Chapter 2
"Darrel palit nalang kasi tayo ng role! Ayoko talaga ng akin." Pamimilit ko sa best friend ko, pero parang wala siyang naririnig dahil hindi man lang niya ako tiningnan. Hawak niya ang wintermelon milktea niya habang pa-scroll-scroll sa FB.
"Uy, darrel." Pangungulit ko ulit. Tumigil siya tyaka ako tiningnan. Nginitian ko pa siya at pinagdikit ang mga palad ko para lang pagbigyan niya ang favor ko, pero inirapan lang niya ako ng pagkadiin-diin tyaka ako tinalikuran. "Darrel naman!"
"May bakla bang priest huh, Aelia?" Mataray na tanong niya sa akin nang magkaabot kami sa bench malapit sa mga kasama namin na as usual ay may kaniya-kaniyang mundo.
"Wala akong kilala. Kung meron man, ikaw ang una. Kaya please, pagbigyan mo na ang favor ko?" Nagpa-cute pa talaga ako para lang pagbigyan niya ako, pero mukhang matigas talaga ang baklang 'to.
"Ilakad kita kay Arc." Masiglang pagmamanipula ko sa desisyon niya. Inirapan lang niya ako sabay sabing, "Kahit hindi mo ako ilakad sa kaniya kaya kong itakbo ang sarili ko palapit sa kaniya. Tyaka ano bang ipinaglalaban mo sa role na ibinigay sa 'yo?"
"Eh kasi naman babae ako, hello? Tapos pari ang ibibigay sa aking role? Nasa'n ang hustisya ro'n?" Naiirita talaga ako kapag naiisip ko 'yong role ko. Sukat ba naman kasing kulang ang mga boys kaya walang ibang gaganap na pari.
"Oh, eh bakit sa akin ka nagre-reklamo? Do'n ka mag-reklamo sa nagbigay ng role."
Sa sinabi niya ay napabuntong-hininga nalang ako. Mukhang wala na nga talaga akong magagawa. Nakakainis naman kasi, bakit sa dami ng roles na pwedeng mapunta sa akin bakit pari pa? Pwede namang taga-hawak nalang ng props or taga-gawa or taga-bayad, pwede ring taga-cheer. Isa pa kung pagiging extra roles lang, walang problema sa akin 'yon dahil aware naman akong hindi ko deserve ang mapa-bilang sa mga main characters, pero h'wag naman sanang pari.
"Bagay talaga 'yong pangalan ng park na 'to sa mga taong pumupunta rito." Komento ni Darrel bigla kaya napatingin ako sa kaniya na nakatingin sa isang direksyon. Nang sundan ko kung saan siya nakatingin ay nakita ko ang magka-sintahang mukhang ka-edad lang namin na....naglalampungan.
Tinitingnan ko lang sila. Tama si Darrel. Bagay nga ang pangalan ng park na 'to sa mga taong nandito. Hindi lang kasi sila ang nagp-PDA, may mga ilan pa sa ibang direksiyon, pa-simple nga lang 'yong iba. Halos ilan sa kanila ka-edad lang namin tapos ang iba naman nasa tamang edad na. Nakasuot pa talaga ng uniform.
Oo nga pala, Eros Park ang pangalan ng parke kung nasaan kami ngayon. The center and the largest park in our town. Talagang sinisiguro ng mga awtoridad na palaging maganda at malinis dito. May malaking fountain sa gitna kung saan nakalagay ang rebulto ni Eros na may hawak na pana at palaso. May mga benches sa paligid, mga puno, mga plant boxes na may iba't ibang klase ng bulaklak. Nalalatagan din ang halos ibang bahagi ng lugar ng bermuda grass, may mga bricks pathway pa, may mga topiaries pa nga sa paligid na hugis puso, meron ding playground para sa mga bata sa isang direksyon, may malaking outdoor basketball court din sa isang direksiyon na medyo may kalayuan sa amin, at syempre may mga naglilibot na janitors at guards para siguruhing malinis at ligtas ang buong park. May multa kasi rito kapag nahuli kang nagkakalat o nagva-vandalising. Matakot nalang ng mga sutil kapag lumabag sila sa batas dahil katabi lang ng park na 'to ang police station.
"Kailangan kapag mahal ang isa't isa dapat ipangalandakan? Mga gagang nilalang 'to, sino bang mga magulang ng mga 'to? Hindi pa yata marunong maglaba ng panty at bra niya 'yong babae."
Natawa ako sa sinabi ni Darrel kaya pinalo ko siya sa braso, "Ang ingay mo. Bitter ka lang eh."
"Sinong mabi-biteran sa kalandian nila? Ang dugyot kayang tingnan." Mataray na sagot niya. Natawa nalang ulit ako, pero napawi ang ngiti ko nang matanaw ko hindi kalayuan si Arc kasama si Miggy.
"Ang landi mo rin eh no?" Napatingin ako kay Darrel. Nakatingin siya sa akin at pailing-iling pa.
"Hoy Arc!" Pagtawag niya. Namilog ang mga mata ko sa gulat dahil alam ko na ang susunod niyang gagawin kaya mahigpit kong hinawakan ang braso niya at talagang kinurot ko 'yon para pigilan siya sa kung ano man ang binabalak niya, pero hindi man lang niya 'yon ininda. "Darrel ano ba."
"Pakisabi dyan sa katabi mong si Miggy type siya nitong si Aelia." Sabi ba naman niya na nagpatigil sa akin. Napatingin tuloy ako kay Arc na nakatingin pala sa akin kaya nabaling ang tingin ko kay Miggy na naliliit ang mga mata kay Darrel.
"Hoy, Miggy, hindi 'yon totoo ah tyaka pakisabi dyan kay Arc, patay na patay sa kaniya itong si Darrel." Ganti ko. Mas lalo pang nanliit ang mga mata ni Miggy, pero sa akin na siya nakatingin. Bigla nalang siyang napangisi, "Si Darrel ba talaga o baka naman ikaw?"
Anong....
"Ok, proceed tayo sa script reading! Everyone, please form a circular sitting arrangement." Pag-agaw ni Hailey sa antensyon naming lahat.
Buti nalang. Nakahinga ako ng maluwag sa pag-aakalang mabubuking ako ng wala sa oras, pero nang tingnan ko si Arc, bigla nalang nagwala ang puso ko dahil nakatingin pala siya sa akin. Napaiwas ako agad ng tingin at nang unti-unti ko ulit ibinalik ang tingin ko sa kaniya, sa iba na siya nakatingin.
Tiningnan niya ako kanina?!
Once upon a time, there was a prince named Romeo. He was once a mysterious young man until he laid his eyes on the beautiful princess named, Juliet. He fell in love...They fell in love...and they lived happily ever after.
Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa nonsense na kwentong naglalaro sa isip ko. Ibang Romeo and Juliet na naman ang nasa isip ko.
"Wait lang!" Natauhan ako nang magsalita si Hailey. "Arc baka naman gusto mong bigyan ng feelings 'yong line mo? You're the main lead here, hindi ka narrator na parang nagbabasa lang ang ginagawa mo."
Wala ni isa ang umiimik dahil sa pagiging seryoso ni Hailey. Mabait at friendly siya, pero may mga pagkakataong seryoso talaga siya. Siya ang class president namin at strikto talaga siya pagdating sa mga ganitong sitwasyon.
"Again."
Nagsimulang magbasa si Tamara bilang Juliet.
"Romeo! Romeo-----"
"Ayoko ng role na 'to." Lahat ng tingin namin ay nabaling kay Arc. Ibinaba niya sa damuhan ang script na hawak niya tyaka tumayo at naglakad palayo.
"T*ng ina talaga nun. Ang choosy." Komento ni Faith.
"Sundan ko lang." Paalam ni Miggy. Sumunod namang tumayo si Grey, "Landiin muna namin ni Migs para lumamig ang ulo."
Napabuntong-hininga si Hailey, mukhang stress na stress na.
"Sabi ko naman kasi sa inyong ako nalang si Juliet, choosy pa kayo. Halata namang ako ang type maging leading lady ni Arc." Pa-epal na naman ng baklang katabi ko. Sa halip na seryoso tuloy ang atmosphere napalitan ng tawanan. Halos paluin pa ni Faith ng bag si Darrel sa kalandian nito.
"Ang ganda-ganda na nga ni Tamara ayaw pa niya. KJ talaga." Komento ni Presley. Napatingin tuloy ako kay Tamara na busy sa phone niya, parang walang effect ang pagwo-walk out kanina ng leading man niya.
"Guys, okay na raw sa bahay namin mag-practice. Sunday bukas, free ba lahat?" Tanong niya. Nagtaasan ng kamay ang iba at kaniya-kaniyang excuses ang inilapag. 'Yong iba magsisimba raw, 'yong iba naman may ibang lakad, 'yong iba may requirements na kailangang tapusin sa ibang subjects.
"Maaga tayong magdi-dissmiss ngayon to give you time to finish your incomplete requirements. Sa mga may lakad, please lang hangga't pwedeng i-move 'yan sa ibang araw paki-postpone muna dahil priority nating matapos ang practice at ma-finalize lahat ng kailangan natin within two weeks. Sa mga magsisimba, we will validate that excuse since Sunday bukas, pero that doesn't mean hindi na kayo pupunta sa practice. We still need your presence tomorrow."
Wala namang nag-reklamo sa sinabi ni Pres kaya ibig sabihin agree naman ang lahat sa sinabi niya. Isa pa kung may complain man sila mas mabuti ng sarilihin nalang nila 'yon dahil wala ng tatanggaping other excuses si Hailey for sure.
"Ayaw ni Arc sa kissing scene, ako nalang." Napatingin kami sa kararating na si Grey. Kissing scene? Kaagad kong binuklat ang script at hinanap ang part na sinasabi niya. Napatingin pa ako kay Darrel nang ibalandra niya sa mukha ko ang papel. "Hindi kasi 'to nagbabasa. Ayan oh."
Hindi ko na siya pinansin at mabilis na binasa ang scene malapit sa ending. "Oh my...." Namilog ang mga mata ko dahil talagang may kissing scene nga, pero hindi naman gano'n ka-pusok. Ang sabi sa naka-state na action na kailangang gawin ni Juliet, ilalapat niya lang ang labi niya sa labi ni Romeo. That's it. Pero teka, smack 'yon! Kiss padin 'yon.
Napatingin ako kay Tamara. Wala naman siyang reaksiyon. Mukhang aware naman siya sa scene na 'to. Habang pinagmamasdan ko siya ay mas lalo lang siyang gumaganda. Minsan gusto ko ring mag-reklamo sa pagka-KJ ni Arc. Hindi ba niya kayang gawin ang scene na
to kasama si Tamara para lang sa grade ng lahat?
"Maganda naman 'yong scene." Bigla kong nasabi kaya napatingin sila sa akin. Kahit si Darrel for sure, nagtaka sa biglaan kong pagsabat. "I mean, para mas realistic at may feelings 'yong kwento. Tyaka hindi naman passionate kiss 'yong kailangang gawin dito, smack lang naman. Hindi naman siguro big deal 'yon kay Arc?"
"That's the point. Big deal kay Arc ang smack lang." Komento ni Tamara. Mukhang para sa kaniya hindi naman big deal ang smack, si Arc lang talaga ang problema.
"Papayag ba si Arc kapag iniba natin 'tong scene na 'to?" Tanong ko.
"Hindi." Napalingon ako nang sumagot si Arc. Kararating niya kasama si Miggy.
"Para naman sa grade 'to." Sagot ko.
"Para sa grade? Edi kayong gumawa." Tumalikod siya matapos hablutin ang bag sa mesa sa tabi ko. Hindi ko alam, pero talagang nainis ako sa reaksiyon at sa sinabi niya.
"KJ ka talaga noh?" Tumigil siya at hinintay kong lingunin niya ako. Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang nakita ang iritadong Arc. Hindi ako nagpapapansin sa kanya ngayon dahil talagang naiinis ako sa sinabi niya.
"Walang ibang gaganap bilang leading man kung hindi ikaw. Tyaka ano bang big deal sa smack? Kiss lang naman 'yon tyaka para sa----"
"Nag-iisip ba talaga kayo?" Hindi ko inaasahan ang reaksiyon niya. Parang dumoble ang inis niya. "Fourth year high school palang tayo tapos naisip ni'yong lagyan ng kissing scene 'yang role play? Kung 'yan din naman ang naisip ni'yong ikagaganda ng play, ba't 'di ni'yo pa lagyan 'yan ng bed scene para mas maganda?"
Napanganga ako sa sinabi niya. Sarkastiko ang pagkakasabi niya nito, pero natahimik ako. Si Arc ba talaga 'tong nagsasalita?
"Then just tell us to revise kung anong part ng script ang ayaw mo. Hindi 'yong aayawan mo nalang bigla ang role na ibinigay sa 'yo." Si Hailey ang sumagot.
"Okay, Ms. President. Pakisabi sa script writer na hindi ko gagawin 'yang kalandiang nakalagay diyan sa script."
Ano....Kalandian? Hindi ko alam kung paano pa ako sasabat sa tensyong namumuo sa pagitan ni Hailey at ni Arc, pero isa lang ang masasabi ko...Ang cool mabanas nitong si Arc.
"Galit na nga 'yong tao, umiiral parin 'yang kalandian mo." Biglang bulong ni Darrel sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Inirapan niya ako tyaka siya pumalakpak kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ng lahat. "Revise nalang siguro nating 'yong kissing scene para matapos na 'to. Okay na ba sa 'yo 'yon, Arc?"
Balak ng umalis ni Arc nang hindi sumasagot, pero nakalapit sa kaniya agad si Miggy. Inakbayan siya nito. "Ayos na 'yan. Ibang klase rin kasi kayo, ba't pay pa-kissing scene kasi?" For sure ay sinabi niya lang 'yon para pakalmahin si Arc.
"Ok then ibahin natin. Baka si Aelia may naiisip na scene na pwedeng ipampalit?" Napatingin ako kay Darrel. Kunot na kunot ang noo ko sa kaniya, pero tinaasan lang niya ako ng kilay na parang sinasabi niyang, "Ano? Chance mo na 'to, babae, h'wag ka ng choosy."
"Any suggestion, Ae?" Tanong ni Pres. Kinabahan tuloy ako at automatic na napatingin ako kay Arc. Nakatingin siya sa akin, pero hindi blanko ang expression niya, halata parin kasing naiirita siya.
Humugot ako ng malalim na pag-hinga bago nagsalita. "Baka okay lang na palitan natin ng hug 'yong kiss?" Alanganin kong tiningnan si Arc. Nakatingin padin siya sa akin kaya nagpatuloy ako sa pag-e-explain. "Kapag kiss, sabagay may point naman si Arc. Fourth year palang tayo baka hindi maganda ang masabi ng mga teachers na mago-observe sa play natin, isa pa siguradong may mga manonood, baka...." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
"Baka?" Tanong ni Miggy. Napatingin ako ulit kay Arc. Napaiwas ako ng tingin dahil nakatingin siya sa akin.
"Baka sa kaka-ayiee ng crowd magkahulugan pa ng tuluyan 'tong si Arc at Tamara." Napatingin ako kay Darrel dahil sa sinabi niya. Nabasa talaga niya 'yong iniisip ko?
"Yieeee! Bagay naman sila ah." Dagdag ni Presley.
Napangiti ako nang magsimulang mag-ayiee ang ilan. Napatingin ako kay Tamara na nagbabasa ng script, hindi pinapansin ang ganap. Hindi naman ako bulag para hindi makita ang pagkakataong tumingin siya kay Arc. Siguro nagtagal 'yon ng ilang segundo. Napatingin ako kay Arc at nakatingin din siya sa leading lady niya.
Mas lumawak ang ngiti ko sa nakikita ko sa mga mata nila. Ayan 'yong mga tinginan kung saan nagsisimula ang lahat.
"Si Kupido ka ba't kailangan mong gawin 'yon?" Tiningnan ko si Darrel habang naglalakad kami. Tulad ng sinabi ni Hailey, maaga kaming naghiwa-hiwalay ngayon dahil maghapon kami bukas sa bahay nila Tamara para mag-practice.
"Ang alin?" Patay malisyang tanong ko. Nakatanggap ako ng mahinang kutos. Napahilot tuloy ako sa sentido ko.
"Ang hina mo. Kung ako sa 'yo, nag-presinta na akong maging si Juliet." Komento niya, pero nginitian ko lang.
"Alam mo may na-realize ako, Darrel." Saad ko habang ang tingin ay nasa daan.
"Ano na namang drama 'yan?"
"Tingnan mong mabuti si Arc at si Tamara kapag magkasama sila. Bagay na bagay silang maging campus sweetheart."
"Anong campus sweetheart pinagsasasabi mo? Nasa reality ka, babae. Anong libro na naman ang nabasa mo't puro ka-artehan at kagagahan ang iniisip mo?" Napangiti lang ako sa sagot niya at nanahimik nalang.
Minsan, may kasiyahang hindi para sa atin kaya siguro tayo ang nagiging daan para ibigay 'yon sa iba na mas deserving.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top