Chapter 25
Chapter 25 Dream
September 10, 2022
Kyoto, Japan
Fushimi Inari Taisha
I was unconsciously biting the tip of my fingers as I continued to scroll down my old website.
"Shit."
Nangangatal ang isa kong kamay habang hawak ang mouse. At tila nagkaroon ng matinding init mula sa liwanag ng monitor ng laptop ko, dahil hindi lang ang tindi ng tibok ng puso ko ang higit kong nararamdaman sa mga oras na iyon, kundi pati na rin ang pag-init ng pisngi ko at lalong sumasakit na ulo.
My old name, Rowing Anne was all ruined. Iyong ilang taon kong pinaghirapan ay basta na lang ibinasura ng babaeng iyon.
I worked hard with this name. I've written tons of stories and poems under this name, but when Sarah stole it and claimed it as hers, I never tried to visit my own website again.
Sa lahat ng pang-aabuso nila sa akin ni Tita Kiana, sumuko na akong lumaban sa kanila at hindi ko na sinubukang bawiin pa ang pangalang iyon, pero ngayong nakita ko na naman?
Gusto kong maiyak at magsisigaw sa galit.
Sinabi ko na lang sa sarili ko na tanging alaala na lang ang pangalang iyon sa akin, pero ngayon na muli kong binuksan iyon, halos lalong kumulo ang dugo ko sa ginawa ni Sarah.
After my hit book was first published, and she published two more books na hindi naging mabenta tulad nang una, hindi na niya pinagpatuloy ang pagsusulat sa website ko. It was like a dumpsite filled with unauthorized links na maaari pang maka-perwisyo ng tao.
Pagkatapos niyang pakinabangan ang pangalan ko ay agad niya iyong binitawan na tila isang basura. I tried to read some comments at hindi iilang mga mambabasa ang nagku-kumento na biglang nagbago ang paraan ng pagsusulat ni Rowing Anne, and they preferred her old writing style.
I am sure that if those readers were my readers since then, they would immediately recognize our difference. Ibang-iba ang paraan ng pagsusulat namin ni Sarah at kailanman ay hindi iyon napagkamalang sa iisang kamay nanggaling.
And I don't think it's easy for someone to copy another writer's writing style, dahil sa huli, lalabas at lalabas pa rin ang paraan ng pagsusulat mo kung saan ka kumportable. Sarah might have successfully stolen my name and fame, but she will never have my ability.
Nangangatal ang kamay ko sa mouse habang nag-scroll sa bawat comments ng readers, at ang iba pa ay walang pakundangan sinasagot ni Sarah na parang walang utang na loob sa mga mambabasa.
"Bastos talaga!"
Mariin akong napapikit at kapwa kumuyom ang mga kamay ko.
What the hell is wrong with her? Bakit ganito na lang ang pagkaseryoso niya sa mga bagay na nakukuha ko? As if she's really obsessed with everything that I have.
Marahas kong pinunasan ang takas na luha sa aking mga mata. Hanggang saan, Sarah? Bakit hindi mo ako tantanan? Ibinagsak mo na ang pangalang ilang taon kong pinaghirapan. Ano pa ang kailangan mo sa akin?
***
Hindi na humupa ang init ng ulo ko kay Sarah dahil sa ginawa niya sa pangalan ko na ngayon ko lang nalaman. Minsan ay naiisip ko na lang kung gaano ka-kapal ang mukha niya na humarap sa akin sa kabila nang lahat ng ginawa niya sa akin simula ng bata pa kami.
Kaya nang pumasok na siya sa opisina (and she was late pero okay lang dahil kabit siya ng boss namin), agad kong kinuha ang tasa ng kape at napahigop na lang ako. Akala ko ay ako lang ang may ideya ng relasyon nila ng boss namin, pero mukhang may pakpak talaga ang balita, dahil madalas na akong nakakarinig ng usapan tungkol sa relasyon nila.
Maybe the only thing that I'd agree with someone's opinion about her is she's better than me in terms of manipulating the people around her. Ang galing niyang mambilog ng mga tao at nagagawa niya ang mga itong maging sunud-sunuran, or maybe those people around her are just foolish or not capable of thinking properly.
Where is she getting that haughty air around and never-ending confidence with that exaggerated blond color of her hair that does not compliment her tanned skin?
Umikot na ang mga mata ko nang makita ang paraan ng pananamit niya. She's been trying to look sexy with her not even a little curvy body, with her stripes top and checkered pencil cut skirt. Sakit sa mata.
"Tang ina, ang baduy," natatawang sabi ng katabi ko na inusod pa ang swivel chair papalapit sa akin para marinig ang kumento niya sa kapuna-punang pananamit ni Sarah.
Tipid akong ngumisi at yumuko na sa laptop ko. Mas binigyan ko na lang ng pansin ang trabaho kaysa higit na pansinin si Sarah at ang grupo niyang kapit sa patalim.
Buong akala ko ay magagawa kong pakalmahin ang sarili ko dahil sa nalamang kong pag-aabandona ni Sarah sa pangalan kong inagaw niya nang nag-angat ako ng tingin sa harapan ng cubicle ko. Our boss with another pile of works.
Isa sa nakakaasar sa araw-araw ay ang ngiti ng boss ko sa akin kahit napupuno na ang utak niya ng brainwash ni Sarah at masasamang kuwento tungkol sa akin. I am sure that the real story is quite different from Sarah's story. Baka nga iniisip na ng boss ko na ako iyong magnanakaw at bully o hindi kaya ay walang utang na loob na siyang ibinato nila sa aking mag-ina.
Ang tangi ko lang nagawa ay tanggapin ang mas maraming papeles at trabaho na alam kong dapat ay kay Sarah. Ano ang magagawa ko? Isa lang naman akong hamak na empleyado at ang taong may galit sa akin ay hawak sa leeg taong may mataas na posisyon.
Matalim kong tinanaw si Sarah mula sa cubicle niya, iyon at abala na naman sa pakikipagtawanan sa kanyang mga kaibigan. And when our eyes met, she gave me that devilish look, together with her foolish minions.
Should I just kill her?
***
"How about you, Rhoe Anne? Do tell me your own happy ending, and I promise that I'll fulfill it for you. Everything."
Nanatili lang akong nakatitig sa kanyang mga mata. What's my ideal happy ending? Katulad rin ba ako ng mga nababasa kong mga nobela? With those fluttering petals of flowers, doves, white gown, and ringing bells?
If my story with Kousuke would be under the romance category, should I picture myself with him with those beautiful sceneries in summer?
Maybe we're outside his old house and we're hanging our white curtains, towel, and bed sheets together while laughing together. And after hanging our laundries, we'll be eating watermelon with the wind chime dangling at our terrace, with Kousuke's consistent warm smile and his hand with mine.
Siguro ganoon lang ka-simple ang magiging gusto kong katapusan kasama si Kousuke. But should I really expect that this part of my story is something I should look forward until the end?
Ngumiti lang ako kay Kousuke at nag-iwas na ako ng tingin sa kanya. The traffic light turned green, and I leaned back on the window with droplets of rainwater, creating several trails on it.
Nakikita ko ang sarili kong repleksyon habang nakahilig doon, and the moist of the window made me want to write random figures or words on it.
Inangat ko ang isa kong kamay at isinulat ko roon ang pangalan ni Kousuke na may kasamang puso, pero hindi rin nagtagal ay kusa iyong nagbura sa aking mga harapan— as if his name isn't permanent and like some of the stolen stories that I failed to get back.
Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam na naman ako na tila maagaw sa akin si Kousuke at bigla na lang siyang mawawala sa akin.
I am so scared.
Dahil hindi ko nais mag-alala pa sa akin si Kousuke ay sinagot ko na lang siya ng madalas kong sinasabi sa kanya.
"I came here to finish all those courses, to see my parents' journey with my own eyes and feet. I think that's my simple happy ending."
"I promise to join you in that happy ending, Rhoe Anne."
Mag-uumaga na nang nakabalik kami sa White Kamono Hotel, hinatid ako ni Kousuke hanggang sa pintuan ng hotel room ko.
"Good morning, Rhoe Anne."
Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ko iyong halik niya sa aking noo, ang saglit na pagpikit ko ang dahilan kung bakit biglang bumalik sa alaala ko iyong naging panaginip ko.
"Go. Have some sleep. Tell me where to go next."
Nakatitig lang ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Nagawa pa niyang hawakan ang magkabilang balikat ko para iharap ako sa aking pintuan. Wala sa sarili akong nagbukas ng pinto habang pinapanuod niya ako.
"Would you like to stay here, Kousuke?"
"As much as I want to accept your invitation, I don't think it's a good idea, Rhoe Anne. You need to take a rest and having me inside your room will not give you a better rest," bulong niya sa akin nang bigla siyang yumakap mula sa likuran ko.
"Alright. See you later."
"Yes. Later."
Hindi umalis si Kousuke sa harapan ng pintuan ko hangga't hindi pa ako nakakapasok. He even waved his hand with the small gap of the door as I slowly closed it in front of him.
Saglit akong sumandal sa pintuan habang blankong nakatitig sa kabuuan ng maliit kong kwarto, hanggang sa magmadali akong maglakad patungo sa bintana para makita si Kousuke sa paglalakad patungo sa kanyang bahay.
Bahagya kong hinawi ang kurtina para silipin si Kousuke sa pagbalik sa kanyang bahay, hindi na ako nag-abalang tawagin siya at hinayaan ko na lang ang sarili kong tanawin siya.
Until he waved his hand without turning his back to look at me. Tipid akong ngumiti bago ako nagtungo sa kama at tumulala sa kisame. Huminga ako nang malalim at pumikit nang ilang minuto bago ako nagpasyang bumangon. Naupo na ako sa aking maliit na lamesa, kinuha ang maliit kong notebook at nagsulat doon ng mga pangyayaring hindi ko makakalimutan kasama siya.
Hanggang sa hindi ko na napansing nakatulugan ko na ang pagsusulat sa lamesa. Nagising lang ako dahil sa matinding ngalay sa batok at braso.
Napahilamos na lang ako sa sarili ko nang maalalang hindi pa pala ako naliligo matapos ang gala naming iyon ni Kousuke.
Instead of a quick bath, I decided to fill the bath with water and poured the liquid soap. I want to relax myself after all those exhausting walks and long travels. Tulog man ako madalas sa biyahe, iba pa rin ang tulog sa kama at maginhawang pakiramdam. Dahil na rin siguro sa pagod kaya nakatulog na ako sa pagsusulat kaya ngayon na may kaunting lakas na ako, kailangan kong pilitin ang sarili kong maligo.
Nang matapos na akong magbanlaw ay saka ako nagbabad sa bathtub. I turned on my small speaker so I could hear music while I dipped myself. Napapikit ako sa init at sarap ng tubig sa buong katawan ko habang pinakikinggan ang malambing ng kanta.
I told myself that I shouldn't sleep in the tub. Pero dahil na rin talaga sa ginhawa matapos ang nakakapagod na biyaheng iyon, muli na naman akong nakatulog.
This time I found myself running in the endless aisle of tori gates. Ramdam ko ang bigat ng paghinga ko, ang pangangatal ng tuhod ko, ang tagaktak ng pawis, at ang pagmamadaling abutin ang isang bagay na hindi ko naman mapangalanan.
Wala akong tigil sa pagtakbo sa matarik ng daang iyon na may walang katapusang pulang arko, sa paligid nito'y malaking kagubatan at nakakabibingi nitong katahimikan, at sa bawat paglinga ko na tila may nanunuod sa akin at mga boses na bumubulong na hindi ko naman maintindihan.
Sa halip na tumigil ay mas binilisan ko ang aking pagtakbo na tila may mga humahabol sa akin, hanggang sa matalisod ako at tuluyan nang madapa at bumagsak sa lupa.
Halos ilang beses kong inihampas ang mga kamay ko sa lupa habang nagsisimula nang tumulo ang mga luha ko.
What is wrong with me? I felt like I've been trap and lost. .. and searching. Sa lugar na hindi ko magawang pangalanan.
"Rhoe Anne. . ." natigil ako sa paghampas sa lupa nang marinig ang pamilyar na boses ng siyang matagal ko nang hinahanap-hanap.
"M-Mama. . ."
"Rhoe Anne. . ." boses naman iyon ng lalaki.
At nang sandaling nag-angat ako ng aking tingin ay dalawang kamay ang siyang nakalahad sa akin. "M-Mama? Papa. . ." both of them were wearing a traditional Japanese yokata.
Sabay pumatak ang mga luha ko mula sa aking mga mata at pilit akong ngumiti sa kanila, dahan-dahan ko nang inangat ang isa kong kamay upang tanggapin sila nang higit na lumakas ang panibagong bulong sa isip ko.
"I promise to join you in that happy ending, Rhoe Anne."
"See you later."
"I love you. . . summer girlfriend. . ."
Kusa kong binawi ang kamay ko at lumingon ako sa likuran, kasabay niyon ay ang marahas kong pag-ahon sa tubig at magising muli sa panibagong panaginip.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top