Chapter 12

Chapter 12: Revenge

Hana Festa Kani
August 23, 2022

Sarah, my cousin did everything to give me a living hell. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa akin. I tried to know what would be the possible reason for her hatred, but I couldn't find one.

Wala naman akong natatandaang masamang ginawa sa kanya. I could still remember how close we were before, pero isang araw nalaman ko na lang na sinisiraan niya ako sa lahat.

We should be each other's back, dahil magpinsan kami pero minsan kadugo mo pa talaga ang sisira sa 'yo.

Nore's been telling me that Sarah's insecure with me. Pero dapat niya ba akong kainggitan talaga? She has the complete family, her mother loves her so much, and her father provides her needs. Nakukuha niya naman ang lahat ng gusto niya.

If she's insecure with my high grades in academics, hindi ba dapat ay mag-aral siya nang mas mabuti para higitan niya ako? If she's insecure because I have curves, she can work out. She can always find a way. Dahil kung patuloy niyang tinitingnan ang lahat ng maganda sa akin, she will never appreciate hers.

May mga bagay rin naman siyang hindi ko kayang gawin at hinahangaan ng lahat. She's good in foreign language class and our Japanese sensei admired her for that.

Bakit hindi na lang siya maging masaya sa sarili niyang achievement? Why does she need to push those qualities that she don't have? Bakit niya kailangang makipagkumpetensya sa akin?

Blowing someone else's candle will never make yours brighter. Kahit ilang beses niyang gawing miserable ang buhay ko sa school, kahit ilang beses niyang sirain ang pangalan ko, o kaya'y ipabugbog sa kanyang ina, hindi nito matatanggal ang kakayahang mayroon ako.

Minsan napapaisip na ako kung totoo bang masaya si Sarah sa lahat ng ginagawa niya? Does she feel the satisfaction and happiness for achieving a goal that she did not deserve?

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang abala sa pagtatahi ng punda ng unan ni Sarah nang dumating na ang pinakahihintay niya. Tita Kiana and Sarah celebrated when the ten complimentary books of Rowing Anne's first published book arrived.

"Sabi ng publisher kailangan ko rin daw pumunta sa office nila para pumirma ng ibang books pa. Gosh! I am so excited!" tuwang-tuwang sabi ni Sarah.

When she noticed that I was blankly watching her and her mother, pinagtaasan niya ako ng kilay.

"This is not yours, Rhoe Anne. I edited it. Kaunti lang talaga ang sinulat mo rito dahil marami akong binago, kaya huwag kang mag-isip dyan nang kung anu-ano."

Pagod na akong makinig sa mga salita ni Sarah kaya yumuko na lang ako at pinagpatuloy ang pananahi ko.

***

"W-What do you mean?"

Bago ako tuluyang kabigin ni Kousuke sa mga bisig niya ay sinulyapan niya ang pamilyang bumaba lang sa sasakyan. He looked confused as he followed his gaze to the family.

"What happened?"

He delicately pulled me into his embrace as I willingly buried my face in his chest. Ramdam ko ang haplos niya sa ibabaw ng ulo ko. He tried to soften his voice so that it almost sounded like a soothing whisper. "Rhoe Anne, what's going on?"

Ang tangi ko lang nagawa ay umiling sa kanya habang nakasubsob pa rin ang mukha ko sa dibdib niya.

Should I tell him what I saw? Should I tell him that I've been seeing unbelievable things? Baka isipin na ni Kousuke na baliw ako. Alam kong napapansin niya na lagi na lang ako malungkot, madalas lumuluha mag-isa at pabago-bago ang pag-uugali.

And I've been asking him weird questions lately, at kapag siya naman ang nagtatanong tungkol doon ay hindi ko naman siya sinasagot.

"Maybe I am just tired, Kousuke. . ."

Nakasandal na si Kousuke sa kanyang pulang kotse habang hinahayaan niyang nakasuporta ang buong bigat ko sa kanya.

He gently cupped my face as he tried to tilt my head upward to meet his eyes. He softly brushed his thumb against my tears.

"If you're not ready to tell me everything, I can wait for you, Rhoe Anne. But don't take too long, because I have my ways, and I am still a Matsumoto who knows how to get his information."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabing iyon ni Kousuke. Bigla akong natakot sa puwede niyang malaman.

He might discover how miserable my life was in the Philippines, and I don't want him to look at me with those eyes— pity.

Siguro ay nakita ni Kousuke ang takot sa aking mga mata nang marinig ko ang sinabi niya. He smiled at me as his hands held mine, tipid niya iyong pinisil.

"But I will wait for you if that's what you want. Let's go home."

Inalalayan ako ni Kousuke na pumasok sa sasakyan bago siya umikot at naupo sa driver's seat. Bago niya pa hinawakan ang manibela ay nagawa niya pang hawakan ang kamay kong nakapatong sa hita ko.

"Don't worry about it, Rhoe Anne."

Kousuke respected my silence as we drove back our way home. Pero habang nilalamon kami ng katahimikan, mas hindi napapanatag ang kalooban ko.

What's wrong about me? I never shared my pain to anyone. Buong buhay ay sinarili ko ang lahat ng paghihirap ko dahil itinatak ko sa sarili ko na mag-isa lamang ako.

And I can't even move on with the past.

Inihatid akong muli ni Kousuke sa tapat ng pintuan ng kuwarto ko. We stared at each other for almost a minute before I gathered all my strength to talk with him.

"I appreciate everything today, Kousuke. Thank you so much."

Tumango siya. He took the small distance between us before he gave me his gentle kiss on my forehead. "I'll see you tomorrow."

Ngumiti ako sa kanya.

Nang sandaling makapasok na ako sa hotel room ko, ang tangi ko na lang nagawa ay sumandal sa pintuan hanggang sa unti-unti na akong dumausdos roon. Pinagsalikop ko ang aking mga hita at niyakap iyon. I buried my face on my knees as I cried inside my room.

Kousuke is so kind. Sa paanong paraan niya pa ako napapakisamahan? Was he trained to treat girls like me? As if he's used to taking good care of a damsel in distress, a fragile woman. . . someone like me.

Hindi ko naman inaasahan na may makikilala akong katulad niya sa pagbabakasyon ko. I was expecting that I'd be alone, pero habang tumatagal natatakot na ako sa nararamdaman ko kay Kousuke.

I am so scared that I might get used to his presence and I'd seek for his comfort. . . bagay na hindi na nagawa ng aking ama sa aking ina.

Sobrang hina ng loob ko na hanggang ngayon ay wala pa rin akong kakayahang angkinin ang bagay na gusto ko.

I just let go. Hindi ako kailanman natutong lumaban. And I hate myself for being this weak.

***

When I woke up early in the morning, I talked to myself in front of the mirror. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak o gagawa ng bagay na magpapaalala kay Kousuke. And I shouldn't make memories of my parents' special places with my crying face.

Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang pintuan ko. And to my surprise, Kousuke's already waiting for me. At hindi lang iyon dahil ay hawak siyang isang tangkay ng sunflower.

"I hope the color of this flower will make you smile; the color of sunshine and new day to make good memories," halos hindi ko na makita ang mata ni Kousuke ng ngumiti siya sa akin.

I accepted his flower. "Thank you."

Sabay na kaming naglakad patungo sa sasakyan niya na may sarili na yatang parking lot sa harap ng aking hotel.

"Where are we going today?" tanong ko.

"We are going to Kani today. We are going to a place called Hana Festa. There are lots of sunflowers in that place and more food trucks."

Tumango ako sa kanya.

"Are you okay now?"

"Yes."

Alam kong hindi na bubuksan ni Kousuke ang usapan tungkol sa nangyari kahapon, kaya ako na ang nagsimula.

I was still bothered by what happened yesterday, and I've been keeping him in the dark. Yes, he might be a newly found friend and he doesn't need to know more about me, pero hindi ba't pagkakataon ko na ito para huminga man lang?

"I am sorry about what happened, Kousuke. Sorry for being this dramatic girl."

"Huh? No. You don't need to apologize, Rhoe Anne."

"I know that I've been giving you a hard time and I really appreciate your efforts. If I could do something for you. . ."

"No. You don't have to. I enjoy your company," saglit siyang lumingon sa akin at tipid na ngumiti bago nagbalik ng tingin sa kalsada.

"Are you sure that you don't want to ask me something?"

Mas humarap ako sa kanya. I noticed that I was wearing another corset type white long summer dress and it has a small silk ribbon from my chest down to my belly button.

Nagbibiro kong hinawakan ang puting laso na nakatali sa dibdib ko. "Should I pull this, Mr. Matsumoto?"

Dalawang beses siyang napalingon sa akin, ang una ay gulat ang kanyang mga mata, at ang sa pangalawanag beses naman ay nakakunot na.

"I suppose that you're really in a good mood right now. You and your silly flirting ways."

Ipinagpatuloy ko ang paghila ng laso dahilan kung bakit bahagya nang bumuka ang suot ko. I saw how he gulped twice. Hindi man siya nakatingin sa akin at diretso ang titig niya roon sa kalsada sa gilid ng kanyang mga mata ay nakasunod siya sa galaw ng mga kamay ko.

"I prefer pulling it myself."

Natawa na ako sa sinabi niya. Sumandal na ako sa aking upuan at itinali ko muli nang maayos ang suot ko.

"Don't worry, Mr. Matsumoto. I am also a liberated girl despite of my love for the countryside. We can have our good bye hmm—" sadya kong binitin ang dapat kong sasabihin sa kanya.

"Good bye what?" tanong niya.

Pero alam kong naiintindihan niya ang ibig sabihin ko. I could see how he tightened his grip on the steering wheel. The veins on his hands and arms, then he gulped and looked at me from my face down to my neck to my chest.

"Isa pa, ulam ka na, hindi pa ba kita titikman?" natawa ako sa sinabi ko na mas nagpakunot ng kanyang noo.

"What?"

I shrugged my shoulders. "I said you're handsome."

He didn't look convinced. "I think I heard that answer before," naiiling na sabi niya.

Hindi na naging mabigat ang usapan namin ni Kousuke at nagbiruan na lang kaming dalawa. I was trying to flirt with him while he was busy driving, but he kept telling me to stop kahit gusto niya naman talaga.

Madilim na nang makarating kami sa Hana Festa. Nang makarating kami sa parking lot, napakarami na nang naka-park na mga sasakyan.

At magkahawak kami ni Kousuke ng kamay habang nagkukulitan na naglakad patungo sa entrance. And just like before, people kept on looking at us, particularly at Kousuke because he was dating a foreigner.

Hindi na talaga siguro mawawala iyon. May ilan naman na wala na talagang pakialam pero mayroon pa rin talaga na hindi matago ang kanilang ekspresyon. Nang makuha na namin ng ticket, mas dumikit sa akin si Kousuke na hindi man lang binibitawan ang aking kamay.

"Don't mind them. They're just jealous that I have a very beautiful girlfriend," umirap ako sa kanya.

Pansin ko naman kasi na may mga couple rin naman na katulad namin ni Kousuke, pero karamihan sa kanila ay sabay lang naglalakad at hindi man lang naghahawak ng kamay.

Kousuke and I were quite different, dahil hindi lang paghahawak ng kamay ang ginagawa namin dahil madalas pa siyang bumubulong-bulong sa akin at ang kamay niyang pumupulot sa baywang ko sa tuwing may gusto siyang sabihin sa akin.

Halos hindi na nga kami makalayo ni Kousuke sa entrance dahil sa pagkukulitan namin. Kousuke will suddenly guide me into a dance, he will turn me slowly like a princess in a ball, biglang kakabigin at akmang hahalikan pero iniiwas ko ang mukha ko sa kanya at magtatawanan kami sa isa't isa.

Pansin ko na mas lumambing si Kousuke matapos ang gabing iyon. He was still conscious before, but this time he was too bold, na parang wala na siya talagang nakikita kundi ako.

Dahil gabi na, the place were full of lights with flowers of different colors. Pagpasok pa lang ay makakakita na ng iba't ibang maliliit na landscape. The pathway has clusters of LED candles that made the place so romantic.

Sa halip na sundan namin ni Kousuke ang daan kung saan naglalakad ang maraming tao, pinili namin ni Kousuke sundan iyong mga kandila patungo sa mas madilim na daan.

Nauna siyang maglakad sa akin habang hila niya ang kamay ko at nang tumigil siya, hinarap niya ako at sinapo niya ang mga pisngi ko.

"I hope I can make you happy, Rhoe Anne. Tell me what to do to make you happy. I can even do that revenge for you. Just tell me what caused you so much pain. I will end it for you," malamig na sabi niya.

And for the very first time, I saw the other side of Kousuke Matsumoto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top