Chapter 25


Sitio Musikero 


"Arc, sigurado ka ba talagang tayo lang dalawa ang tutugtog?" Paniniguro ko sa pagbabakasakaling magbago pa ang isip niya. 


"May iba ba tayong choice?" Tanong niya nang hindi ako tinitingnan, dahil abala siya sa pagtotono ng gitara. Bakit ang gwapo parin niya sa anggulong 'yan? Nakayuko lang naman siya pero ang cool niya parin tingnan. 


"Meron. Pumayag kang mag-substitute ang bassist ng Seven para----"


"That's not going to happen, Aelia." Maagap na sagot niya matapos itigil ang ginagawa at nag-angat ng tingin sa akin. 


Napabuntong hininga ako. Pero kalaunan ay bigla akong may naisip kaya napangiti ako. Napansin kaagad ito ni Arc at mukhang hindi niya gusto ang takbo ng utak ko. "Ano na naman 'yan?" Masungit na tanong niya.


"Kung ako nalang kaya ang mag-gitara tapos ikaw ang kumanta? Para naman maiba." Pagda-dahilan ko, dahil ang totoo ay parang kinakabahan ako sa performance namin ngayong gabi. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko maiko-kondisyon ng maayos ang boses ko dahil sa hiya. Parang nakaka-pressure lang kasi na si Arc lang ang kasama ko sa stage. Kaming dalawa lang. 


"Tutal alam ko namang tumugtog ng gitara----"


"No. You're the one to sing and I'll do my part. Ngayon ka pa kinabahan ngayong tayong dalawa lang ang magkasama sa stage." Wow. Kung alam lang niya kung gaano ako kinakabahan. 


"Baka kasi bigla akong mawala sa tono, o makalimutan ko 'yong lyrics. Syempre kapag napahiya ako, edi pati ikaw napahiya rin. Kilala ka pa naman dito..." Napayuko nalang ako. 


Iyon talaga ang kinatatakot kong mangyari. Di bale ng ako lang mag-isa ang mapahiya, h'wag lang madamay si Arc o ang buong banda. Syempre, bokalista ako ng Neptune, ibig sabihin, dala ko rin ang pangalan nila. 


Ipinatong ni Arc ang gitara sa mesang nasa harapan ko. Naramdaman ko ang pag-sandal niya sa mesa sa tabi ko kaya naman nag-angat ako ng tingin para tingnan siya. 


"You're just overthinking things, Aelia. Stop that habit." 


Wala akong ibang masabi sa mga salitang binitawan niya. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na makipagtitigan sa mga mata ni Arc ng ilang segundo. 


"Don't let those negative thoughts suppress you from expressing yourself every time you're on the stage. Ilang beses ko bang kailangang sabihin 'yon sa 'yo?"


Ako na ang unang kumalas ng tingin sa kaniya. "Sorry, kinakabahan lang talaga ako."


"You can do it, Aelia. I trust you." 


Wala. Tameme na naman ako dahil sa sinabi niya. 


"Tara na." Umalis na si Arc sa pagkakasandal sa mesa at palabas na sana mula rito sa bakanteng kwarto... 


"Thank you, Arc." Pahabol ko. Tumigil siya tiyaka ako nilingon. Mukhang may sasabihin pa, pero hindi parin siya nagsasalita kaya naman nagtanong ako, "Bakit?"


Kung pwede ko lang sanang ipagbawal si Arc na h'wag niya akong tingnan ng seryoso dahil baka umasa ako ng husto...hulog na hulog na nga 'yong tao! Hays. 


"Wala. Tara na." Tumalikod na siya at naunang lumabas. Napabuntong-hininga nalang ako. Ang epal naman ng lalaking 'yon. Titingin na parang may gustong sabihin sa akin tapos sasabihin biglang wala. 




...

Kung inaakala ng madami na sobrang sikat ng Neptune, pwes hindi naman gano'n kasikat na parang mga kilala talagang local band dito sa Pilipinas. Sikat ang Neptune sa bayan ng Valenciano at sa ibang schools dito sa Luksiao, pero hindi naman buong bansa talaga. Nagkataon lang talaga na may ari ng bar ang tito ni Arc at may koneksiyon siya sa may-ari nitong Sitio Musikero kaya heto kami't na-imbitahan para tumugtog sa madla. 


Hindi namin kino-compose ang mga kanta namin kaya lahat ng tinutugtog namin ay puro mga cover songs kaya shout out sa mga composer at singer na may-ari ng mga covered songs namin. 


Matapos i-anunsiyo ng emcee ang pangalan ng Neptune ay hinayaan na niya kaming maka-pwesto sa stage. Nagsimula na naman tuloy kumabog ang puso ko dahil sa palakpakan ng mga tao. At ito pang Darrel, sumigaw pa talaga ng 'Hooo! Go bakla! Burn the stage!'. 


"Good evening." Magaan ang boses ni Arc nang makaupo siya sa high stool. Nakaayos na rin ako sa stool na nasa tabi niya. "Actually...this is our first time performing here tonight. It's our pleasure to have the chance to sing for you. We hope you guys enjoy the rest of the night."


Ang sossy naman mag-english nitong kasama ko. Feeling foreigner 'yan? 


"Aelia?" 


Napatingin ako kay Arc na nakatingin sa akin. Ay sorry! Ako na pala. 


Sinabi ni Arc kanina na ako na ang bahala sa mga kantang kakantahin ko. Buti nga at nakaisip ako kaagad. Kapag talaga rush, gumagana ang utak ko. Buti nga at hindi na umangal si Arc. Akala ko mare-reject na naman ang mga kantang napili ko.


Napag-usapan namin sandali kanina kung paano ang pagkakasunod-sunod ng mga kanta. Wala kaming practice kaya good luck sa impromptu performance namin. 


Sinimulang tumugtog ni Arc. Hinawakan ko naman ang mikropono mula sa stand nito. Siniguro kong hindi napawi ang ngiti ko habang nakaharap ako sa mga tao. 


"Sa mga pusong patuloy na nagmamahal at humahanga..." Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag-tingin ni Arc sa akin. Oo, para sa 'yo ang kantang 'to, Arche Callisto. 


"Para po 'to sa inyong lahat..." 



♪ Sandali na lang
Maaari bang pagbigyan 



♪ Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang
Iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
Ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip 



Napangiti ako sabay pag-mulat ko sa mga mata ko matapos kong damhin ang mga unang liriko. Parang unti-unti na ring nawawala ang kabang kanina lang ay nararamdaman ko.



Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa'yo
Kahit na lilipad ang isip
Ko'y torete sa'yo
 ♪



♪ Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak
Nanlalamig nanginginig na ako 



♪ Akala ko nung una
May bukas ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpo 
♪ 



Tinanggal ko ang mikropono sa stand nito habang hinihintay ko ang pasok ng susunod na mga liriko para sabayan ang pagtugtog ni Arc sa gitara.



♪ Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete sa 'yo 



Torete sa 'yo, Arc...


Pumikit ako para sabayan ang pag-bagal ng pagtugtog ni Arc. 




Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa'yo
Kahit na lilipad ang isip
Ko'y torete sa'yo-oh-ohhh
 ♪



Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete ako

Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete sa'yo
 ♪



♪ Torete sa'yo 



Napangiti ako nang magpalakpakan ang mga tao. 


"Hooooo! Crush, torete sa 'yo!! I lab youuu!!" At napatingin ang lahat kay Darrel na hindi naman halatang nage-enjoy sa pwesto niya. Baliw talaga. 


"One more! One more! One more!" At sinabayan pa siya ng isa pang baliw na si Clifford. Hindi pa naman kasi tapos, excited naman ang mga 'to. Pati tuloy ang ibang mga tao ay naki-one-more chant kay Cliff.


Ibinalik ko na ang atensyon ko sa harap ko kung nasaan ang ibang mga taong nanonood sa amin. Nakaawang na ang bibig ko para sana magsalita nang biglang may sumigaw... "Pa-request! Para sa Akin by Sitti!" 


Nagtawanan ang mga kasama niya na parang inaasar siya. "Para sa long time crush kong single na ulit na iniwan ng haliparot niyang ex. Alam kong in love ka na rin sa akin!" Dagdag pa niya kaya natawa tuloy ang ibang tao, pati tuloy ako at natawa kay ate girl. 


Tiningnan ko si Arc. Tumango siya at ako naman ay nakangiting ibinalik ang atensyon kay Ate girl. Sinimulang tumugtog ni Arc. 


"Can I have your name, please, ate girl?" Sabi ko. Ayan nahawa na ako ng english ni Arc. 


"Lara!"


Nginitian ko siya matapos niyang isigaw ang kaniyang pangalan. 


"Ang sabi nila, kapag daw mahal mo, siya lang ang makikita ng mga mata mo, at para sa kaniya lamang nakalaan ang espasyo diyan sa puso mo..." Tipid akong napangiti. Grabe itong mga naiisip kong adlib, relate na relate ako. "Pero bakit nga ba noh? Bakit nga ba kahit gaano pa natin kamahal o kagusto ang isang tao, karamihan sa atin, walang sapat na lakas ng loob na aminin ang nararamdaman natin...Sa crush ni Ate Lara, gusto niyang sabihin sa 'yo na..."



♪ Kung ika'y magiging akin
'Di ka na muling luluha pa
Pangakong 'di ka lolokohin
Ng puso kong nagmamahal 
♪ 


♪ Kung ako ay papalarin
Na ako'y iyong mahal na rin
Pangakong ikaw lang ang iibigin
Magpakailanman 
♪ 



Kung ika'y magiging akin, Arche Callisto. Ikaw lang ang mamahalin ng puso ko't magiging laman ng damdamin. Ikaw lang.



'Di kita pipilitin
Sundin mo pa'ng iyong damdamin
Hayaan na lang tumibok ang puso mo
Para sa akin
 ♪



Hindi kita pipiliting magustuhan ako, Arc, pero kung mayro'n ka mang nararamdaman kahit katiting lang, pwede bang hayaan mo nalang 'yang puso mo na tumibok para sa akin? 



Kung ako ay mamalasin
At mayro'n ka nang ibang mahal
Ngunit patuloy ang aking pag-ibig
Magpakailanman 


Pero kung wala at kung para ka talaga sa iba, bibitawan nalang siguro kita habang patuloy kitang hinahangaan. Hindi ko alam kung hanggang kailan itong nararamdaman ko para sa 'yo, Arc, pero ngayon, gusto kita. Sigurado akong gusto kita, Archie Callisto Salviez. 


♪ 'Di kita pipilitin
Sundin mo pa'ng iyong damdamin
Hayaan na lang tumibok ang puso mo
Para sa akin 
♪ 



 ♪ 'Di kita pipilitin... 



Napatigil ako nang bigla akong sinabayan ni Arc. Nakatingin lang ako sa kaniya...




♪ Sundin mo pa'ng iyong damdamin
Hayaan na lang tumibok ang puso mo...
♪ 



Mabagal ang pagtugtog niya habang sinasabayan ng mahinahon at malamig niyang boses ang bawat nota ng gitara. 



Nakapako parin ang tingin ko sa kaniya hanggang sa magtagpo ang mga tingin namin. Pakiramdam ko ay nababasa ni Arc ang nararamdaman ko. Ang lalim ng tingin niya. Parang may ibig ipahiwatig ang mga 'to. Parang gusto ko tuloy kunin ang pagkakataon na 'to para sabihin sa kaniya ang totoo. Hindi sa direktang paraan kung hindi sa pamamagitan ng awiting kinakanta naming dalawa. 



Sundin mo pa'ng iyong damdamin
Hayaan na lang tumibok ang puso mo... 



 Ito na siguro ang pinakamatagal na nagkatitigan kaming dalawa. Ano kayang iniisip ni Arc? Ano kayang nararamdaman niya ngayon?  Aaminin ko, umaasa na naman ako kaya para hindi ako ma-sobrahan ng pagiging assuming ay pilit ko ring ipinapaalala sa sarili kong parte lang 'to ng performance namin ngayong gabi. Walang halos malisya 'to para kay Arc. 



♪ Para sa akin~ 




...

Natapos ang performance namin ngayong gabi na halos hindi ko na namamalayan. Nag-enjoy kasi talaga ako kahit na hindi nasunod ang mga kantang napili ko. Pagkatapos kasing mag-request ni Ate Lara kanina, sinundan pa ng iba, kaya napalaban tuloy ang boses ko, at pati ang kamay ni Arc sa paggi-gitara. Bilib nga ako kay Arc, dahil lahat nalang ng request sa amin ay alam niyang tugtugin. Hindi ko alam kung nangangapa lang siya ng chords o ano. Basta ang galing niya. Iba talaga kapag tunay na gitarista. 


"Hello!" May babaeng matangkad ang lumapit sa table namin na siyang umagaw ng atensyon namin. Na-sorpresa ako nang mapagtanto ko kung sino 'to. "Ate Lara!"


"Pwedeng pa-autograph naman?" Iniabot niya sa amin ang natuping tissue. Nakaawang lang ang bibig ko dahil sa gulat sa sinabi niya. Autograph? Tama ba ang pagkakarinig ko? 


Napatingin ako sa katabi kong si Arc nang mahina niya akong siniko, "Go, sign it." Bulong niya tiyaka dumukot ng chips. Wow, ako talaga? Hindi ba pwedeng siya nalang, tutal siya naman ang leader namin. 


"Ahm...O-okay lang ba? Wala kasi akong ibang dala. Tissue nalang, pwede?" Medyo nahihiyang tanong ni Ate Lara. 


Medyo nahihiya rin ako nang abutin ko ang tissue. "Okay lang po..." Pipirma na sana ako gamit ang pangalan ng Neptune nang may maalala ako kaya nag-angat ako ng tingin kay Ate, "Para po ba 'to sa crush ni'yo?" 


"Ah hindi. Para sa kapatid ko. Dito kasi siya nag-aaral sa Luksiao. First year high school. First time raw niya kayong makitang tumugtog sa school nila noong may band competition. Fan na fan 'yon ng Neptune. Sayang nga, hindi pa siya pwedeng pumunta rito sa bar. Gustong-gusto pa naman niya kayong makita ulit." 


Natahimik ako sa sinabi niya. Fan? Nakakakilig palang pakinggan ang salitang 'yon. Nakatutuwang malaman na may humahanga sa Neptune sa ganitong paraan. Ano ba 'yan, feeling ko tuloy ang sikat sikat na namin. 


"Mmm...pwedeng, pakilagay nalang ang pangalan ng kapatid ko? Lori nalang." Pag-hingi ng pabor ni Ate Lara habang isinusulat ko ang pangalang Neptune


Napangiti ako habang nagsusulat. "Siguradong may crush sa Neptune si Lori." 


"Hay naku, sinabi mo pa. Patay na patay nga 'yon sa gitarista ni'yo." 


"Pakisali nalang din 'yong pangalan ko riyan, ganda." Sabi ni Clifford. 


"G*go talaga 'to. Ikaw ba ang gitarista?" Pambabara sa kaniya ni Ardaine.


"Rhythm guitarist. Mag-isip ka nga, Ara. Gitarista rin ako." Confident na sagot pa ni Cliff. 


"Hindi ba, gitarista rin siya?" Itinuro ni Ate Lara si Arc na tahimik na naglalaro ng piano tiles sa tabi ko. Naka-silent pa ang phone niya. "Siya ba si Arche Callisto Salviez?" 


"Aray, akala ko ako. T*ng ina, umasa ako ro'n ah." Bulong pa ni Clifford, pero rinig naman namin. Natawa tuloy kami ni Ate Lara habang si Arc ay parang walang naririnig. Seryosong seryoso sa paglalaro ng piano tiles. 


Nakangiti tuloy akong bumalik sa isinusulat ko. Matapos kong isulat ang pangalang Neptune,  may isinulat pa akong mga letra sa ibaba nito...



Always do your best, Lori! 

No matter what you want to be in the future, don't quit.  Keep chasing your dream. 

- ACS 



Nilagyan ko pa ng heart sa dulo ng pangalan ni Lori. Buti nalang ay may natitira pa akong brain cells para sa basic english. Nakangiti kong iniabot kay Ate Lara ang tissue. 


"Thank you! For sure, matutuwa 'yon." 


"Hey, girl, ito na 'yong pinabibili mo!" Dumating ang isa pang babae na mukhang barkada ni Ate Lara.


"Para pala sa inyo. Treat ko na 'yan. Salamat talaga rito sa autograph." Wow naman. May pa-milk tea pa ang ate ni'yo. Wala tuloy paglagyan ang ngiti ko hanggang sa makaalis sila. 


"Mukhang milktea." Komento ni Arc na ngayon lang nagsalita. 


"Mukhang piano tiles." Balik ko sa kaniya. At ako pa talaga ang inirapan niya. 


"Hoy mga lab birds, ano oras uwi ni'yo?" Tanong ni Clifford. Natawa siya habang nakatingin kay Arc, "Jowks lang, master. Seryoso ka na naman." Ang sama kasi ng tingin sa kaniya ni Arc. Kung ano-ano kasing sinasabi nitong Clifford na 'to. 


"Gago 'yong si Erin. Hindi na bumalik." Dagdag niya. 


"Baka nagjajak---"


"Hoy, 'yang bibig mo!" Halos maibato ko ang plastic bottle kay Darrel bago pa niya matapos ang sasabihin niya.


"T*ng ina, girl, bakit ka ba nambabato?" Wow, nagtanong pa talaga siya. Napatingin ako kay Arc na nakatingin sa akin. Napaayos tuloy ako ng upo ko. 


"Nagja-jackstone ang sasabihin ko, babae. Ano bang iniisip mong gaga ka?" Tiningnan ko ng masama si Darrel na nakangisi sa akin. Anong akala niya sa akin? Hindi ko alam ang dapat na sasabihin niya? Bastos talaga ang baklang 'to. At ito namang si Clifford patawa-tawa pa. 


"Tara jackstone, Ara."


"T*ng ina mo." Nag-middle finger up pa si Ardaine dahilan nang matawa lalo si Clifford at Darrel. 


"Ikaw, master, gusto mo mag---"


"Tara na,  Aelia." Tumayo na si Arc at naglakad palayo. Napatingin ako sa mga kasama ko na patawa-tawa. Napailing nalang ako. Halos magkasabay pa kaming tumayo ni Ardaine. 


"Tara na, Ae. T*ng inang kamanyakan nitong mga 'to." 


"Hoy! Luh! Mga green-minded. Jackstone lang 'yon." Pahabol pa ni Clifford. 


Hindi ko nadatnan si Arc sa labas kung saan namin ipinarada kanina ang mga sasakyang dala nila. Luminga pa ako sa paligid para hanapin ang boyfri....joke lang, crush lang kasi. Pero wala akong makita.


"Baka kinausap pa niya sandali 'yong kaibigan ng papa niya." Sabi ni Ardaine na mukhang napansing hinahanap ko si Arc. 


"Pa'no ba 'yan, ganda? Mauna na kami sa inyo. Uuwi pa kasi akong Novo De Lapas." 


"Gabi na ah..."


"Aruu~ Bakit, Ara? Nag-aalala ka----"


"T*ng ina mo, umalis ka kung gusto mo. Pake ko sa 'yo." Natawa ako sa sagot ni Ardaine. 


"Syempre may pake ka sa 'kin, crush mo 'ko eh." Confident na sabi pa ni Clifford na tatawa-tawa ng nakaloloko, halatang iniinis si Ardaine. Sa sobrang inis ay mukhang wala ng mai-komento ang drummer namin kaya pinakyuhan nalang niya ng mariin si Cliff. Ngayon ko lang napagtanto, may chemistry ang dalawang 'to. 


"Mami-miss din kita, Ara ko~ Ingat sa pag-uwi...Ingat kayo ni Arc, ganda...Ingat ka riyan sa angkas mong bakla, Ara...."


"Kung inaalala mong magpapakalalaki ako dahil dito sa tomboy na 'to, excuse me? Sayong sayo na siya." Magaspang na sagot ni Darrel kay Cliff. 


"Kung kayo nalang kaya ang mag-sama mga ulol kayo?" - Ardaine


"Sige na, alis na!" Pagtataboy ko sa kanila. Nagbabangayan pa kasi, aalis na nga lang. 


"Hoy, babae! Ingat kayo sa daan ah. Diretso uwi. Bata pa kayo." Paalala ni Darrel at dala na naman niya ang malibog niyang ngiti. Kahit kailan talaga. 


"Ingat!" Kumaway ako sa kanila hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. 


Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Arc dala ang dalawang helmet na ginamit namin kanina. Iniabot niya sa akin ang isa. "Where are they?"


"Nauna na. Uuwi pa raw kasi ng Novo De Lapas si Cliff." 


Tumango siya at sumakay na sa motor. Hinintay ko muna siyang makaayos bago ako sumampa sa likod. "Hindi ba natin dadaanan si Xander, Arc? Hindi ba, madadaanan naman natin ang bahay nila pauwi?" 


"Bakit parang gusto mo siyang makita?" Tanong niya. Hindi ko sigurado, pero parang may inis sa tono ng boses niya.


"Eh 'di ba nga na-sprained siya. Hindi mo man lang ba titingnan ang kalagayan ng ka-band member mo?" Pangongonsensiya ko. 


"Napilayan lang 'yon, Aelia, hindi pa 'yon mamamatay." 


"Tiyaka mo lang pupuntahan kapag na-aagaw buhay na?" Kontra ko.


Bahagya siyang lumingon, "Ano bang ipinaglalaban mo?" 


Hindi ako kaagad nakasagot. Bakit parang galit 'to? Ang sungit. "Wala. Ang sabi ko mag-drive ka na at baka maabutan ako ng curfew sa bahay." 


"Daldal mo kasi." Pahabol pa niya bago pinaandar ang makina ng sasakyan. 


"Hoy, baka bilisan mo na naman ah. Gabi pa naman, madilim ang daan. H'wag ka masiyadong mabilis."


Itinaas niya ang visor ng helmet niya tyaka niya ako ulit bahagyang nilingon, "Anong pinagkaiba ng gabi sa araw? May headlight naman 'tong sasakyan, paanong hindi ko makikita ang daan?" 


"Baka kasi may makasunod kang walang backlight----"


"Tama ng dada. Kumapit ka nalang. Daming alam." Binomba niya ang motor kaya napakapit tuloy ako sa balikat niya, pero mabilis din akong bumitaw. 


Tama talaga si Kuya Baste. Walang makapipigil dito kay Arc basta siya ang may hawak ng manibela. Parang walang angkas na babae kung magmaneho. Ano ako rito, invisible back ride?


Pasalamat ka talaga, Arc, crush kita, dahil kung hindi baka matagal ko ng naihampas sa 'yo 'tong sapatos ko.  

















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top