CHAPTER: 04

"Baka matagalan ako sa pag-uwi mamaya, Crystal," giit ni tiya habang nakaangat ang tingin sa akin. Nasa hapagkainan kami at kumakain ng agahan.

"Nakabayad na ako sa kuryente at tubig natin," dagdag pa niya. "Ikaw na magluto ng hapunan natin mamaya. Asikasuhin mo na rin si Mr. Martin."


Tinanguan ko na lamang si tiya. Sandaling katahimikan ang pumagitan sa amin na kalaunan ay binasag ko rin.


"Ikumusta mo na lang po ako kay Joan."


"Makakarating."


Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na si tiya. Ako naman ang tanging naiwan sa bahay. Nagmamadali siya kaya't hindi kami gaanong nakapagkuwentuhan.


Tanghali nang umuwi si Daniel galing site. Malapad na ngiti ang gumuhit sa aking mukha nang salubungin ko siya. At sa halip na ngitian ako, iniwasan niya lamang ako ng tingin. Tinungo niya ang kusina. Sumunod naman ako sa kaniya.


"Kumain ka na?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. He gets a glass of water, drinking and make a heaved sigh.


"I'm sorry," he answered. He even lowered his head before turning; looking at me.


"Are you okay?" Tumango siya.


"Make some rest." I smiled. Dahan-dahan siyang limapit sa akin.


"May gagawin ka ba ngayon?"


"Tinapos ko na mga gawain kanina."


"Puwede mo ba akong samahan sa silid?" Hinawakan niya ang aking kamay. Tinungo namin ang silid kung saan siya natutulog.


"Pasensiya ka na at medyo makalat pa rito sa loob," paliwanag niya.


"Ako na ang magliligpit."


"Well, let me assist you."


Inayos namin ang mga misplaced na mga bagay, inalis ang iilang basura at naglinis.


"This room is my favorite," he said, sitting down.


"Bakit mo paborito?" Tumabi naman ako sa kaniya.


"Dahil dito kita mas nakakasama. Ito ang nagsilbing tagpuan nating dalawa. Ang saksi sa pagmamahal ko sa'yo."


"Dito rin ako naging mas masaya," sagot ko. "Ikaw ang nagbibigay ng saya sa akin, Dan."

"Ilang araw na lang ang nalalabi, Rys." Nakaramdam ako ng lungkot. Malapit na pala matapos ang isang buwan.


"Bilang na talaga ang iilang araw na kasama kita, Dan." Gusto ko umiyak at magmakaawang huwag na siyang bumalik sa Maynila.


"Naalala ko ang unang pagkikita natin." Ngumiti siya. "Sabay nating pinanood ang fireworks kina Joan."


Tumawa ako. "Tapos nagandahan ka sa pailaw."


"Pero ang totoo, sa'yo talaga ako unang tumingin. Sakto rin naman at sinagot mo ako sa part na iyon."


Suminghap siya. "Ang saya ko na nakilala kita, Rys. Mahirap ipaliwanag. Ikaw ang bumuo sa nasirang ako."


Hinawakan ko ang kanyang kamay.


"Handa na akong sumama sa'yo," giit ko. Mas hinigpitan ko pa lalo ang pagkakahawak sa kaniya. Takot akong maiwan ulit. Ayoko nang mag-isa.


"Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sa'yo noon?" Ngumiti siyang muli. "There's a rainbow after the rain. There's happiness after the pain. It's you and me, Rys."


"Alam ko."


"Rys, mahal kita at mas lalo pang mamahalin."


"I understand, Dan." I nodded. "That's why I love you."


"Nagsisisi ka ba ngayon dahil nagkaroon ka ng tiwala sa akin?"


Sandali ko siyang tinitigan. Nasasaktan ako. Mahal ko na ang lalaking minsan nang nagbigay sa akin ng matinding inis. I really thought I hate old man forever, but this man really caught my attention. No guarantee. Siya lang ang gusto ko.


Hinalikan ko siya sa labi. Dinama namin pareho ang bawat halik dulot ng pagnanasa. I already gave my everything to him, at wala akong pinagsisihan.


Ang mga halik na iyon ay parang tubig na umaagos na tila ba ayaw ng huminto. Pareho kaming nag-aapoy dulot sa pagnanais namin sa isa't isa.



*****
We woke up in the same bed. Still, we cherish together. That kind of feeling na may limitasyon ang lahat, pero dahil sa pagmamahal ay nagiging malaya ang bawat isa. Truly, I love him.


Ngunit ang saya na aming nadarama ay pilit na inaalis sa amin. Isang araw, para bang nagising ako bigla mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pero hindi. Hindi ito panaginip.



"Hindi pa puwedeng dumito ka na lang?" mangiyak iyak na tanong ko sa kaniya.


"Rys, I'm an engineer," he answered. "At kahit saan lang din ako puwedeng madestino. Mahirap. Nahihirapan din ako."


"How about me? How about us?"


"Mawala man ako, palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."


"Magkikita pa ba tayo?"


"Hindi na, Rys. Hanggang dito na lang tayo."


Tuluyan ng nagsibagsakan ang aking mga luha. Gayunpaman, nangibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya kaya't hindi ko rin magawa ang magalit.


"Mahal kita, Dan. Hihintayin pa rin kita."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top