Chapter 27

Chapter 27 Near ending summer

September 11, 2022

Bamboo Forest

Halos mabingi ako sa paulit-ulit na pagdoor-bell sa apartment ko. Maaga pa lang ay iyon na ang siyang naririnig ko. I tried to ignore it and buried myself under my pillows and blanket, but that someone was too consistent.

Pilit kong binuhat ang sarili ko mula sa kama at halos ibato ko na ang unan na hawak ko. Iritado kong nilingon ang pinto ng kwarto na tila nakikita ang taong nasa labas.

May delivery ba ako ngayong araw? Sa natatandaan ko ay bukas pa ang dating niyon, napaaga yata?

Huminga na ako nang malalim, naupo muna saglit sa kama para higit na gisingin ang sarili bago ko ilang beses na tinapik ang pisngi ko. I didn't even bother to check my reflection on the mirror, dahil halos sanay na rin iyong matandang regular nagde-deliver na rito sa bawat hitsura ko sa tuwing pinagbu-buksan ko siya ng pintuan.

I could hear the heavy noise of my feet with its fluffy pink slippers as I walked towards the door. Itinataas ko na rin ang buhok ko dahil sa sobrang pagkakasabog nito.

Handa ko na sanang pagsabihan nang pabiro ang matandang nagde-deliver para sabihin dito na sana ay huwag namang sobrang agahan nang magsisi akong binuksan ko pa ang pintuan.

I didn't utter a word the moment I saw her horrible face, my hand on the doorknob tightened as I pushed the door and tried to close it, but Sarah's quick to stop me and pushed it open. Siya pa ang matapang na hantarang pumasok sa aking apartment kahit wala man lang akong paanyaya sa kanya.

"Sarah, this is trespassing."

Tumigil siya sa paglalakad sa loob ng apartment ko at marahas siyang lumingon sa akin, at agad niya akong dinuro ng kanyang nangangatal na kamay.

"Y-You insolent bitch! Ipinahiya mo ako!"

Pinanatili kong bukas ang pintuan habang hawak ko ang doorknob niyon. "Inuulit ko, Sarah. This is trespassing. Tatawag na ako ng barangay sa ginagawa mong ito."

"Sa tingin mo ba ay matatakot mo ako, Rhoe Anne? You are nothing but a two-faced bitch! Akala mo kung sinong magaling, mabait pero nasa loob naman ang kulo. Gusto mo laging nasa iyo ang atensyon, hindi ka na nagbago! Gusto mong lagi ikaw ang bida at ang dapat kaawaan at bigyan ng simpatya!"

Gusto ko siyang tawanan sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi niya ba naririnig ang sarili niya? Hindi niya ba napapansin na inilalarawan niya ang kanyang sarili?

Simula nang pumasok siya sa kumpanya ay kailanman ay hindi ko siya pinatulan. I tried myself to avoid her, pero siya itong wala nang ibang ginawa kundi sirain ang buhay ko. At ngayon na minsan akong sumagot sa kanya, ako ang sasabihan niya nang masama?

"Kung hindi ka aalis sa harapan ko, Sarah. Sisiguraduhin kong madadagdagan pa ang kahihiyan mo," mas matigas na babala ko.

Mas lalong nag-init ang ulo niya at malalaki ang hakbang niya patungo sa akin, at nang sandaling nag-angat na siya ng kamay para sampalin ako, mabilis na kumilos ang aking isang kamay para pigilan ang kamay niya.

"Sarah, inuulit ko, huwag mong hintayin na lumaban ako sa 'yo. Dahil ang ilang taon pagkimkim ko ng galit sa 'yo pwede nang makapatay," marahas kong binitawan ang kamay niya dahilan kung bakit napahakbang siya paatras.

Alam kong nakikita na niya ang mabigat kong paghinga, ang nakakuyom kong mga kamao at ang mga mata ko sa kanya na kung mga patalim ay ilang beses na siyang nasaksak.

"S-Sa tingin mo ay matatakot mo ako, Rhoe Anne?! You are always this loser! You are always this weak girl. At sisiguraduhin kong pagsisihan mo ang ginawa mong pagpapahiya sa akin!" nang naglakad na para umalis si Sarah ay sinadya pa niyang banggain ang balikat ko.

Hindi ko na siya hinabol ng tanaw dahil agad ko nang isinarado ang pintuan ko at napahilamos na lang ako sa sarili ko. Because I knew right that moment that Sarah will do everything to ruin my life again.

***

"Yes, it is still valid."

Kousuke might have that answer, but he couldn't just hide his real expression as if he was not into it. Siya iyong tipo na hindi magaling magtago ng emosyon at isa ang pagsagot sa katanungan ko ngayon ang hindi niya nagawang itago nang maayos.

He was confident and persistent to help me find my father in the easiest way. Pero ngayon ay malinaw na nakikita kong hindi siya natutuwa sa ideya kong iyon. Hindi na kami nagkaroon pa ng usapan ni Kousuke nang tanungin ko iyon, at madalas pa ay ako na ang nagbubukas ng usapan at sumasagot na lang siya ng oo o kaya'y hindi, at madalas ay tumatango na lang siya.

"Something's wrong, Kousuke?"

He blinked twice. Itinigil niya na ang sasakyan at itinabi na muna iyon, siguro ay napansin niya na rin na napapansin ko na ang bigla niyang pagbabago ng mood kaya ang ginawa niya ay bigla na lang hinalikan ang noo ko.

"Do you want us to drink coffee first?"

"Sure."

Hindi na ako tinanong ni Kousuke kung saang coffee shop ko gusto dahil siya na mismo ang nagdecide at sumunod na lang ako sa gusto niya. It took us almost half an hour before we arrived at our destination. And he picked a place where there were few people.

Pumili na si Kousuke ng table na malayo sa karamihan at halos nasa dulo na kami.

"I'll order. What do you want?"

"Just same as yours."

Humalik muli si Kousuke sa akin bago niya ako iwan sa lamesa. Nakadalawang halik pa siya sa noo ko sa kotse bago kami lumabas at isang halik sa pisngi ko bago siya nagpunta sa counter. At ang tangi ko na lang nagawa ay tipid na ngumiti at sumunod sa bawat galaw niya.

Dahil wala namang pila ay hindi rin naman nagtagal si Kousuke. He was smiling widely at me, but his eyes were staring at me as if he's scared of something. Sa halip na umupo si Kousuke sa harapan ko na siyang lagi niyang puwesto sa pagkakataong iyon ay tumabi siya sa akin. His right hand never left mine. Nakailang halik na yata si Kousuke sa kamay ko bago siya makakalhati sa kanyang kape.

He suddenly became too clingy, with all the physical touch no matter how little and small it is. Bigla na lang siya hahalik sa balikat ko kaya napapatingin na lang ako sa paligid kung may nakakakita ba sa amin.

"Kousuke. . ."

"I'm sorry, I can't help it," bulong niya.

Hindi rin kami nagtagal dalawa sa coffee shop at nagpatuloy na kami sa biyahe. Habang nagmamaneho siya ay paminsan na lang binibitawan ni Kousuke ang kamay ko. I might have noticed how he suddenly became clingy after that conversation, but I didn't point it out.

Hinayaan ko na lang si Kousuke at ako na maging masaya sa bawat oras na magkahawak ang aming mga kamay.

Until we finally arrived at the Bamboo Forest. Tulad nang inaasahan ay sa daan pa lang patungo roon ay napakarami nang turista, paano pa kaya kung naroon na talaga kami sa Bamboo Forest na iyon?

Naghanap muna si Kousuke ng parking lot na malapit para hindi na malayo ang lalakaran namin, at habang nasa kotse pa lang kami ay nakikita ko na ang napakaraming kababaihan na nakasuot na ng yokata. That what I noticed in every historical or famous tourist spot in Japan, karamihan sa mga hapon ay nagsusuot ng kanilang tradisyunal na kasuotan. Of course, to make the travels or even the souvenir pictures more memorable, mas mabuti na nga na magsuot niyon. Though I already experience wearing it once, hindi ko na gustong ulitin pa.

Nauna na akong bumaba kay Kousuke pero nang bumaba na siya agad halos tumakbo pa siya para malakapit sa akin at agad niyang hinagip ang kamay ko na parang ang kaunting segundo na hindi niya hawak ang kamay ko ay bigla na lang ako mawawala.

Sumunod kami ni Kousuke sa maraming taong naglalakad at habang ginagawa namin iyon ay pinapanuod rin namin ang iba't ibang tindahan na siyang nadadaanan namin.

"Do you want something, Rhoe Anne?"

Umiiling lang ako sa kanya. I might have been fascinated with the cute souvenirs in every store, but I prefer to watch it as we walked together. Bago kami lumiko ni Kousuke kung saan mararating na nga namin ang Bamboo Forest ay nadaanan pa namin ang napakaraming street foods. Kahit medyo busog pa ako dahil sa ininom naming kape ni Kousuke ay pumayag akong tumigil muna roon at subukan ang mga pagkain doon.

This time I asked Kousuke to picked a place with lesser people, sa dulo na lang kung saan mas kumportable kami ni Kousuke at hindi kami pinagtitinginan. Ilang beses kong sinubuan si Kousuke at ganoon din siya sa akin, nagtatawan rin kami habang nagbibigay ng kumento sa pagkain.

"I like the street foods here than in Takayama," sabi ko.

"I think it's the same," sagot niya.

"Really?"

He nodded. "But I like it when I share food with you," Kousuke quickly leaned close to me to lick my ice cream.

I felt the sudden heat of my cheeks when he purposely licked his lips in front of me as if he's reminding me his ways during some of our nightly adventures.

I fanned myself using my hand. "I think we should go, Kousuke."

He chuckled. "Alright."

Naglakad ulit kami ni Kousuke na magkahawak ang kamay patungo sa Bamboo Forest, at nang sandaling makarating kami roon, inaasahan ko na ang gandang sasalubong sa amin gaya ng mga nakikita ko sa mga pictures, pero iba ang pakiramdam ko sa lugar na iyon.

Yes, it might be beautiful. Halos hindi na matigil ang mga tao sa pag-picture sa iba't ibang parte nito pero ang tangi ko lang naramdaman sa sarili ko ay bigat at kalungkutan.

"It's cold here. . ."

Matarik ang daan sa Bamboo Forest, mahirap na iyong lakarin lalo na sa mga kababaihan na nakasuot pa ng yokata.

"Do you want us to finish the course? There's still something up there," paliwanag sa akin ni Kousuke.

Pero ang nasa isip ko lang ay napakaraming kawayan lang din naman ang makikita ko, hindi na namin kailangan pang pahirapan ang sarili namin sa paglalakad.

Nakasunod na ang tingin ko sa dalawang Japanese. They are boyfriend and girlfriend taking their own selfies. Alam kong nakasunod ang tingin ni Kousuke sa akin ng mga oras na iyon, he knew that I was looking at those two, but when I looked back at him, he avoided his eyes.

"How about there, Rhoe Anne? Do you want to take a look?"

I was hoping that he'd ask me to take a picture with him in this place, but I knew that he avoided it on purpose. Mauuna na sanang maglakad si Kousuke habang hila ang kamay ko nang hindi ako gumalaw, nang lumingon siya sa akin ay nagtataka ang kanyang mga mata.

"It's okay. I've seen enough. Actually, this place is quite scary. . ." natatawang sabi ko.

"Are you sure?"

I nodded.

"Where do you want to go next?"

"Let's book a hotel, Kousuke."

"E-Eh?"

Ngumisi ako at lumginon sa kanya. "Silly thoughts, huh? Let's watch a movie and eat some popcorn."

"Uh. . . okay."

Dumaan muna kami ni Kousuke sa convenience store para bumili ng microwavable popcorn, drinks and more snacks. Pero habang nasa counter na siya ay nakikita ko na ang namumula niyang tainga.

Hindi pa tapos sa paglalagay sa plastic ang lalaking nasa counter nang tumingkayad ako at bumulong sa kanya. "How about condoms?"

Lumingon siya sa akin. "I-I have. . ."

I grinned and left him in front of the counter. Naroon ako sa may mga naka-display na mga magazine habang tahimik na nagmamasid sa lalaking nakakunot na ang noong sumusulyap kay Kousuke.

Nang bumalik na kami sa kotse ni Kousuke pansin ko na ang mas mabilis niyang pagpapatakbo ng sasakyan. And when we arrived at the hotel he only had a short conversation with the receptionists.

We agreed to have a movie date with popcorn, but the moment we heard the closing of the door, all those plastics filled with our invaluable props fell on the floor.

I clung to him and his arms wrapped around me as if his embrace would never allow me to move even an inch away from him.

And that night, Kousuke Matsumoto gave me hundreds of kisses as if those lips would make every part of my skin a written history— marked and unforgettable.

That my body has been his, that I've been his girl, that sometimes he offered his warm love for a girl he met during summer.

I felt his tears in every whisper of his I love you.

I hugged him tightly and shared my warmth with him, wishing that we'd share this forever.

And it's breaking my heart because I knew that we're both denying to accept the truth as the end of summer starts to approach.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top