Chapter 37
Hindi naman ako gano'n katagal naghintay kay Arc. Kaagad ko siyang nakita nang palapit siya sa table kung nasaan ako. Arche Callisto Salviez. You changed a lot. Mas gwapo siya ngayon. Hindi sa pinagpapantasiyahan ko siya, ok? Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko.
"Sorry inabala ka pa ni Chase."
Tipid akong ngumiti. "No, ayos lang. Mukang nagmamadali siya kanina. May aasikasuhin pa raw kasi siya." Inabot ko sa kaniya ang phone niya. Magpapaalam na sana akong aalis nang...
"Wait..."
Natigil ako't napatingin sa kaniya. "Good evening, Sir." Lumapit ang waiter na nag-serve rin sa amin kanina ni Santino, dala niya ang isang baso ng tubig na inilapag sa tabi ni Arc tiyaka iniabot ang menu tab.
"I'll take one large size of vanilla milk tea, and a brewed coffee, please." Ibinalik niya rin kaagad ang menu tab. "Thanks."
"Alright. Just a moment, Sir."
"Since we're already here, I think we should order." Sabi niya nang ibaling ang atensyon sa akin.
Hindi pa rin niya nakalilimutang paborito ko ang vanilla milk tea.
"Aelia?"
Nagbalik realidad ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Ano ba, Aelia! Umayos ka nga. Dahil lang talaga sa paborito mong milk tea mapapatitig ka sa kaniya? Tiyaka ano naman kung hindi pa niya nakalilimutang paborito mo ang vanilla milk tea? Kahit sino naman matatandaan 'yon.
"Hindi ka na sana nagpa-milk tea. Actually...katatapos ko lang mag-hot chocolate." Ipinakita ko pa sa kaniya ang tasa kong wala ng laman.
"Hindi naman para sa 'yo 'yong milktea."
Natahimik ako sa isinagot niya. Pakiramdam ko ay gusto ko nalang mag-teleport ng biglaan mula rito sa kinauupuan ko papunta sa kwarto namin. Bwiset. Napahiya pa ako. Dapat pala inalam ko muna kung para kanino dahil baka may hinihintay siya at para 'to sa kaniya.
Napakunot ako't napatingin kay Arc nang marinig ko siyang natawa ng mahina. Bwiset 'to. Ako bang tinatawanan niya?
Saktong dumating ang in-order ni Arc. Inilapag ng waiter ang drinks bago ito nagpaalam paalis. "Here." Inilapit ni Arc ang milktea sa akin matapos niyang ilagay ang straw nito.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Akala ko ba hindi 'yan para sa 'kin? Baka mamaya para 'yan kay Camille." Ang biglang lumabas sa bibig ko.
"What?" Nakakunot at natatawang tanong ni Arc. Bakit ba bigla-bigla ko nalang nabanggit ang pangalan ng bokalista niya?
"I was just kidding, Aelia. It's yours." Nakangising sabi niya bago hinipan ang kape niya tyaka sumimsim. Kinuha ko ang milk tea at hindi ko parin siya maiwasang hindi irapan bago ako sumipsip sa straw.
"Si Camille. Hinatid ko na siya kanina." Kwento niya. Hindi naman ako nagtatanong, tiyaka sinabi na kaya niya kaninang ihahatid niya ang bokalista niya. Kailangan talaga, ulitin?
Biglang natahimik sa table namin. Kung magsasalita ako, wala rin naman akong sasabihing mahalaga.
Teka, bakit hindi ko na matigilang inumin 'tong milk tea nila rito? Grabe, ang sarap pala. Dapat ganito nalang din pala ang in-order ko kanina.
"Some things never changed." Rinig kong bulong ni Arc kaya napatingin ako sa kaniya.
"Bakit?" Tanong niya nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.
Umiwas ako ng tingin, "Akala ko ba magagabihan ka?"
"Malapit lang naman ang bahay nila Camille mula rito."
"Ang sabihin mo, mabilis ka lang talagang mag-maneho." Kontra ko sa sinabi niya. Si Arc pa ba? Kapag siya ang may hawak sa manibela, parang siya lagi ang may-ari ng daan.
Natawa siya ng mahina, "Tumigil na 'ko sa pagiging barumbado, Aelia."
"Talaga?" Sarkastiko kong tanong. "Joker ka rin noh?"
Halata ang ngisi sa labi niya. Napatingin nalang ako sa poolside. Look at us, having a casual conversation in a cafe na parang walang nangyari sa past.
"So, you're doing freelancing. How was it?" Panimula niya. How did he know?
Sa halip na magtanong ako ay tumango nalang ako. "Ayos naman. More on graphic designing ang forte ko...Ikaw? May background ka sa computer studies, pero mukhang nag-change career ka."
Ganito ba 'yong mga eksena na 'catching up with your first love' sa mga libro at panood after how many years?
"Hindi naman changed career. Nagkaroon lang talaga ako ng interes sa photography at videography no'ng college. Naging libangan ko lang, hanggang sa ginawa kong source of income no'ng mga panahong wala pa akong stable na trabaho, and that was how and when I entered the field of freelancing."
"Akala ko naman sasabihin mong isa kang app developer." Biro ko.
"I'm working on that, but now I'm on UX designing."
Namilog ang mga mata ko, halos masamid pa ako sa milk tea. "Nagjo-joke ka lang 'di ba?"
"Why would I?" Nakakunot na tanong niya.
"Seryoso?" Hindi ako makapaniwala. Ang tagal ko na kasing naghahanap ng UX designer.
"Bakit parang hindi ka naniniwalang----"
"Should I refer you to someone I know?" Napa-english ako. Basta talaga work-related, napapa-english na ako eh.
Sumimsim siya sa kape niya. "Mmm...Let me----"
"He was my former client. We had a contract for web designing for his 3-star hotel last month, but then he reached out to me last week lang. May kaibigan daw kasi siya na naghahanap ng UX designer. Sinabi ko na ino-notify ko nalang siya kapag may nahanap ako. Sakto, hindi pa ako nakakahanap."
"So, you want me to work for your client's friend?"
"Ikaw kung gusto mo. Kung hindi pa pasok sa schedule mo...." Napasandal ako sa backrest ng inuupuan ko. "Siguro hahanap nalang----"
"No. I'll do it. Just give me your former client's contact, so I can directly ask him about his friend's concern related to UX designing."
Napangiti ako. Excited na inilabas ko ang phone ko. "Wait...Give me your email add."
Kaagad kong isinend sa kaniya ang profile link ng dati kong client matapos niyang ibigay sa akin ang email niya. "Done."
Chineck niya ang phone niya. May good side naman pala na nag-meet kami ni Arc dito sa Batanes.
"I'll check this out tomorrow."
"Salamat." Pasasalamat ko.
Naalala ko bigla ang dala kong paper bag na inilapag ko kanina sa paanan ko. Kinuha ko 'to tiyaka iniabot kay Arc. "'Yong jacket mo nga pala. Salamat ulit."
"Kailan pala uwi ni'yo?" Tanong niya matapos niyang abutin ang paper bag.
"The day after tomorrow. Ikaw?" Hindi naman masamang magtanong 'di ba?
"Tuesday or Wednesday siguro." Sagot niya. So, mag-stay pa siya rito ng ilang araw. Thursday palang ngayon.
"Magkikita pa naman tayo."
"Huh?" Parang nabingi ako sa sinabi niya. Nabasa ba niya ang----
"Hakdog"
Natigilan ako at nakatingin lang sa kaniya. Arche Callisto Salviez. Ang daming nagbago sa 'yo, pero totoo nga ang lyrics sa kanta; some things never changed.
"What's with the smile, Aelia?"
Napakagat ako sa ilalim ng labi ko para bawiin ang ngiti na kusa na lang gumuhit sa labi ko. "Huh? Sinong ngumingiti?" Palusot ko. Bwiset, hindi ko na halos namamalayang napapangiti ako rito.
Nang tingnan ko si Arc ay nakaguhit ang nakakapang-asar na ngisi sa labi niya. Kumunot ako, "Malisyoso 'to. Hindi ba pwedeng may naalala lang ako kaya ako ngumingiti?" Inirapan ko siya.
Natawa siya ng mahina. "I didn't even say anything. Anong malisyoso ang sinasabi mo?" Ayan na naman ang tawa niyang nakakainis pakinggan.
"Ewan ko sa 'yo."Inirapan ko siya. Ano bang mayro'n sa kapeng ininom niya at ang lakas ng amats niya?
"Curious lang ako kung ano 'yong naalala mo." Humigop siya sa tasa ng kape niya, pero halata ang ngisi sa labi niya.
"Curiosity killed the cat." Pambabara ko. Bakit ba ngisi siya ngisi, mas lalo akong naiinis.
"Really?"
Napairap nalang ako.
"By the way, thanks ulit sa pa-milk tea. Mauna na ako sa loob." Tumayo na ako at paalis na dahil baka kung ano pa ang magawa at masabi ko sa kaniya.
"Kung milk tea lang, kahit araw-araw pa." Bulong niya, pero rinig na rinig ko naman. Tiningnan ko siya na humihigop ng kape mula sa tasa. Ano ba talaga ang nahithit ng lalaking 'to at nakaka-buwiset ang mga sinasabi niya? Nag-rugby ba siya bago pumunta rito?
"What?" Patay-malisyang tanong niya nang mag-angat ng tingin sa akin.
Napabuntong-hininga nalang ako at naglakad palayo ng walang pasabi.
Masamid ka sana sa iniinom mo, bwiset ka!
...
"You may now kiss the bride..."
Hingal na hingal ako nang marating ko ang nakabukas na pintuan ng simbahan. Tanaw na tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang marahang pagtaas niya sa belo ng taong pakakasalan niya. Parang naging mabagal ang takbo ng bawat segundo.
Inayos ko ang tayo ko tiyaka ko pinunas ang luhang patuloy sa pagragasa sa pisngi ko. Hindi ganito ang pinangarap kong papel sa buhay ng taong mahal ko.
Kung ang eksena ngayon ay katulad lang ng mga love stories na nababasa ko sa mga libro at napanonood ko sa mga teleserye, siguro kanina ko pa isinigaw na 'itigil ang kasal'. Wala akong magawa kung hindi ang hayaang mapako ako sa kinatatayuan ko at pagmasdan ang nalalapit na paglapat ng mga labi nila.
Ngayon ko lang napatunayan na kaya mo pala talagang bitawan ang taong mahal mo lalo pa't alam mong sa iba niya mahahanap ang saya at pagmamahal na pupuna sa puso niya. Aaminin kong labag sa kalooban ko 'to, pero mas nangingibabaw ang kagustuhan kong sumaya siya kahit pa hindi ako bahagi ng kasiyahang 'yon.
"Hoy, babae!" Napatingin ako kay Darrel na mukhang kanina pa ako tinatawag. Tinaasan niya ako ng kilay na parang sinasabi nitong 'Anong ginagawa mo riyan, gaga?!'
Matipid akong ngumiti. Nakatutuwang isiping, nakasuot ako ng damit pang-abay sa kasal ng taong mahal ko.
Hindi ko na pinansin si Darrel. Tumalikod ako at naglakad palayo.
"Aelia!"
Natigilan ako. Hindi ako makagalaw. Ako ba ang tinatawag niya?
"Aelia!!"
Lumingon ako kahit basa pa ng luha ang mga mata ko. Nagulat nalang ako sa sunod na nangyari. Hindi ko alam kung bakit nasa harapan ko na siya. Titig na titig siya sa mga mata ko at ito ang unang beses na tumingin siya sa akin dala ang emosyong naging dahilan para magliparan ang mga paro-paro sa tiyan ko.
Kung bibigyan mo ako ng dahilan para mag-stay at lumaban kahit isang sign lang, kahit ilang salita lang mula sa 'yo, hindi ako agad bibitaw.
"Sorry kung hindi kita magugustuhan."
Parang tumigil ulit ang oras at tanging ang tunog ng kampana lang ang maririnig. Ramdam ko ang pagtulo ulit ng luha mula sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung bakit parang palakas ng palakas ang tunog ng kampana at tila nag-iiba ang tunog nito. Parang tunog ng teleponong nagri-ring.
Iminulat ko ang mga mata ko nang magising ako dahil sa malakas na tunog ng phone alarm ko. Kinapa ko ang bedside table ko para patayin ang bwiset na alarm. Anong oras na ba at nambubulabog ang alarm na 'to?
Kinusot ko ang mga mata ko at natigilan ako nang makapang basa ito pati ang pisngi ko. Tuluyan ko ng iminulat ang mga naantok kong mga mata at doon bumungad sa akin ang ceiling ng hotel room na tinutuluyan namin. Napabuong-hininga nalang ako. Akala ko naman nakauwi na kami. Nakalimutan kong nandito nga pala kami sa Batanes at ngayon ang huling araw namin dito.
Bumangon na ako at dire-diretso sa banyo para mag-ayos ng sarili ko.
"Sa dami ng pwedeng gumising sa akin, bangungot pa." Pagkausap ko sa sarili ko sa salamin. At anong klaseng bangungot 'yon? Grabe, hindi na ako tinantanan.
"Guuuys~ Gising na." Paggising ko sa mga kasama kong tulog mantika.
Kinuha ko muna ang phone ko para mag-check ng email. Ito na kasi ang routine na nakasanayan ko simula ng mag-freelancing ako. So far, isang email palang naman ang natatanggap ko at mula 'to kay Arc.
Sorry for this random email.
I just want to ask for an update about your client's friend. Have you contacted him about the UX designing you mentioned last night?
I think, you should tell him first about me.
Tiningnan ko kung anong oras ko natanggap ang email niya. 4:06 AM? Napakunot ako. Tiningnan ko ang oras mula sa screen ng phone ko. 10:15 AM na?!Teka....Napatingin ako sa kama ng mga kasama ko. Maayos na ang mga 'to at walang nakahigang mga tulog mantika. Teka, nasaan na sila? Bakit hindi man lang nila ako ginising?!
Dali-dali kong kinontak si Darrel.
"Oh, buti naman at gising na ang mahal na prinsesa?"
Wow, napakagandang bungad.
"Nasa'n kayo?" Sabihin ni'yong nasa baba lang kayo at naga-almusal.
"Kanina ka pa namin ginigising, pero mukhang ang ganda ng panaginip mo kaya hinayaan ka na namin---"
"Darrel naman!" Halos mapasabunot na ako sa buhok ko.
Rinig na rinig ko pa sa background ang tawanan nila Sophie. Mga traydor!
"Si Aelia 'yan?" Boses ni Santino ang nasa kabilang linya. Aba't buti pa siya ay sumama tapos ako ang iniwan. AKO na dapat na kasama nila.
"H'wag kang papansin, Lagmar!" Sigaw ni Darrel.
"Sorry, Ae! Ang sarap kasi ng tulog mo kanina kaya hindi ka na namin ginising." Sabi pa ni Vanessa.
"Sige na, babae, bye na. Ibinilin naman kita kay Arc kaya h'wag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa riyan."
Napapikit nalang ako ng mariin. Ano ako? Bata na kailangang ibilin sa ibang tao? Buti sana kung alam ko ang daan papunta sa destinasyon nila at kung may sarili akong sasakyan, edi walang problema at susunod nalang ako, kaso anong alam ko rito sa Batanes?
"Sige na babae! Mag-enjoy ka nalang diyan."
"See ya later, Ae!"
Ewan ko sa inyo. Napapikit ako ng mariin. At ano ang gagawin ko ngayon dito?
Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. Tamad akong tumayo para buksan ito. Natigilan ako nang bumungad ang mukha ni Arc.
"Anong ginagawa mo rito?" Ayan ang tanong ko. Gano'n na ba kami ka-close para kumatok siya rito sa kwarto namin? At bakit alam niya kung anong room number namin?
"Sinusundo ka?"
Humalukipkip ako. "Sa pagkakatanda ko, hindi ko kailangan ng sundo, at wala tayong kasunduan na susunduin mo ako rito."
"Have you read my email?" Tanong niya.
Napabuntong-hininga ako. "I'll update you once I get back home."
Hinihintay ko siyang magpaalam at umalis na, pero napaiwas siya ng tingin. Napakunot ako. Napasandal nalang ako sa hamba ng pinto. "Kung kailangan mo na kaagad ng update, sorry, pero hindi ko pa maibibigay ngayon 'yon. I don't work during my day offs." Isa pa, wala ako sa mood ngayong araw na isingit ang paga-update sa kaniya tungkol sa client ko.
"Honestly, I have a favor to ask..."
Nakatingin lang ako sa kaniya na mukhang hinihintay ang sagot ko. Umalis ako sa pagkakasandal sa hamba ng pinto. "Busy ako."
Isasara ko na sana ang pinto... "Wait, Aelia. I need your help." Maagap na sabi niya. "Please?"
Napaiwas ako ng tingin. Bakit ba kasi rito pa sa Batanes naligaw ang lalaking 'to?
"Don't worry, I'll pay you."
Nakakunot ko siyang tiningnan. "Anong ibig mong sabihin?"
"I urgently need your help with a project. I can't find an expert aside from you when it comes to graphic designing. If you're in, I'll explain the details later."
So, it's all about business...
Kahit papaano ay umaliwalas ang timpla ng mukha ko. Hindi dahil sa mukha akong pera, okay? Ayoko lang na masayang ang talent ko kung paiiralin ko pa ang pride ko, tiyaka isa pa, baka isipin pa ni Arc na bitter ako sa kaniya kaya ayoko siyang tulungan.
"Okay. Hintayin mo nalang ako sa Cafe sa baba. Magbibihis lang ako sandali." Isinara ko na ang pinto, pero may bigla akong naalala kaya binuksan ko 'to ulit. Hindi pa siya umaalis at mukhang gulat pa sa pagbukas ko ulit ng pinto. "Mataas ang talent fee ko ah."
Napangisi siya. "I don't mind."
Inirapan ko siya. Akala ko pa naman babawiin niya ang favor niya sa akin once sinabi kong mataas ang bayad ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top