Chapter 18

AN/ Hi! This is VentreCanard! I will have my first book signing event this coming April 30, 2023 at Robinsons Galleria Atrium. I hope to see you there <3
For more information, you can follow my Facebook account and Popfictions books. Thank you!

Chapter 18 Second Lead

August 30, 2022

Komeda's Coffee

It was our coffee break. Nadia and I were inside the pantry when Sarah offered breads for everyone. Dahil mahilig sa libre ang lahat, halos maubos ang tinapay niyang inalok at mukhang iyon talaga ang gusto niyang mangyari.

She wants to create her own circle.

"Rhoe Anne," bati niya sa akin.

Wala pa rin pinagbago si Sarah, sa halos isang taon namin na hindi pagkikita, she still has that haughty air around her. She has that undying confidence that sometimes were out of the line.

When people asked me about her, since we shared the same middle name, I didn't hide my disinterest with her. Kaya nang marinig ng lahat na binati ako ni Sarah sa gitna nilang lahat, biglang nalipat ang atensyon nila sa akin.

I know that Sarah's already aware of the way I wanted to treat her— a simple co-worker. Kung maaari nga ay hindi ko na nais pang magkaroon ng kaunting batian sa kanya. I'm fine with a work-related conversation with her. Pero mukhang hindi magiging kuntento roon si Sarah. Mukhang hindi pa siya tapos sa akin at sa bawat titig niya sa akin, nakakaramdam na ako nang hindi maganda.

Si Nadia na ang sumiko sa akin nang mapansin niyang nakatitig lang ako kay Sarah.

Tipid akong tumango sa kanya. Sa kaunting ginawa kong iyon, ramdam ko ang tindi ng sikip ng dibdib ko dahil sa kanya. How could she act like that to someone she tried to ruin? Masaya na akong nakalaya sa kanilang mag-ina pero ano na naman ang kailangan niya sa akin?

She can apply to any companies in this country pero bakit nakikipagsiksikan pa siya kung saan naroon ako?

Ramdam ko ang pangangatal ng kamay ko habang hawak ang kape ko. I had this urge to splatter it on her face, pero alam kong kapag ginawa ko iyon ay pagsisisihan ko rin iyon.

Hindi ko gustong makipag-plastikan sa kanya kaya agad kong inubos ang aking kape bago bumalik sa lamesa ko.

Sumunod na rin si Nadia sa akin. She looked concerned because she could see it through my eyes that Sarah's existence made me uncomfortable.

Nagtaka pa nga ako nang i-hire siya dahil ang balita ko ay hindi naman tumatanggap ang kumpanyang ito ng magkamag-anak lalo na kung nasa iisang department. I am starting to think that Sarah always has her ways.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Nadia.

Hindi ko na sinalubong ang mga mata niya at nagkunwari na akong abala sa laptop ko.

I thought everything would be fine, but here we go again.

***

Ramdam ko ang bigat ng trabaho namin nitong nakaraang araw, hindi lang ako kundi maging ang mga kasamahan ko ay puro overtime na para lang matapos ang trabaho namin.

"You shouldn't abuse yourself, Rhoe Anne. Umuwi ka na kaya?" sabi sa akin ni Nadia na nag-aayos na rin pauwi.

"Kaunti na lang ito."

Akala ko ay makakauwi na nga agad ako katulad nang sinabi ko kay Nadia pero hindi ko na namalayan ang oras. It was almost 11PM when I turned off my laptop.

Ilang beses akong nag-inat sa aking swivel chair bago ako nagsimulang mag-ayos ng gamit. I looked at the cubicles of my co-worker and the lights were all off.

Ako na lang talaga ang naiwan. Hindi na rin naman ako nagulat dahil naranasan ko na rin iyon ng ilang beses.

Nang maglakad na ako palabas ng office, madadaanan ko pa ang head office ng boss namin . It's a small office made of glass. Lagi nakababa ang blinds nito kapag may bisita siya o kaya'y kausap sa telepono.

I wasn't expecting anyone inside his office, dahil maaga naman iyong umuuwi nang bigla akong natigilan sa paghakbang nang may marinig akong hindi tama.

It was as if someone's moaning. Agad akong napamura sa isip ko. Dinala ba ng boss ko rito ang asawa niya? Wala bang camera iyong opisina niya?

Mabagal ang bawat hakbang ko sa takot na malaman ng nasa loob na may tao pa pala sa labas. But when I heard another moan of the woman as if she's having the most pleasurable ride of her life, I almost ran to reach the glass door.

Akala ko ay madali ko lang makakalimutan ang narinig kong iyon, because every couple has their own fantasies, not until I heard how my boss called Sarah's name while having that sound of loud spank and Sarah's voice begging for him to do it again.

I ran immediately inside the restroom. I puked thinking about the reason why Sarah has that confidence again. She's a mistress of a married man with three kids.

Nakakaawa na siya.

***

If Kousuke was a typical Japanese, he would not allow an outsider to meddle in our date. Even if they knew each other, I don't think Japanese couples would just simply invite someone to join their table. But Kousuke being his usual friendly self, even entertained the old man.

I never had any complaints about Kousuke's personality, I even liked him being unique and special, but sometimes I secretly wished that he was that typical Japanese.

Kasalukuyan silang nagtatawanan at nagku-kwentuhan gamit ang Nihonggo at wala na akong maintindihan. Minsan ay magsasalita sila ng English para isama ako sa usapan nila pero ako talaga ang tumitigil na magbigay ng kumento.

To be honest, I don't have a good feeling about this old man.

I entertained myself by sipping my frappe and watching Kousuke's expressions. I told myself that Kousuke Matsumoto's not my type, but what happened to me? Enslaved with this Japanese man with his warm smile and laughter.

Sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Kousuke habang nakikipag-usap siya sa matanda ay mas lalawak ang ngiti niya sa akin. Ako na iyong nag-iiwas ng tingin sa kanya at kunwari'y hihigop na lang ulit ng frappe.

Ilang beses na rin kaming nagkakatitigan ni Kousuke, pero ganoon pa rin ang epekto ng titig niya sa akin. I was already this happy with his eyes looking at me.

Hinawakan ko na ang straw at sinimulan kong haluin iyong frappe habang pinakikinggan ang lengguwaheng hindi ko na maintindihan.

Should I learn his language? Kung sabagay I am a half-Japanese girl. Hindi naman siguro masamang subukan na mag-aral ng kanyang lengguwahe.

Hinayaan ko lang makipagtawanan si Kousuke sa matandang lalaki habang lipad ang isip ko sa kung anu-anong bagay.

I really want to keep my attention on Kousuke, but I couldn't help but notice the old man.

Hindi naman siguro niya kami sinusundan?

Mariin akong napapikit sa iniisip ko.

Hindi ba't wala namang pakialam ang mga hapon sa kapwa nila hapon? Pero bakit nagawa niya akong pagsabihan na lumayo kay Kousuke? He was just an unexpected friend, he's not even a relative to begin with. I find it really weird.

Sa halip na sa kanilang dalawa ko pa ituon ang atensyon ko ay pinili kong ibigay ang atensyon ko sa Komeda's Coffee.

Komeda's Coffee Shop was quite different from the other coffee shops that we've been to. Unlike the others which were aesthetically beautiful, this one was simple. The lighting was similar to Joyfull restaurant and even the designs of sofas, but it has that noticeable colored lamps hanging in the middle of the coffee shop. The place was cozy and

Simula nang dumating kami ni Kousuke ay hindi na nadagdagan ng tao maliban sa matandang kausap niya. Well, the peak hours of coffee shops here in Japan is between 2PM-4PM. Madalas pa nga ay maaga sila magsarado. Even Kousuke told me that there are only few coffee shops that are still open during the night.

Nang mapansin na ni Kousuke na humihikab na ako, hindi na niya ako tinanong pa dahil siya na mismo ang nagpaalam sa matanda. I was about to tell him that I was okay and I could just order a cake to entertain myself again, but Kousuke could really read me just for a single look.

Magpapaalam na rin sana ako sa matanda nang maayos nang may panibagong customers na kumuha sa atensyon namin. They should be looking for a space for them to drink their coffee, but their attentions were on us, or should I say to Kousuke?

Hawak na ni Kousuke ang kamay ko nang unti-unti'y binitawan niya iyon habang papalapit ang dalawang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa amin.

"K-Kyohei. . . Shin. . ."

Kousuke had the similar vibe with them when I first saw him. Seryoso at mukhang walang pakialam sa mundo. Pero iba pa rin ang dating ng dalawang hapon na papalapit ngayon sa aming lamesa. They looked strict and too cold, at mukhang bihira lang talagang ngumiti.

The first one, who has the lighter skin, and a long hair that could even reach his shoulder, he has a skinnier body than Kousuke's, his eyes might be small but too sharp and fearless as if he's someone that I should avoid as much as possible.

The next one has that tanned skin, very unusual for a Japanese, he's also skinnier than Kousuke, he looked so manly than the first one, but don't look friendly at all. Para siyang napilitan pang sumama kaya gusto na niyang agad matapos ang pakay niya sa coffee shop na ito.

Kousuke looked hesitant to greet them. Nagsimula na rin siyang magsalita ng Nihonggo habang papalapit ang dalawa sa amin.

Isa lang ang naisip ko sa sitwasyong ito. Did this old man called Kousuke's relatives?

Unti-unti akong lumingon sa matandang lalaki na ngayon ay pinagmamasdan na rin ako. My eyes were asking him why. Masaya na kami ni Kousuke sa bakasyong ito at ang makita ang ganitong ekspresyon ni Kousuke na makita ang mga kamag-anak niya, ay biglang nagpakaba sa akin.

"Ikimashou, Kousuke," agad na sabi ng mas maputing lalaki.

Tumigil siya sa harapan ni Kousuke habang nakapamulsa at nakikipagsukatan ng tingin sa kanya. Habang ang isa ay nakatayo lang sa likuran at nagawa niyang igala ang kanyang mga mata na parang may hinahanap.

Nagsalita muli iyong kaharap ni Kousuke at hindi na siya ang kausap kundi ang matandang lalaki na kausap lang namin kanina. Kahit hindi ko na naiintindihan ang usapan nila agad kong nalalaman sa ekspresyon ni Kousuke na hindi na niya nagugustuhan ang lumalabas sa bibig ng lalaking tinawag niyang Kyohei.

Totoo nga ang sinabi sa akin ni Kousuke. If his relatives would be aware of her existence they would never give an effort to notice me. Siya lang daw ang higit na pahihirapan nila sa desisyon na hindi nila magugustuhan.

Nang subukang hawakan si Kousuke ng lalaking kausap niya, marahas niya iyong sinalag. Umalis na sa likuran niya ang isa pang lalaki at nagtungo na iyon sa counter ng coffee shop at nakipag-usap na sa babaeng mukhang natatakot na sa nangyayari.

Nagsasagutan na si Kousuke at ang lalaking nasa harapan niya. Ilang beses pa siyang tumingin sa likuran ni Kousuke at sa tabi niya na may nakakunot na noo.

I was already glaring at the old man. It was all because of him!

"Yada!" sigaw ni Kousuke.

Lumingon na siya sa akin at lumambot ang kanyang mga mata. He grabbed my hand and pulled me outside of the coffee shop. Nagawa niya pang sagiin ang balikat ng lalaking kausap niya.

Hinayaan ko si Kousuke na hilahin ako patungo sa pulang sasakyan niya, at nang inakala ko ay makakaalis na kami sa lugar na iyon, narinig ko ulit ang pagbubukas ng pinto ng Komeda's Coffee Shop. Nabuksan din ang malaking van na nakaparada sa tabi ng sasakyan namin ni Kousuke.

That was when those men in black grabbed Kousuke away from me. He tried to tighten his grip on my hand, but someone hit him on his head while those two Japanese men watched over us.

"Rhoe Anne!"

I heard him called my name multiple times, I saw him fought and struggled against them, pero walang nagawa si Kousuke nang ipasok siya sa sasakyan. His relatives he called Shin and Kousuke didn't even glance at me before entering the huge van.

Tumango lamang sila sa matandang nakatanaw sa akin bago tumakbo ang sasakyan at iniwan akong tulala sa parking lot. As if I wasn't there and I didn't exist.

"That's how the Matsumoto Family treats the unwelcome woman in their family, Ms. Rhoe Anne."

Hindi ko na napigilan ang luha ko at marahas akong lumingon sa kanya. "I did you call them! You shouldn't have intervened in the very first place!" malakas na sigaw ko.

"Who are you to tell me this?!" mas malakas na sagot ko sa kanya.

"I am someone who failed to help your parents, Rhoe Anne. Someone who wished that she chose me instead. . ."

Kumunot ang noo ko. "W-What?"

"Let's say that I was the one who wasn't chosen. You're a novelist, right? You might say that I am that character called the second lead."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top