Chapter 3
"Grabe naman dito sa bahay ni'yo Tams." Papuri ko habang patingin-tingin sa paligid at kisame nila. Ang lawak kasi at talagang pang-mayaman ang theme ng bahay. May pa-chandelier pa ang leading leady ni'yo.
"Pwede bang kumuha rito?" Sinundot ko ang pulang mansanas na nakalagay sa isang container na nasa countertop malapit sa bar counter.
Natawa si Tamara, "Kuha ka lang, Ae."
Napangiti ako nang malawak at aktong kukuhanin ko na ang mansanas nang biglang may kumuha nun. Isang lalaki ang dumaan sa tabi ko at nilampasan si Tamara. Sa halip na mainis ay natahimik ako't kinilig na naman ang mga organ system ko nang malamang si Arc pala 'yon.
"Sumakit sana tyan mo." Bulong ko at talagang sinadya kong iparinig kay Tamara para hindi niya isiping type ko si Arc dahil napatitig na ako sa leading man niya. Mahirap na. Ako pa ba ang sisira sa love story nila? Kailangan kong ipakitang naiinis ako sa ginawa ng leading man niya noh!
"Do you like Arc?"
"Huh?" Wala pa akong nginunguya, pero parang nabulunan na ako sa bigla-biglang tanong ni Tamara. Kumuha siya ng grapes na nasa lalagyanan ng prutas tayaka isinubo at tiningnan ang direksiyon kung nasaan si Arc na kasama na ngayon sina Miggy sa living room.
"Sa gwapo niya, hindi ako naniniwalang wala sa ating magka-kaklase ang may crush sa kaniya."
"At isa ka sa kanila sigurado." Nakangisi kong sagot kay Tamara na kumuha ng atensyon niya. Parang hindi pa niya inaasahan ang sasabihin ko. "Alam mo, Tamara kung iniisip mong itanggi na crush mo si Arc, h'wag mo ng subukan. Halata kaya." Pang-aasar ko.
Namilog naman ang mga mata niya at lumapit sa akin, "How did you know? I mean, masiyado na ba akong obvious? Tingin mo nahalata rin ni Arc?" Sunod-sunod na tanong niya. Sinubukan kong pigilan ang tawa ko, pero kumawala parin kaya napakunot siya. "What's funny?"
"Hindi naman talaga halatang crush mo siya, pero ngayon halatang-halata na." Natatawa kong sagot. Napapadyak tuloy siya at halos tampalin niya ang braso ko, "You got me!"
"Ayos lang yan, Tams." Tiningnan ko si Arc na nasa living room, "Kung si Arc lang din, hindi naman imposibleng i-crush back ka niyan." Tiningnan ko si Tamara na parang nagkaro'n ng pag-asa ang mga mata niya. Nagpatuloy ako. "Matalino ka, maganda, mabait, heartthrob katulad ni Arc. In short, bagay na bagay kayo ng leading man mo."
"You think so?" Nagda-dalawang isip na tanong niya.
Kinuha ko ang saging sa prutasan tyaka 'yon binalatan sabay tingin sa living room, "Oo naman. At chance mo na ngayong role play na magpapansin kay crush, malay mo bukas makalawa ligawan ka na niya."
Hindi ko na narinig ang sagot ni Tamara kaya napatingin ako sa kaniya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Walang iba kung hindi kay Arc na ngayon ay itinotono ang hawak niyang gitara.
"Narinig mo na ba siyang kumanta?" Tanong ko tyaka kinagatan ang saging na hawak ko.
Napatingin siya sa akin, marahang umiling. "Good luck sa puso mo kapag narinig mo ang boses ng isang Arche Callisto Salviez."
"Pakantahin kaya natin." Masiglang suhestyon niya. Umiling ako, "Baka nakakalimutan mong KJ pa sa KJ 'yang si Arc."
"Sayang naman, gusto ko pa sanang i-record ang voice niya." Nakabusangot na saad ni Tams. Pinagmasdan ko siya. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Tamara, naiisip ko si Arc at talagang bagay na bagay sila. Sige na nga! Panahon na naman paring maging si kupido.
"Subukan natin ang KJ na 'to."
"Hey, Ae, anong gagawin mo?" Tawag ni Tamara sa akin nang tahakin ko ang daan papuntang living room. Hindi ko na inabala pang sumagot.
"Uy, Arc!" Feeling close na tawag ko sa leading man ni Tamara. Lumingon siya, pero as usual ay wala man lang ka-ekspre-ekspresyon ang mukha. "Bakit?" Tanong niya. Enebe! At least semeget sye debe?
Kahit na kinikilig ako ng palihim ay pinanatili ko ang natural na ekspresyon ng mukha ko. Walang pasabi kong kinuha ang script na hawak ni Grey at kunwa-kunwaring may hinanap do'n na scene. Ramdam kong nakatingin si Darrel sa akin, pero hindi ko na siya tiningnan pa.
"Bale magre-revise tayo 'di ba? 'Yong part na naka-dungaw si Juliet sa bintana tapos si Romeo nasa baba." Tiningnan ko si Arc, nakikinig pala siya sa akin. Para iwasan ang tingin niya ay binalik ko ang tingin ko sa script, "Ang mangyayari, hindi lang kayo basta magtititigan at magpapalitan ng mga romantic words, bale si Romeo haharanahin niya si Juliet."
"Naks!"
"Uy!"
Sabay pang nag-react si Grey at Miggy sabay tingin kay Arc at kay Tamara.
"At kailan mo naisip 'yang serenade scenen na 'yan aber?" Pa-epal na naman ng bakla.
"Mas romantic kaya 'yon kaysa 'yong plain lang na palitan ng mga nakakakilig na salita." Kontra ko agad.
"'Yon lang?" Napatingin ako kay Arc nang magsalita siya? Huh? Anong 'yon lang? Ayaw ba niya o g na g siya?
"Kailangan mong kumanta." Maiksing paliwanag ko dahil baka hindi niya....
"Ok."
OK? Napatingin ako kay Tamara na halatang hindi rin niya inaasahan ang biglang pag-sang-ayon ni Arc. Napatingin din ako kay Darrel na nakataas ang kilay sa akin, sinasabing, "Ano na naman ang trip mong babae ka at nag-aala-kupido ka na naman sa love story nila?"
Sa halip na pansinin si Darrel ay napangiti ako. "Ok, practice!" Umupo ako sa couch katapat ni Arc. "Paano haharanahin ng isang Romeo si Juliet?" Hamon ko sa kaniya. Napatigil siya sa pag-totono ng gitara at napatingin sa akin. Biglang natahimik ang buong paligid na parang may mali sa sinabi ko.
"Singerist na pala si Romeo." Komento ni Grey.
"Hoy, gago manahimik ka muna." Pagsita ni Miggy.
"You want me to sing? Ngayon na?" Tanong ni Arc sa akin na parang naniniguro. Tumango naman ako.
"Bakit? Ayaw mo? Gusto mo sayaw nalang?" Pamimilosopo ko. Rinig ko ang pag-tawa nina Grey at Miggy, "Sayawan mo ng careless whispher, tol." Nakangising suhestiyon ni Grey dahilan nang tingnan sila ng masama ni Arc.
"Sorry, 'di ka na naman mabiro 'tol." Maagap na saad ni Miggy.
"Sana ol early!" Napatingin kami sa grupo ng mga classmates naming nag-sidatingan.
"Sana all late!" Pambabara ni Miggy kay Yuri.
"Alright, attention!" Sinimulan ni President ang pagbibigay ng task. Hinati niya ang buong klase. May mga grupo na naka-assign para sa mga costumes at props at 'yong iba ay naiwan dito sa living room para sa script reading lalo na sa mga main characters at supporting roles, 'yong ibang extra ayon at nakitulong muna sa mga propsmen.
"Anong kakantahin sa scene number 9?" Biglang tanong ni Arc habang naghahanda muna kami bago magbasa ng malakasan.
"Anong kanta?" Kunot na tanong ni Hailey. Ito na nga ba. Napayuko ako, pero ramdam ko ang tingin ni Arc sa akin.
"Ah! I had a suggestion to Ae about the serenade scene. Instead na magpalitan lang ng mga sweet lines, baka pwedeng haranahin ni Romeo si Juliet?" Pagsalo ni Tamara sa akin. Nginitian ko siya ng palihim nang magkatinginan kami. Napatingin ako kay Arc na nakatingin pala sa akin pero agad akong nag-iwas.
"I agree. Mas maganda nga kung may serenade scene." Pag-sang-ayon ni Pres. "Okay lang ba sa 'yo 'yon, Arc?"
Napatingin kami kay Arc na nakatingin na ngayon sa script. Ilang sandali lang inangat niya ang tingin sa tapat niya at matamang tiningnan si Tamara. "What song do you want me to sing for you?" Pakiramdam ko kumirot ang puso ko sa tanong niya na 'yon, at the same time nagawa kong ngumiti at makisabay sa tilian ng iba.
"Can't help falling in love." Sagot ni Tamara, pero parang hindi 'yong title ng kanta ang sinasabi niya kay Arc. Parang confession 'yon na kulang na nga lang ay sabihin niya "I can't help falling in love with you, Arc."
Siguro ilang segundo pa ang tinagal ng tinginan nila at parang sa mga mata lang ay nagkakaintindihan sila. Sampung segundo pa ang lumipas bago sila nagkahiwalay ng tinginan. Ibinalik ni Arc ang atensyon sa script na hawak niya. Narinig ko pa ang bulong niya, "Not bad."
Para akong tangang nakangiti sa harap nila, pero sa loob ko ay hindi ko maitangging parang kinukurot ang puso ko.
Ganito ba talaga maging kupido para sa iba? Hindi ko alam na masakit pala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top