam ko na ang berdeng tumatakbo sa isip niya. Akala ko pa naman inosente 'to sa mga gano'n. Mukhang hindi.
"May gusto lang akong itanong." Honest na sagot ko. Ayoko ng ma-curious kaya lulunukin ko nalang ang pride ko dahil sa kagustuhang malaman kung may nasabi o nagawa ba ako kagabing hindi dapat.
"May...nasabi ba akong hindi maganda?" Kinagat ko ang ibabang labi ko. Please, Arche Callisto, sabihin mong wala.
"Ah...'yon." Binitiwan niya ang hawak niyang kutsara at tinidor tiyaka pinag-saklob ang mga daliri niya. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko, "Maliban sa sinabi mong g*go ako, wala naman na."
Napaiwas ako ng tingin. Sabi na nga ba! Kaya lagi kong nili-limit ang iniinom kong alak eh, hindi ko na ma-kontrol ang mga sinasabi't ginagawa ko.
"Eh...ginawa? May...hindi ba ako kaaya-ayang nagawa?" Itinuloy kong magtanong kahit na nahihiya na ako.
Bumuntong-hininga si Arc, pero diretso parin ang tingin niya sa akin. Medyo matagal bago siya nakasagot. Ang dami niya yatang inaalala na dapat kong ikahingi ng sorry sa kaniya.
"Pasalamat ka sa tama ng whiskey, tulog ka buong biyahe."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Pilitin ko mang alalahanin, wala na akong ibang maalala kagabi sa mga nasabi ko. Mukhang nagsasabi naman ng totoo 'tong si Arc dahil seryoso naman siya.
O baka may hindi siya sinasabi sa akin?
"Now, it's my turn to ask, Aelia."
Napakunot ako. Bakit pa siya magtatanong? Ano 'to? Salitan ang Q and A?
"Did you hate me?"
Natahimik ako dahil hindi ko inasahan ang direkta niyang tanong. "No...Do you still hate me?Galit ka ba sa 'kin dahil sa sinabi ko noong hindi kita gusto?"
At mas lalong hindi ko inaasahan ang sumunod niyang tanong. Kailangan ko ba talagang sagutin 'yan? Bakit napaka-straightforward niya? Hindi yata 'to ang tunay na Arche Callisto eh.
Huminga ako ng malalim. Siguro, kukunin ko nalang na oportunidad 'to para kahit papa'no magkaro'n kami ng closure ni Arc tungkol sa huling naging interaction namin dati. Tutal hindi naman na kami mga bata.
"Bakit ako magagalit sa 'yo? Tapos na 'yon, Arc. Past is past, tiyaka ikaw na rin naman ang nagsabi noon 'di ba? Na mga bata pa tayo para seryosohin ang mga gano'ng bagay."
Nadala ako ng emosyon ko noon kaya siguro hindi ko na namalayan at hinayaan ko nalang lumalim ito hanggang sa puntong hindi ko na alam na nilalamon na pala ako ng pag-asang walang patutunguhan.
"Wala ka namang ginawang masama. Kung may galit man akong nararamdaman, noon 'yon at 'yon ay ang galit sa sarili ko, dahil hinayaan kong umabot ako sa puntong umasa ako kahit alam kong talo na ako."
Ang totoo, hindi naman ako sa 'yo naiinis, Arc. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko simula no'ng nagkita tayo ulit at nagkaro'n ng ganitong encounter. Naiinis ako dahil baka bumalik ulit tayo sa dati, kaya pilit akong dumidistansiya at h'wag masiyadong maging friendly sa 'yo.
Naiinis ako dahil iniisip ko na baka mahulog at matalo na naman ako.
Katahimikan ang bumalot sa buong condo. Parang biglang naging mabigat ang atmospera.
"I'm sorry, Aelia."
Pasimple kong kinagat ang ilalim ng pang-ibabang labi ko. Please, Arc. H'wag kang hihingi ng sorry. Pinilit kong ngumiti at maging natural sa harap niya.
"Bakit ba nagso-sorry ka, Arc? Ayos----"
"No, Aelia. I badly wanted to apologize."
"Kung humihingi ka ng tawad dahil sa hindi mo 'ko gusto----"
"Hindi. Hindi 'yon...I wanted to apologize for hurting you. I know what's done is done, but I mean it, Aelia."
Hindi ko mahuli ang pinupunto ni Arc at mukha namang nakuha niya ang ibig sabihin ng naguguluhan kong reaksiyon.
"No'ng nasa Batanes tayo...hindi mo ba 'ko tatanungin tungkol sa sinabi ko sa 'yo?"
Naalala niya talaga 'yon? Teka...akala ko nakalimutan na niya ang mga sinabi niya dala ng alak.
"Ah, ano na nga ulit 'yon? Sorry, nakalimutan ko na."
Ayokong magmukhang tandang-tanda ko ang mga gano'ng moment dahil baka isipin niyang dahil do'n ay baka umaasa parin ako sa kaniya.
"Sabihan mo na ako na g*go sa lahat ng g*go...but the truth is, I was hoping that you've been waiting...I really hope that after all these years, without any assurance from me, you're still waiting for me to come back."
Sobrang bilis ng pintig ng puso ko sa sinabi niya. Kung panaginip man 'to, pakigising na ako, please. Ayoko na munang umasa sa isang mala-fairytale na love story.
"I was waiting, Aelia. I was looking forward to meeting you again, because I know, I still have a lot of things I badly want to tell you."
Ramdam ko ang panunubig ng mga mata ko sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Gusto kong umalis sa kinauupuan ko at tumakbo nalang palayo, pero parang napako na ako at hindi makaalis.
Umiwas ako ng tingin at sinubukang magbiro. "Kung galit ka sa 'kin dahil umalis ako sa banda, isipin mo nalang na 'yon ang ganti ko sa 'yo. Tutal humihingi ka rin naman ng sorry."
"Tama ka, Aelia. G*go ako dahil hindi ko sinubukang pakinggan 'yong puso ko. Back then, I lost you by believing that love wasn't possible for young people like us. I thought it would simply fade as we grow old, but why am I still feeling this way? It feels like, it deepens along those years without seeing you, Aelia."
Tuluyan ng bumigay ang luhang pinipilit kong pigilan.
"If I'm too late for this, I still want you to know...I've already regret losing you once, and I don't want to regret losing my chance again of telling the truth." Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. Puno 'yon ng sinseridad. "Gusto kita...gusto na kita noon. At hanggang ngayon, Aelia...Ikaw parin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top