Chapter 33
...
Katatapos lang naming kumanta ng banda, at ngayon ay heto kami sa table namin nagku-kuwentuhan. Syempre, hindi pwedeng mawala ang soju sa ganitong mga eksena. Hindi na kami minorde edad para pagbawalan pa ni Kuya Baste na uminom ng alak tulad ng dati kaya talagang feel na feel ko ang makipag-inuman ngayon dito sa mga kasama ko. Na-miss ko rin kaya sila. Ang tagal din ng anim na buwan.
Napangiwi ako nang itagay ko ang shot gloss na may soju. Ang pait, pero ang sarap ng daloy sa lalamunan ko. Hindi ako lasinggera para sa inyong kaalaman. Ito kasing si Sophie at Kle ang hilig mag-soju kaya heto ako't natuto na rin mag-shot puno. Pero syempre sa ganitong mga pagkakataon lang, hindi naman madalas.
"Oh, ikaw ulit." Iniabot ni Kle sa akin ang shot glass.
"Teka bakit ako na naman? Ang bilis naman umikot ng baso---"
"Ssssh! Itagay mo na at ako na ulit." Nakakunot kong tiningnan si Sophie. Medyo malamlam na ang mga mata niya. May tama na ba 'to? Kinuha ko nalang ang shot glass at minsanan itong itinagay. Napangiwi na naman ako.
"Excuse me?" Napatingin ako sa gawi nila Clifford, sa dulo ng table namin. May lumapit na isang lalaki sa kanila. Medyo chubby siya, pero hindi maikakaila na may hitsura. Mukhang ka-edaran lang din namin.
Tumikhim si Clifford, "Magpapa-autograph po ba kayo?"
Ano?! Saan niya nakuha ang lakas ng loob niyang tanungin 'yon?! Kita ko kung paano siya kinutusan ni Xander. Mukhang pati 'tong si Clifford, tinamaan na.
"Sorry, he's drunk." Paghingi ng paumanhin ni Vanessa. Teka, bakit ngayon ko lang napansing magkatapat si Vanessa at Yohan? At kung makatingin naman itong lalaking 'to, aba't talagang tinamaan yata ni kupido.
"Hoy, Aelia Dela Fier!"
"Ay kupido!"
"Anong kupido?" Nakakunot si Sophie habang hawak ang shot glass.
"Bakit ba?"
"Kanina ka pa kinakausap ni Vanessa."
"Huh, bakit?" Bumaling ako kay Vanessa.
Nakangisi siya, "He's requesting a song." Itinuro niya ang lalaki.
"Huh? Teka, katatapos lang namin-----"
"Para lang sana sa 1st anniverssary namin ng girlfriend ko. Ngayon kasi 'yon. Kung okay lang sa banda ni'yo?" Napatingin ako sa lalaking lumapit kanina.
"Ah...ano..." Napalinga ako sa pwesto ni Arc, pero bakante ang upuan niya. Teka, kailan pa 'yon umalis? Saan na naman siya nagpunta?
"The leader just left the group." Komento ni Erin. Mukhang alam na niya kung sino ang hinahanap ko. "Just take the request."
Napangisi ako. Basta talaga nandito si Vanessa, nagsasalita 'to. Nakaka-ilang sentences din siya.
"Gusto ko sana siyang sorpresahin. Ito..." Iniabot niya sa akin ang piraso ng tissue. "Ire-request ko lang sana. 'Yan ang theme song namin."
Napatitig ako ng matagal sa title ng kantang nakasulat sa tissue paper. Napangiti ako. Kung totoo ka man tadhana. Nagbibiro ka ba sa akin? Kasama ba sa pakulo mo ang gamitin itong si Kuya para pakantahin ako ng ganitong kanta?
"Ah...kung hindi mo kabisado ang lyrics----"
Nag-angat ako ng tingin at nginitian ang lalaki. "Kaming bahala sa 'yo. Good luck sa surprise mo."
Paanong hindi ko kabisado ang lyrics nito kung ito ang kantang lagi kong pinakikinggan sa phone ko noong high school ako?
"Salamat."
Napabuntong hininga ako nang tuluyan na siyang umalis.
"So what's the requested song?" Nagliliwanag ang mga mata ni Vanessa at mukhang siya ang excited sa amin. Ipinakita ko sa kaniya ang nakasulats a tissue paper.
"Woah! This is a nice song." Komento niya.
Nakisilip din si Erin. "We don't need the whole band."
"Keyboard." Tamad na sagot ko.
"Arc can do that part." Ewan ko talaga rito kay Vanessa. Hanggang ngayon nili-link padin ako kay Arc.
"I think Aelia and Erin can play this out. Wala pa si Arc, may pinuntahan yata." Komento ni Xander na ngayon ay hawak na ang piraso ng tissue.
"Bagay pala sa 'yo 'tong kanta." Natatawang komento naman ni Yohan na ngayon ay siya naman ang may hawak sa tissue. Inirapan ko nalang siya dahil baka mas asarin pa ako kapag pinatulan ko.
"Oh, ano ng ganap. Ba't ang tahimik dito?" Dumating si Darrel na galing ng CR.
"Nasa'n si Master----"
"Malay ko ba sa kaibigan mong pinaasa ang kaibigan ko, Mendoza."
Napairap ako sa kawalan sa sinabi ni Darrel. Buti nalang wala si Arc dito.
Tumayo na ako. "Tara na Erin."
Wala naman akong narinig na pagtutol mula sa keyboardist namin. Tahimik siyang sumunod sa akin papunta sa stage. Wala pa man kaming ginagawa, nanguna na sa palakpakan ang mga kaibigan namin na nasa table kaya sinundan ito ng iba pang mga tao. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil may pa-cheer-cheer pang nalalaman si Sophie.
Humugot ako ng malalim na pag-hinga para kumuha ng lakas ng loob. Inayos ko ang mikropono mula sa stand nito tiyaka ko tiningnan ang mga taong nanonood sa amin. Na-miss ko talaga 'tong tumungtong ulit sa stage. Napangiti ako, "Siguro pamilyar kayong lahat sa kasabihang, first love never dies. Naniniwala ba kayo ro'n?"
Ako? Malapit ko ng mapatunayang totoo 'yon. Napangiti ako ng mapait sa loob ko.
"Ang sabi ng ilan, hindi raw totoo 'yon...pero hindi rin natin masasabing totoo hangga't hindi mismo tayo ang nakapagpapatunay...Kayo ba? Nasubukan ni'yo na? 'Yong nagmahal kayo sa unang pagkakataon ng buhay ni'yo, at sa unang pagkakataon na 'yon, siya parin hanggang ngayon ang nilalaman ng puso ni'yo, may kayo man o wala?"
Ipinikit ko ang mga mata ko para damhin ang pagpihit ni Erin sa piyesa ng keyboard. Hindi ko inakalang darating itong araw na 'to na kakantahin ko ang kantang 'to sa harap ng madaming tao.
♪ Saigo no kisu wa tabako no flavor ga shita
Nigakute setsunai kaori ♪
♪ Ashita no imagoro ni wa
Anata wa dokoni irundarou
Dare wo omotterundarou ♪
Hinigpitan ko ang hawak ko sa mikropono at nanatiling nakapikit para damhin ang kanta.
♪ You are always gonna be my love
Itsuka darekato mata koi ni ochitemo
I'll remember to love, you taught me how
You are always gonna be the one
Ima wa mada kanashii love song
Atarashii uta utaeru made ♪
Napangiti ako bago ko iminulat ang mga mata ko. Mabilis ang naging kabog ng dibdib ko nang magtagpo ang mga tingin namin ni Arc. Nakatayo siya hindi kalayuan sa table namin. Diretso ang tingin niya sa akin.
Nakatatawa lang na kahit pilitin kong basahin ang mga mata niya ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung anong emosyon ang nararamdaman niya sa tuwing nagkakatagpo ang mga tingin namin. Para sa akin, blanko ang mga 'yon. Nakatingin man kami sa isa't isa ng malayuan o sa malapitan. Wala akong makita ni isa sa kaniya, habang siya ay punong-puno ang nakikita niya mula sa mga mata ko.
♪ Tachidomaru jikanga ugokidasouto shiteru
Wasuretakunai koto bakari, oh ♪
♪ Ashita no imagoro niwa
Watashi wa kitto naiteiru
Anata wo omotterundarou
Yeah, yeah, yeah ♪
Ilang taon na rin ang lumipas, pero heto ako't kinakanta ko parin ang kantang 'to ng buong puso dahil alam kong hanggang ngayon ay dama parin ng puso ko ang kahulugang gustong iparating ng bawat liriko. At para 'yon kay Arc.
♪ You will always be inside my heart
Itsumo anata dake no basho ga arukara
I hope that I have a place in your heart too
Now and forever, you are still the one
Ima wa mada kanashii love song
Atarashii uta utaeru made
Oh, oh ♪
Hanggang kailan ko ba dadalhin 'to, Arche Callisto Salviez? Hanggang kailan ka ba dadalhin ng puso ko?
♪ You are always gonna be my love
Itsuka darekato mata koi ni ochitemo
I'll remember to love, you taught me how
You are always gonna be the one
Mada kanashii love song, yeah ♪
Now and forever, ooh ♪
Iminulat ko ang mga mata ko, at nakita kong nando'n parin si Arc sa kinatatayuan niya, diretsong nakatuon ang tingin sa akin.
♪ Now and forever.... ♪
"Bea..."
Diretso lang ang tingin ko kay Arc, at hindi na inabala pang tingnan ang sorpresang inihanda ng lalaki kaninang nag-request sa amin ng kanta. Rinig ko ang masayang hiyawan at tilian ng mga tao, pero hindi ko inabala pang tingnan ang mga tao. Umiwas ako ng tingin kay Arc at bumaba ng stage.
Nakita kong itatagay ni Sophie ang shot glass nang agawin ko ito mula sa kaniya at diretsong itinagay bago ko pa man marating ang kinauupuan ko. Ramdam kong nakatingin padin si Arc sa akin, pero hindi ko na 'to inabala pang tingnan at naupo nalang ako.
"Hoy! Ano ba, akin 'yon eh!"
Hindi ko na pinansin ang pagmamaktol ni Sophie at ang kasalukuyang ginagawa ng iba kong kasama dahil wala ako sa mood. Isama mo pa ang konting hilong nararamdaman ko.
Napabuntong-hininga ako tiyaka inagaw ang shot glass na itatagay ni Kle. "Sandali----"
Napangiwi ako nang maramdaman ko ulit ang pait. Sinalinan ko ulit ang shot glass at aktong itatagay na nang biglang may pumigil sa palapulsuhan ko. Natigil ako nang makita si Arc na nakatayo sa harap ko. "Tama na, Aelia. You're getting drunk."
Inilayo ko ang kamay kong may hawak na shot glass, at aktong itatagay ko na ulit ito nang agawin na niya mismo ang tagayan tyaka ibinaba sa mesa.
"Bakit ba? Kitang umiinom---"
"You have classes tomorrow, Aelia. Tara na. Ihahatid na kita." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko, pero mabilis ko itong inagaw mula sa kaniya.
"Ano naman kung may klase ako bukas? Umuwi ka na kung gusto mo."
Bumuntong hininga siya't napakamot sa kaniyang kilay. Siya pa ngayon ang maiinis? Bakit ba kung ayaw kong umuwi? Edi umuwi siya ng mag-isa.
Sinalinan ko ang shot glass.
"Aelia---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang kapain niya ang phone niya mula sa bulsa, senyales na may tumatawag sa kaniya. Bumuntong-hininga siya matapos makita kung sino ang tumatawag, "Wait here. I'll be right back."
Tumagay ulit ako. Sino ka para hintayin ko? Kahit h'wag ka ng bumalik, wala akong pake.
"W-wala na?" Itinaob ko ang baso ng panglimang soju.
"Hoy, babae, tama na 'yan. Baka hindi ka na maka-angkas sa motor, gaga."
Nakabusangot akong sumandal sa backrest ng inuupuan ko. Ito ang kinaiinisan ko kapag umiinom ako. Ang init na nga sa katawan, nakakahilo pa.
Tiningnan ko ang mga kasama ko kung maayos pa ba sila. Si Sophie nakadukdok na ang ulo sa mesa habang si Kle naman ay matinong-matino pa. At ang iba, ayun, mukhang nakainom na nga maliban kay Vanessa at Xander.
"Truth!" Masayang sagot ni Yohan. Nag-spin the bottle kasi sila. Dahil hindi naman ako sumali, aalis nalang muna ako rito.
"Hoy, gaga, sa'n ka na naman pupunta?" Tanong ni Darrel.
"Papahangin lang."
Lumabas muna ako dahil pakiramdam ko ay kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin. Napahawak ako sa ulo ko. Grabe, nakakahilo! Okay pa naman ang pag-iisip ko, sadyang nahihilo at naiinitan lang talaga ako.
"Just let me in!"
Naningkit ang mga mata ko sa babaeng hindi kalayuan sa akin. Nakaharap siya sa gawi ko kaya madali ko lang naaninag ang mukha niya. Teka...si Tamara ba 'yon? Bakit nandito siya? Ilang taon na rin kaming hindi nagkikita nito.
Napangiti ako at aktong kakaway na sana para batiin siya nang maaninag ko ang mukha ng lalaking kasama niya. Nakatalikod ito sa akin dahil kaharap niya si Tamara habang may kung sinong kausap sa phone. Arc? Anong...
Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano niya hinawakan ang magkabilang braso ni Tamara para alalayan itong makaupo sa plant box.
Pakiramdam ko ay tuluyang nawala ang hilo ko sa nakikita ko. Pakiramdam ko, wala na ang epekto ng ininom kong limang bote ng soju sa eksenang nasa harapan ko ngayon. Ramdam ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.
Hindi ito ang unang beses na umiyak ako dahil kay Arc at Tamara, pero pakiramdam ko ngayon ko lang naramdaman ang totoong sakit. 'Yong tipo ng sakit na hindi mo mailarawan sa salita.
Ayos naman ako. Sanay naman ako sa ganitong eksena noong high school kami. Ako pa nga ang nang-aasar at nagtutulak kay Arc na pumorma para kay Tamara. Pero, bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?
Gusto kong tumakbo palayo. Gusto ko ng umuwi, magkulong sa bahay at umiyak ng umiyak, pero parang napako na ako sa kinatatayuan ko at hindi na makagalaw pa.
"Stop crying."
Ni minsan, hindi ko naranasang patahanin ako ni Arc sa pag-iyak, pero heto ako at nasaksihan kung paano niya 'to sabihin sa iba.
Sila talaga ang end game noh?
"A-aelia?"
Nakatingin lang ako sa kanila. Hindi ko na halos namalayang napansin ako ni Tamara.
"Aelia..." Nilingon ni Arc ang kinatatayuan ko.
Ngumiti ako at kunwaring pasimpleng nag-punas ng luha sa mga mata. "Ouch! Bwiset na puwing 'yan."
"No, it's----"
Naputol ang sinasabi ni Arc dahil naagaw ng atensyon namin ang kotseng dali-daling pumarada sa tabi. Mula sa driver's seat lumabas ang nagmamadaling si Theo. Hindi niya ako halos napansin.
"Ayos ka rin ah. Pumunta ka pa rito para lang mang-istorbo." Ayan ang bungad niya nang malapitan niya si Tamy.
"Ayokong umuwi sabi!" Nagpupumiglas pa si Tamy nang alalayan siya ni Theo para makatayo, pero wala siyang laban dahil mas malakas si Theo sa kaniya.
"Thank you, insan." Sumaludo pa si Theo kay Arc bago nito pinilit na sumakay ng kotse si Tamy na patuloy sa pagtutol umuwi.
Nakatingin lang ako sa kotse hanggang sa tuluyan na itong makaalis palayo. Teka, bakit....
"It's not what you think, Aelia."
Napatingin ako kay Arc na nasa harapan ko na pala kaya bahagya akong napaatras. Bakit ba sa tuwing nakikita ko siya, nasasaktan ako? Parang paulit-ulit na isinasampal sa akin ang katotohanang hindi niya ako gusto.
"She's not my girl----"
"Bakit nagi-explain ka, Arc?" Diretso ang tingin ko sa mga mata niya.
"What?"
Umiwas ako ng tingin nang maramdaman kong nanunubig na naman ang mga mata ko. Pwede bang mamaya ka na, umiyak, Aelia?!
"Hindi mo naman kailangang mag-explain."
"But you saw us, and I know what you're thinking. I don't want you to get the wrong idea, Aelia."
"Ano naman kung ma-misunderstood ko 'yon? Eh wala ka namang pake 'di ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi siya kaagad nagsalita, marahil dahil hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
Huminga ako ng malalim bago sinalubong ang mga tingin niya. "Wala na sa 'yo kung iba ang dating sa akin ng nakita ko. Isa pa, ano bang pake mo kung makita kong pinatatahan mo si Tamara sa pag-iyak? Ano bang pake mo sa akin kahit pa makita ko kayong magka-yakap o naghahalikan sa harap ko?" Hindi ko na napigilan pati ang luha ko.
Sinubukang lumapit ni Arc sa akin. "Aelia."
Lumayo ako at hinayaang tumulo ang luha ko. "Oo, nasasaktan ako. Nasasaktan ako, pero ano naman?! Ano naman 'yon sa 'yo, Arc?!"
"Would you at least...let me talk?"
Natawa ako ng sarkastiko tiyaka pinunas ang bwiset na luha ko. "Para saan? H'wag ka ng magpaliwanag dahil hindi mo naman ako syota. At pwede bang tigil-tigilan mo na ako sa kaka-alok mo sa aking ihahatid mo ako dahil una sa lahat, Arc, kaya ko ang sarili ko. Kaya kong umuwi at gagawin ko 'yon kung kailan ko gusto. Isa pa, matagal mo ng itinigil 'yon 'di ba? Hindi na tayo tulad ng dati na mga high schooler. Pangalawa, h'wag kang umasta na parang ang tingin mo sa akin ay higit pa sa isang kaibigan. Ano sa 'yo kung uminom ako, huh? Pake mo kung malasing ako? Jowa ba kita, hindi naman 'di ba----"
"Will you stop being childish, Aelia?"
Natigilan ako. Pakiramdam ko nga, hindi ko na naramdaman ang sakit ng tanong niya dahil namanhid na ang puso ko.
"Will you just let me----"
"So childish ako?" Natawa ako at hinayaang patuloy na tumulo ang luha ko. Nakaka-g*go na 'to.
"Childish 'to para sa 'yo, Arc?" Itinuro ko ang sarili ko para ipamukha sa kaniya ang hitsura ko ngayon. Wala na akong pakealam kung makita niya ang kahinaan ko.
"Bakit huh?" May kasamang pag-hikbi na ang boses ko dahil sa pag-iyak. "Childish ba para sa 'yo 'tong nakikita mo ngayon? Bata lang ba ang may karapatang masaktan at umiyak? Pa'no naman 'yong mga katulad kong tanga sa pag-ibig? T*ng ina, kung wala akong karapatan edi ako na ang childish!"
Huminga ako ng malalim at pinunas ang luha sa mga mata ko. All this time, ang childish ko pala sa paningin ni Arc.
"Let's go somewhere. You need to calm down first, then we'll talk. I have to tell you something." Tumalikod siya pabalik sa motor niya.
"Magqu-quit na ako." Sandali siyang natigilan bago makarating sa motor niya tiyaka ako hinarap. "What do you mean?"
Nilunok ko ang parang bara sa lalamunan ko dahil pakiramdam ko anytime maiiyak na naman ako. "Aalis na ako sa banda, Arc. Ayokong tuluyang masira ang Neptune dahil lang sa akin...dahil lang sa nararamdaman ko."
"And you're telling me that now? You're drunk."
"Hindi ako lasing. Alam ko ang sinasabi ko, Arc at sigurado akong maalala ko lahat 'to bukas."
Bumuntong hininga siya, "Fine. Magpahinga ka muna. And no, you're not going to leave the band. Bukas mag-uusap tayo. Tara na."
"Pagod na ako, Arc." Sa hindi ko na mabilang na beses, tumulo na naman ang luha ko. "Pagod na akong magpanggap na ayos lang ang lahat sa akin. Pagod na akong nasasampal ng katotohanan sa tuwing nandiyan ka at nakikita kita. Pagod na akong masaktan...Pagod na ako sa ginagawa ko sa sarili ko, Arc."
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilang humikbi. Matagal ko ng pinag-isipan ang bagay na 'to, sadyang hindi ko lang masabi sa kaniya dahil iniisip ko rin ang iba naming kasama sa banda. Pero, tingin ko, hindi ko na talaga kaya. Selfish na kung selfish, pero pwede bang sarili ko naman muna ang piliin ko sa ngayon? Pwede bang ako naman muna?
"Madami pang bokalista na mas magaling sa akin ang pwedeng pumalit sa banda kung 'yon ang ikinababahala mo. May kilala ako, pwede ko siyang I-recruit at----"
"Bakit ngayon pa, Aelia? Bakit ngayon ka pa susuko----"
"Hindi mo parin ba naiintindihan, Arc? Pagod na pagod na akong mahalin ka! Ilang taon na, pero hanggang ngayon hindi ko parin magawang ibaling sa ibang lalaki ang atensyon ko o isipin man lang na buksan 'tong puso ko para sa iba...Ayoko na. Sagad na sagad na ako, Arc."
"You're giving up on me? Akala ko ba loyal ka?"
Hindi ko alam kung ipinamumukha niya sa akin ang sinabi ko noon sa kaniyang loyal ako sa taong gusto ko. Required bang manatiling loyal sa isang tao kung ni minsan hindi mo naman naramdaman pabalik ang pagmamahal na ibinibigay mo sa kaniya?
"And now, you want to leave the band? 'Yon ang solusyon mo?"
"Kung hindi ako aalis sa banda, magkakaroon at magkakaroon tayo ng interaction. Hindi ko matutulungan ang sarili ko sa gano'ng paraan. At oo, 'yon ang solusyon ko, Arc. Magqu-quit ako sa banda." Buong-desisyong sagot ko.
"Fine. Just quit then. Quit and move on."
Tinalikuran niya ako at pinuntahan ang motor niya. Pinaharurot niya 'to at nakatingin lang ako sa papalayong sasakyan niya hanggang sa tuluyan ng nawala sa paningin ko ang backlight.
"You're giving up on me? Akala ko ba loyal ka?"
Muling tumulo ang luha sa mga mata ko nang mag-echo sa paningin ko ang mga salitang sinabi niya.
Hindi lahat ng taong loyal ay mananatiling loyal hanggang dulo, Arc. Nauubos din ang loyalty namin. Napapagod din kaming magmahal. Ano bang silbi ng loyalty at pagmamahal kung ni minsan hindi naman namin 'yon naramdaman pabalik mula sa taong mahal namin?
"Fine. Just quit then. Quit and move on."
Nakaka-g*go palang magmahal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top