Chapter 16
"Are you okay?" Ayan kaagad ang tanong sa akin ni Arc pagbaba ko ng flying aerox niya matapos kong iabot sa kaniya ang ipinahiram niyang helmet sa akin.
'Di ba matalino ka? Bakit tinatanong mo pa eh siguradong alam mo naman ang sagot sa tanong mo. Hindi pa ba obvious? Sa haba ng gusto kong isagot sa kaniya, buti nalang ay napigilan ko pa ang sarili ko.
"Tingin mo?"
"Hindi." Diretsang sagot niya. Kahit seryoso ang pagkakasabi niya ay ramdam kong nang-aasar siya. "Gago ka rin talaga." Hindi ko mapigilang ibulong.
Tatalikod na ako para puntahan si Darrel nang magsalita siya. "Marunong ka rin palang magmura, Aelia Dela Fier."
Huh? Ngayon lang ba niya ako narinig magmura? Ayaw ba niya sa mga nagmumura? Eh si Tamara nagmumura rin naman. "What? Na-offend ka sa sinabi ko?" Nakakunot na tanong niya. "Totoo naman 'di ba? Nagmura ka kaya."
"Oo na. Congrats, buti na-realized mo." Hindi ko mapigilang maging sarkastiko sa kaniya. "Palamura talaga ako lalo na sa mga nagpapalipad ng motor."
Napasaya ko pa yata siya dahil natawa pa siya sa sinabi ko, "Didn't you enjoy the ride? You should thank me. Now you know how fun it is to levitate without having wings." Mapang-asar ang ngisi niya. Kailangan maging gwapo habang nage-english? Nakakainis na 'to.
Kung hindi lang kita crush, makakatikim ka na naman ng mura sa akin. "Edi salamat sa experience." Tumalikod na ako at nilapitan si Darrel. Umangkla ako sa braso niya tyaka siya hinila palayo sa kanila.
"Gaga, ano ba?! Makahila naman 'to! Teka nga lang kasi. Nagli-liptint pa 'ko." Binitawan ko siya at umirap sa kawalan, pero nahuli ako ng bakla kong kasama. "Ay, may pa-irap ang prinsesang hindi marunong lumandi? Ano 'yan huh? May LQ na agad kayo?"
Tiningnan ko ng masama si Darrel. "Malisyoso ka. Para lang sa mag-jowa ang LQ noh."
"Tanga, pati sa mga naglalandiang walang label, may LQ din."
Napabuntong-hininga na lamang ako. Ayoko talaga sa mga kaskasero, pero wala eh, crush ko si Arc. Simpleng ngisi lang niya at malalim na tingin niya sa mga mata ko, nakakalimutan ko kung gaano siya ka-barumbado.
"Ay p*tang ina, parang madaming gwapo rito." Sinundan ng tingin ni Darrel ang dalawang basketbolistang nakasalubong namin. Mukhang ka-edaran lang naman namin sila.
Pagpasok namin sa court ay mangilan-ngilan palang ang mga tao. Grabe naman! Ang lawak at laki ng court ng barangay nila rito. Kaya pala dinadayo ang paliga.
Mukhang kilala ang Neptune rito dahil sinalubong sila ng mga kalalakihang nakasuot ng asul na varsity shirts. Famous 'yan?
"Gu-gwapo naman." Kinikilig na bulong ni Darrel dito sa tabi ko. Kulang nalang ay panggigilan niya ako. Sabi ko na nga kasing mali na sumama siya rito. Sana nagdala pa siya ng pom poms.
"Uy! Si crush." Napalingon kami sa lalaking kararating lang. Sila ang dalawang basketbolista kaninang nakasalubong namin na palabas ng court. Bumili yata sila ng bottled water sa tindahan.
"Hi, babe." Naglahad ng kamay ang lalaking tumawag ng crush kay Vanessa. Gwapo, in peyrness, kaso—hindi sa panghuhusga, pero mukhang may pagka-gago ang dating niya.
"Seriously?" Nakangising mura sa kaniya ni Vanessa sabay tampal nito sa nakalahad na kamay ng lalaki. Natawa naman ito, "O'nga pala, bawal ka." Nahuli ko ang malisyosong pag-sulyap ng lalaki kay Erin. At ang piyanista? Ayun masiyadong seryoso ang tingin sa kanila. "Peace, pre." Nag-peace sign pa ang lalaki kay Erin, pero halatang nang-aasar lang. Napangisi tuloy ako.
"Hoy, gaga, ganda ng view ro'n oh."
"Huh?" Nakakunot kong tiningnan si Darrel na nakatingin sa ibang direksiyon kaya sinundan ko kung saan ang inginunguso niya. Namilog ang mga mata ko sa gulat. Bakit ba masiyado namang public maghubad si Arc? Wala namang abs eh!..Patawarin ni'yo po ang makakasalanan kong mga mata.
"Gusto mo ng kanin, 'te?"
Nadako ang tingin ko sa lalaking kausap kanina ni Vanessa. Napakunot ako. Close ba kami at kinakausap niya ako? "Kanin? Aanhin ko ang kanin?"
Natawa siya. "Makatingin ka kasi kay Callisto, kulang nalang ulamin mo." Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya.
"Hoy, Rain, tara na rito! Nanlalandi ka na naman diyan eh." Buti nalang ay tinawag siya ng mga kasamahan niya dahil kung hindi ay matatameme nalang ako sa harapan niya. Balasubas din magsalita ang isang 'yon. Buti nalang hindi narinig ni Arc. Napatitig ako sa likod ng damit ng feeling close na lalaki na tinawag nilang Rain.
"Mendellio." Basa ko sa apelyido niya. Pwede siyang maging bad boy character sa mga high school romance.
"Palagay sa bag." Nagulat ako nang halos itapon ni Arc ang uniform niya sa mukha ko. Nilampasan niya ako para lapitan sina Clifford. Hindi sa pinagpapantasiyahan ko siya, pero gusto ko lang sabihin na ang bango ng damit niya.
"Nasa'n 'yong bag mo?" Tanong ko.
"Sa bag mo."
Sa bag ko? Alam kong mababaw na dahilan ang sinabi niya para kiligin ako, pero hindi ko lang maiwasan dahil feeling ko, girlfriend ako ni Arc. Parang ang sagwa yatang ako ang girlfriend ng leader ng Neptune? Ang hipokrita ko naman kapag sinabi ko sa kaniyang dapat nagdala siya ng bag niya para hindi siya nakiki-bag sa iba, dahil ang totoo, wala namang kaso sa akin kung maki-bag siya sa akin.
Ano ba 'yan! Feeling ko tuloy ang landi landi ko.
Dahil hindi na mahanap ng mga mata ko si Darrel at Vanessa, naupo muna ako sa bleacher malapit kina Clifford na abala sa pag-uusap. Malamang tungkol sa laro. Dumistansya ako ng kaunti sa kanila.
Akala ko manonood lang talaga kami ng liga dahil 'yon ang nasabi nila Xander. Hindi ko alam na dadayo pala kami rito para makipaglaro mismo.
Sa bawat pag-lipas ng minuto ay parami na ng parami ang mga taong nauupo sa mga bleachers. Halos karamihan ay mga estudyante mula sa iba't ibang school dahil naka-suot pa sila ng uniform. Ang iba naman ay halatang taga-rito sa barangay lang at mukhang tambay pa nga ang karamihang lalaki. Baka ang iba nga ay galing pa sa ibang barangay.
"Where's Darrel and Van?" Tanong ni Arc nang tumabi siya sa akin. Mukhang tapos na silang mag-usap-usap. Napalinga ako sa paligid, "Ewan. Bigla nalang nawala." Sagot ko. Asan na ba ang mga 'yon? Isinama pa yata ni Darrel si Vanessa sa kalandian niya.
"Master, tara na!" Tawag sa kaniya ni Clifford. Tumango si Arc sa kaniya, pero hindi parin ito tumatayo.
"Magsisimula na yata kayo, Arc." Komento ko nang mapansing nasa gitna na ng court ang mga kasama nilang maglalaro. Hindi ko alam kung narinig ba niya ako o hindi dahil hindi man lang siya kumibo, sa halip ay patingin-tingin siya sa mga tao na parang may kung sinong hinahanap.
"Hinihintay mo ba si Tamy?" Tanong ko dahil baka inaabangan niya nga 'to. Mabilis namang naagaw ko ang atensyon niya. O kita mo na? Pangalan lang talaga ni Tamara ang katapat nito. "Ah, may lakad kasi-----"
"'Di ko tinatanong...And I'm not waiting for her." Masungit na sagot niya. Hindi man lang ako pinatapos nito.
"Baka kasi kailangan mo ng update----"
"I don't need any unnecessary update." Maangas na sagot niya. Ang gwapo naman ng english nito.
"Maka-unnecessary ka naman parang wala naman kayong pinagsamahan ni Tamara. Ano na nga ulit 'yong adlib mo sa role play natin ng Romeo and Juliet?" Mapang-asar kong paalala sa kaniya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya natawa ako. "Galit 'yan o kinikilig?" Muntik ko ng masundot ang tagiliran niya para mas lalo pa sana siyang asarin, buti nalang ay napigilan ko ang sarili ko.
"Hey~" Dumating si Vanessa kasama ni Darrel. May hawak silang plastic na may lamang mga bottled water. "Here's yours, Ae." Inabot niya sa akin ang bottled soft drink bago sila naupo ni Darrel sa tabi ko. Nakangiti ko naman siyang pinasalamatan.
"Can you hold this?" Tiningnan ko si Arc sa kanan ko. Iniaabot niya ang phone niya sa akin. Isa 'ba to sa mga girlfriend duties? Kinuha ko ang phone niya bago siya umalis papunta kina Clifford.
Hindi naman sa tsismosa ako. Sadyang naku-curious lang talaga ako kung ano ang wallpaper ni Arc kaya binuksan ko 'to. Gitara ang lockscreen niya kaso may password na six digits code. Napanguso nalang ako. Iisipin ko muna kung anong posibleng password niya. Sa totoo lang ay may tatlongng ideya agad ang pumasok sa isip ko. Una, birthday ni Tamara. Pangalawa, kung kailan nabuo ang Neptune. Pangatlo, birthday ni Arc.
Pero syempre, sino ba ako para kalikutin ang phone ng crush ko? Baka masabihan pa ako ng pakialamera noh.
Nagsimula ang laro na puro lamang ang kabilang team. Wala akong masiyadong alam sa basketball, ang masasabi ko lang ay mukhang nagte-training ang mga 'to. Ang gagaling nila sa totoo lang.
"Old same tricks. These boys, tss." Bulong ni Vanessa sa tabi ko. Si Darrel ay sigaw ng sigaw ng Neptune tapos maya't maya ay may isisigaw siyang apelyido na miyembro sa kabilang team. Saan ba talaga ang manok niya? Dalawahan ang chini-cheer eh.
"Anong old same tricks?" Curios na tanong ko kay Vanessa. Ibinalik ko ang tingin ko kay Arc.
"Give and take. They'll go easy on their opponent in the first to mid-second quarter na parang namimigay lang sila ng points, but they'll take those points back afterward. Ewan ko sa kanila." Pailing-iling pa siya. Natawa tuloy ako. Kilalang kilala na talaga sila ni Vanessa. Alam na alam niya ang mga galawan nila.
Kaliwa't kanan ang sigawan at kaniya-kaniyang cheer sa mga manok nila ang naging ganap dito sa court. Nang mag-five minutes break bago mag-umpisa ang next quarter ay tumabi si Arc sa akin. Inabutan siya ni Vanessa ng bottled water na agad niyang ininom. Pawis na pawis siya, pero 'yong amoy ng pabango niya ang nasisinghot ko. Ano kayang pabango nito? Ang bango ah!
Gusto kong mag-cheer kanina, pero ang totoo ay nahihiya ako. Baka kasi masapawan ko 'tong mga babaeng nandito sa likod namin. Taga-ibang school sila, mukhang ka-edaran nga lang namin. Halatang kilala nila ang Neptune at kung maka-cheer sila kanina ay talagang WAGAS! Para silang naka-lunok ng mikropono habang sumisigaw ng Salviez! O 'di ba? Hanggang dito sikat si Arc. Sino ba naman kasing hindi magkaka-crush sa lalaking 'to? Napaka-effortless ang ka-gwapuhan niya mula ulo hanggang paa.
Hindi ko alam dito kay Arc kung nahahalata niya ang tilian at bulungan sa bandang likod namin ngayon. Hindi ba niya naririnig na siya ang pinag-uusapan nila?
"Mas gwapo talaga 'pag malapitan, 'te."
"Tanong mo nga kung anong pangalan ang gamit niya sa FB. Hindi ko talaga mahanap."
"Kahit naka-talikod, p*tang ina, ang gwapo parin."
Hindi rin sila patay na patay kay Arc sa lagay na 'yan huh?
"Girlfriend ba niya 'yang katabi niya?" Natigilan ako sa sinabi ng isa sa kanila.
Ako lang naman ang katabi ni Arc na babae rito dahil katabi ko naman si Vanessa. Sinadya kong lingunin sila. Nginitian ko sila at mukhang nahiya sila dahil nagpaluan pa sila. "Ayan narinig tuloy tayo. Ang ingay mo kasi, Clariz." Nagsisihan pa sila.
"Ate, girlfriend ka po ba niya?" Malakas ang loob, pero halos pabulong ang tanong ng babaeng nagngangalang Clariz. Mukhang siya ang pinaka-madaldal sa grupo dahil kanina ko pa naririnig ang boses niya. Siya rin ang pinakamalakas na mag-cheer kanina. Napatingin pa ako kay Arc na parang wala namang pakealam dahil sa iba siya nakatingin.
Umiling ako kay Clariz. Lumawak bigla ang mga ngiti nila. Makangiti naman, WAGAS! Parang nagkaro'n sila ng pag-asa na ika-crushback sila ni Arc. Ako nga hindi niya type, sila pa kaya na hindi naman kilala ni Arc?
"Classmate ko. Pakilala ko kayo?" Alok ko sa kanila at nagpaluan na naman sila halatang kilig na kilig sa offer ko. Ramdam ko naman ang pinanggagalingan ng nararamdaman nila dahil kahit ako rin naman. Kung isa ako sa kanila, baka kikiligin din ako ng ganiyan.
"Kahit pangalan lang po niya sa FB." Sabi ng isa sa kanila. Aba, stalker 'tong mga 'to ah.
Naramdaman ko ang pag-tingin ni Arc sa akin kaya napatingin ako sa kaniya, tapos ay lumingon siya sa likod kung nasaan ang mga fans niya. Natahimik tuloy sila, at nagpalua't nagkurutan na naman sila nang bumalik na rin ang direksiyon ng tingin ni Arc sa harap. Natawa tuloy ako.
"Search ni'yo, Arc Salviez." Bulong ko sa kanila. At talagang isa-isa silang naglabasan ng phone. Grabe ang mga 'to ah. "PM ni'yo nalang siya." Pahabol ko.
"Thank you. God bless you talaga." Sabi pa ng isa sa kanila. God bless talaga? Umayos ako ng upo at sandaling sinulyapan si Arc. Good luck sa paga-accept ng friend requests, Arche Callisto Salviez.
"Do you know them?" Tanong niya, tinutukoy ang mga babaeng nasa likod namin. Umiling ako. Magsasalita palang sana ako nang maunahan niya ako, "Then why are you giving them my social? Sinabi mo pang i-PM ako."
Hala. Nakikinig pala siya kanina?
"Hayaan mo na. Para naman may iba kang ka-chat. Tiyaka the more friends the merrier. The merrier the happier." Bulong ko dahil baka marinig kami ng mga nandito sa likod namin.
"I don't need any chatmate, Aelia---"
"Alam ko. Edi i-block mo nalang o 'wag mo nalang replayan o 'di kaya 'wag mo nalang i-accept 'yong friend requests nila." Sagot ko nalang dahil siguradong hahaba na naman ang usapan. Si Arc pa ba?
"You gave them my social. Sinabihan mo pa silang i-PM ako tapos ikaw rin ang magsasabing i-block ko sila, 'wag replayan o 'wag i-accept 'yong mga FR nila? Seriously?" Nakangisi siya't pailing-iling. Kapag hindi ko sinabi 'yon, hindi mo na naman ako titigilan.
"Iba ka rin, Dela Fier."
"Iba talaga." Taas-noo kong sagot. Ibang-iba kay Tamara.
"Oh, ano na? Kaya pa?" Tanong ko sa kaniya. Inabot niya sa akin ang bottled water niya. Kinuha ko naman ito.
"'Di kita naririnig mag-cheer." Sabi niya, pero nasa ibang direksiyon na ang tingin.
Napakunot ako, "Kailangan pa ba 'yon? Sa dami ng nagchi-cheer, hindi na maririnig ang akin. Buti sana kung may lapel ako." Biro ko.
"Vanilla Milktea. Isigaw mo buong pangalan ko."
Napaawang ng bahagya ang bibig ko. "Seryoso ka ba, Arc?" Tumingin siya sa akin ng seryoso. Pinaningkitan ko naman siya. "Gusto mo lang yata akong makitang mapahiya eh."
Napataas ang kilay niya. "Why would I do that?...Seryoso. Large size ng vanilla milktea. Isigaw mo ang buong pangalan ko."
Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatingin sa mga mata niya. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko kaya naman mabilis akong napaiwas ng tingin. "Kapag ako walang natanggap sa lunes na milktea, ipagkakalat ko talagang kayo ni Tamara."
"Dare me." Nakangisi niyang sagot. Ba't ba ang hilig niyang ngumisi? Ang gwapo niya, nakakainis!
Nagsimula na ang fourth quarter. Kasalukuyang lamang ang score ng Neptune. Grabe, namamangha talaga ako kay Ardaine. Ka-babaeng tao, pero ibang klase makipag-laro. Galaw lalaki. Tibo ba talaga siya? Sayang naman kung gano'n. Ang ganda pa naman niya. Pero kung lalaki siya ay hindi maikakailang gwapo rin siya.
Naalala ko ang usapan namin ni Arc nang magtilian at mag-sigawan ang mga babae rito sa likod namin. Paano ba namang hindi titili eh naka-3 points shoot ang crush nila. Teka, paano ba ako sisigaw?
"Are you okay, Ae?" Tanong ni Vanessa. Napansin pa yata ang pag-tikhim-tikhim ko. "Oo, naman." Nag-thumb's-up pa ako. Ngumiti siya bago ibinalik ang atensyon sa laro.
Kailangan ba tumayo ako? Parang masiyado naman yatang agaw-pansin kapag gano'n. Bahala na. Nakaupo nalang, basta lalakasan ko nalang ang boses ko. Huminga ako ng malalim. Kaya mo 'to, Aelia Dela Fier! Para sa crush mo, kayanin mo!
Inilagay ko ang magkabilang palad ko sa magkabilang pisngi ko malapit sa bibig ko para takpan ang magkabilang gilid nito. Para sa vanilla milktea na large size.
"GO, ARCHE CALLISTO SALVIEZ!!! GALINGAN MOOOO!!!!"
Masiyado yatang napalakas ang sigaw ko dahil napatingin sa akin ang mga tao. Napayuko tuloy ako ng bahagya. Sinulyapan ko si Arc para tingnan kung narinig ba niya at...Nakangisi ang inyong lingkod. Parang pinagkakatuwaan na ako ng lalaking 'to.
"Now, I confirmed..."
Nakakunot kong tiningnan si Vanessa, "Anong confirmed?"
"That, you're a different story, Aelia. Alam kong crush mo si Cali. Ikaw? Tingin mo, he feels the same way?" Nakangising pambubuking niya sa akin.
Masiyado na ba akong obvious para mapansin ni Vanessa na crush ko si Arc. Nag-cheer lang naman ako. Napatingin ako kay Darrel. "Ang landi mo, gaga!" Malawak ang ngiting papuri niya. Ang saya lang niya at halatang napaka-supportive at tuwang-tuwa sa ginawa ko. Ngayon, alam ko na kung paano nalaman ni Vanessa ang tungkol sa nararamdaman ko kay Arc. Si Darrel pa ba?
"Kay Tamara, oo. Alam ko ang nararamdaman ni Arc para sa kaniya." Nakangiting sagot ko kay Vanessa.
"Tamara?" Naningkit ang mga mata niya.
"Hooooo!! GO NEPTUNE!! GO VALENCIANO!!" Napaka-iskandaloso ni Darrel at talagang tumayo pa siya habang pumapalakpak. Sabi ko na nga ba kasing kulang siya ng pom poms.
"If I were you, Ae, don't think about anything serious for now. Ano naman kung iba nga ang gusto ni Arc? I mean, bakit hindi mo i-enjoy 'yong mga ganitong teen moments? 'Yong nagkaka-crush tayo. Ang saya kaya sa pakiramdam. Minsan lang 'to sa buhay natin and it's part of our teenage life. We have hearts anyway. Besides, what you feel for Arc is just a happy crush 'di ba? There's nothing wrong about your feelings."
'Yon na nga. Hindi ko masabi kung happy crush lang ba 'to. Kung hanggang kailan ang nararamdaman kong 'to. Hindi ako sigurado kung kasama ba ang pakiramdam na 'to sa mga lilipas kasabay ng panahon.
Tama ba na i-enjoy ko 'to? Paano? Paano kung sa page-enjoy ko pala, ang dapat na happy crush lang ay mas lumalim? Alam ko namang masiyado pa kaming bata para seryosohin ang mga ganitong pakiramdam, pero paano kung maging malaking bahagi 'to ng buhay ko dahil posible na ito ang maging biggest heartbreak ko?
Siguro nga, tulad ng sabi ni Vanessa, hindi masama o walang mali sa nararamdaman ko para kay Arc, pero paano naman kung hanggang dulo ay dala ko parin ang espasyo sa puso ko para kay Arc? Ayos padin bang patuloy na mahalin natin ang taong hindi nakalaan para sa 'tin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top