CHAPTER: 01

I was abandoned by my parents. I wasn't able to enter school because I refused to do so. Furthermore, I'm afraid of something; a part of me from my past.

Kasalukuyan akong nakatira sa lumang bahay ng aking tiyahin. Ako ang nagsilbi na kanyang anak at karamay sa buhay. Walang asawa si Tiya Idil at hindi minsan nagkaroon ng nobyo. Ngunit sa kabila ng lahat, nanatili kaming masaya at matatag.

"Rys, ikaw na muna ang bahala rito sa bahay," nakangiting sabi niya. Binalingan ko siya habang hawak pa ang basahan. Tiningnan ko si tiya mula ulo hanggang paa.

"Bihis na bihis si Idil," pangungutyang sabi ko. "Saan ba ang lakad natin?"

"Pupunta lang ako saglit sa kabilang kanto para kumustahin ang aking amiga at pagkatapos ay bibili na rin ng pagkain natin."

Tumango ako. Nakita ko naman ang ngiti sa kanyang mga mata. She's an exquisite and my favorite as well.

"What food do you want?" she asked.

"Hilaw na mangga," mabilis kong tugon. "Tamang tama kasi mayroon pang bagoong at sukang sinamak dito."

Umasim ang kanyang mukha at umiling. Lumapad naman ang aking ngiti. My heart filled with excitement. Sa mangga na lamang ako nakakaramdam ng kilig.

"Mag-iingat ka, tiya." Hinatid ko na siya sa may pintuan na para bang pinapaalis ko siya sa sarili niyang pamamahay.


Pagkaalis niya ay mabilis kong isinara ang pinto. Pasimple kong sinilip ang labas ng bintana sa kabilang bahagi. Tanaw ko mula sa aking kinatatayuan ang kapitbahay kong lalaki na may kahalikan at kayakap na babae.

I was thinking that it was his girlfriend dahil sobrang close silang dalawa. I remember him days ago at may dinala rin na ibang babae. The wind blows to my face. Sinampal na naman ako sa matinding pagseselos ko sa babaeng iyon. She's lucky to have a fucking buddy and a handsome bastard next door.

"Sabaok," anas ko saka umirap at umalis na.


Kahit papaano ay mabait ako at masunurin sa aking tiyahin. Kahit na ang mga hindi niya inuutos at kanyang mga gawain ay ako na ang gumagawa. Siyempre mahal ko siya at bahagi na rin ng aking buhay.


Sandali akong nagpahinga. Umupo sa sopa habang nakatingin sa hawak kong cellphone. While scrolling, hindi ko maiwasan ang hindi mapatawa sa shared post ng karamihan. They'd stated that they've like having 'sugar daddy.'

What for? Of course, para magkaroon ng sustento at mabili o makuha ang mga gusto nila. I can't join sa trend ng karamihan. Ayaw ko sa matandang lalaki, and I realized it more than twice. Mukha lang ng guwapo naming kapitbahay ay okay na sa akin. Walang tatalo sa kagwapuhan ni Jude. Gusto ko siyang...


"Rys."

Naputol tuloy ang imahinasyon ko. Paano kasi at dumating na pala ang maganda kong tiyahin. Agad kong tinungo ang pinto para siya ay pagbuksan. Kinuha ko ang dala niyang supot na ulam at ang pinabili kong mangga.

"Kumusta ang lakad mo, Idil?"

"Mas mabuti pa sa inaasahan mo." Ngumiti siya.

"Alam ko na iyan," pabiro kong sagot. "Lalaki na naman ang ikinuwento ni Joan sa'yo."

Pinipigilan kong huwag matawa pero tuloy lamang siya sa pagngiti at hinayaan lang ako.

"So it was a man."

"Not just a man, but men."

I wowed. She turned to me and finally met my mouth with amazement.

"More than two, Rys."

I nodded. "Okay, that's good."

"Well," she continued. "We need to put some effort on it."

"Effort, huh?"

"You're hungry, right?"

Tinalikuran niya ako at tinungo ang kusina. Sumunod naman ako. Ang gutom na kanina ko pa naramdaman ay biglang nawala. Interesado ako aa kanyang kwento.


Nang maihain na ang mga pagkain sa lamesa ay agad na rin kaming kumain. I forgot to eat mango. Naligo na ako at nag-ayos sa sarili. Maayos na nagpaalam sa aking tiyahin para umalis. Huwebes hanggang Sabado lamang ang schedule ko sa bahay ng mga Ersan para magsilbi bilang kanilang katulong. Ito rin ang paraan ko para kumita ng pera.


"Kumain ka na ba, Rys?" tanong ng ginang sa akin.

Tumango ako at tumuloy na rin kami sa loob. Nakahanda na pala ang mga damit na aking lalabhan. Sinilip ko ang kusina para i-check. May mga kalat pa sa lamesa nila at tambak pa ang mga hugasin sa lababo. I need to complain, but I need money. Alang-alang na lang sa pera at pangangailangan kaya't ayaw ko na lang magreklamo.


Una kong nilinisan ang kusina, sinunod ko ang kanilang mga silid; ang sala at ang banyo. Huli kong ginawa ang paglalaba. Para sa akin ay hindi na mahirap ang mga gawaing bahay kasi una sa lahat, nakasanayan ko nang gawin ang mga ito. Sanay na rin ako maging sa utos nitong mga anak ng amo ko.

But every time I receive my salary, talagang masaya ako. Kuntento na ako sa isang libo at limang daan na sahod sa loob lamang ng tatlong araw. Well, I can buy my personal stuff, and even go to the nicest place I want.

At kapag wala naman akong trabaho, naging tambay sa bahay at parang palamunin. Kahit papaano naman ay nakakapag-relax ako. Medyo boring ang buhay ko sa bahay, pero mas okay na rin na ganito at least hindi ko in-e-expose ang sarili ko sa labas ng bahay namin.


"Rys, nagyaya nga pala si Joan ng hapunan sa kanila mamaya."

Hindi ako sumagot at tuloy lang sa pagkain ng mangga. Hindi na ito maasim at pahinog na rin. Umay na sa lasa.

"Tayong dalawa ay imbitado niya roon."

Nilingon ko siya. "Ayaw kong sumama. Dito lang ako."

"Tayong dalawa," pag-uulit niya. Nagkibit-balikat na lamang ako.

"Ihanda mo ang isusuot mamaya," dagdag niya. "Huwag kang mag-alala dahil hindi naman tayo magtatagal doon."

"May mga lalaki ba?"

"Meron naman. Dumating na kasi ang nobyo niya at mga kaibigan nitong lalaki." Hindi na ako nagsalita pa.


Pagsapit ng gabi, handa na ang tiya ko sa pag-alis namin. Suot niya ang kulay ube na damit habang suot ko naman ang paborito kong damit na kulay pula. She wore makeup, at siya na rin ang kusang nag-ayos sa mahaba kong buhok. Lipstick at powder ay okay na sa akin. Ako ang tipong hindi mahilig sa paggamit ng mga palamuti sa mukha.

"Bakit naka-flat sandals ka lang?" tanong pa niya sa akin.

"Ayaw ko magsuot ng high heels."

"Palitan mo iyan."

Bumalik din naman ako sa aking silid para kumuha ng isang pares na sapatos na aking susuotin.

"Okay na ba ito?" tanong ko pagkabalik sa sala. Kumunot ang kanyang noo.

"Sigurado ka ba sa gusto mo?"

"Okay na ito. Isa pa, hapunan lang naman ang sadya natin doon, hindi ba?"


Lumabas na kami ng bahay. Itong si tiya ko ay napaka-excited na pumunta sa bahay ng kanyang amiga. Ako itong mahiyain at hindi palalabas ng bahay. Nasa kabilang kanto lamang nakatira ang aming pupuntahan. Medyo malapit kaya nilakad na lang namin.


Sa hindi kalayuan, tanaw ko ang maliwanag at dinig ang maingay na bahay. Sunod sunod ang pagdating ng kanilang panauhin.

"Sigurado ka po bang tutuloy tayo?"

"Bakit naman hindi?"

"Hindi ba nakakahiya? Mukhang marami silang bisita."

"Kakain ka ba o hindi?"

Napaisip ako. Oo nga pala at hindi pa kami naghahapunan. Tumuloy na kami. Sakto rin naman nang mabalingan kami ni Joan ng tingin. Masaya siyang sumalubong sa amin at nakipagbeso.

"Mabuti naman at nandito na kayo," wika niya. "Kumain na kayo sa loob."

"Hindi po ba nakakahiya?" sabat ko. "Late na kami dumating."

"Ang mahalaga ay dumating kayo."


Dinala kami ni Joan sa loob ng kanilang bahay. Malaki at malawak. There were numerous expensive things. Nilibot ko ang tingin sa bawat bahagi. Grabe, masarap sa mata kung tingnan ang mga ito. Mula sa mayaman na angkan si Joan kaya hindi na bago sa kanila ang mga karaniwang bagay.

Mga lalaki.

Napunta ang atensiyon ko sa mga kalalakihan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top