Chapter 32


Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi naging madali para sa akin ang lahat. Alam mo 'yong pakiramdam na estudyante ka pa lamang, pero pakiramdam mo pasan mo na ang buong daigdig. 


Akala ko rati, ang pagiging senior high student na ang pinakanakaka-stress na magiging parte ng buhay ko, pero hindi pa pala. Ang buhay sa kolehiyo ay hindi tulad ng inaakala ko. Ang alam ko exciting dahil new life, new beginning, pero mapamumura ka nalang talaga sa dami ng ginagawa na parang mas triple pa sa ginagawa namin noong senior high. 


Sobrang tindi! Parang mababaliw ka na dahil hindi mo alam kung ano ang dapat na unahin at tapusin. At ang nakaiiyak pa ay iyong gusto mo ng magpahinga at matulog para makabawi ka naman sa puyat at pagod mo, pero hindi pwede at wala kang ibang choice kung hindi ang manatiling gising para lang tapusin lahat ng alalahanin mo sa school. Madalas nga, maiisip mo nalang mag-bigti dahil iyong stress sa school ay sinasabayan pa ng iba't ibang mga negatibong bagay na pumapasok sa isip mo; tulad ba ng mga insecurities at pressure na dala sa 'yo ng magiging future mo. 


Hindi ko mabilang ang mga araw na inatake ako ng anxiety at oo, talagang dumating na ako sa punto na pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. Gusto ko na lamang ipikit ang aking mga mata at maglaho ng tuluyan. 


Buti nalang at kinaya ko at nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa sa laban ko. Siguro kung wala sila, hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob at pahinga. Sila ang laging nandiyan lalo na kung kailangan ko ng tulong para matapos ang mga iba kong requirements. Kahit na busy sila at stress din, talagang nag-lalaan pa sila ng oras para matulungan lang ako. 


"Finallly! Tapos na rin." Malawak ang ngiti ni Sophie na nag-inat ng mga braso. 


"Patingin nga ng ginagawa mo, Kle." Tumayo siya mula sa swivel chair para lapitan si Klearine na naka-indian seat sa sahig at ginawang mesa ang kama. Mabilis na inilayo ni Kle ang Ipad niya para hindi makita ni Sophie ang ginagawa nito, "Mamaya na. 'Di ko pa tapos."


"Ay, 'paka-arte naman. Parang titingnan lang eh. Ikaw na nga lang, Ae----"


"Mamaya na pagkatapos." 


"Wow, parang kokopyahin ko naman ang mga ideas ni'yo ah. May sarili akong concept for your information." Inirapan niya kami tiyaka niya ibinagsak ang katawan sa kama, "Bakit ba kina-ibigan ko kayo?" 


Tumayo naman si Kle at pumunta sa study table na gamit kanina ni Sophie. 


"Hoy, mga palamunin, mag-meryenda muna kayo." 


Napatingin kami sa pinto na bigla-bigla na lamang bumukas at iniluwa nito si Darrel na may hawak ng paper bag. Milk tea!! 


Mabilis ko siyang nilapitan. "Gagang patay gutom 'to?" 


"Thank you!" Malawak ko siyang nginitian. 


Narito kami ngayon sa bahay nila Darrel at napagdesisyunan nila Sophie na rito nalang kami mag-overnight ngayon kaysa naman doon sa bahay namin. May bisita kasi si Mama kaya para na rin hindi namin maabala ang salo-salo nilang magkakapatid, dito kina Darrel ang bagsak namin. 


Kung iniisip niyong wala na akong koneksiyon sa mga kaibigan ko noong high school, pwes hindi gano'n. Hanggang ngayon ay nagkakausap pa kami, 'yon nga lang ay talagang bihira nalang kaming magkita-kita. Kung tutuusin nga, sa mga raket nalang sa Lakwatsero, kung hindi naman ay sa Sitio Musikero kami nagkakaroon ng bonding. 


Hindi kasi kami pare-pareho ng Univerity na pinasukan. Si Darrel at ako ay magkasama kami rito sa Luksiao, pero hindi na kami kumuha ng boarding house dahil mahal. Isa pa, malapit lang naman ang Valenciano, kaya nagpasiya kaming mag-uwian nalang. 


Si Clifford ay doon naman siya sa Central Novelinda State University, ang pinakamalaking Unibersidad sa Novo De Lapas, at kumuha siya ng kursong Criminology. Si Xander naman ay Educ sa Olongapo. Plano raw niyang kumuha ng Doctoral Degree. Doon kasi nag-ta-trabaho ang Papa niya kaya lumipat muna sila ro'n sa bahay ng lola niya kaya ro'n nadin siya nag-aral. Si Vanessa, Erin at Arc naman ay pare-parehong nasa Manila. Si Van lang ang ibang University ang pinasukan habang ang dalawang boys ay nasa iisang Unibersidad sila. Si Vanessa nag-law, si Erin naman architect, at si Arc na akala kong maga-architect din ay kumuha ng kursong Computer studies.


At kami ni Darrel? Fine Arts ako kasama ko sina Sophie at Kle, at itong si bakla ay nag AB Communications Arts. 


"Nasa'n na 'yong asungot? Akala ko ba't pupunta rin siya?" Tanong ni Darrel habang nilalantakan ang pizza. Tinutukoy niya ang isa pa naming barkada. 


Bago pa may makasagot sa amin ay napatingin kaming tatlo sa pinto nang may kumatok rito. 


"Shopee Delivery po~" May tonong sabi ng nasa labas. 


"T*ng ina mo, Yohan, may delivery boy bang pumapasok sa bahay?!" Sigaw ni Darrel na nagpatawa sa amin. 


Bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Yohan na laging naka-porma kahit saan pumunta. Napaka-aesthetic ng datingan ng lalaking 'to. 'Yon bang hindi mo pa naaamoy ang pabango niya, kahit nakikita mo palang alam mo ng mabango siya. 


Oh, bago ni'yo isiping type ko siya, pwes kaibigan ko lang 'yan, huh? 


"Hoy, ano 'yang dala mo?!" Patakbo siyang nilapitan ni Sophie para kunin ang paper bag na dala nito. "Hoy, g*go! Ba't may soju?" Pinalo pa ni Sophie ang braso niya. 


Wait ano raw? Napatayo ako't naki-osyoso sa dala ni Yohan, pati si Darrel at Kle ay nakigulo rin.


"Ayan, dyan kayo magaling. Mga lasinggero't lasinggera." Komento ni Yohan.


"G*go, anong gusto mo? Gumaya sa 'yo na mas prefer ang chukie o yakult?" Kinuha ni Darrel ang dalawang soju, habang si Sophie naman ay kinuha ang malaking chichirya. 


"Wala man lang thank you?"


"Thanks, Yohan!" Ayan si Sophie na tuwang-tuwa dahil madadaluyan na naman ng soju ang lalamunan niya. 


Siya nga pala si Yohan Davidson Quijano, dati siyang classmate ni Klea at Sophie sa senior high kaya naging close rin namin siya ni Darrel. Sa LSU rin kasi nag-aaral si Yohan, pero medicine ang kinuha niyang kurso kaya hindi rin madalas nagtutugma ang mga schedule namin. Kami nila Kle at Sophie lang talaga ang laging magkakasama. 


Madalas ganito ang ganap sa amin kapag nago-overnight kami. Kung hindi sa bahay, rito sa bahay nila Darrel, o di kaya kila Yohan. Kaming tatlong girls dito sa kwarto ni Ate Marga, tapos si Darrel, syempre gusto niya mag-isa laging natutulog kaya solo niya ang kwarto niya tapos si Yohan minsan lang maki-sleepover dahil halos laging may ginagawa. Bilib nga ako sa kaniya't naisisingit pa niya ang pag-sama sa mga ganitong bonding namin. 


"Hoy, Yohan, bakit naman hindi mo pinapansin si Mich? Ang tagal ka ng crush ni ate girl." Ngumunguya-nguya pa ng chichirya si Sophie habang nag-scroll sa phone niya. 


"Wait lang, nag-chat si Ate sa baba. Nagpapatulong sandali." Paalam ni Darrel. 


"Kuhanan mo 'kong malamig na tubig, bakla!" Sigaw ko.


"Hindi mo 'ko katulong, gaga!" Tuluyan na niyang isinara ang pinto. Ibinalik ko ang atensyon ko sa usapan nila Sophie. 


"Ang ganda-ganda kaya ni Mich. Ayaw mo ba?" Ipinakita pa ni Soph ang larawan ng babae mula sa FB account nito. Stalker talaga 'to eh. 


"'Di ba, Ae?" Iniharap niya sa akin ang phone niya. 


"Hoy, Yohan, oo nga! Patulan mo na 'to. Support ka namin." Grabeng ganda naman pala ni Ate girl, pang beauty queen. Pati ako napa-wow sa mukha niya. 


"Type ni'yo? Edi sa inyo na." Sagot niya habang nakahiga sa kama't naglalaro sa phone niya. 


"Ano ba 'yan! Bakla ka ba't wala kang nagugustuhan?" Parang si Sophie pa ang concious na concious sa love life ni Yohan. Natawa nalang ako.


"Loyal kasi 'yan." Komento ni Kle habang nagda-drawing parin sa Ipad niya.


"Luh, 'di ako na-inform na loyal ako." 


"Talaga ba? Hindi ka na-inform na si Celine parin ang crush mo hanggang ngayon?" May halong pang-aasar sa boses ni Kle. 


Ah oo nga pala, na-kuwento na nila sa akin 'yon noon. May naging crush 'tong si Yohan dati noong senior high sila. Naging MU nga raw sila, pero hanggang do'n lang. Ewan ko ba rito kay Yohan. 


"Bakit kasi 'di mo niligawan kung talagang gusto mo? Hina mo naman kasi eh." - Sophie


"Porque wala lang kayong mga love life, 'yong akin na ang pinakekealaman ni'yo." 


"Bakit nga ba kasi hindi mo niligawan?" Nakangising tanong ko. Ayaw talaga niyang sagutin kapag usapang love life na niya eh. 


"Eh ikaw, Ae, kumusta naman kayo ni Arc?" 


Sana hindi nalang pala ako nagtanong dahil binato rin niya ako ng tanong na hangga't maari ay ayokong pag-usapan. 


Nakatingin na silang tatlo sa akin dala ang mga nakaloloko nilang ngisi. Ayan, ako na naman ang nakita nila. 


"Ayieee~ In love parin oh!" Pang-aasar ni Sophie. Ayan, number one supporter ko talaga 'yan kay Arc kahit na minsan palang silang nagkikita. 


"Parang nakita ko si Arc no'ng nakaraan." 


"Weh? Nasa Manila kaya siya." Sagot ko kay Kle. 


"Do'n sa SH Cafe. May kasama siyang babae."


Napakunot ako. "Baka si Vanessa." Umuwi kaya sila? 


"Mahaba ang buhok ni Vanessa, medyo maiksi 'yong sa kasama niya eh." 


Baka naman kasi nagpa-cut ng buhok! 


"Pa'no ba 'yan? Naunahan ka na?" Pang-aasar ni Yohan kaya binato ko siya nang nahablot kong malaking chichirya rito sa tabi ko. Tinawanan pa nila ako. Mga bwiset din ang mga 'to eh. 


"Moved on na ako noh." Matagal na. 


"Ok lang magsinungaling. Alam naman namin kung ano'ng totoo." Bakit ba hindi matigil sa pang-aasar itong si Yohan? 


"Gusto ko rin umamin sa crush ko, baka i-crush back ako." Pagpaparinig pa ni Sophie na alam kong patama sa akin. Gaga rin 'to eh. 


'Yan ang hirap kapag may iba pang nakakaalam ng talambuhay mo. May magagamit silang pang-asar sa iyo. 


Bumukas ang pinto at dumating si Darrel na may dalang tray kung saan nakalagay ang pitsel ng tubig at mga baso. 


"Anong ulam, ginoo?" 


"T*ng ina nito. Katatapos palang natin mag-meryenda, ulam na naman 'yang nasa utak mo." 


"Mahirap naman kung ikaw ang laman ng utak ko." Banat ni Yohan na gumawa ng ingay sa loob ng kwarto dahil sa tawa at pag-ayiee ni Sophie. Hindi ko maiwasang hindi matawa.


"G*go, hindi tayo talo." - Darrel 


May crush kasi 'tong si Darrel eh, same AB Arts din. Knowing him? Wala akong masabi. Ang gwapo ng crush niya! 


"Hoy, babae, mag-check ka ng messenger mo." 


"Bakit?" Tanong ko kay bakla matapos makainom ng tubig. 


"Nag-chat daw sa 'yo si Arc." Pagkasagot niya ay nag-react na naman ang tatlo naming kaibigan. May nag-ayiee at patikhim-tikhim pa at talagang may pa-kanta-kanta pang nalalaman itong si Sophie. Mga baliw. 


Pagka-bukas ko ng messenger ko ay bumungad sa akin ang GC ng Neptune at pangalan ni Arc, pero dahil priority ko ang GC, inuna kong buksan 'to. 


Sa sobrang haba na ng usapan nila, tinamad na akong mag-backread. Basta ang alam ko lang ay may raket daw kami sa Lakwatsero ngayong gabi. 


Sunod kong binuksan ang mensahe mula kay Arc. Naka-active status padin siya. Hinihintay kaya niya ang reply ko? Syempre hindi. Bakit naman siya maghihintay? 




Arc Salviez 


Are you free tonight?



Nag-tipa ako ng reply. 


Dito ako kila Darrel

Kailan pa kayo nakauwi?



Hindi kaya sila busy? Kung gano'n, sana all nalang. 



Kahapon lang, uwi rin kami bukas.

Pwede ka ba ngayon? Do'n tayo sa Lakwatsero.



Napabuntong-hininga ako. 


Nag-angat ako ng tingin at natigilan ako dahil bumungad sa akin ang mga tingin ng mga kaibigan ko na parang naghihintay ng update sa ka-chat ko. 


"Si Arc ba 'yan? Ano sabi?" Ang tanong ng mapag-osyosong si Sophie na pakurap-kurap pa ang mga mata.


"Na-miss ka raw ba?" At ayan ang bwiset na si Yohan, nakangisi.


"Pwede ba? Sinabihan lang ako tungkol sa raket namin. Mga malisyoso't malisyosa." 


Nag-tipa ako ng reply...pero bago ko pa mai-send 'to kay Arc ay may chat ulit siya. 



Sunduin kita.



Natigilan ako at pakiramdam ko ay nag-balik tanaw ang utak ko sa dalawang salitang tinipa niya. Susunduin niya ako? Arche Callisto Salviez, bakit ganiyan ka? 


"Hoy, tara nalang sa Lakwatsero, nag-chat si Vanessa, nagyayaya." Anunsiyo ni Darrel. 


"Akala ko ba iinom tayo rito?" Tanong ni Yohan. 


"Bar 'yong pupuntahan natin! Do'n nalang tayo sa Lakwatsero. May alak din do'n." Excited na sang-ayon ni Sophie. 


Tumayo naman sa Kle, "Tara na." 


Bakit ba gustong-gusto nila ro'n? 


"H'wag mong sabihing, may gagawin ka na naman?" Angal ni Sophie kay Yohan na tamad ulit ibinagsak ang katawan sa kama. "Sumama ka na. Hindi mo pa nakikitang kumanta ang banda nila Ae."


Nagtipa ako ng reply kay Arc. 



Ayos lang, sasabay nalang ako kay Darrel. Punta rin daw siya.

With our friends pala hahaha!



K. See you. 



Anim na buwan ko ring hindi nakikita si Arc simula noong huling raket namin. Humugot ako ng malalim na pag-hinga. Raket lang 'to, Aelia. 




...

"Awww~ Na-miss ko ritooo~" Niyakap pa ni Sophie ang sarili niya at kulang nalang ay tumili siya sa tuwa. Anim na buwan na rin kasi ang nakalipas simula noong huli naming punta rito. 


"Ayos dito ah." Palinga-linga naman sa paligid si Yohan. Ito palang kasi ang unang beses na nakapunta siya rito. Paano, palagi nalang siyang busy. Siya yata ang pinaka-busy sa amin. 


"Ae!" Malawak ang ngiti ni Kuya Baste, kumakaway pa siya. Napatingin ako sa babaeng nasa counter. Aba. luma-love life na naman ang bar tender ng Lakwatsero. Oo nga pala, mag-da-dalawang taon na sila Kuya Baste at si Ate Diana. 


"Hello, Ae!" Binati kami ni Ate kaya naman binati rin namin siya. Morena si Ate Diane, magandang morena. Naka-close na rin namin itong si Ate dahil lagi namin siyang nadadatnan dito noong senior high tuwing may raket kami. 


"Teka, sino 'tong isa ni'yo pang kasama?" Tanong ni Kuya Baste, nakatingin kay Yohan.


"Kai---"


"Boyfriend mo na ba, Ae?" 


"Kuya naman, pata----"


"Teka, teka, sinong may boypren?" At dumating na nga si Clifford kasama si Xander. 


Napangiti ako nang makita sila. Nakaka-miss din ang mga 'to! Nakipag-fist bump sa akin si Xander at binati rin niya ang iba. Type nga pala ni Sophie ang bassist namin. 


"May boyfriend ka na, ganda?" 


Napabuntong-hininga nalang ako sa tawag sa akin ni Clifford. Hindi na nila ako hinayaang makapag-salita, nilapitan na niya si Yohan. "Ikaw ang boyfriend ng bokalista namin?" Maangas na tanong niya. 


Napakunot ako. Anong trip na naman ng lalaking 'to? 


Inilahad ni Yohan ang kamay niya dala ang signature smile niya na kinakikiligan ng mga kababaihan sa LSU. "Yohan Davidson Quijano. Med student."


Napatakip ang OA na si Clifford sa bibig niya. "Weh? Totoo? Boyfriend ka ni Ae?" 


"Hindi pa." 


Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Yohan. Nakangisi siya ng nakaloloko. Bwiset na lalaking 'to. 


"H-hindi pa? Edi nanlili----"


"Hey, guys!" 


Buti nalang ay dumating na sina Vanessa. Kaagad akong tumalikod paharap sa counter at saktong ipinatong ni Kuya Baste ang tray na may mga baso ng drinks. Kumuha ako ng isa at agad itong kinalahati. 


"Say hi to your crush uy." Tinabihan ako ni Yohan at siniko pa niya ako tiyaka inginuso ang nasa bandang likod namin. Tiningnan ko siya ng masama, "Mamaya ka lang sinasabi ko sa 'yo. Hahambalusin talaga kita ng sapatos." 


Natawa siya ng mahina. Lumapit siya ng bahagya sa akin para bulungan ako, "Pakilala mo naman ako ro'n sa kasama nilang babae." 


Nakakunot kong tiningnan si Yohan. "Si Vanessa ang type mo?" 


Tinakpan niya ang bibig ko, pero inis kong tinanggal 'to agad. "Bakit ba?" 


"Ingay mo naman. Baka marinig tayo." 


Napangisi ako. Akala ba niya, nakalimutan ko na ang panloloko niya kanina kay Clifford? Humanda siya. 


Pumunta na ang iba sa kung nasaan ang table namin, pero nanatili muna ako rito sa bar counter. 


"Bibigyan kita ng magandang concept do'n sa project ni'yo----"


"Thanks, pero hindi ko kailangan." Maagap na tanggi ko kay Yohan na hanggang ngayon ay kinukulit padin ako na ipakilala ko raw siya kay Vanessa. Hindi basta-basta nagkaka-crush itong lalaking 'to, pero mukhang type talaga niya si Vanessa eh. 


"Ang damot nito. Ipakikilala mo lang naman ako sa kaibigan mo." Nakanguso pa niyang pagmamaktol. Ito talaga ang Santino 2.0. 


Napatingin ako sa kaliwa ko nang biglang tumikhim ang isang lalaki....si Arc. Bakit parang mas gumwapo siya? Hindi ba siya nai-stress? Hindi ba siya napupuyat? 


Tumingin siya sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko na-realize ang ginagawa kong pakikipagtitigan. Bwiset na tinginan 'yon! Napainom ako ng iced tea. 


Napatingin ako sa katabi kong si Yohan na natawa ng mahina. Nakuha niya tuloy pati ang atensyon ni Arc. Pasimple kong kinurot ang hita ni Yohan, "Aray, t*ng---" 


Mabilis niyang itinikom ang bibig niya nang pandilatan ko siya ng mga mata. Umayos siya ng upo, pero patuloy paring hinahaplos ang hita niya. 


"You look good together." Biglang komento ni Arc kaya napatingin ako sa kaniya. Sa dami ng pwede niyang sabihin 'yon pa talaga. 


"Bagay na bagay yata talaga tayo, Ae." Komento naman ni Yohan kaya napatingin ako sa kaniya dala ang kunot kong noo. Nakangisi siya habang nakatingin sa iced tea na nilalaro niya sa baso. Hindi nagtagal ay tumingin siya sa gawi ni Arc.


Inilahad niya ang kamay nito, "Yohan. Med student. You must be Arc?" 


Tiningnan ko ang reaksiyon ni Arc. Seryoso lang siyang nakatingin sa palad ni Yohan. Akala ko nga wala siyang planong makipag-shake hands, pero inabot niya rin ito kalaunan. "Com Sci. I guess you heard a lot about me." Nalipat ang tingin ni Arc sa akin pero  mabilis akong nag-iwas. 


"Not really. Just your name and being the main guitarist of Neptune." 


Bakit ba nagi-english-english pa 'tong Yohan na 'to? Oo, maganda ang pronounciation niya, pero anong trip niya at nagfe-feeling inglesero siya? Pwede naman kasing mag-Tagalog? Ano bang ipinaglalaban nilang dalawa? 


"Buti nag-com sci ka? What made you take that course?" Tanong ni Yohan. Tahimik lang akong nakikinig. 


"No special reason. I just want to explore that field." Simpleng sagot ni Arc.


O edi siya na. Parang wala tuloy kahirap-hirap para sa kaniya ang course na kinuha niya. Sana all diba nage-explore lang? Nag-IT nga ako, pero hindi ako nag-Com Sci kahit na 'yon naman talaga ang unang choice ko noon. Mas napamahal lang talaga ako sa Arts. 


"And you? Why Med?" Balik tanong ni Arc kay Yohan.


"It's something I'd love to pursue. Being a Cardiologist is my dream." 


Napangiti ako. Ganiyan talaga si Yohan. Matagal na niyang pangarap ang maging Doctor at talagang nagsisipag siya para makapagtapos siya, at matupad niya ang pangarap niya. Hinahangaan ko talaga ang pagiging pursigido niya. Kung maaga ko lang nakilala 'to, siguro crush na crush ko siya. 


"Hoy!" 


"Aray, t*ng ina!" Napamura si Yohan sa lakas ng pag-palo ni Sophie sa likod niya. "Bakit na naman ba?"


Umakbay si Sophie sa kaniya, "Kanina ka pa namin hinihintay ro'n. Bakit ba nandito ka?" Hindi na niya hinintay pang makapagsalita si Yohan at hinila na niya ito palayo sa amin. At talagang si Yohan lang ang niyaya ni Soph sa table nila? Nagkunwari pa siyang hindi niya ako nakita rito. 


Nang lingunin ko sila. Nakatingin si Sophie sa akin at nag-finger heart pa. Napailing nalang ako bago ko binalikan ang iced tea ko para uminom. 


"Kailan pa naging kayo?" 


Nasamid ako sa iniinom ko kaya napa-ubo ako, buti nalang ay hindi ko ito naibuga. Kunot na kunot kong tiningnan si Arc habang pinupunasan ang labi ko, "Anong klaseng tanong 'yan, Arc?" 


"Anong mayro'n dito?" Pinaningkitan kami ng mga mata ni Kuya Baste nang lumapit siya sa amin habang pinupunas niya ang mga kamay niya. 


"Isang bote ng beer, Kuya." 


Napatingin ako kay Arc. Teka, umiinom siya? 


"No alcohol, Cali. Magda-drive----"


"I'm not a kid anymore. Just one bottle. 'Di naman ako malalasing nun." 


Napabuntong-hininga si Kuya Baste bago kinuhanan ng inumin si Arc. 


"Usap muna kayo riyan. May tatapusin lang ako." Iniwanan pa niya kami ng isang plato ng fries at chips bago umalis matapos ibigay ang bote ng alak kay Arc. 


Tiningnan ko Si Arc na saktong itinutungga ang beer. "Umiinom ka pala." Komento ko. 


"Tao ako, Aelia. Anong tingin mo sa 'kin?" 


Inirapan ko siya, "Ang ibig kong sabihin...ng alak."


"Lalaki ako." 


"Hindi lahat ng lalaki umiinom." Kontra ko. 


"Bakit hindi ba umiinom si Quijano ng alak kaya nagustuhan mo?" 


Natigilan ako sa tanong niya. Pati ba naman siya iniisip na mag-jowa kami ni Yohan? 


Napabuntong-hininga ako at dumukot sa fries. "Hindi kami ni Yohan." 


"Hindi pa. So, he must be your suitor." 


Tumigil ako sa pag-nguya at tiningnan siya. Itinungga niya ulit ang bote ng beer. 


"Hindi siya nanliligaw, okay?" Bakit ba iniisip nilang....


"But you like him." 


Napapikit ako ng mariin. "Pwede ba Arc..."


"What?....T*ng ina, para saan-----"


Nanahimik siya matapos kong mabilis na naisubo sa kaniya ang fries na hawak ko. "Pwede bang manahimik ka nalang kung wala ka rin matinong sasabihin?" 


"What? I'm just----"


"Hindi nga kasi kami ni Yohan. Hindi ko siya boyfriend at hindi niya ako girlfriend, at mas lalong hindi siya nanliligaw sa akin." Paliwanag ko. 


"Do you like him then?" Maagap na tanong niya. 


Nanatili akong tahimik. Rinig kong may nagsasalita na sa harapan, pero pasok sa isang tainga at labas sa kabila ang sinasabi nito. 


"Gusto mo ba si Yohan, Aelia?" Tanong ulit ni Arc.  


Nanatili akong nakatingin sa baso kong wala ng laman. May mga salita akong gustong sabihin sa kaniya, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko ng mag-take risk. 


Lakas-loob ko siyang tiningnan. "Boyfriend material si Yohan, Arc. Kung gusto lang, madaming dahilan para magustuhan ko siya." 
















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top