Chapter 20
Chapter 20 Fireworks
September 6, 2022
Takayama, Gifu
"Rhoe Anne!" Sarah excitedly waved her hand like we were close friends.
I didn't invite her to share my table, but Sarah being herself, sat confidently in front of me with that wide fake smile. I could see shimmering jewelry from her ears, neck, and fingers, and she was purposely trying to flaunt it.
I tried to keep my straight face. Kahit gustong-gusto ko nang ngumiwi sa harapan niya.
She has this usual haughty air around her, chin up, bright blonde hair that didn't suit her tanned complexion, and her weird fashion style that wasn't proportionate to her body type.
I even heard comments about her in the office that she's been trying hard to look sexy but everything she wears doesn't seem to look better on her.
"Rhoe Anne, are you interested to join my party next week?"
Umiling agad ako. "I am busy next week."
"Talaga? Sayang naman. Naroon ang mga ka-opisina natin. I even told them that I invited everyone even you."
"Then tell them that I declined your invitation."
Tumaas na ang kilay ni Sarah sa malamig kong sagot sa kanya. "Nagdadamdam ka pa rin ba sa akin, Rhoe Anne? We were just kids back then. Dapat ay kalimutan na natin ang hindi natin pagkakaintindihan noon. We were just immature kids back then," paliwang ni Sarah.
Gusto ko siyang tawanan sa sinasabi niya. We were what? Immature? At noon? Matagal na panahon na baa ng lumipas? It was just almost two years ago. Ano ang madali doon?
Kung sabagay, sa aming dalawa ay ako talaga ang hindi makakalimot dahil ako ang higit na pinahirapan nilang mag-ina.
"Ayoko nang pag-usapan pa ang pinagdaanan ko sa poder ninyo, Sarah. Just allow me to work peacefully. I am sorry but I am going to decline your invitation. Mas gusto ko na lamang magpahinga sa bahay."
Dahil hindi ko na masikmura ang mukha ni Sarah ay hindi ko na naubos pa ang kape na iniinom ko at umalis na ako sa coffee shop na iyon.
***
"I can book a room for us, Rhoe Anne. You can check it without this yukata," Kousuke said with his usual boyish grin.
Natigil ang pag-aalala ko sa kanya. Iyong lahat ng emosyon ko nang unang beses ko siyang nasilayan ng oras na iyon ay biglang naglaho.
"Huh?"
"I said I can book a room for us," ulit niya. And he looked so proud about it. Binigyan ko na siya ng pagkakataong bawiin ang sinabi niyang iyon sa gitna ng pag-aalala ko sa kanya pero hindi man lang siya nag-alinlangang ulitin iyon sa harapan ko.
Nagsimula nang manliit ang mga mata ko at iritado ko nang hinampas ang dibdib niya sa sobrang inis.
"I'm worried, Kousuke! Ano ba iyan?!" napaatras na ako mula sa kanya hanggang sa tinalikuran ko na.
Bakit may gana pa siyang magbiro sa mga oras na ito? Hindi niya ba nakita ang pag-aalala ko sa kanya?
I was about to walk away when I heard his laughter. Agad niya akong hinabol at hinawakan ang kamay ko.
"I'm sorry. I was just trying to calm you down."
Inirapan ko lang siya. Paano ako kakalma sa kanya? Hindi ba't siya na ang nagsabi sa akin na kung wala man gawin sa akin ang sarili niyang pamilya, hindi naman ang mga ito magdadalawang-isip sa kanya.
He's been away for days. Malamang ay kung anu-ano na ang papasok sa isipan ko. And the most devastating part of it? Wala akong magagawa kundi maghintay lang sa kanya.
Paano nga kung hindi na siya bumalik?
"Naiinis ako, Kousukue," bulong ko.
Natigil ako sa paglalakad at yumuko na ako sa daan para itago ang mukha sa kanya. I started crying in front of him.
Ito na nga ba ang kinatatakot ko. Ilang taon kong sinabi sa sarili ko na kaya kong mag-isa, hindi ko gustong dumating ang panahon na may tao akong hahanap-hanapin sa sandaling mag-isa ako. I tried to avoid everything that would give me any kind of weakness, but having Kousuke Matsumoto now in my life offered so much that I'd never thought of the outcome.
I thought that once the summer ended, everything would go back to what it was before. But I'm starting to realize that I couldn't imagine my days not just in summer, but in every season away from this Japanese countryside boy.
I didn't even bother open my small bag to get my handkerchief. Dahil halinhinan kong ipinapahid ang braso ng aking yukata
Hinarap na ako ni Kousuke na nagsisimula nang mataranta sa pag-iyak ko.
"You will ruin your make-up, Rhoe Anne."
"Ano ang gagawin ko ngayon, Kousuke? Hinahanap na kita. I am always thinking of you. I am happy with you, sobra akong nalulungkot kapag malayo ka sa akin. I am getting used with your presence," paulit-ulit kong hinampas ang dibdib niya at hinayaan niya lang akong gawin iyon.
Nang medyo lumalakas na ang hampas ko ay saka niya lang pinagsalikop ang dalawa kong kamay. "I don't understand some of your words, but I can feel that I should be happy about it."
Hindi rin kami nagtagal ni Kousuke sa may parking lot dahil naghanap na kami ng upuan. Doon ay sinimulan niya akong aluin at bilhan ng iba't ibang Japanese street foods. Inihelera iyon ni Kousuke sa upuan habang nakaluhod siya sa harapan ko.
"Do you want something else?" pilit sinilip ni Kousuke ang mukha kong nakatungo.
"Are you not going to leave, Kousuke?"
Bumuntonghininga siya sa katanungan ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "I will not leave you alone again, Rhoe Anne. How about you? Are you going to leave me?"
Umiling ako sa sinabi niya. He gave me that familiar gentle smile. "Thank you."
Pansin ko na nagtitinginan na naman sa amin ni Kousuke ang mga hapon na nagdadaanan na hindi na bago sa aming dalawa.
"Rhoe Anne, can you wait a little bit?"
"I don't want any food," sagot ko.
"I'll be right back."
Hindi nagpapigil si Kousuke at tumakbo na siya para iwan ako. Nanatili ako roon nakaupo habang tanaw ang daan na dinaanan ni Kousuke. Saan na naman kaya pupunta ang hapon na iyon?
It took Kousuke few minutes before he returned with his hurried breathing. Halata sa kanyang tumakbo pa siya para lang makabalik sa akin.
Akala ko ay may binili na naman siyang pagkain para suhulan ako, pero nang bigla na naman siyang lumuhod sa harapan ko at kunin ang binili niyang nasa plastic, napanguso na lang ako habang pinapanuod siya.
He just bought a band-aid. May paltos na pala ang tagiliran ng paa ko dahil sa sandals na suot ko na hindi naman ako sanay. At mas nauna pa si Kousuke na mapansin iyon sa akin.
Huminga ako nang malalim, tinanggal ko ang pagkakasandal ko, at inihawak ko ang dalawa kong kamay sa upuan para higit akong yumuko at pagmasdan siya.
I thought I'd only see this scene in romantic anime movies, na may guwapong lalaki na maglalagay sa 'yo ng band-aid o kaya ay magtatali ng sintas ng sapatos mo.
But right at that moment, Kousuke Matsumoto gave justice to my imagination— that this life would give me a real-life Japanese male-lead.
It all happened near the old road of Takayama, Gifu. When all the cars and people were passing, turned into blurry lines of colors, and the only clear image was that handsome Japanese boy kneeling in front of me.
"Ang guwapo. . ." bulong ko habang marahang nakayuko at pinagmamasdan siya.
"What?"
Umiling ako nang nagtama ang aming mga mata. Hindi muna kami umalis ni Kousuke sa upuan at tinulungan niya akong ubusin ang lahat ng pagkain na binili niya para sa akin.
"Rhoe Anne, I am planning to come with you once you decided to go home."
"Are you sure?"
"Yes. I even called my cousin Seiji. He told me that he will help me."
Humilig na ako sa kanya habang naroon ang mga mata namin sa kalsada at sa nagdaraang sasakyan. Kaiba ng sa Pilipinas ay hindi naman ganoon karami ang mga sasakyan dito.
"Aren't you going to tell me what happened those days, Kousuke?"
"Don't worry. They never tortured me," natatawang sabi niya.
Pero paano niya nasabi na sila ang papahirapan kapag may ginawa silang hindi gusto ko ng kanilang pamilya tulad nga ng pakikipagrelasyon sa ibang lahi?
"Did you ever witness someone from your family that was tortured?"
"Yes."
Tinanggal ko ang pagkakahilig sa kanya at humarap na ako kay Kousuke. "Seiji was tortured, but don't worry he still got two kids. Sidra's always monitoring his sperm count."
"What?!"
Tinawanan lang ako ni Kousuke at inakbayan niya na ako. "Don't worry about it."
"Who are those two from the coffee shop?"
I asked him even though I already had the idea. Isa pa narinig ko na rin naman ang pangalan nila mula kay Kousuke.
"Cousins."
"Can't they be happy about you? I thought you have a good relationship with them?"
"I have," then Kousuke tilted his head like he was thinking of something. "Maybe not? I am not sure."
Bigla kong naalala ang matandang lalaki na nakausap din namin sa coffee shop.
"How about the old man, Kousuke? Do you know anything more about him?"
He blinked. Saglit siyang natulala sa akin na parang nakalimutan niya na ang matandang sinasabi ko. "What about him?"
Kumunot ang noo ko sa kanya. "He reported us. He was the one who told your cousins about us."
"What?"
"You were away for few days, right? I saw him at the nearest park of the hotel, Kousuke. We talked and he warned me about our relationship. That day after your cousins kidnapped you, he told me his deeper connection with my parents. He's friends with my parents, Kousuke, not just because they've met on the beach."
"What?"
Sumandal akong muli sa upuan. Hindi na ako magugulat kung nalalaman niya kung nasaan si Papa.
"D-Do you want you, I mean us to talk with him again, Rhoe Anne?" nag-aalangang tanong ni Kousuke.
Natatakot ako sa puwede niyang sabihin. Bakit nang mga panahong naroon kami sa tabing-dagat ni Kousuke ay hindi na niya sinabi sa akin ang lahat?
If he really has a deeper connection with my parents, especially my mother, would he allow me to suffer more?
Nag-inat na ako ng aking dalawang braso. "I think we should go, Kousuke."
"Alright."
Mas nauna nang tumayo sa akin si Kousuke at agad niyang inilahad sa akin ang isa niyang kamay. He looked extremely handsome with his Japanese kimono.
"Guwapo talaga. . ."
"What's guwapo?"
"Nothing."
Binalikan namin ni Kousuke iyong daan na nilakad ko nang mag-isa, but this time, we were holding hands while appreciating the beauty of the place. I took pictures of different spots, and when we were about to take some selfies together, my phone suddenly shut down.
"Lowbat. I forgot to charge it."
Habang si Kousuke naman ay nasa sasakyan ang phone kaya wala na kaming pinagpilian ni Kousuke kundi mag-enjoy na lang sa mga nakikita namin.
Kousuke and I explored the place like how we enjoyed the other places that we've been to. Nang masuyod na namin ni Kousuke ang mga sikat na lugar doon ay bumalik na kami sa sasakyan para magtungo sa ibang parte ng Takayama kung saan magkakaroon ng fireworks.
During summer Japan has their popular hanabi festival. Isa iyon sa pagdiriwang na talagang inaabangan nila, at dinadayo pa iyon ng mga taga-ibang bansa.
"I am so lucky that I am going to experience it, Kousuke."
"Why? You can experience it every summer. We can always come here," sabi niya habang nagmamaneho.
Nang makarating na kami sa Hida, Takayama, marami nang tao at karamihan sa mga babaeng hapon ay nakasuot na rin ng yukata. They all looked so cute.
"Ang cute nila. . ." bulong ko.
Nagsisiksikan na ang mga tao para makahanap ng magandang puwesto para makapanuod ng fireworks mamaya. Si Kousuke ay nauuna nang maglakad sa akin pero mahigpit ang hawak niya sa kamay ko habang hinihila niya ako sa gitna ng mga tao.
I tried to push myself behind him, but I couldn't help but notice the cuteness of the Japanese girls around me. "They looked so cute, Kousuke," bulong ko sa likuran niya.
"Why? You're pretty."
I could see a series of different Japanese foods, hear Japanese lively music, and have endless crowds.
"Where do you want to stay?"
"Anywhere," bulong ko ulit sa kanya.
Hindi na kami bumaba pa ni Kousuke sa may ilog kung saan naglatag na doon ang napakaraming hapon para mas mapanuod nila ang fireworks nang mas maayos. Pinili na lang namin maghintay at manuod sa may bridge.
Since the Japanese follow the given time schedule, Kousuke and I didn't wait too long until we finally witnessed the beauty of the Hanabi festival.
I thought my eyes would never leave the fireworks, but when I side glance at Kousuke with his arms wrapped around me while he was behind me, and face his handsome face leaning on my shoulder, I couldn't help but give him a peck on his cheeks.
He didn't look at me, but I noticed that he was blushing. Of course, I kissed him in the middle of the crowd.
Nahihiya rin naman pala siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top