Chapter 23

Dedicated to: Shanethel Cyd Anneliese Gualin

Chapter 23 Whys

September 8, 2022
Fuji-Q Highlands

Nang maramdaman ko ang matinding takot ng babae sa likuran namin ni Kousuke, mas higit ko rin naramdaman ang pagsisisi na nagyaya ako rito sa lugar na ito.

Bakit ko nga ba naisip na pumasok dito, gayong inaatake na naman ako ng aking mga halusinasyon?

This horror hospital would not do good with my condition. Dapat ko bang sabihin kay Kousuke na umalis na rin kami? But that would make him worry, at iyon ang bagay na hindi ko nais gawin sa kanya.

I have this feeling that I've been giving Kousuke frustration because of my unstable health.

Huminga ako nang malalim habang nasa pila pa rin kami ni Kousuke. Pinisil niya iyon at tipid siyang ngumiti sa akin.

"Are you okay?"

Tumango ako sa kanya. Hindi ko mapigilan mapanguso habang pinagmamasdan si Kousuke sa dilim. How could he look handsome with or without lights?

Iyong malambot at magaang ngiti ni Kousuke sa akin ay agad napalitan nang muli siyang lumingon sa likuran na parang may mga tao pa roon na nakasunod sa amin. Sinunod ko ang tingin niya at pansin ko na saglit dumaan ang kanyang mga mata sa dinaanan ng babae at lalaki kanina.

I could sense his irritation.

Kung si Kousuke ay tila uminit ang ulo sa reaksyon ng dalawang lumabas sa horror hospital, ako naman ay pagtataka. While did she suddenly acted like that? Parang takot na takot ang babae habang ang boyfriend niya naman ay litong-lito sa kanya. He even glanced at Kousuke na parang naghahanap siya ng bagay na dapat ikatakot sa katabi ko.

Nang mapansin ni Kousuke na nakasunod ang mga ko sa tinitingnan niya ay agad niyang kinuha ang atensyon ko. He pulled me closer and gave me a soft kiss on my forehead. Tipid akong napangiti at napahawak sa aking noo.

"What was that all about?"

"Can't I kiss my girlfriend's forehead?"

Hinampas ko na ang braso niya. "Let's go. We're already moving."

Kousuke chuckled. At sinundan na namin iyong pila dahil naiiwanan na kami. We were still walking in the aisle between hospital curtains, those transparent plastic curtains that I usually see in ICU. Dahil sa sobrang dilim tanging anino lang ang nakikita ko sa likuran ng clear na kurtina. I had this urge to open each curtain, but the hospital guide wearing the lab gown warned us not to touch anything.

Isa-isa na kaming pinapasok sa nakahilerang kuwarto na siyang aming dinadaanan. Pinaghahawi pa nga kami ng nakalab gown na babae.

When Kousuke and I entered the room, we were welcomed by a small room. May mababang upuang gawa sa kahoy, may lumang tv, at nagkalat ng mga kahon at papeles.

"Wow," iyon na lang ang nasabi ko.

Dahil sa unang kuwarto pa lang ay hahanga na talaga ako sa effort ng Japan para lang higit na magmukhang nakakatakot at abandonadong hospital ito. From the eerie lighting, the stumbled things, the dusts, the creepy televisions, the hand writings on the pieces of papers on the floor, the old shelves, and even the unstable ceiling.

Hindi lang takot sa paligid ang marararamdaman kundi paghanga, every detail of this room scream of efforts of this country. Para talaga kaming nasa loob ng kuwarto na may taong pilit tumakas sa kanyang tinatakbuhan.

As I writer, I could pictures numbers of scenes in this small room. Kaya iba talaga kapag nakakarating sa iba't ibang lugar ang mga manunulat na katulad ko, it would not entertain and ease us but it would give us tons of inspirations to write.

"Scared?" tanong ni Kousuke.

"Fascinated," sagot ko.

The broken televisions started to show the blurred video. Gusto ko sanang higit na intindihin ang sinasabi roon sa tv pero naka-Nihonggo iyon. One of the things I noticed in this amusement park, they prioritize their people more than the foreigners. Meron mang mga English translations na nakalagay sa bawat attraction na dadaanan namin, mas lamang pa rin ang naka-Japanese characters, kahit ang announcements sa mga speaker ay pawang Nihonggo. Kaya mga foreigner talaga ang dapat mag-adjust.

Pinanuod ko na lang video sa tv kahit hindi ko na naiintindihan, basta ang alam ko ay natatakot sila. Kousuke and I were too focused on the tv that we didn't expect that sudden increased of volume, movement of our wooden chair and flash of the camera in front of us. Napasigaw ako nang dahil doon hanggang sa nasundan iyon ng sabay naming pagtawa.

Nang matapos na kaming manuod ni Kousuke ay lumabas na kami sa kuwarto at nagsimula na kaming maglakad sa unang floor ng horror hospital. Sobrang dilim na tanging flashlight lang namin ang ilaw, dahil masyadong mabilis ang nasa unahan namin ni Kousuke ay naiwan na kami kaya wala na kaming makitang ibang tao.

Hindi bumitaw ng kamay sa akin si Kousuke habang walang tigil ako sa pagtingin sa paligid. Every section of the hospital was filled with amazing dummies, equipment or props that would completely give you the realistic hospital vibe.

Magkano kaya ang nagastos ng Japan sa ganitong attraction? I've been into different horror attractions in the Philippines, pero iba talaga ang dating ng Fuji-Q horror hospital.

Habang naglalakad kami ni Kousuke ay ramdam ko rin na may nakasunod na sa amin kaya mas binilisan na namin ang paglalakad. There were lot of hospital sections with creepy vibe, at sa bawat parte ng hospital na iyon ay hindi maaaring walang back ground sound na angkop sa kwartong iyon. When we were inside the nursery room, halos kilabutan ako sa iyakan ng mga bata, sa galaw ng mga batang mannequin, at sa mga batang tila nakasilip sa amin.

Minsan ay napapakayakap na ako kay Kousuke na tumatawa lang sa akin. He's so sweet that every wrap of his arms around me, whisper of his voice, sudden laughter and the way he glanced at my face, could melt me any moment.

Sa paanong paraan iyon nagagawa ni Kousuke? How could he be so sweet in this unromantic place?

Nang makarating kami sa kuwarto kung saan maraming metal cabinet or the archives room, lalong nabalot ng katahimikan ang paligid. Nauna na akong naglakad kay Kousuke habang hila ang kamay niya.

Pero bago pa man kami tuluyang nakatawid ng pintuan palabas ng lugar na iyon habang magkahawak ang kamay namin, bigla na lang nawala ang init ng kamay sa akin ni Kousuke.

And when I glanced back at him, he was no longer behind me but the empty room filled with metal cabinet. Hindi ko man nakikita ang sarili ko, I could imagine how I terrified I am.

"K-Kousuke. . ."

Kusa nang napahakbang ang mga paa ko paatas. "K-Kousuke, where are you?"

Hindi ko na nagawang luminga pa sa paligid hanggang sa mas lumaki ang hakbang ko paatras at marahas nang tumama ang likuran ko sa pader.

Muntik na akong napasigaw at sumalampak sa sahig nang maramdaman kong may humawak sa magkabilang braso ko.

Una'y hindi ko maaninaw at marinig nang maayos ang boses nang tumatawag sa akin, hanggang sa pilit kong iminulat ang mga mata ko. Agad akong kumuha nang lakas at mahigpit kong niyakap si Kousuke.

"Kousuke. . ."

"Hush," bulong niya sa akin.

I buried my face on his chest as my hand balled against his shirt. I could feel my intense frustration. What's going on with me?

Hindi kami umalis doon ni Kousuke at hinayaan niya akong umiyak. Hindi rin nagtagal ay may lumapit na sa aming staff. I don't understand their language and I allowed Kousuke to talk with them.

Nahihiya na ako sa kanya. Ako itong nagyaya sa kanya sa lugar na ito pero bigla na naman akong magkakaganito.

Hindi rin nagtagal ang usapan ni Kousuke at ng babae, hindi na rin ako tinanong ni Kousuke kung gusto kong ituloy ang course, dahil siya na ang nagdesisyon na tapusin na namin iyon.

We were not making any conversation hanggang sa makarating kami sa exit ng haunted hospital. Pansin ko na iyong mas nauna sa amin at kumuha na sila ng picture nila na siyang kinuhanan sa unang kuwarto.

Kousuke didn't even glance at the counter to see our picture. Kaya ang tangi ko lang ginawa ay sumilip sa monitor kahit hindi ko naman nakita ang picture namin ni Kousuke roon.

Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya habang hila niya ang kamay ko at nasa likuran niya ako.

"I am sorry, Kousuke. I know that it was my idea to enter this—" agad siyang humarap sa akin.

"It's okay, Rhoe Anne. It's not your fault. It was just too scary," ngumiti na siya sa akin nang sabihin ko iyon.

Sa huli ay pumili na lang ulit kami ng upuan at lamesa. Pinilipit ko ang sarili kong hindi umiyak sa harapan ni Kousuke na lagi na lang nakangiti sa akin, parang lagi na lang siyang nagpapasensiya sa akin at hinahayaan ako sa mga gusto ko, kahit na nahihirapan siya.

Umiinom na siya ngayon ng milk tea, habang nakasandal sa upuan at nakakrus ang hita. He was casually watching all those people passing by.

"I am sorry, Kousuke. I ruined our date."

Ibinaba ni Kousuke ang hawak niyang milk tea at simple siyang umiling sa akin. "I enjoy every moment of you. There's no way you'd ruin my day."

"Why. . ." iyon na lang ang nasabi ko.

Sa paanong paraan ganito na lang ang pasensiya at lalim ng nararamdaman niya sa akin? How could he have this kind of patience? Sa iksi nang panahon na magkasama kami ni Kousuke, hindi ako makapaniwala na kaya niya nang ibigay sa akin ang ganitong klase ng pang-unawa.

"Alam mo minsan, Kousuke, naiisip ko na lang na baka hindi ka totoo. That you were part of my hallucination. . ." tinitigan lang ako ni Kousuke.

"That maybe you were my defense mechanism and imagination about my parents failed love story, that I've been doing this inside my mind to ease the pain that I've witnessed with my mom," nanghihinang paliwanag ko.

Dahil kung iisipin, sa paanong paraan ako biglang makakakilala ng hapon na halos kabaliktaran ang ginawa sa aking ina? Kousuke's giving me words and assurance that my father failed to give my mother.

"I am not your hallucination, Rhoe Anne."

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan niya iyong inilagay sa kanang pisngi niya.

"How could I be just your hallucinations? Were those nights not enough?" mas inihilig ni Kousuke ang pisngi niya sa kamay ko. And I noticed that kind of stare— a stare that he gives me every time that we shared our passionate night together.

Natawa na ako at marahas ko nang tinanggal ang kamay ko sa kanya. Natawa si Kousuke at sumandal na ulit sa kanyang upuan. He grabbed his milk tea and started sipping it again.

I could even see how he playfully licked his lips in front of me. This silly Japanese!

Naniniwala na talaga ako sa mga naririnig ko tungkol sa mga hapon. Despite of them being shy type in public, they are very different in closed doors. Kahit nga si Kousuke na biglang namumula ang tainga sa publiko ay hindi aakalain na ganoon pala kapag kaming dalawa lamang.

"Mapagpanggap. . ." bulong ko.

"Na ni?"

Umirap ako sa kanya. Inagaw ko iyong milk tea niya at sinimulan ko nang higupin iyon. "There are no more pearls."

"I'll buy you a new one," sagot niya.

Iniwan na ako ni Kousuke sa lamesa at hinabol na lang siya ng tanaw. Pumangalumbaba ako habang pinapanuod ang bawat kilos niya.

It took Kousuke few minutes before returned with a new milk tea. Agad niya iyong inabot sa akin.

"I am wondering. . . why do you like me, Kousuke?"

Ngumisi siya agad nang marinig ang tanong na iyon. Hindi na siya tumuwid ng pagkakaupo at nanatili siyang nakasandal, but he was tapping his fingers while staring at me, as if he was trying to find what was the most attractive part of me.

"Love at first sight?"

Umirap ako. "Come on, Mr. Matsumoto! Answer me."

"What else, Rhoe? You were like a bride when I first saw you. You were glowing, very pretty, sexy. . . and well, with visible nipples back then."

"Kousuke Matsumoto!" napasigaw na ako sa kanya habang siya ay natatawa.

Tawa siya nang tawa nang lumapit ako sa kanya at paghahampasin ko siya. Nabaliw na pala sa akin ang magaling na hapon dahil nakita niyang bakat ang nipples ko! What the hell?!

"But I am serious, I think it was a love of first sight."

"Because of my nipples?!"

"It's your eyes, Rhoe Anne. You have very pretty eyes."

Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong paniwalaan, naupo na ako habang nakakunot ang noo sa kanya.

"How about me? What do you like about me, Rhoe Anne?"

"You have a big. . ." binitin ko sadya ang sasabihin ko. Pansin ko ang unti-unting panlalaki ng mga mata niya. Akala niya ba ay siya lang ay sasagot sa paraang iyon?

Nawala na siya sa pagkakasandal niya.

"B-Big what?"

"Big heart. What else?"

Tumawa na ako at iniwan siya sa lamesa. "Let's go to Naruto Park, Kousuke!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top