Chapter 38


"Nice details."


Natapos kong basahin ang PDF document na ipinabasa sa akin ni Arc mula sa Ipad niya kung saan nakalagay ang lahat ng detalyeng kailangan kong malaman sa isang project. 


Anyway, 'yon ang pabor niya. He wants me to work on a project kung saan ako ang gagawa ng logo para sa isang small business. Ayon sa kaniya, kaklase raw niya dati no'ng college ang kliyenteng tinutukoy niya. 


"Sigurado ka bang wala kang mahanap na logo designer? Ang daming pakalat-kalat sa soc-med." 


"Lalayo pa ba ako kung may kilala naman akong malapit?" Sagot niya. Hindi nalang ako umimik. 


"Since ikaw ang client ko sa project na ni-refer mo, anong masasabi mo sa two weeks? I can work with the logo and send you the final design within two weeks. Kahit na enhancement lang sa dating design ang kailangan, gusto kong maging aware ka sa oras na kakailanganin ko para matapos ko ng maayos ang project." Wika ko sabay sulyap sa kaniya na ang atensyon ay naka-pokus sa pagmamaneho ng kotse. 


"No problem."


Madali naman palang kausap 'to. Sana ganito ang lahat ng kliyenteng nakikita ko. Mukhang wala naman na kaming ibang pag-uusapan pa tungkol sa project kaya bigla nalang tumahimik.


"Saan nga pala tayo papunta?" Tanong ko para basagin ang katahimikan. Dahil hindi parin humuhupa ang bad mood ko kanina, hindi ko na naitanong kung saan ang destinasyon namin. 


"Remember Chase's cousin? We're going to their prenup location." 


Napakunot ako nang makita na naman ang ngisi sa labi niya. "Oh ba't nakangisi ka?...At teka, ba't tayo pupunta ro'n...I mean, bakit ako kasama?" Sa pagkakatanda ko kasi ay siya lang ang may kailangang gawin do'n. 


"I thought you won't ask. Kanina pa tayo bumabyahe."


"Busy akong binabasa 'yong details kanina." Kontra ko. 


"But you didn't ask right before I gave you the details. I was surprised when you suddenly got in the car when the only thing I said is 'let's go. You didn't ask anything, Aelia." Natatawang paliwanag niya. Wala na akong masabi at dahil na-blanko na ako ng sasabihin, nanahimik nalang ako. 


"Bad mood ka ba dahil sa akin, o dahil iniwan ka nila Darrel?" Prankang tanong niya. 


Binuksan ko ang bintana sa side ko para makalanghap ng sariwang hangin. "All of the above." 


"Wow." Ayan nalang ang tanging naisagot niya. "Bilis mong sumagot sa tanong ko samantalang sa math exam dati, ang bagal mo."


Napatingin ako sa kaniya ng masama. "Sa math exam kailangan ng computation do'n. Sa tanong mo, hindi ko naman na kailangang i-compute kung ilang daang porsyento ang inis ko sa inyo 'di ba?" Hindi na ako nakapag-pigil. Last day na nga namin dito, iniwan pa ako ng mga kasama ko. Isama mo pa 'tong lalaking kasama ko ngayon.


"'Di ka nga nagco-compute no'n sa math. Naghihintay ka nga lang ng sagot." Makapal ang mukhang sabi niya, halatang nang-aasar. 


"Makapagsalita ka naman parang sure na sure ka na cheater ako rati sa exam ah. Stalker ka? Stalker?" Nawawala ang pagiging matured ko dahil sa kaniya, nakakainis. Ang sarap patulan sa awayan. 


"'Di ba ikaw ang stalker sa 'ting dalawa? Stalker nga kita." Sobrang kapal ng mukhang sabi niya at talagang nakangisi pa.


"Itigil mo nga 'tong sasakyan, baka 'di kita matansiya." Pinipilit ko ang sarili kong kumalma. Ganito pala ang pakiramdam ng mga babaeng nababasa ko na nagsasabing 'Stop the car...I said stop the car!' Nakakainis pala talaga.


"Nakikisakay ka lang." 


Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. Nananadiya ba ang isang 'to at talagang sinusubukan ang pasensiya ko? 


Nanahimik ako at hindi na nagsalita pa. Kung pwede lang akong tumalon palabas ginawa ko na, kaso mahal ko pa naman ang buhay ko at madami pang kliyente ko ang naghihintay sa akin.


Iniiwasan kong mas lalo pang mainis kay Arc kaya hindi na ako nagsalita pa. Hanggang sa paglabas ng sasakyan ay wala imik lang akong nakasunod sa kaniya. 


"Sabihin mo lang kung kasali pa 'to sa project." Hindi ko mapanindigan ang pagtahimik ko dahil sa pagka-irita. 


"Just so you know, this is the Marlboro Hills or, Rakuh A Payaman, commonly called Marlboro country here in Batanes." 


Tumigil ako sa paglalakad at nakatingin lang sa kaniya na kinukuhanan ang view sa harap niya. "Hindi naman ako humihingi ng trivia." Wika ko. 


Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy na rin kami sa paglalakad. Tumigil ako dahil tumigil siya tiyaka siya humarap sa akin. Dahil sa ihip ng hangin, nagugulo ang buhok niya, pero hindi naging hadlang 'yon sa hitsura niya. Kahit saang anggulo, wala ka paring maipintas sa mukha niya. 


Aelia Dela Fier...Tandaan mo, siya ang lalaking minahal mo noon na naging dahilan ng pagkasira ng puso mo. 


"Kung masiyado kang naiinis sa presensiya ko, tumingin ka sa ibang diresksiyon..." Lumapit siya sa akin. Bahagyang tumaas ang balikat ko nang hawakan niya ito tyaka ako iginiya paharap sa kanan ko. Bumungad sa akin ang napakagandang view. "...Sa direksiyon na magpapakalma sa 'yo at magpapangiti sa 'yo."


Bahagyang napaawang ang bibig ko. Asul at Luntian.


"Do you like it?" 


"Sobra..." Halos pabulong ang naging sagot ko. 


Parang ayoko ng iwanan ang lugar na 'to sa sobrang ganda at payapa. Tiningnan ko si Arc na nakatayo sa tabi ko...Gusto kong magtanong sa kaniya, pero parang may kung anong pumipigil sa akin, kaya nama nag-iwas nalang ako ng tingin pabalik sa tanawing kaharap namin. 


"It's great seeing you again, Aelia. I mean it." 


Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. This time, ang mga mata niya ang unang kumalas. 


"It's good to know that you're doing well." Wika niya. Kahit na naka-side siya sa akin ay halata ang matipid na ngiti sa labi niya. 


Huminga ako ng malalim at ibinalik ang tingin sa magandang tanawin. "Hindi naging madali ang lahat bago ko marating kung ano ako ngayon. May mga bagay na hindi ko inasahang mangyayari sa buhay ko at mga bagay na inakala kong mangyayari, but one thing is for sure, whatever choice I have made, it led me here...dito sa point ng buhay ko ngayon na masasabi kong, 'I really did my best'. I did it. Finally."


"I am proud of you, Aelia." 


Napatingin ako sa kaniya. Parang naging mabagal ang bawat segundong nakatingin kami sa isa't isa. Walang may gustong kumalas. Pakiramdam ko tuluyan ng napako ang tingin ko sa mga tingin niya. 


I know you're doing well too, Arc. 


Ako na ang unang nag-iwas ng tingin. "Wala pa ba 'yong pinsan ni Santino?" 


"Santino parin ang tawag mo sa kaniya?" Tanong niya dahilan nang mapatingin ako sa kaniya na bahagyang nakakunot.


"'Yon naman ang tawag ko sa kaniya no'ng high school tayo. Bakit?" Naguguluhang tanong ko.


""Nothing. Tara na." Tinalikuran niya ako at nauna na siyang naglakad palayo.


Napakunot ako. Parang dati lang, noong high school kami ay may problema rin itong si Arc sa tawag ko kay Santino. Hanggang ngayon ba naman? Ewan ko sa lalaking 'to, pati 'yon pino-problema. 


"Hoy, Arc, teka lang!" Tawag ko dahil ang bilis niyang maglakad. Patakbo tuloy akong sumusunod sa kaniya. 


"Akala ko ba rito ang photoshoot?" Tanong ko nang maabutan ko siya. 


"Hinihintay na tayo." Hindi siya tumigil sa paglalakad. Sana man lang hingalin siya 'di ba?


"Huh? Bakit tayo----teka..." Napairap nalang ako nang mas bilisan pa niya ang paglalakad. Hindi nalang ako umimik at sumunod sa kaniya dahil baka mas lalo pa akong hingalin kung sasabayan ko pa ng pananalita ang paglalakad. 


Kaagad niyang sinindihan ang sasakyan nang makapasok ako. "Hindi ba tuloy 'yong sinasabi mong photoshoot?" Medyo hinihingal na tanong ko. 


"It's not here. Sa Sabtang pa." 


Sa halip na magtanong ako tungkol sa lugar na 'yon ay binuksan ko ang phone ko para i-google ito. 


"Mahigit isang oras ang biyahe papunta ro'n...wait...tatawid pa tayo papunta sa isla?" Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. 


"Bakit? Ayaw mo ng adventure? Kaya ka nga nandito 'di ba para gumala?" Sagot niya habang pokus ang buong atensyon sa daan. Napapikit nalang ako't kinalma muna ang sarili ko. 


"Wait, are you getting dizzy already?" Pa-concern na tanong niya, pero hindi ko ito pinansin. 


"Kaya ako nandito sa Batanes para gumala, pero hindi sa ganitong paraan, Arc. Bakit ba kasi sinama-sama mo pa ako? Ano bang kinalaman ko sa photoshoot na pupuntahan mo?" Inis na reklamo ko. "Isa pa, sigurado ka bang ngayon din tayo makakabalik sa hotel? Bukas na ang uwi namin."


"I'm not sure about that, but don't worry, we'll catch up with your flight tomorrow." 


Humugot ako ng malalim na paghinga para patuloy na kalmahin ang sarili ko. Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa iparada niya ang kotse sa tabi. "Hintayin mo 'ko rito, bibili lang ako ng pagkain." Sabi niya bago lumabas ng sasakyan. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob ng isang fastfood resto. Napairap nalang ako sa kawalan. 


Hindi nagtagal ay nag-vibrate ang phone ko mula sa bulsa ng suot kong pantalon. Ayoko sanang sagutin ang tawag, pero alam ko namang hindi niya ako tatantanan hangga't hindi ko siya kinakausap. 


"Nasa'n na raw kayo sabi ng pinsan ko?" 


"Aba, bakit ako ang tinatanong mo at hindi si Arc? Ako ba ang photographer sa prenup, huh?" Isa pa ang lalaking 'to, nakakainis. Dapat siya talaga ang nandito nakaupo sa sasakyan, at ako ang kasama nila Darrel na namamasyal. 


"Hindi sinasagot ng ex mo ang tawag ko. Parang wala naman kaming pinagsamahan." 


"Anong ex ang sinasabi mo?" Kahit hindi ko siya nakikita ay gustong-gusto ko siyang batuhin ng suot kong sapatos. Gusto ko pa siyang bangayan nang biglang bumukas ang pinto ng driver's seat. 


"Wala kang kwentang kausap." Pahabol ko tiyaka pinatay ang tawag. 


Kinuha ko ang paper bag na iniabot ni Arc sa akin nang walang imik, pahabol ko pang kinuha ang drinks sa kaniya. Sa pagkain ko nalang ibubunton ang inis ko. 


"You look annoyed again. Sa akin ba o 'yong katawag mo?" Tanong niya nang sindihan na niya ang makina ng sasakyan. 


Kinagat ko ang burger. "Pareho." 


Diretso ang tingin ko sa daan, pero napansin ko mula sa gilid ng mga mata ko ang pagsulyap niya sa akin. "Nakakauhaw rin mag-drive." Parinig niya. Napatingin ako sa kalong kong dalawang drinks. 


Bumuntong-hininga ako. Fine. Baka bigla niya akong ibaba rito, mas lalo pa akong hindi nakauwi. Kaya kahit na naiinis ako ay inabutan ko siya ng inumin habang ang isang kamay ko ang may hawak sa burger.


Napatingin ako sa kaniya nang hindi niya inaabot ang inumin niya. Natigilan ako nang makita siyang sumisipsip sa straw nito. Bumalik na siya sa pagda-drive pagkatapos na parang wala lang ang ginawa niya. Hindi ako nakaimik at ibinalik nalang sa lalagyan ang inumin niya. 


Maya't maya pa ay biglang tumunog ang phone niya na connected sa bluetooth speaker ng sasakyan. That ringtone again. Napatingin ako sa maliit na LCD malapit sa kaniya. 


CK? Barkada siguro niya. Ipinagpatuloy kong kumain dahil gutom pa ako. 


"Ey, Cali! Where are you right now?" 


Hindi ko naituloy na kagatin ang burger nang marinig ko ang boses ng babae. Napatingin ako kay Arc na biglang napaiwas ng tingin sa akin. Tumikhim pa siya. "On my way to Sabtang. Why?" 


'On my way to Sabtang. Why?' Napairap ako. Kinuha ko ang inumin ko para kahit papaano ay madaluyan naman ng lamig ang lalamunan ko. 


"May gig kasi sila kuya mamayang gabi sa Basco, baka gusto mong makipag-collab sa kanila kahit isang kanta lang? They really want to see you play a song."


Napataas ang kilay ko sa narinig. 'Yong banda ba talaga ng kuya niya ang gustong makakita kay Arc na tumugtog o siya mismo? 


"Sorry, Camille, but I can't, tonight. May kailangan akong asikasuhin." 


"Sayang naman...maybe next time? By the way, are you with Chase right now?" 


Napaubo ako bigla. Mabilis kong kinuha ang inumin ko tiyaka sumipsip sa straw nito. 


"Is that...." 


"Mamaya nalang. I have to hang up now." Pinatay na niya ang tawag habang ako naman ay marahang kinakabog ang dibdib ko dahil sa pag-ubo. 


"Ayos ka lang?" 


"May nasasamid bang ayos lang?" Sarkastiko kong sagot sa kaniya. Umayos ako ng upo at marahang sumimsim sa inumin ko. Tumikhim ako. 


"Tapos ka ng kumain?" Sinulyapan niya ang paper bag. "Hindi mo naman yata inubos." 


"Kakain ka pa, tiyaka ang dami nito kung ako lang ang kakain...Thanks pala." Pasasalamat ko. 


Nagkaroon ng sandaling katahimikan hanggang sa ako na ang unang bumasag nito. Hindi ko na kasi mapigilang hindi magsalita. "Tumutugtog ka na pala kasama ng ibang banda." 


"Mm...why?" 


Umiling ako, "Wala naman. Dati kasi 'yon ang pinaka-ayaw mo. Wala kang ibang gustong makasama sa stage dati na tumugtog kung hindi Neptune." 


And now I'm bringing that up. Seryoso ka ba, Aelia?


"Maybe, they're right. People change." Sagot niya dahilan nang mapatingin ako sa kaniya. Diretso ang tingin niya sa daan kaya naman itinuon ko nalang din ang buong atensyon ko sa harapan. 


"Right...People change." Segunda ko. Pakiramdam ko ay may kung anong nakabara sa dibdib ko. Ano na naman 'tong pakiramdam na 'to? 


"But some things never change, Aelia." Napatingin ako sa kaniya na seryoso sa pagmamaneho. "Some things remain as they are, even when time keeps passing by." 


Hindi ko maitatago sa sarili ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa mga salitang binitawan niya. Napaiwas ako ng tingin. 


Hindi, Arc...may mga bagay na akala nating hindi na magbabago o lilipas, pero ang totoo, naka-depende lang talaga sa atin kung gusto natin itong baguhin  o piliting mawala kasabay ng paglipas ng panahon. 










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top