Summer Salt

Summer Salt


Gumulong ang ginintuang dila ng ningas sa isang gilid, at nadarang nito ang gamugamo, nalaglag sa langis, saglit gumalaw, at pagkaraa'y naging tahimik. Parang mahalagang pangyayari iyon sa akin. May naramdaman akong pagbabago sa sarili. Pakiramdam ko'y lumalayo ang ningas at mga gamugamo habang ang boses ng aking ina ay kakaiba na. Hindi ko nga napunang natapos na ang aking ina sa pagkukuwento ng pabula. Ang buong atensiyon ko'y nakatuon sa mukhang kulisap. Pinagmasdan ko ito nang buo kong kaluluwa...Namatay itong martir sa sariling ilusyon.

Itinaas ko ang mata kay Apex na nakaupo sa upuan dapat ng teacher sa harap. Nag-iwan lang ng seatwork tapos ay ibinilin sa Seniors ang pagbabantay. Inulit ko pang basahin ang teksto bago ako nagsulat sa piraso ng papel.

Ngumisi ako nang tumayo at maglakad patungo kay Apex. Lalong lumaki ang ngisi ko nang nag-angat siya ng tingin.

Sumimangot siya nang makita ang inilapag kong papel sa lamesa.

Bumalik ako sa upuan at napaaray nang hampasin ako ni Lily sa braso.

"Kailangan mo nang tumigil. He already said that he only thinks of you as Lucky's little sister. Baka mag-away pa sila ng kuya mo dahil sa'yo."

"I'm just messing around." Humalakhak ako at tumigil din nang si Apex naman ako nagtungo sa upuan ko. Nilapag niya ang papel na may pulang mga marka doon.

It says,
From Z to A

Can you be my summer love?
O Yes       O No

He made a shaded circle and written are the words, FOCUS in a very neat penmanship. Kinilig pa ako bago nagpatuloy sa pagsasagot.

It was our last exam day. Mamaya ay nakaplano na kaming pumunta ng beach para magcelebrate ng summer break. Sila Apex ay nag-organize din ng recruitment program para sa mga banda na gustong sumali sa battle of the bands next school year. Sa beach ding iyon gaganapin kaya lalo akong nae-excite.

Apex is my brother's bestfriend. Hindi kami close kahit noon pa ngunit habang lumalaki ako'y parang nag-iiba ang tingin ko sa kaniya. He's two years older at masyadong suplado kaya parang mas ginaganahan ako sa pangungulit. I want to see what's underneath his serious and grumpy demeanor.

Mabilis siyang umalis nang classroom namin nang nakapagpasa na lahat ng answer sheet at test paper. Nagpaalam na din ako kay Lily at sinabing magkita na lang kami sa beach. Nag-aayos na ng gamit si Kuya sa kotse nang makauwi ako sa amin.

"Don't pack bikinis. Sinabi sa'kin ni Lily na may balak kayo. 'Wag mo nang subukan baka hindi pa kita pasamahin." Tumakbo agad ako sa kwarto habang nagdadabog. My bodies not even matured enough for that.

Nakaready na ang bag ko bago pa man magsimula ang exam week kaya mabilis ko lang itong nakuha. Dumiretso ako sa passenger seat ng kotse nang makitang nandoon na din ang driver. Nagpaalam na kami kay Mommy kagabi pa lang. Pumayag naman siya dahil kasama ko din naman si Kuya sa pupuntahan.

Papalubog na ang araw nang makarating kami. Pagkaparada pa lang ng sasakyan sa parking lot ng resort at tumakbo na ako sa dagat. Sumigaw pa si Kuya na bitbitin ko daw ang gamit ngunit tuloy pa din ang takbo ko sa dalampasigan.

Sumulong ako sa dagat at pumailalim sa alon hanggang sa hindi na maabot ng paa ko ang buhangin sa ilalim. I float and stare at the falling sun for a while. Napatingin ako sa resort nang makarinig ng tili mula doon. Yumakap si Annie kay Apex nang magkalapit sila. They were part of the same band before Annie transferred to another school. Sabi pa sa rumor ay naging M.U. daw sila dati.

Iniwas ni Apex ang mukha niya nang tangkang hahalikan siya ni Annie sa pisngi. Tumawa ako habang nakaisip ng ideya. Kinawag ko ang isang kamay at pahisteryang iwinagayway ang isa pa sa ere. Napatingin si Apex sa banda ko ngunit tumalikod din at pumasok sa resort.

Napatigil ako. I really like him. I've done so many crazy things before. It's not healthy. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na tumigil na pero sa tuwing nagdedesisyon akong tama na ay may ginagawa siyang kung ano na nagpapabalik sa akin sa kaniya.

Nagulat ako nang may sumaging malambot sa hita ko. Lumusong ako para makita ngunit masyadong madilim. Luminga pa ako nang  luminga hanggang sa maubusan ako ng hininga.

Sa sumunod kong pag-ahon ay matamis na ang dagat. Sa malayo ay tanaw ko ang takot at pag-aalala sa mukha ni Apex. I never saw him like that before.

"Okay ka lang? Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo yata ako naririnig." Napangiti ako nang abutan niya ako ng tuwalya. Hindi ko agad ito nakuha kaya siya pa ang kusang nagpunas sa buhok ko.

If this is a dream, I don't want to wake up.

"I-I'm fine, Kuya Apex."

"Apex na lang, Z." Namula ako sa tawag niya. No one calls me that!

Lumakad ako papunta sa hotel para hanapin si Kuya. Nakasunod pa din sa likod ko si Apex. Kinunotan ko siya ng noo.

"Magbibihis ka? Ihatid na kita sa kwarto mo." I nodded slowly.

This is awkward. Nasanay ako na ao lagi ang nakabuntot sa kaniya. Ngayon tuloy ay parang nako-conscious ako na kahit sa paglalakad ay parang hirap pa.

Nang marating ang harap ng aking kwarto ay tumigil ako para harapin siya.

"Thank you. Dito na ako." Tinitigan niya ang number ng pintuan saka tumikhim.

"Can I text you tonight? Nasa akin na ang number mo."

Napaawang ang bibig ko saka pinigilang magtaas ng kilay.

What the hell is happening?

"Okay." Agad akong pumasok sa kwarto at nagbihis. I texted Lily but I can't contact her pati si Kuya.

Wala pang isang oras ay tumunog na ang phone ko.

Unknown Number:
         This is Apex. Save my number.

I saved it.

Zola:
Where'd you got mine?

Ang arte mo, Zola. Buti nga ay pinag-aaksayahan ka pa ng oras ng tao.

Apex:
       Lucky. Open the door.

Napabangon ako sa pagkakahiga at napatingin sa pintuan. It was followed by three knocks.

Dahan-dahan akong lumapit at pinihit ang knob ng pintuan. Sa labas ng kwarto ko ay nakaabang si Apex habang nakatingin sa kaniyang phone. Inangat niya ang mga mata sa akin.

He slowly smiled. Napaatras ako sa loob at hindi na halos alam ang gagawin.

"B-Bakit?" Tanong ko.

"Hindi ako makatulog. Usap lang tayo." Humakbang siya papasok at wala na akong nagawa kun'di sumunod.

Umupo siya sa kama habang sinasarado ko ang pintuan. Nilibot niya ng tingin ang kabuuan ng kwarto bago tinapik ang kama.

"Dito ka." Ngumiti siya. Hindi ako sanay na para sa akin ang ngiti niya.

I sat beside him. The silence was awkward. Ngayon pa yata ako naduwag na nandito na siya kasama ko.

"Ang init." Wika niya.

Tumitig siya sa akin ng ilang sandali bago marahas na isinara ang distansya namin. Napaurong ako ngunit huli na ang lahat. His lips met mine. Itinulak ko siya sa pagkabigla ngunit natawa din kalaunan.

"You only like the chase, Z? Saan na ang tapang mo?" Muli siyang umamba kaya tumayo na ako. Nagulat ako nang bigla niya akong hinila at ibinagsak sa kama. Nagpanic na ako dahil madiin na ang kapit ng mga kamay niya sa akin.

"Apex, a-ano ba?"

"Sssh." He said while positioning himself between my thighs.

I woked up again floating in a salty sea.
Hindi ko alam kung dahil nga ba sa karagatan o sa mga luhang dumadaloy sa mukha ko.

It happened a long time ago when I was in highschool. I got work now pero naiwan pa din ang pait ng ala-alang iyon.

Pinawi ko ang luhang lumandas sa pisngi ko bago bumalik sa tabing-dagat.

I keep thinking what I should have done. Sa mga ordinaryong araw na wala akong maisip ay iyon ang nagpupumilit na hanapan ko ng alternatibo.

I should have said no more. O kaya ay nanlaban pa ako ng kahit kaunti pa. I should have push him harder. Kung sana ay naging mas matapang ako. Kung sana ay mas tinuunan ko ng pansin ang pag-iisip kung paano ako makakatakas.

Baka napigilan ko siya. Baka okay ako ngayon.

Kung sana ay hindi ako nagpadala sa batang pag-ibig.

Baka hindi ako ganito. Baka iba akong tao.

Baka.




----------*


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top