Chapter 1
Aelia Alonro Dela Fier. Ayan ang pangalan ko. High school student at kasalukuyang nasa fourth year level ng junior high. Madalas akong tawagin ng mga kaklase't kaibigan ko na Ae o Eli.
Kung iniisip ni'yo na sa murang edad maganda na ang pangangatawan ko at pang-magazine na ang ganda ko, pwes dyan kayo nagkakamali. Kung ganda ang labanan, hmm...maganda naman ako, hindi lang pang-intrams ang biyayang ipinagkaloob sa akin. Hindi rin ako gano'n katalinuhan, pero kahit papa'no ay wala pa naman ni isang subject akong naibagsak.
Ang ibig kong sabihin, ako ang tipo ng babae na nasa average type lang.
Nandito nga pala ako ngayon sa classroom habang may kaniya-kaniyang mundo ang iba kong classmates. Una sa lahat, wapakels ako sa ginagawa nila dahil busy ako rito sa ginagawa kong requirement para sa TLE subject namin. 'Deadline is the greatest motivator' ika nga kaya heto ako't ngayon ko palang ginagawa 'to na dapat ginawa ko na noong weekend pa. Sorry sa TLE teacher namin dahil kailangan ko pang tapusin 'yong librong binabasa ko.
Napabuntong-hininga ako ng malalim nang matapos kong sagutan ang huling question sa table number 3. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang finished requirement ko. Sinulyapan ko ang oras sa wall clock sa harapan. Oh see? Five minutes before TLE subject. Sisiw lang ang pagru-rush. Buti nalang talaga inuna ko 'yong binabasa ko no'ng Sabado't Linggo.
Parang automatic nang lumingon ang ulo ko para tingnan ang upuan sa pinakadulong row sa left side. Kita mo ang lalaking 'to, study hard talaga. Gusto kong ngumiti, pero syempre low-key tayo rito kaya sa loob-loob ko sobrang lawak ng ngiti ko. Wala naman siyang pakealam sa paligid niya na sobrang ingay at lalong-lalo na syempre sa akin. Hindi yata niya alam na magkaklase kami. Ewan ko ba sa lalaking 'to, masyadong seryoso sa buhay, pero wala eh, ganiyan talaga siya.
Ayan si Arche Callisto Salviez. Ang kaklase kong hindi ko alam kung ano ang pinaghuhugutan niya sa pagiging seryoso at, hmm...madalas snob at parang masungit. Ewan. Ayan ang impression na ibinibigay niya sa marami. Pero heto ah, hindi 'to gawa-gawa lang...
Kung sa mga fictional stories palaging gwapo at halos malapit na sa perfection ang mga bidang lalaki, pwes si Arc...hindi siya perpekto syempre, pero kung hitsura lang naman ang pag-uusapan, tipong hindi mo na kailangang obserbahan siya mula ulo hanggang talampakan dahil unang tingin mo palang sa kaniya ay masasabi mo na kaagad na gwapo siya. Matangos ang ilong, maganda ang mga mata niya na halos hindi mo matatagalang tingnan, matangkad at...ang mga labi? Pinkish lips.
Hindi siya katulad ng mga fictional men na bad boy at higit sa lahat wala siyang six or eight pack abs! Pero 'ang dating niya? Malakas. Cool. Kahit na may pagka-tahimik siya at mukhang masungit.
Well, that's Arche Callisto Salviez, everyone. Arc o Cali ang tawag sa kaniya ng mga kaibigan niya. At siya lang naman ang ultimate long-time crush ko simula first year high school.
"Hoy, Ae! Tara na, late na naman tayo kay Ma'am Linda." Tawag sa akin ng TLE classmates ko. Inipon ko na ang mga gamit ko at kinuha ang mga libro para isilid muna 'to sa room locker namin.
Tuwing TLE kasi kailangan naming maghiwa-hiwalay. Nahahati sa tatlong grupo ang buong klase sa tuwing TLE at name-merge sila sa ibang fourth year students na kapareho nila ng subject. May pumapasok sa TLE-EIM (Electronic Industrial Management), TLE-Culinary, at kung saan ako nabibilang, ang TLE-IT (Information Technology).
Si Arc kasi ay sa EIM siya kaya naman tuwing TLE iba ang pinapasukan nilang classroom, pero balita ko puro mga lalaki ang nasa klaseng 'yon. Hindi ko pa nasasabi, pero ito kasing si Arc, heartthrob. Kahit tatahi-tahimik madaming nagkakagusto't nahuhumaling sa kaniya. Magtataka pa ba ako? Pero madalas nacu-curios ako. May crush din kaya siya? Sa pagiging seryoso niya, may natitipuhan din kaya siyang babae?
"Hoy, Aelia Dela Fier! Mamaya mo na titigan si Arc." Namilog ang mga mata ko sa gulat nang lapitan ako ni Darrel. Napatingin tuloy ako kay Arc, pero buti nalang hindi siya nakatingin sa amin, mukhang hindi naman niya narinig ang sinabi ng baklang si Darrel dahil sa ingay ng iba.
"Selos ka lang. Palibhasa 'di pumapatol si Arc sa mga bakla." Balasubas na bangay ko sa kaibigan ko dahilan nang makatanggap ako ng palo ng libro sa kaniya. "G*ga ka talaga. Tara na nga. Dami mo pang sini-say na bruha ka, late na nga tayo."
Sumunod na ako sa paglabas niya ng classroom. Naiwang maingay ang mga boys sa bandang likuran dahil naglalaro pa sila ng uno card. Napatingin ako kay Arc na nanonood lang sa kanila. KJ.
"Hoy, wala kayong pasok?" Tanong ko hindi kay Arc kung hindi sa mga kaibigan niya. Tumingin sa akin si Miggy. "Maya pa. May meeting si Sir Ronald." Sagot niya.
Hindi naman ako interesado sa sagot niya. Ang totoo, gusto ko lang magtanong dahil gusto kong tingnan si Arc, pero nang madako ang tingin ko sa gawi niya, pakiramdam ko lumundag ang puso ko.Tumingin siya sa akin!
Mabilis lang 'yon, pero hindi ko maiwasang mapasigaw sa loob-loob ko. Paglabas ko ay lihim akong napangiti. Kung love story man 'to at akong ang leading lady, ang gwapo ng leading man ko.
"Kita mo 'to, ang bagal-bagal parang tanga pang pangiti-ngiti ng mag-isa." Komento ni Darrel na hinihintay pala ako sa isang bench. Pinawi ko ang ngiti ko at inayos ang paglalakad. "Syempre tapos ko na 'yong requirement."
"Naka-review ka na?" Tanong niya habang naglalakad kami.
"Kailangan pa ba 'yon?"
"Gaga, malamang." Sagot niya na muntik na naman akong patamaan ng libro.
"Tabi nalang tayo mamaya sa A.P. Share your blessings." Biro ko, pero syempre tototohanin ko ang pangongopya sa kaniya mamaya.
"Gagang cheater 'to."
Natawa ako sa way ng pagmumura niya at ang pag-ikot ng mga mata niya. Umangkla ako sa braso niya at inilingkis ang sarili ko sa tabi niya. Napapairap pa siya, pero hinayaan lang ako hanggang sa makapasok kapi sa computer lab.
"May mga leading characters na ba para sa role play?" Tanong ni Presley pagkapasok na pagkapasok namin ni Darrel.
"I volunteer as a tribute. Willing ako maging Juliet ni Arc." Confident ba naman na sinabi ni Darrel na talagang itinaas pa ang kanang kamay niya. Napailing nalang ako habang natatawa naman ang iba.
"Ayaw naman yata ni Arc kunin 'yong role eh." Komento ni Presley.
"Ang KJ talaga ng p*tang inang 'yon." Komento ni Faith.
"Walang magagawa 'yon kapag 'binigay na sa kaniya 'yong role. Subukan niyang tumanggi. Choosy pa siya." Komento ng Class President namin na si Hailey.
"Sino bang Juliet?" Tanong ko. Alam ko namang kung sa leading role lang, hindi ako pasado kaya kung sino man...
"Si Tamara. Yieeee! Gagi kinikilig ako!" Komento ni Presley sabay tingin kay Tamara na nagpupusod. Pati ang iba ay sinabayan na si Presley sa pag-ayiee ayieee niya. Napa-flip tuloy ng buhok si Tamara.
Maganda si Tamara. Siya talaga ang bagay sa mga leading role. Kung love story lang 'to, bagay na bagay siya maging leading lady. Maganda ang katawan niya kahit high school pa lang. Rich kid, makinis at...basta 'yong definition na kabaliktaran ng paglalarawan ko sa sarili ko.
Habang pinagmamasdan ko siya ay may na-realize lang ako...Bagay nga sila ni Arc.
"Kailan ang start ng practice?" Tanong ni Denver.
"Weekend na. Aayusin ko pa 'yong script natin." Sagot ni Hailey.
Napangiti nalang ako. 'Yong ngiti na walang choice dahil ano ba dapat ang kaiinggitan ko? Na maganda si Tamara at ako hindi? Na posibleng magustuhan ni Arc si Tamara at ako hindi?
Hindi ako naiinggit dahil ang totoo masaya ako para sa gaganaping role play namin next month. Oportunidad ko 'to para mas makilala at makipag-feeling close ng palihim kay Arc.
Bakit parang ako pa yata ang excited?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top