Chapter 4

Dahil ilang araw akong hindi nakapag-update sa story na 'to, medyo hinabaan ko ang chapter na 'to. By the way, kindly support this story of mine. Thank you, guys. 💕💕

Chapter 4

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalagang si Charity habang pinagmamasdan ang kuya niyang si Rashniel. Bagamat hindi sila tunay na magkadugo tinuring na ni Rashniel na parang tunay na kapatid ang dalaga. Dahil hindi pa muling bumabalik sa school ang dalaga, kaya hindi maiwasan ni Charity na mabagot sa unit ng binata. Dahil sa nangyari sa kaniya nagpasiya ang binatang si Rashniel na sa unit muna niya pansamatalang manuluyan ang dalaga.

Laking pasasalamat na lamang din ni Rashniel na ayos na ang kalagayan ng dalaga. Dahil hindi pa ganoong naghihilom ang sugat ng dalaga kaya hindi pumayag ang binata na bumalik ito sa school. Kung kaya't walang magawa ang dalaga kung 'di ang kumain at tumulog lang sa maghapon.

Ngayon lamang naiba sapagkat nandito muli ang ibang kaibigan ng kuya Rashniel niya. Dahil sa gustong aliwin ng dalaga ang sarili nagpasiya siya na manood sa praktis ng mga ito. Noong una ay nagulat pa ang dalaga ng malaman na kasali pala ang mga ito sa "battle of the band." Sapagkat hindi niya akalain na maalam pa lang mag-drums ang kuya Rashniel niya.

"Kuya, gusto ninyo ba ng snacks? Pasigaw na tanong ng dalagang si Charity.

Dahil sa tanong ni Charity mabilis na lumingon ang mga kaibigan ng kuya niya na sina Gin at Terrence. Maliban na lamang kay Zack na abala sa pagtugtog nito ng drums. Habang ang kuya naman niya ay abala sa pagtugtog nito ng gitara. Nang mapansin si Charity ni Rashniel nakangiting tumango ito sa dalaga senyales ng pagsang-ayon nito.

Masaya namang nagtungo ang dalaga sa kusina upang gumawa ng sandwhich para sa mga ito. Ganoon na lamang ang pangungunot ng noo ng dalaga ng may mapagtanto siya. Kaagad na nanlaki ang mata niya ng mapansin niyang walang vocalist ang grupo ng kuya Rashniel niya.

Noong una ang akala niya ay ang kuya Rasniel niya ang kakanta pero ang sabi nito ay babae raw ang vocalist nila. Sa halip na pagtuunan pa iyon ng pansin ng dalaga masaya na lamang siyang gumawa ng sandwhich. Bukod dito, nagtimpla na rin siya ng juice para sa mga ito at pati na rin sa kaniya. Ilang oras pa ay natapos na ang pagpa-praktis ng kuya niya pati ang mga kaibigan nito.

Laking tuwa naman ng dalaga ng magustuhan ng mga ito ang ginawa niyang sandwhich. Hanggang sa lumipas pa ang mga oras pero walang vocalist na dumating sa unit ng kuya niya. Kaya naman hindi maiwasan ng dalaga na hindi mapaisip kung sino ang vocalist ng mga ito.

"Hey, are you okay?" May pag-aalalang tanong ni Rashniel kay Charity.

"Yup." Mabilis at nakangiti namang sagot ng dalaga.

Dahil sa malalim niyang iniisip hindi namalayan ng dalaga na nakaalis na pala ang mga kaibigan ng kuya niya. Ngunit, mababakas sa mukha ni Charity ang pagtataka ng makita niyang hindi pa pala nakakaalis si Zack. Sapagkata ang buong akala niya ay nakaalis na rin ito pero mukhang galing lang ito sa banyo.

"Wait, bakit hindi ka pa umaalis?" Nakakunot ang noo na tanong ni Charity kay Zack.

"Dito ako matutulog? By the way, kumusta ang sugat mo?"

"Okay na naman siya. Hindi katulad noong una na halatang-halata pa siya. Ngayon ay unti-unti na siyang naghihilom." Balewala namang sagot ng dalaga habang inaayos ang pinagkainan nila.

"Hmm... How about the wound in your back?"

"Medyo okay na siya. Pero minsan dumudugo siya pero ayos na siya ngayon. Teka, bakit ba ang dami mong tanong?"

Sa halip na makarinig pa ng sagot ang dalaga tanging katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Napansin na lamang ng dalaga na tinutulungan na pala siya ng binata sa pag-aayos ng pinagkainan nila. Doon din napagtanto ng dalaga na hindi pala ito antipatiko kagaya ng inaakala niya. Minsan nga napapaisip siya kung bakit parang ang bait-bait sa kaniya ng binata. Sa hindi malamang dahilan mabilis na gumaan ang loob niya para kay Zack.

Sa kabilang dako naman, tulalang kumakain ng kaniyang pagkain ang binatang si Zaito. Buhat ng hindi pumasok si Charity pakiramdam ng binata na tila ba may kulang. Napukaw lamang ang atensyon ng binata ng mahinang ibaba ng ina nito ang hawak na kubyertos.

"By the way, kumusta na kayo ni Charity? Ang tagal na niyang hindi dumadalaw dito."

"I don't know." Balewalang sagot ni Zaito at nagpatuloy sa pagkain nito.

"What do you mean? Don't tell me ang Beatrice na namang 'yon ang kasama mo palagi? Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko sa babaeng 'yon!"

"Mommy! Hanggang ngayon 'yan pa rin ang sinasabi ninyo! Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko kay Charity. Bakit ba pinipilit ninyo ako sa kaniya?"

"Dahil alam kong mabait si Charity. Hindi kagaya ng nililigawan mo na nasa loob ang kulo!"

Dahil sa narinig ni Zaito padabog na tumayo ang binata at walang pasabing umalis sa hapagkainan. Samantalang tanging pag-iling naman ang nagawa ng mommy nito na tila ba nalugi sa negosyo ang ekspresyon nito. Sa halip na hintayin pa si Zaito sa hapagkainan mabilis na rin tumayo ang ina nito.

Habang si Zaito naman ay nagtungo sa kwarto nito at mabilis na tinawagan si Beatrice. Ganoon na lamang ang pagtataka ng binata dahil hindi ito sumasagot. Sa halip na tawagan pang muli ang dalaga nagpasiya na lamang na manood ng movie ang binata.

Hindi pa nagtagal ay nagpaalam ng muli ang haring araw. Kasabay nito ay ang unti-unting pagdilim ng kapaligiran. Bagamat masama ang loob ng binata dahil sa napag-usapan nilang mag-ina. Pinili na lamang nitong magkulong sa kwarto nito. Dahil sa tutok ng binata sa panonood nito hindi namalayan ni Zaito ang oras. Nang mapansin nitong hatinggabi na pala nagpasiya ang binata na matulog na.

Dahil nababalot ng kadiliman ang paligid tanging tunog ng orasan ang maririnig. Kasabay pa nito ay ang mumunting huni ng kulisap. Kung minsan pa'y sinasabayan ng tahol ng mga aso. Hanggang sa lumipas pa ang oras at nagsisimula na muling magliwanag ang kapagligiran.

Mabilis pa sa kidlat na inimulat ni Charity ang kaniyang mga mata. Nang mapansin niyang alas-kwatro na ng madaling araw mabilis siyang naghilamos. Kaagad namang inabala ng dalaga ang sarili sa pagluluto para sa kanilang almusal. Kung kaya't hindi maiwasan ng dalaga na hindi mapangiti sapagkat araw na ng lunes.

Ibig sabihin nito ay muli na siyang makakabalik sa school nila. Kagaya na lamang ng napag-usapan nila ng kuya Rashniel niya. Dahil sa abala ang dalaga sa kaniyang pagluluto hindi niya napansin na matiim na pala siyang tinititigan ni Zack. Sa paraan pa lang ng pagtitig nito, mababakas sa mata nito ang kakaibang emosyon na tanging ang dalaga lamang ang nakapagpaparamdam nito sa binatang si Zack.

"Good morning, Charity." Seryosong bati ni Zack habang matiim na nakatitig sa dalagang si Charity.

"Good morning din, Zack. Maupo ka na para makapaghain na rin ako. Si kuya nga pala?" Magiliw namang pahayag ni Charity sa binata habang abala sa pagsasalin sa plato ng fried rice na niluto niya.

Kasabay naman nito ay ang pagpasok ni Rashniel sa kusina. Sa hitsura nito mahahalatang kagigising lang nito dahil sa hihikab-hikab pa ito. Isama mo pa ang pakamot-kamot nito sa may bandang tiyan nito.

"Good morning, kuya. Maupo ka na rin para makakain na tayo."

Kaagad namang tumango ang binata at nakangiting umupo upang mag-agahan. Ilang minuto pa ang nakalipas ng matapos ang kanilang pag-aagahan. Kaagad namang nagpresinta sa paglilinis ng kinainan nila ang binatang si Zack. Habang si Charity naman ay mabilis na nagtungo sa kwarto niya upang maligo at makapaghanda na sa pagpasok sa school nila.

Bagamat nahihiya na si Charity na manuluyan sa unit ng kuya Rashniel niya. Kinapalan na lamang niya ang kaniyang mukha na manatili sa unit ng kuya niya. Sapagkat kung ang dalaga ang tatanungin ay ayaw na niyang bumalik sa lugar na alam niyang hindi na siya ligtas.

Nang sumapit na ang ikapito ng umaga handa na sa pagpasok sina Zack at Rashniel maliban na lamang kay Charity. Kaagad namang kinatok ni Rashniel ang kwartong pansamantalang tinutuluyan ng dalaga sa unit nito. Kasabay nito ay ang pagpasok ng binata at kaagad na bumungad dito ang dalagang abala sa paglalagay ng gasa sa may paa nito.

Dahil sa natamong sugat ng dalaga halos isang linggo rin siyang hindi nakapasok. Kung kaya't hindi maiwasan ng dalaga na hindi manghinayang, sapagkat alam niyang huling-huli na siya sa klase nila. Nag-aalala rin siya kung ano ang sasabihin niya sa mga kaibigan niya sa matagal niyang pagkawala.

"Hey, baby, what are you doing?" Malambing na tanong ni Rashniel sa dalaga.

Kasabay nito ay ang pagsuri nito sa kabuuan ng dalaga. Mabilis namang lumapit si Zack sa gawi ng dalaga at marahang hinawakan ang may binti ni Charity.

"Nilalagyan ko lang ng gasa ang paa ko, kuya. Medyo malalim kasi ang pagkakasugat nito. Nag-aalala lang ako na baka magdugo ito although medyo hilom na naman ito magaling na rin ang nag-iingat." Mahabang litanya ng dalaga habang tatawa-tawa sa harapan ng kuya Rashniel niya.

Samantalang si Zack naman ay mabilis na inagaw kay Charity ang gasa. Wala namang nagawa ang dalaga kung 'di ang pagbigyan na lamang ang binata sa kagustuhan nito. Sa halos isang linggong nakasama ni Charity si Zack tila ba nasanay na siya rito.

"Tsk! Make sure to take care of your self. Kapag may nangyari just call me and i'll be there." Litanya naman ni Zack na katatapos lang sa paglalagay ng gasa sa paa ng dalaga.

Nang matapos na ang seremonyas nilang tatlo sabay-sabay silang tumungo sa school nila. Dahil sa mahabang pagkawala ni Charity kaagad siyang nagtungo sa mga guro niya. Habang sina Zack at kuya Rashniel niya ay nagtungo na sa clasroom ng mga ito.

"Good morning, Ma'am and Sir." Magalang na bati ni Charity bago tuluyang pumasok ng faculty.

"Oh! Miss Decker, long time no see." Gulat na gulat na litanya ni Miss Maranan sa kapapasok lang na si Charity.

"Sorry po, ngayon lang ako nakapasok nagkaroon lang po ng emergency sa bahay." Magalang namang litanya ni Charity kasabay ay ang pagyuko niya sa harapan ng guro niya.

"It's okay, Charity. Don't worry, nasabi ko na rin sa iba mo pang guro ang dahilan kung bakit ka nawala ng matagal."

"Po?"

Dahil sa narinig ng dalaga hindi niya maiwasan na hindi mapakunot ng noo. Batay pa lang sa hitsura ni Charity mahahalata mong gulong-gulo siya sa nangyayari. Kaagad namang napansin ng guro niya ang pagtataka sa mukha ng dalaga. Dahil dito hindi nito maiwasan na hindi matawa sa reaksyon ng dalaga.

"Ang ibig kong sabihin nagpunta sa akin iyong isang senior sa business department. Nasabi niya sa akin na naaksidente ka kaya hindi ka muna makakapasok. Ikaw ha! Charity hindi mo naman sinabi na may kakilala ka pa lang gwapong senior." Tila ba nanunudyong litanya ng guro ni Charity na si Miss Maranan.

"Hehehe! Ganoon po pala."

"Teka! Manliligaw mo ba 'yon?"

Mabilis naman ang ginawang pag-iling ni Charity. Sapagkat hindi niya alam kung sino ba ang tinutukoy ng guro niya. Matapos ang mahabang paliwanagan magalang na nagpaalam si Charity sa guro niyang si Miss Maranan.

Kaagad namang napatampal ng noo si Charity dahil hindi niya alam kung saan ba siya pupunta. Sapagkat hindi siya sigurado kung nasa classroom ba ang mga kaibigan niya lalo na't ngayon ang simula ng Intramurals ng school nila. Kanina pa niyang tinatawagan ang kaibigan niyang si Denise pero hindi naman nito sinasagot ang tawag niya.

Dahil sa nasira ang cellphone ni Charity kaya ibinili siya ng kuya Rashniel niya ng bago. Noong una ay ayaw pa niya itong tanggapin dahil sa nahihiya na siya sa kuya niya. Kalaunan ay wala rin siyang nagawa kung 'di tanggapin ang cellphone na binili ng kuya Rashniel niya para sa kaniya. Dahil sa hindi alam ni Charity kung saan siya pupunta nagpasiya siyang magtungo muna sa classroom nila.

Sari-sari namang ingay ang narinig ng dalaga habang naglalakad siya sa hallway. May mga nagsisigawang babae dahil sa nakitang dumaan ang mga crush nila. Mayroon din namang mga nagpapatalbog ng bola na tila naghahanda sa laban ng mga ito. Nang makarating si Charity sa classroom nila napansin niyang kahit isang tao ay wala siyang naabutan.

Akmang paalis na sana siya ng mapansin niya ang kaklase niyang si Billy na patungo sa classroom nila. Noong una ay hindi pa siya nito napansin pero kalaunan ay kaagad na nanlaki ang mata nito. Sa hitsura nito daig pa nito ang nakakita ng multo dahil sa nanlaki ang singkit nitong mata. Gusto man niyang matawa pero pinigilan lang ng dalaga ang sarili dahil baka bigla na lamang magalit sa kaniya si Billy.

"Billy, nasaan ang iba nating kaklase?" Tanong ni Charity sa binatang natulala sa harapan niya.

"N-Nasa gym na silang lahat."

"Gym? Anong mayroon sa gym?"

"Ngayon kasi magaganap ang battle of the band kaya maaga pa lang ay nandoon na sila."

Kaagad na napanganga si Charity dahil sa gulat niya. Sapagkat ang buong akala niya ay sa biyernes pa ito gaganapin. Unlike sa ibang contest, naiiba ang battle of the band, sapagkat dito ay pwedeng sumali kahit hindi magka-year level ang magkakasama sa grupo. Basta ba walang rules na lalabagin ang mga sasali rito.

"Thank you, Billy. Bakit nga pala pabalik ka sa classroom natin?"

"Matutulog sana ako kaya lang nawala ang antok ko dahil sa 'yo. Kumusta ka pala? Bakit ngayon ka lang pumasok?"

Akmang sasagot na sana si Charity ng bigla na lamang may humawak ng kamay niya. Dahil sa gulat malakas na napasigaw ang dalaga dahilan upang makuha niya ang atensiyon ng ibang estudyante.

"Ayyy! Zack! Bakit ba bigla ka na lang nanggugulat?"

"Wala na tayong oras pa para magtalo. We need you." Seryosong saad ni Zack at mabilis na hinila ang dalaga.

Kahit magpaalam kay Billy ay hindi nagawa ng dalaga dahil sa bigla na lang siyang hinila ni Zack. Bagamat naguguluhan hindi na nakipagtalo pa ang dalaga dahil napansin niya kung gaano kaseryoso ang binatang si Zack.

"Zack, nasaan na ang sinasabi mong kapalit ni Janine? At saka, bakit kasama mo si Charity?" Naguguluhang tanong ni Rashniel sa kaibigan nitong si Zack.

"Kasama ko na siya ngayon. I told you, wala tayong aasahan sa Janine na 'yon!"

"What do you mean? Kasama? Sino?"

"Charity. Siya ang gagawin nating vocalist sa grupo natin. Kalimutan mo na ang Janine na 'yon! Tsk!"

Bagamat hindi makasunod si Charity sa mga nangyayari lakas-loob siyang sumabat sa usapan nina Zack at kuya Rashniel niya.

"Wait! Naguguluhan ako sa nangyayari. Seryoso ka, Zack? Ako, vocalist ninyo?" Pagsingit ni Charity sa usapan ng dalawang binata.

"Yes. I'm serious, Charity. Please, Charity, help us with our performance." Tila may lambing na pakiusap ni Zack sa dalaga.

At halos lumuwa ang mata ng dalaga dahil sa ginawang pagluhod ni Zack. Dahil sa taranta at hiyang nararamdaman ni Charity mabilis siyang pumayag sa pakiusap ni Zack.

"Oo na! Tumayo ka na diyan. Iyong kay Taylor Swift pa rin naman na kanta ang tutugtugin ninyo 'di ba? Love story ang title 'di ba?"

"About diyan, Charity, may kaunting problema lang. Actually, 'yan dapat talaga ang tutugtugin natin ngayon. Kaya lang kinuha ni Janine ang music sheet para diyan." Kakamot-kamot namang litanya ni Gin sa dalaga.

"Hala! Paano na 'yan? Ano gagawin natin?"

"Baby, i trust you. Actually, ang tutugtugin dapat namin ay iyong Story of Us na kanta pa rin ni Taylor Swift. Nabago nga lang dahil hindi makuha ni Janine ang tamang tono ng kanta."

Patango-tango naman ang dalaga na tila ba may naisip. Isama mo pa ang paraan ng ngiti ni Charity. Batay sa mukha ng dalaga mapapansin na tila ba may plano itong naiisip.

"Okay. Tutulungan ko kayo, kuya." Nakangiting litanya ni Charity sa kuya Rashniel niya.

Dahil sa tuwa mabilis na napayakap si Rashniel sa dalaga. Kaya naman wala silang sinayang na oras at kaagad na naghanda para sa performance nila mamaya. Isang oras pa ang lumipas ng magkasundo silang lahat na pumunta na sa may gym. Bagamat alam ng dalaga sa sarili na maalam siyang kumanta, hindi pa rin siya nakakasigurado na magugustuhan ng mga manonood ang gagawin nila.

Malayo pa lang sa gym ay naririnig na ni Charity ang hiyawan ng bawat estudyante. Bukod dito, may ilan din siyang napansin na may mga hawak na banner. Hindi pa nagtagal ay nakarating na sila sa gym. Mabilis pa sa kidlat na nagtungo sila sa may back stage upang maghintay sa nalalapit nilang performance.

"Are you nervous?" Pabulong na tanong ni Zack sa tainga ng dalaga.

Dahil sa ginawa ng binata kaagad na namula ang mukha ni Charity, kasabay nito ay ang mabilis na pagpintig ng puso niya. Isama mo pa rito ang kaunting pagitan ng mga labi nilang dalawa.

"N-No! B-Bakit naman ako kakabahan?"

"Really? Then, bakit ka nauutal?"

Akmang sasagot na sanang muli ang dalaga ng bigla na lamang naghiyawan sina Terrence at Gin. Sa hitsura ng mga ito, mababakas sa mukha ng mga ito ang matinding pang-aasar kina Charity at Zack.

"Paanong hindi ako mauutal ang lapit mo kaya sa akin." Mabilis na sagot ng dalaga sabay hawi papalayo sa mukha ni Zack.

Hindi pa nagtagal ay ang grupo na nila ang susunod na isasalang. Batay pa lamang sa mga kalaban nilang grupo, masasabi ni Charity na halos lahat ng mga ito ay magagaling at tila bihasa na sa ganitong paligsahan. Nang matapos ang grupo nina Janine sa pagpe-perform malalim na bumuntong-hininga si Charity. Kasabay nito ay ang pag-irap niya kay Janine na pababa sa hagdan patungo sa pwesto nila.

"Tsk! Goodluck na lang sa performance ninyo!" Mataray na litanya ng kalalapit lang na si Janine sa harap ng dalagang si Charity.

"Talaga! Kaysa naman sa inayawan ng crush niya!" May pagmamalaki namang sagot ni Charity kay Janine na mababakas sa mukha nito ang pagkairita.

"Excuse me! Walang katotohanan ang sinasabi mo!" Nanggagalaiting litanya ni Janine at akmang sasabunutan si Charity.

Mabilis namang umilag ang dalaga kasabay nito ay ang paglapit ni Zack na kanina lamang ay kausap si Rashniel. Kaagad namang iniharang ng binata ang sarili upang protektahan si Charity sa tangkang pananakit ni Janine sa dalaga.

"Utot mo! Akala mo hindi ko alam ang dahilan mo sa pang-iiwan sa ere kina kuya! Hindi ka lang gusto ni Zack iniwan mo na sa ere sina kuya! Buti nga sa 'yo! Ang pangit mo kasi!" Sabay alis ni Charity sa harapan ni Janine habang hila-hila ang binatang si Zack.

Mabilis namang napalingon si Charity sa gawi ni Zack dahil sa pagpipigil nito ng tawa. Hanggang sa hindi na nito napigilan pa at malakas na tumawa sa harapan niya.

"Hahaha! Fudge! Hindi ko alam na parang bata ka palang makipag-away." Tatawa-tawang litanya ni Zack sa dalagang si Charity.

"Grabe 'to! Tawanan ba naman ako. Mabuti na lang hindi mo siya gusto. Kung nagkataon na gusto mo siya, ang laking awa ko sa 'yo. Hahaha!"

Sa halip na sumagot pa si Zack tanging ngiti na lamang ang sinagot nito sa dalaga. Kasabay nito ay ang pag-alalay kay Charity papaakyat sa may stage. Pagkaakyat pa lamang nila sa stage malakas na sigawan kaagad ang sumalubong sa kanila. Samantalang isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Charity kasabay ang paghanap niya sa gawi ng mga kaibigan niya.

Kasabay nito ay ang pagpunta ni Charity sa gitna ng stage. Mababakas naman sa mukha ng dalaga na tila ba handang-handa na sila sa gagawin nilang performance. Bago magsimula ang grupo nila, tumango muna sila sa isa't isa at kaagad na sinalubong ang tingin sa kanila ng bawat manonood.

|dark_queen18|

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top