Chapter 41


One week later...


Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong makabalik kami mula sa Batanes. Hanggang ngayon ay hindi parin naaalis sa isip ko kung gaano kaganda ang mga mala-paraisong scenery na napuntahan namin. At heto ako ngayon, binabalikan ang mga pictures na nakuhanan ko sa mga lugar na pinasyalan namin gamit ang phone ko. Parang gusto ko tuloy ulit bumalik do'n.


Napatigil ako sa pagsa-side scroll sa mga pictures nang sumunod na bumungad sa screen ang litrato ng Faluwa boat. Ito 'yong time na nasa Ivana port palang kami ni Arc papuntang isla ng Sabtang. 


Napabuntong-hininga nalang ako nang sumagi na naman sa isip ko ang sinabi niya sa tabing dagat. Isang linggo na simula noon, pero walang araw na hindi 'yon nag-replay sa utak ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit kinukulit ang isip ko. 


"I know this might sound stupid...pero hindi pa naman siguro ako huli?" 


"Pwede ba akong bumalik?...Pwede bang ako ulit?" 


Ano ba talaga ang ibig sabihin ni Arc sa mga sinabi niyang 'yon? Hanggang ngayon ay pilit ko paring ina-absorb ang mga katagang 'yon. Baka kasi mali ang pagkakaintindi ko, o kung tama man ay baka dala lang ng alak kaya niya nasabi ang mga bagay na 'yon. 


Hindi naman kasi malayong ang dahilan ay talagang nadala lang siya dahil sa epekto ng alak kaya niya nasabi ang mga 'yon. Tiyaka, una sa lahat, hindi na kami nakapag-usap pa pagkatapos no'n. Kinaumagahan kasi pagkatapos noong time na 'yon ay maaga siyang umalis kasama si Lucas at Chase para sa prenup. Hindi na namin sila nahintay dahil may oras na hinahabol si Darrel. Hanggang sa makabalik kami rito sa Valenciano magpa-hanggang ngayon ay wala na akong update sa kaniya. 


Hindi naman sa nag-aabang ako ng text, chat, o tawag niya, okay? Ang pinka-iniisip ko talaga ay ang napag-usapan naming project ng client na ini-refer niya sa akin tungkol do'n sa business logo. Nag-email ako sa kaniya kahapon ng twelve midnight para sabihing mas maaga kong matatapos ang project, pero mukhang busy siya at hanggang ngayon ay wala pa akong nare-recieve na reply mula sa kaniya. 


Napasabunot ako sa buhok ko at napasandal nalang sa backrest ng recliner ko. Tandaan mo, Aelia. Kliyente mo lang si Arc. Kliyente lang, kaya ayusin mo ang sarili mong, bruha ka! 


Mabilis akong napaayos sa kinauupuan ko nang tumunog ang notification sound sa messenger ko. Napairap ako at biglang tinamad na buksan ang message ni Darrel. Manggugulo lang 'to. 



daReal Queen


Let's go party!



Kaagad akong nag-tipa ng reply.



Off work? Saturday palang ngayon ah!


Sa pagkakatanda ko, Monday pa ang day off niya. 



Tang ina,  magre-retire nakooo! 



Napataas ang kilay ko. Ilang beses na niyang sinabi na magre-retire siya? Hindi na yata mabilang ng mga daliri ko sa kamay at paa. 


Bago pa ako makapag-tipa ng reply ay may message mula kay Vanessa. 



Vanessa Rivera


Girl, are you free tonight?

Pls, say yes! 



Natawa ako nang mabasa ang chat niya.



Si bakla rin nagyayaya ng night out hahaha!



Cool! 

I'll invite the others to Lakwatsero. 

Don't forget Darrel huh? Tell him na doon nalang us sa bar nila Tito Mike.

See ya later, Ae <3



Napakunot ako. Ano ba ngayon? Saturday? 


Ah, oo nga pala! Naalala ko na tuwing Sabado pala ay nagi-imbita ng kakilala niya si Tito Mike para tumugtog sa Lakwatsero. Na-excite tuloy ako. Sino kayang tutugtog ngayon? 




...

Campo de Lakwatsero 


"Aelia!" Namataan ko si Sophie mula sa table malapit sa stage. Kumakaway pa siya. Nauna pa pala sila ni Yohan.


"Bakit mag-isa ka? Nasa'n si bakla?" Nagtatakang tanong niya nang makalapit ako. 


Naupo ako sa tabi niya, "Nag-make up pa siguro. Alam mo naman 'yon, hindi pwedeng lumabas ng bahay ng hindi naka-make up." Kinuha ko ang iniaabot na apple beer ni Yohan na kabubukas lang niya. 


"Eh sila Van, nasaan siya? Si Kle rin, bakit hindi kayo nagsabay?" Tanong ko sa kanila. 


"May tinatapos lang sandali si Van. Sunod nalang daw siya." - Yohan


"Si Kle nasa Luksiao palang. Baka mamaya pa 'yon," - Sophie


Itinungga ko ang apple beer. Napangiwi pa ako dahil sa naghalong pait at tamis nito.


"Oo nga pala, Ae. Wala pa kaming update sa inyo ni Arc mula nag-Batanes tayo." 


Muntik na akong mapa-ubo sa sinabi ni Soph. Dahil sa naging reaksiyon ko ay pinanliitan niya ako ng mga mata. "Ikaw ah~ Anong ganap sa inyo, huh? May hindi ba kami nalalaman na dapat naming malaman?" 


"Marupok ka kung kayo na." Sabi ba naman ng bwiset na si Yohan dahilan para batuhin ko siya ng butil ng kornik, "Anong tingin mo sa ,'kin huh? Bibigay agad-agad?" 


"Hoy!" Napa-aray ako nang paluin ni Sophie ang braso ko. Bakit ba namimisikal 'to? "Nagpapa-hard-to-get ka lang? Ibig mong sabihin bibigay ka rin? Hindi pa ngayon, pero sa tamang panahon?" Malawak at mapang-asar ang ngiting tanong niya. 


"Bibigay ka rin pala, dapat ngayon na. Patatagalin pa kasi." Segunda pa ni Yohan. 


May tipo talaga ng kaibigan na sa halip na payuhan ka ng matino, puro kalokohan ang sasabihin sa 'yo. Napabuntong-hininga nalang ako. ANG SWERTE KO dahil mayro'n akong mga kaibigan na gano'n. 


"Single ka naman, single naman si Arc. Wala namang masama kung----" Sinubuan ko nalang ng slice ng pipino si Sophie, "Ikaw rin single." 


Nakabusangot tuloy siyang ngumunguya. "At least ako, willing to mingle." 


Napatingin ako kay Yohan na abala sa pagtitipa sa screen ng phone niya. Kaya pala tahimik na. Itinungga ko ulit ang beer bago nadako ang tingin ko sa bar counter. Iba na ngayon ang bar tender dito. Simula kasi nang ikasal si Kuya Baste ay hindi na siya rito nagta-trabaho. Hindi naman nagbago ng husto itong bar, katulad padin naman ito ng dati. May mga ilang gamit lang ang naiba tulad ng ilang mga mesa at upuan. 


Napatingin ako sa stage. Napalagok nalang ako ulit sa beer. Kailan kaya ako ulit tatayo sa entablado para tumugtog at kumanta para sa mga tao? 


Naalala ko tuloy noong tuwing may magre-request ng kanta sa amin, wala akong ibang maramdaman noon kung hindi tuwa. Naiibsan ang kaba ko sa tuwing kaharap ko ang mga tao dala ng musika at palakpakan pagkatapos ng kanta. Mas nagkaroon ako ng confidence sa boses na mayro'n ako dahil do'n.  At 'yon ang bagay na hindi ko alam na magagawa ko rati...ang maging bokalista ng isang banda. 


"Do you want to perform?" Napatingin ako kay Yohan. Inginuso niya ang stage. "Kanina ka pa nakatingin do'n. Baka gusto mo munang kumanta habang wala pa 'yong guest nila."


Natawa ako't napailing, "Baliw, hindi." 


"Hay naku, na-traffic daw si Kle." Reklamo ni Sophie bago dumukot ng pulutan. 


Hindi nagtagal ay dumating na rin naman sina Vanessa. Halos magkasabay lang silang dumating na dalawa ni Darrel. 


"Hi, guys!" Masayang bati ni Van tiyaka tinabihan si Yohan. Ayan na naman ang lalaking 'to, ngiting ewan na naman porque dumating lang ang jowa niya. 


"Wala na bang mas hard diyan sa iniinom ni'yo?" Umirap pa si bakla, pero nagbukas din naman ng isang can ng beer tiyaka ito itinungga, "Ano ba 'yan! Walang tama." Tumayo siya ulit at nagtungong bar counter. Ayaw talaga ng baklang 'to sa mga light drinks, gusto niya ay heavy. 'Yong tipong pagkatapos uminom ay hindi na niya alam ang mundo niya pauwi ng bahay nila. Gano'n ang gusto niyang tama. 


"Hoy, Aelia!" Napa-angat ang tingin ko kay Darrel nang makabalik na siya rito sa table namin dala ang bote ng alak. "Hinahanap ka ni Tito Mike. Ayun." Itinuro niya ang pinanggalingan niyang bar counter kung saan nakatayo si Tito habang may kausap sa phone.


"What's wrong?" Curious na tanong ni Van. Kibit-balikat naman ang tanging naisagot ni Darrel.


Sa ekspresyon ng mukha ni Tito ay parang may problema. Ilang sandali lang matapos niyang makipag-usap sa phone ay lumapit siya sa amin. 


"Hello there." Nakangiting bati niya. Tumayo naman si Van para makipag-beso kay Tito. Sa aming nandito, siya kasi ang pinaka-close kay Tito. Remember? Dati siyang miyembro ng Neptune at madalas dito sila tumatambay noon kahit hindi pa sana pwede dahil sa edad nila. Mayro'n kasi silang consent ni Tito Mike. 


"How are you, Tito? Sorry, we were so busy these past few months." Patuloy ni Van.


"I'm good. Ang tagal ni'yo na ngang hindi nagagawi rito. Mabuti at nakapunta kayo ngayon." Nakangiting sagot niya. Hindi talaga maikakailang maganda ang lahi ng mga Salviez. Kahit na may edad na kasi itong si Tito Mike ay halata pa rin ang magandang hitsura niya. 


"Sino po pala ang guest na tutugtog ngayong gabi? Banda po ba o solo lang?" Tanong ni Sophie.


Medyo dismayado ang mukha ni Tito. "That's the problem. Nagka-problema raw ang bokalista ng bandang tutugtog ngayon. May emergency." 


"Kung gano'n, meron naman si Vanessa." Nakangiting inakbayan ni Yohan ang girlfriend niya na parang proud na proud ito. "You can sing right, babe? I can play the guitar for you."


"Really? Is that okay with you, Van?" Tanong ni Tito sa na parang nagkaro'n ng pag-asa. 


"I'll be happy to perform with Yohan, Tito, but hindi pa kasi completely magaling ang lalamunan ko. Medyo dry pa." 


"Then, how about Aelia?" Ibinaling ni Yohan sa akin ang atensyon nila. 


"Go na bakla! H'wag ka ng choosy." Suporta sa akin ni Darrel bago pa man ako makasagot. Bigla tuloy akong kinabahan. Ang tagal na rin simula noong huli akong kumanta sa ganitong lugar. 


"Actually, nag-message na ako kay Callisto, pero hanggang ngayon ay hindi parin kasi siya nagre-reply."


"Sorry po, Tito, pero hindi rin po kasi maayos ang pakiramdam ko." Mabilis na sabi ko nang marinig ko ang pangalan niya. Medyo nagulat pa ako nang biglang sinalat ni Sophie ang noo at leeg ko, "Weh? Saan banda hindi maayos ang pakiramdam mo?" 


"Ito na, tumatawag na siya." Nanahimik kami nang sinagot ni Tito ang tawag. 


"Si Vanessa at Yohan, pero hindi maayos ang kondisyon ng lalamunan ni Van." Wika niya sa kabilang linya. 


Nakikinig lang si Tito, pero hindi namin naririnig ang sinasabi ng kausap niya sa kabilang linya. Maya't maya pa ay nadako ang tingin niya sa akin. "Yes...okay...that's great then." Sinulyapan niya ang oras mula sa suot niyang wrist watch, "May fifteen minutes nalang kayo."


Napabuntong-hininga pa siya. "Okay. Twenty. Wala ng palugit." Tiyaka niya ibinaba ang tawag. 


"Aelia, this is really a favor of me...Pwede ka bang maging bokalista ngayong gabi?" Natigilan ako sa tanong ni Tito. Parang bigla na akong nahiyang tumanggi dahil desidido talaga siyang pakiusapan ako. "Kahit ngayong gabi lang."


Huminga ako ng malalim. "Sige po, Tito. Susubukan ko pong ibigay ang best ko." May choice pa ba ako? Nakakahiya naman kasi rito kay Tito. 


"Great. Let's just wait for the others." 




...

Kanina pa nanlalamig ang mga kamay at paa ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko kasi ay ito ang first time na magper-perform ako. Tandang-tanda ko ang pakiramdam na 'to dahil ganitong-ganito ang naramdaman ko rati noong kaka-recruit ako ni Arc sa banda nila bilang bokalista ng Neptune. 


May parte sa loob ko na parang nagsisisi akong pinatulan ko ang imbitasyon ni Vanessa. Kung kaya ko lang sanang hulaan ang future, edi sana hindi nalang ako sumama rito. Pero hindi ko rin naman itatangging may bahagi sa puso ko na gusto ko ulit kumanta sa harap ng mga tao, at tumanggap ng song requests mula sa kanila. Nakaka-miss din kasi 'yon. 


"Hi." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Arc. Ito na naman ba ang OA na puso ko. 


Black long sleeve shirt, tucked in with grayish trouser. Ang gwa---Nadako ang tingin ko sa naka-bag na gitara niyang nakasukbit sa balikat niya. Ilang taon na rin simula noong huli ko siyang nakitang dala ang gitara niya. 


"Ngiti pa, Aelia." 


Nagbalik realidad ako nang magsalita siya. Nakakaasar ang ngisi niya. Bwiset! Ano ka ba naman kasi, Aelia?! Bakit ba bigla-bigla ka na lang ngumingiti?


"Huli pero 'di kulong." Bulong pa niya pero rinig ko naman. 


Sa inis ko ay inirapan ko siya, "Hindi ba pwedeng masaya lang? Akin na nga 'yang gitara." Aktong aagawin ko na ang gitarang nasa balikat niya nang ilayo niya ito sa akin, "Bakit ka muna masaya?" Nakangisi parin na tanong niya. Kita mo ang isang 'to. Ang lakas na namang mang-asar. Ayan ba ang natutunan niya sa nakalipas na ilang taon? Ang manira ng mood ng tao?


"Cool down, Aelia. Nagtatanong lang naman." Tiyaka niya rin inabot sa akin ang gitara, pero halata parin ang bakas ng ngisi sa labi niya. 


"Pwes, h'wag ka ng magtanong." Sagot ko at napairap pa tuloy ako bago ko kinuha ang gitara tiyaka siya tinalikuran. 


"Fix the tone. Pinaglaruan na naman 'yan ni Theodore." 


Natawa ako nang mahina nang maalala ko si Theo. Dapat hindi lang niya basta pinaglaruan, pinutol na rin niya ang isang string. Childish, pero masisiyahan akong makitang maasar si Arc dahil do'n. Gawin ko kaya para naman makabawi ako sa kaniya. 


"H'wag mong gawan ng krimen 'yang gitara. Mas mahal pa 'yan sa 'yo." Komento niya na mukhang nabasa ang iniisip ko.


Hindi ko siya inabalang pansinin. "Edi sana all mahal."


Naramdaman ko ang katahimikang namayani sa pagitan namin. Napatigil ako sa pagtotono ng gitara para mag-angat ng tingin. Napatingin ako sa kaniya na hawak ang bass guitar. Diretso ang tingin niya sa akin...at nang ma-realize ko ang sinabi ko ay mabilis kong ibinalik ang atensyon ko sa gitarang hawak ko. Ano ba 'yan! Nawala pa ang focus ko sa pagto-tono. 


"Ako na." Natigilan ako nang hawakan niya ang fret board ng gitara. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa lapit ng distansiya namin sa isa't isa ay hindi ko alam kung matutuwa pa ba akong nagkita pa kami ulit. 


Binitawan ko na ang gitara at ipinaubaya nalang sa kaniya ang pagto-tono. "CR lang ako sandali." Paalam ko nang mabilis ko siyang tinalikuran. 


"Aelia." Tawag niya sa akin dahilan nang matigilan ako sa paghakbang. Lumingon ako para humarap sa kaniya. "About the things I said back in the island..."


"Okay lang 'yon Arc." Matipid akong ngumiti. Bakit ngayon pa, Arc? Bakit ngayon mo pa 'yon naalala? 


Nakakunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"


"Wala 'yon sa 'kin. Alam ko namang nakainom ka no'ng time na 'yon. Teka, buti naalala mo?" Mapagpanggap kong sagot sa kaniya. 


"Oo naalala ko. Hindi ko naman 'yon nakalimutan. And no, I wasn't drunk that time." 


Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kaniya. Seryoso kasi siya at hindi ko alam kung anong tamang salita ang tutugma sa sinabi niya. 


"I'm sorry I wasn't able to reach you after---"


"Wala 'yon. Alam ko namang busy ka, tiyaka busy rin ako. Isa pa, hindi ko naman hinihintay ang explanation mo tungkol do'n sa nasabi mo sa 'kin." Matipid akong ngumiti, "H'wag kang mag-alala, hindi 'yon big deal sa 'kin, Arc."


Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang oras mula sa suot niyang relo bago niya ako ulit tiningnan. "Can we talk later? I want to tell you something." 


Hindi ko alam, pero sa sinabi niyang 'yon, dumoble pa ang kalabog ng puso ko. Pakiramdam ko, gusto ko nalang tumakbo palayo para iwasan kung ano man ang sasabihin niya sa akin. Sa katunayan, pinipigilan ko ang sarili kong i-entertain ang ideyang pumapasok sa isip ko. 


Hindi naman masamang mag-assume, pero malakas ang pakiramdam ko. Hindi matibay na ebidensiya ang mga nababasa at napapanood ko, pero base sa mga ito, dalawa lang ang posibleng dahilan kung bakit gustong makipag-usap ng leading man sa leading lady. 


Pero bago ang lahat, tama lang ba na i-consider ko ang sarili ko bilang leading lady? Ako na ba ang bidang babae, o sa pagkakataong 'to, pa-papel lang ulit ako?









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top