Chapter 21

Dedicated to: Ellestell Hayiro

Chapter 21 Lie

September 7, 2022
Gujo Hachiman Castle

Kousuke and I booked a hotel that night. Even without Kousuke's confirmation, I knew that he was trying to avoid getting back to his home near my hotel.

Nag-aabang pa sa kanya roon ang kanyang mga kamag-anak? Maayos na ba ang lahat o nasa gitna pa rin siya ng problema?

But I should know better than to ask him these questions, of course, he wasn't fine. Sa paraan pa lang ng pagpapakita sa kanya ng mga pinsan niya ng gabing iyon ay hindi na maganda at ang ilang araw niyang pagkawala.

Hindi na ako magugulat kapag nalaman kong tumakas siya mula sa pamilya niya at kasalukuyan na siyang pinaghahanap ng mga ito. Kaya ba nagtatanong na siya sa akin kung kailan ako uuwi?

Should we get back to the Philippines as soon as possible? Kaya ko na bang iwan ang dahilan kung bakit ako narito?

I tried to ask him more about the details, but Kousuke's not willing to share me more of his problem about his family and I respected that. Dahil maging ako ay hindi pa rin naman ganoon kabukas para pag-usapan ang pangyayari sa buhay ko.

I glanced at the handsome boy beside me.

He was still asleep. He looked innocently handsome and curled under that thick white blanket. He looked too handsome and perfect. He has this clear skin that every woman would envy.

Mapapaisip na lang ako kung magkano ba ang skin care ng isang Kousuke Matsumoto. Mas makinis pa siya sa akin! Nasisiguro ko na sa sandaling dalhin ko siya sa pinas ay pagtitinginan siya ng mga tao dahil sa kinis ng mukha niya.

Si Kousuke kasi ang tipo ng guwapo na sa isang tingin lang ay salitang guwapo na talaga ang iisipin pa. He doesn't need a second glance for the confirmation, but a second glance for that someone to enjoy the view again.

Habang pinagmamasdan ko siya ay napansin kong may hikaw ang isa niyang tainga. Was it there all along?

Saglit kong inalala ang tainga ni Kousuke nitong nakaraan pero wala naman akong matandaan na may hikaw na siya. It's just a small black ring type earring on his right ear.

Bad boy lang?

Kung sabagay, my first impression of Kousuke Matsumoto was someone who's too cold. Pero nang makasama ko siya nang ilang araw, he's like a playboy, but as time goes by I just realized that he's sweet, kind and soft. He's an ideal boyfriend that would give you smiles in the morning and different types of cries at night.

Natawa ako sa iinisip ko.

Kousuke and I booked a small room. Sinabi niya na kung puwede ay siya roon sa may pader dahil baka mahulog siya, that made me laugh. Sometimes he asked some innocent things na makakagulat na lang sa akin.

He's really unpredictable.

Nakayakap na siya ngayon sa unan habang nakaupo na ako sa kama.

What's good about Kousuke Matsumoto? He's a good sleeper. Ang bilis niyang makatulog at tulog mantika rin siya. Siya ang laging nauunang matulog at huling nagigising.

Basically he loves sleeping, iyon din naman ang sabi niya sa akin kapag wala daw siyang ginagawa ay madalas siyang natutulog at naglalaro ng online game.

I kissed his forehead before I took my small notebook and started to write some ideas for my new novel. Ilang beses pa akong napapalingon kay Kousuke sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko pero kapag titingnan ko naman ay mahimbing pa rin siyang natutulog.

It took almost half an hour before he woke up. Nasanay na ako sa hitsura ni Kousuke sa tuwing magigising siya sa kama katabi ko. Bahanyang nakatagilid ang hubad niyang katawan habang ang isang braso niya ay nasa ilalim ng unan na yakap niya.

With his messy hair and sleepy eyes, he would smile at me. Hirap na hirap niyang imumulat ang isa niyang mata para silipin ako.

"Good morning, sleepyhead," bati ko sa kanya.

Ibinaba ko ang hawak kong ballpen at marahan kong hinawi ang ilang hibla ng buhok na nagtatakip sa guwapo niyang mukha.

"Pretty. . ."

"Let's have our breakfast, Kousuke," itinuro ko na sa kanya ang orasan.

Saglit niya lang tinanaw ang orasan na nasa pader bago niya mas inilubog ang mukha niya sa unan.

"Not yet," bulong niya.

"Come on, let's go."

Nang sandaling hahawakan ko na siya ay hinawakan niya ang kamay ko. Hinila niya ako pabalik sa kama at mariin niya akong kinulong sa mga bisig niya. He took that opportunity to pin me, and he playfully pulled the blanket to cover all over our bodies.

"Maybe later," ngising sagot niya sa akin bago bumaba ang mukha niya sa akin.

"Oh, gosh, Kousuke!"

Kousuke and I ended up extending our time inside that hotel with all the food delivery service.

Hapon na nang lumabas kami ni hotel at nanliliit na ang mga mata ko sa kanya habang naglalakad na kami sa parking.

"Where are we going, baby?"

"Gujo Hachiman Castle."

"Alright! Copy."

Kousuke and I had our conversation inside his car like we were used to. Hindi na kami nag-usap pa tungkol sa pamilya niya at sa problemang kinahaharap namin. We just enjoyed every minute that we're together.

"What is your favorite place here in Japan, Kousuke?"

"I like Tokyo."

"Oh, I wasn't surprised."

"I am sure that you'll love Kyoto. We can go there together after we travel to all the places on your bucket list," I smiled at him.

"Thank you."

Nang makarating na kami ni Kousuke sa Gujo Hachiman, hindi agad kami nagpunta sa sikat na castle sa itaas. Pinili muna namin na maglakad-lakad tulad ng lagi naming ginagawa.

Kousuke never let go of my hand. Para rin siyang Old Town Village ng Takayama na maraming naka-preserve na gusali. Well, what's good about the countryside in Japan, they really appreciate the beauty of the past. Hindi talaga hinahayaan ng bansang ito na makalimutan ang kanilang lumang imprastraktura. They preserve and develop it, dahilan kung bakit mataas ang turismo sa bansang ito.

"We can go to Kyoto tomorrow, Kousuke."

"What?"

Tumango ako sa kanya. "Why do we have to wait for the end of my bucket list? We can go there."

"Are you sure?"

"Yes."

Kousuke and I didn't just enjoy walking and sightseeing, we also bought some souvenirs and tasted some of the street foods. Hindi naman nagreklamo sa akin si Kousuke sa tuwing siya ang umuubos ng mga pagkain na binibili ko.

"You have here," Kousuke wiped his thumb on my lips when there was remaining sauce on it.

It might sound cliché but Kousuke licked it in front of me. "Wow. Male lead lang?"

"What?"

Kinuha ko ang panyo sa maliit kong bag at pinunasan ko rin ang labi niyang may natira rin sauce. "You should have done what I did."

"Whatever, Matsumoto."

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Kousuke na magkahawak ang kamay, minsan ay iikot niya ako, magtutulakan kami at ilang beses kong tutusukin ang tagiliran niya.

Ilang hapon na siguro ang nakakasalubong namin ni Kousuke na nakakunot ang noo sa amin dahil sa walang pakundangan naming paglalandian.

Nang makapaglakad na kami sa mga iba't ibang bilihan ay saka lang namin napagpasyahan na umakyat na doon sa Gujoman Castle. Bago kami makarating doon ay marami pa kaming nilakaran ni Kousuke.

I even saw a long canal. Dali-dali akong naglakad roon, agad naman sumunod sa akin si Kousuke na nagtataka.

"Where are we going?"

"Well, I am always fascinated to see canals in your country, Kousuke. Do you know? It is very known in the Philippines that the canals here in Japan have fishes," sabi ko habang nakayuko na sa kanal.

Nakahawak ang dalawa kong kamay sa tuhod ko habang nakayuko ako at nakasilip sa kanal. Namilog ang aking mga mata nang makitang may isda nga ang kanal na nakita ko.

"Wow talaga," natatawang sabi ko. "Nakapalinis. . ." bulong ko sa sarili ko.

Before we reached the Gujoman Castle atop, Kousuke and I had to climb on two tall stoned stairs, atop of it was a wooden old gate entrance with the typical Japanese style.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakikita ko iyon ng personal. I've only written images and places by watching movies or reading another novels, pero ngayon na sadyang nasasaksihan na ito ng aking mga mata, ang tangi ko lang nagagawa ay tumulala rito.

"This place is so beautiful, Kousuke. . ."

Hindi ko na napansin na nauna na pala ako sa paglalakad kay Kousuke. Nasa ilang baitang na ako ng batong mataas na hagdanan habang siya ay nasa lapag pa rin at nakatingala sa akin.

Nanatili akong nakatitig at nakatingala sa unahan habang pinagmamasdan ang bukana patungo sa lumang palasyo. At nang sandaling unti-unti akong lumingon sa likuran ko para silipin si Kousuke, hindi pa rin siya gumagalaw sa kanyang posisyon.

I thought he was fascinated as well, because of the overwhelming beauty of the structure, but his eyes were focused on me. "I never see this place beautiful before, Rhoe Anne, to be honest, not until I found you."

Nanlambot ang tuhod ko nang marinig iyon sa kanya. Ngumiti ako at inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Shall we?"

Tinanggap na ni Kousuke ang kamay ko at sabay na kaming umakyat patungo sa mataas na entrance ng palasyo.

But right after I stepped inside the castle, that sudden coldness and shivers struck on me. Nang muling nasundan ang hakbang ko ay wala nang kamay ang nakahawak sa akin.

"K-Kousuke. . ." tawag ko sa kanya nang lumingon ako sa aking likuran. But he wasn't there anymore, but a complete different place without any colors.

Suminghap ako at ilang beses napaatras habang pilit naghahanap ng kulay sa paligid.

"W-What's going on? K-Kousuke?!"

"K-Kousuke!"

Pero ang siyang narinig ko ay ang mahinhing tawa ng babae sa aking likuran. At nang sandaling lumingon ako sa kanya ay agad ko siyang nakilala. "M-Mama?"

My mother in her youthful years with her arms extended towards me. Hahakbang na sana ako patungo kay Mama nang biglang may tumagos sa katawan ko, at napatigil na ako sa aking posisyon nang pinanuod ko ang pagtakbo ni Mama habang hinahabol siya ng lalaking hapon.

They were laughing together happily as they tried to climb up the castle.

"Rhoe Anne! Rhoe Anne!"

Ilang beses na tawag ni Kousuke sa pangalan ko ang siyang narinig ko bago ako matauhan at magkakulay ang lahat ng aking nakikita. I could see the horror on Kousuke's face when he looked at me.

Nagmamadaling kumuha ng panyo si Kousuke sa kanyang bulsa para iabot sa akin iyon, doon ko lang naramdaman na nagdurugo na pala ang ilong ko. Agad niya akong inalalayan sa upuan, ramdam ko rin ang pangangatal ng braso ni Kousuke habang nakahawak sa akin.

"W-What's going on, Rhoe Anne? Are you sick?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot sa kanya at hinayaan ko lang dumaloy ang dugo sa ilong ko. Siguro ay napagod lang ako kaya may nakita na naman akong ganoon. It was just because I forgot to take my medicine. Siguro nga'y napagod rin ako sa magkasunod na biyahe namin ni Kousuke.

"I'm sorry," hinawakan na ni Kousuke ang dalawa kong kamay. "Do you want me to bring you to hospital?"

Marahas kong ibinaba ang hawak kong panyo at ilang beses akong umiling sa kanya. "I am okay, Kousuke."

"I just got tired."

"Let's go home."

Umiling ulit ako sa sinabi ni Kousuke. Tinanaw ko ang tuktok kung saan naroon ang lumang palasyo. The scene of my parents that were happy together flashed back inside my mind.

"I'll just get some water," tumango ako sa sinabi ni Kousuke.

Nanatili akong nakaupo habang habol siya ng tanaw. Hindi rin naman kasi mahirap bumili ng mga inumin dito dahil napakaraming vending machine at pagpipiliang inumin.

Lakad takbo si Kousuke nang makabili siya at pinagbukas pa niya ako ng bote. "Thank you, Kousuke."

Naupo na siya sa tabi ko habang nakatuon ang kanyang mga mata sa akin.

"Please tell me that you're not sick, Rhoe Anne."

Huminga ako nang malalim at hinawakan ko ang kamay niya. "I am just tired, Kousuke."

"Promise me that they are all lying about you," natigilan na ako sa sinabing iyon ni Kousuke.

"What?"

Dalawang kamay na ni Kousuke ang hinawak niya sa kamay ko hanggang sa dahan-dahan iyong nagtungo sa mga pisngi ko. "They are all liars, Rhoe Anne."

Natawa na ako sa sinasabi niya. "What are you talking about? Did your family have a background check about me? Are they giving you bad information about me?"

Bigla niya akong niyakap. "Don't worry. I will only trust myself and you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top