Chapter 29
"I liked Tamara."
Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko umurong na lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya. Akala ko ba...
"Past tense. Gusto ko siya dati."
Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko sa sunod niyang sinabi. Dati? Kaya ba noong tinanong ko siya no'ng Valentine's program kung gusto niya si Tamy, ang sagot niya ay wala siyang nararamdaman para rito?
Gusto ko pa sanang itanong sa kaniya kung ano ang nagustuhan niya kay Tamara, pero parang tinanong ko lang sa kaniya ang isang katanungang alam ko naman na ang kasagutan.
"Madami na rin akong nagustuhan bago si Tamara." Pag-amin niya.
"Mahilig ka siguro sa maganda noh? 'Yong tipong pang-rampa ang ganda." Pabirong sagot ko.
Mula sa mga pailaw, itinuon niya ang tingin niya sa akin. Ilang segundo kaming nakatingin lang sa isa't isa, at nang pakiramdam ko ay matutunaw na ako sa mga mata niya ay ako na ang unang nag-iwas.
"Akala ko hindi uso sa 'yong magka-crush eh." Komento ko.
"Ano namang tingin mo sa 'kin? Tao rin naman ako."
Natawa ako. Oo nga naman. Tao rin naman siya at may pakiramdam.
"Sa dami ng nagustuhan mo, wala kang niligawan ni isa sa kanila?" Komportableng tanong ko.
Dahil sa dalas naming magkasama kahit noong Christmas at New Year's break, unti-unti na akong naging komportable sa presensiya niya, at kapag kausap ko siya. Ito ang literal na unexpected, ang maging close ako sa long time crush ko.
"Hindi naman required na ligawan mo kaagad ang isang tao kapag gusto mo, lalo na kung alam mo naman sa sarili mong wala pa sa plano mo ang seryosong pakikipag-relasyon."
Pakiramdam ko mas lalo lang akong nahuhulog kay Arc. Ganito ba talaga kapag nagka-gusto ko sa isang tao? Hindi mo siya maiwasang i-kompara sa iba. Para sa 'yo siya ang pinaka-kakaiba sa lahat. May mga lalaki kasing nanliligaw-biro lang. Iyon bang hindi naman talaga sila seryoso, tapos hanggang makikipag-boyfriend at girlfriend lang ang intensyon nila.
"Sa mga nagustuhan mo, naramdaman mo na ba 'yong pakiramdam na kapag nakikita mo 'yong taong gusto mo, wala ka ng ibang makita kung hindi siya lang? 'Yong pakiramdam na kapag naiisip mo siya, mapapasabi ka nalang sa sarili mo na siya lang talaga ang gusto mo, kahit mayro'n pang mas maganda, mas matalino o kahit ano pa mang mas sa kaniya."
Kasi ako, gano'n ang nararamdaman ko sa 'yo, Arc.
"Is that the feeling of being in love?" Tanong niya, diretso ang tingin sa mga mata ko.
Oo, Arc. Hindi mo ba 'yon nakikita sa mga mata ko ngayon?
Itinuon ko ang atensyon ko sa mga pailaw dahil hindi ko talaga makayang makipagtitigan sa kaniya ng matagal. "Sa mga nababasa kong libro, gano'n ang nararamdaman ng mga leading man at leading lady sa isa't isa kapag in love sila."
"But this is real life."
Parang may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Tama naman siya. Nasa realidad kami. Totoo ba talaga ang gano'n pakiramdam kapag in love ka? O sadyang nagi-ilusyon lang ako dahil sa kababasa ko?
"Hindi ako mabilis magka-gusto sa isang tao, pero kapag nagkagusto naman ako, mabilis lang din mawala. I don't seriously take my feelings, because I know, it won't last."
Hindi ko inaasahang magiging transparent si Arc sa akin tungkol sa sarili niya. Wala kasi sa hitsura niya na makikipag-usap siya sa isang tao tungkol sa ganitong topic. Lalo na sa akin.
"How about you?"
Ilang segundo pa bago ako nakasagot dahil iprino-proseso ko pa ang sinabi niya. Paano siya nakasisigurong hindi magtatagal ang nararamdaman niya para sa isang tao? Lagi bang gano'n? Paano 'yon nagagawa ng puso niya samantalang ako, hindi ko ma-kontrol ang nararamdaman ko.
"Ako, madalang lang akong magka-gusto sa isang tao, puro kasi fictional men ang mga crush ko." Natatawa kong sagot. "Pero kapag nagka-gusto naman ako ng taong nage-exist talaga rito sa real world, madalang man, pero nahuhulog talaga ako...malalim at matagal mawala."
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Nakatingin lang ako sa mga pailaw. Ang totoo, may mga naging crush na rin ako, pero nabibilang lang din sila ng daliri ko, at palaging kay Arc bumabalik ang atensyon ko. Para sa akin, siya 'yong pinaka sa lahat. Pinaka-the best, pinaka-cool, pinaka-gwapo, at pinaka-maangas.
Humugot ako ng malalim na pag-hinga. Pakiramdam ko ay sasabog na talaga ako. Wala ng paglalagyan ang nararamdaman ko. Parang gusto na nitong kumawala.
Tiningnan ko si Arc. at hindi ko inaasahang nakatingin na pala siya sa akin. Diretso 'to sa mga mata ko na parang binabasa niya ang nasa isip ko.
"Naalala ko na ang sasabihin ko, Arc." Sumasabay ang mabilis na pintig ng puso ko, pero ipinagsa-walang bahala ko ito. Kung hindi ko 'to ngayon sasabihin, kailan pa?
Hindi siya nagsalita. Mukhang hinihintay niya ang sunod kong sasabihin. Sinubukan ko ang buong makakaya ko para manatiling nakatitig sa mga mata niya.
Ganito ang eksena sa mga nababasa kong libro kapag aamin na ang bidang lalaki, pero sa eksena namin ni Arc, heto ako't aamin na.
"Hindi raw maganda kung babae ang umaamin ng nararamdaman sa lalaki, pero sa nakikita ko, wala naman sigurong masama ro'n 'di ba? Hindi naman masamang magpakatotoo sa nararamdaman."
Marahan akong huminga ng malalim, "Hindi naman siguro ikabababa ng pagiging babae ko kung sasabihin ko sa 'yong...gusto kita, Arc."
Hinihintay ko ang magiging reaksiyon niya, pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Ako na naman ang talo kaya ako na ang nag-iwas ng tingin.
"Gusto kita simula pa noong first year tayo. Akala ko nga, katulad sa 'yo, mabilis lang akong makalimot sa crush, pero nag-second year na, third year at hanggang ngayon, ikaw parin ang gusto ko."
Sa wakas ay nahanap ko rin ang mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya... Pero tama ba 'to? Tama lang ba ang ginagawa ko?
"Hindi pa naman tayo close dati, pa'no mo 'ko nagustuhan ng gano'n katagal? You didn't even know me that much, Aelia." Napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya matapos ang pagiging tahimik niya.
Alam kong matatalo lang ako sa pakikipagtitigan sa kaniya kaya itinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga pailaw. "'Yon na nga. Hindi kita gano'n kakilala, pero akalain mong nagkagusto ako sa 'yo---"
"I'm sorry."
Natigilan ako nang banggitin niya ang mga salitang kinatatakutan kong marinig. Alam ko na kung saan papunta ang sorry niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ako iiyak. Crush lang 'to. Long time crush. Happy crush lang. Hindi ako dapat iiyak.
"Sorry kung hindi ko man lang napansin na may gusto ka sa 'kin---"
"Hindi, Arc. Hindi mo naman kailangang mag-sorry dahil lang do'n. Mas ayos pa nga sa akin dati na wala kang alam...pero heto ako ngayon, binubuking ang sarili ko sa 'yo."
Pinilit kong ngumiti, "Pinagtutulakan na nga kita sa iba para maka-move on na ako sa nararamdaman ko sa 'yo. Desidido pa akong tulungan kang pormahan si Tamara---"
"You're willing to do that even if it means, hurting yourself?"
Nilunok ko ang bagay na parang nakabara sa lalamunan ko. Kung sakit lang, Arc. Sanay na ako riyan.
"Stop pushing me away and linking me with someone. Stop hurting yourself, Aelia."
Napangiti nalang ako dahil kay Arc mismo nanggagaling ang mga salitang 'yon, at sa parehong banda, nasasaktan ako.
Huminga ako ng malalim at tiyaka tumayo. "Ano ba 'yan! Ang drama natin." Itinawa ko nalang ang bigat ng nararamdaman ko.
Kunwari akong nag-inat na parang nangawit ang mga braso ko, "Sa wakas, nabawasan ang dinadala ko. Tara na nga. May curfew pa ako. Hoy, wala ng bawian ah? Sinabi mo kaninang ihahatid mo 'ko."
Kung talent lang ang magpanggap na masaya parin kahit na nasasaktan na, siguro makatatanggap ako ng award.
"Tara na Arc."
"I'm sorry. I..." Nakatalikod na ako sa kaniya nang magsalita siya kaya natigil ako. Ayokong humarap, dahil baka maiyak ako sa susunod niyang mga sasabihin, pero sinubukan ko ang makakaya ko para lingunin siya dala ang ngiti ko.
"Hindi ka pa ba tapos mag-dra---"
"Let's just stay being friends, Aelia."
Ganito pala ang pakiramdam ng ma-friendzone. Akala ko sisiw lang.
"Friends naman tayo." Nakangiti kong sagot.
"No, I just want to clear things up between us."
Ganito ba ang totoong eksena ng leading man at extra? Wala pa naman akong nababasang ganito. Ang sakit pala.
"Ayokong saktan ka, pero gusto kong maliwanag sa 'yo----"
"Hindi mo 'ko gusto." Ako na ang tumapos sa sasabihin niya.
Sa akin na galing para kahit papaano, hindi gano'n kasakit, pero sinong niloloko ko sa salitang 'hindi gano'n kasakit'? Kung ito na pala 'yong eksenang masasaktan 'yong extrang babae sa kwento, sige lulubusin ko na.
Nakatingin lang si Arc diretso sa mga mata ko gano'n din ako sa kaniya...
"Pero sa sampung porsyento, Arc...ilang porsyento ang pag-asa ko sa 'yo?" Malakas ang loob na tanong ko.
Hindi siya kaagad nakasagot. Mukha na ba akong desperada sa tanong ko? Siguro nga. Siguro nga 'yon ang iniisip ni Arc.
"H'wag mong isipin na may balak na akong jowain ka agad ah." Pabirong depensa ko. "Gusto ko lang malaman kung kahit papa'no----"
"Wala, Aelia."
Sa sinabi niya ay pakiramdam ko mas gugustuhin ko na lamang masampal ng literal ng sampung beses kaysa ang masampal ng katotohanan. Ang sakit pala talaga kapag sa taong gusto mo mismo manggagaling na hindi ka niya gusto, at wala kang pag-asa sa kaniya ni isang porsyento.
"Sorry kung hindi kita magugustuhan."
Ito na yata ang pinakamatagal na nakatingin ako sa mga mata niya. Hindi ko alam kung ilang segundo o umabot ba ng minuto na nakatingin lang ako sa kaniya, hanggang sa maramdaman ko nalang ang pag-tulo ng luha sa pisngi ko.
Akala ko ba, Aelia, hindi ka iiyak?
Nag-iwas si Arc ng tingin sa akin. Tumayo siya tiyaka ako nilampasan, "Baka maabutan ka ng curfew. Tara na. Ihahatid na kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top