Chapter 3

Chapter 3

Sa kasagsagan ng katahimikan ng gabi nagmamadali sa pagtakbo ang dalagang si Charity. Sa paraan pa lang ng kaniyang pagtakbo mapapansin mo na mukhang may tinatakasan siya na kung sino. Mabakakas sa rin sa hitsura niya ang malupit na pinagdaanan sa kamay ng kung sino man. Isama mo pa rito ang punit-punit na suot niyang bestida habang napupuno ng galos ang kamay at paa niya.

Sa gitna ng kaniyang pagtakbo kaagad namang naisip ni Charity ang isang tao na lubos na makakatulong sa kaniya. Bagamat walang siyang suot na sapatos o tsinelas man lang mabilis niyang tinungo ang kilalang gusali sa lugar nila. Ang gusali na tanging mayayaman man lang ang may kakayahang tumira dito.

Dahil kilala nga ang gusali na tanging mayayaman lang ang tumitira. Kahit malalim na ang gabi ay may gwardiya pa rin na nagbabantay rito. Sa halip na pansinin pa ito ni Charity nagmadali siyang magtungo sa elevator. Laking pasasalamat na rin ng dalaga na hindi siya napansin ng gwardiya na nagbabantay dahil abala ito sa binabasa nitong dyaryo. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa elevator mabilis niyang pinindot ang button patungo sa may anim na palapag.

Habang nasa loob si Charity ng elevator doon lamang napagtanto ang hitsura niya. Tila ba kung may makakakita sa kaniya ay aakalain siyang baliw. Ang bestida niyang kulay puti ngayon ay nababakas ng dugo na galing mismo sa sugat ng dalaga. Hanggang sa makarating na ang elevator sa anim na palapag at tila isang kidlat na tinungo ni Charity ang unit na sadya niya.

Nang nasa tapat na siya ng pintuan ng unit na sadya niya lakas loob niyang pinindot ang doorbell. Ilang beses pa niyang pinindot ang doorbell hanggang sa lumabas ang lalaking nakita niya sa may hardin. Ganoon na lamang ang gulat ng lalaki dahil sa nakita nitong hitsura ni Charity. Nang mapansin ni Charity na nakabawi na ito ng pagkagulat kaagad na nagsalita ang dalaga.

"P-Pasensiya na sa abala, tatanong ko lang kung nandiyan ba si kuya?" Nakatungo at nahihiya pang tanong ni Charity sa lalaking nasa harapan niya.

"Anong kailangan mo sa kaniya?" Malamig namang tanong ng binata habang nakasandal pa ito sa pinto.

Akmang sasagot na sana si Charity ng makita niyang lumabas na rin ang taong pakay niya.

"Zack, sino ba 'yan? Bakit ang tagal mong bumalik?" Sunod-sunod na tanong ng lalaking abala pa sa binabasa nitong music sheet.

Dahil nga sa abala ang lalaki sa pagbabasa ng music sheet, hindi kaagad nito napansin ang dalagang si Charity. Hanggang sa nagulat na lang ito sa pagtunghay ng makita ang hitsura ni Charity.

"W-What the! What happen to you, baby? Who did this to you? Is it them, again?" Natatarantang tanong nito sa harap ni Charity habang pinagmamasdang mabuti ang sugat sa katawan ng dalaga.

Sa hindi malamang dahilan bigla na lamang napaluha ang dalagang si Charity. Tila ba pakiramdam niya ay ligtas na siya sa kapahamakan.

"K-Kuya Rashniel, t-they hurt me again." Parang bata namang pagsusumbong ni Charity sa lalaking nasa harapan niya.

"Why?" Malambing na tanong ni Rashniel at marahang niyakap ang dalaga.

"I-I don't know. Basta na lang nila ang pinagbintangan na nagnakaw daw ako ng pera sa kanila. Kuya hindi ko naman talaga alam ang sinasabi nila." Patuloy pa rin na pagsusumbong ni Charity sa binata.

Dahil sa narinig ni Rashniel kay Charity tila pakiramdam ng binata na gusto nitong saktan ang mga nanakit sa dalaga. Sapagkat alam ng binata sa sarili na hindi magagawa ng dalaga ang bagay na 'yon.  Samantalang si Zack naman ay malamig na nakatitig sa sugat ng dalaga. Laking pasasalamat naman ni Charity na hindi pa tulog ang kuya Rashniel niya.

Wala namang sinayang na oras si Rashniel at kaagad na binuhat na parang bata ang umiiyak pa rin na dalaga. Kaagad naman silang nagtungo sa banyo upang linisan ang dalaga. Habang tahimik namang nakasunod lamang sa kanila si Zack. Samantalang napatigil naman sina Gin at Terrence sa ginagawa nila nang dahil sa nakita nilang ayos ni Charity.

Ngunit kaagad na napatigil sa paglalakad si Rashniel dahil sa nakapa nitong basa sa likod ng dalaga. Parang isang kidlat naman na nanlisik ang mata ni Rashniel ng makumpira nito ang hinala. At hindi nga nagkamali ang binata ng mapagtanto nitong dugo ang nakakapa nitong basa sa likod ng dalaga.

Habang napanganga naman sina Gin at Terrence na tila ba hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Samantalang, pigil-pigil naman ni Zack ang galit na nararamdaman nito dahil sa sinapit ng dalaga. Akmang itatanong pa sana ni Rashniel sa dalaga kung anong nangyari, pero napatigil ang binata dahil napansin nitong mahimbing ng natutulog ang dalaga.

Wala namang nagawa si Rashniel at tahimik na lamang na nagpatuloy patungo sa banyo. Nang makarating sila sa banyo ay maingat nitong inilagay ang dalaga sa bathtub. Kaagad namang nitong binuksan ang tubig at maingat na nilinisan ang dumugong binti ng dalaga.

"What the! What are you doing, Rashniel?" Nanlalaking matang tanong ni Zack sa kaibigan nito.

"Can't you see, nililinisan ko siya para magamot ko na ang mga sugat niya." Mahina namang sagot ni Rashniel habang patuloy pa rin sa paglilinis sa binti at kamay ng dalaga.

"Alam kong nililinisan mo siya! Pero, Rashniel baka nakakalimutan mong lalaki ka pa rin!"

"Zack! Magtigil ka nga sa kaberdehan ng utak mo! Sanay na ako sa ginagawa ko kaya wala lang sa akin 'to. Ang mabuti pa ay tulungan mo ako dahil huhubarin ko ang damit niya." Mahinahong litanya ni Rashniel at inayos ang tayo ng dalaga.

Bigla namang namula si Zack dahil sa binitawan na litanya ni Rashniel. Kaya walang nagawa ang binata kung 'di ang tumulong sa kagustuhan ni Rashniel. Dahil sa mahimbing na ang pagkakatulog ng dalaga buhat siguro ng pagod. Dahan-dahang iniangat paupo ni Rashniel ang dalaga at pagkatapos ay patalikod ang gawi sa kanila ng dalaga. Laking pasasalamat lamang ng pinagpapawisang si Zack na maluwang ang bathtub ng kaibigan nitong si Rashniel.

Kaagad namang pinanlisikan ni Zack ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Terrence at  Gin. Nangangahulugan na ipagpatuloy na lamang ang ginagawa ng mga ito. Kaya naman walang nagawa ang dalawa kung 'di tahimik na lumabas ng banyo. At hindi lubos maisip ni Zack kung kailan sumunod sa kanila ni Rashniel ang dalawa pa nilang kaibigan. Ngunit mababakas sa mukha ng dalawa na tila ba naguguluhan pa ang mga ito sa nangyayari.

Hindi naman mapigilan ni Zack ang hindi magtagis ang bagang ng makita ang hitsura ng likod ng dalaga. Bagamat maputi ito, mababakas sa likod ng dalaga ang pait ng sinapit sa kamay ng mga walang pusong nilalang. Tila ba hinaplit ng maraming beses ang likod ng dalaga batay sa hitsura ng sugat ni Charity.

Sa halip na magtanong pa si Zack tahimik na lamang itong tumulong sa paglilinis sa dalaga. Nang matapos ng linisan ni Rashniel ang dalaga mabilis namang kumuha ng malaking t-shirt si Zack. Dahil walang ibang damit na maaaring maisuot ang dalaga kaya ang t-shirt ni Rashniel ang gamit ni Charity.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng ihiga ni Rashniel sa kama nito si Charity upang gamutin ang dalaga. Samantalang mababakas sa mukha ni Zack pati na rin ng iba pa nilang kaibigan na may gusto ang mga itong malaman.

"Kung nag-aabang kayo kung ano ang nangyari sa kaniya, kahit ako ay walang ideya sa nangyari sa kaniya." Mahinang litanya ni Rashniel na nililigpit ang ginamit nito sa paglilinis sa sugat ng dalaga.

"We know na wala kaming karapatan para itanong sa 'yo ito, are you cheating with your girlfriend?"

Mabilis namang napatayo sa gulat si Rashniel dahil sa naging tanong ni Zack. Kasabay pa nito ang nanlalaking mata ni Rashniel na tila ba hindi makapaniwala sa tanong ng kaibigang si Zack.

"Fuck! Are you crazy! I'm not cheating with my girlfriend! Don't you hear what she said to me earlier? She call me KUYA!

Sa halip na sumagot pa si Zack sabay-sabay na natawa ang mga ito dahil sa reaksyon ni Rashniel. Tila ba daig pa nito ang bata na nahuli sa mali nitong ginagawa.

"Hahaha! Relax dude. We're just teasing you." Tatawa-tawa namang litanya ni Gin sa kaibigan nitong si Rashniel.

"Seryoso na talaga, paano mo nakilala ang batang 'yan?" Pagsingit namang tanong ni Terrence habang matiim na tinititigan ang natutulog na si Charity.

"Naalala ninyo iyong karinderya na palagi kong binibilhan ng lumpiang shanghai. Doon ko siya nakikilala dahil waitress siya roon. Hanggang sa naging close kaming dalawa at nalaman ko rin na siya pala ang naggagawa ng lumpiang shanghai na paborito ko." Mahabang litanya ni Rashniel habang marahang hinahaplos ang buhok ng natutulog na si Charity.

Dahil sa sinabi ni Rashniel tila ba naliwanagan ang mga kaibigan nito. At halos sabay pang patango-tango sina Gin at Terrence na akala mo naman ay isang detective na may nalutas na kaso. Habang walang imik naman si Zack dahil alam ni Rashniel sa sarili na matagal ng kilala ni Zack ang dalaga.

Bagamat wala silang dahilan kung ano ba talaga ang nangyayari sa buhay ng dalaga, nagpasiya si Rashniel na huwag na munang tanungin ang dalaga. Tila ba nasanay na sa ganitong senaryo si Rashniel na sa tuwing makikita nito ang dalaga ay palagi na lang may sugat ang dalaga.

Nang matapos ang mahabang paliwanagan nagpasiya na ang magkakaibigan na matulog na rin. Dahil sa nangyari hindi na natuloy ang praktis na dapat ay gagawin nila. Dahil sa natutulog na ang dalaga sa kwarto ni Rashniel nagkasundo ang magkakaibigan na living room na lamang sila matulog.

Bagamat may guest room naman si Rashniel pilit na kinulit ng mga kaibigan nito ang binata na tabi-tabi na lang silang matulog. Dahil sa pagod hindi na namalayan ng magkakaibigan na unti-unti na pala silang dinalaw ng antok.

Lumipas pa ang mga oras hanggang sa tanging katahimikan ang namayani sa palagid. Hindi nagtagal ang buwan ay nagpaalam na habang unti-unti namang umuultaw ang haring araw.

Mumukat-mukat naman na nag-unat ng kaniyang kamay si Charity. Habang mabilis na inikot ang paningin sa kwartong tila hindi pamilyar sa kaniya. Bagamat alam niyang nasa bahay siya ni Rashniel ngayon lamang nakapasok sa kwarto ng binata si Charity. Hanggang sa mapagtanto ng dalaga ang nangyari sa kaniya nitong mga lumipas na araw. Sa halip na malungkot kagaya ng palagi niyang ginagawa isang matamis na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi.

Kasabay nito ay ang pagbangon niya sa kama at nagpasiya na libutin ang lugar kung saan hindi gaanong pamilyar sa kaniya. Nang makalabas siya sa kwarto hindi niya maiwasan na hindi mamangha sa ganda ng unit na kinatatayuan niya. Doon niya rin napagtanto ng ubod pala ng luwang ang unit. Bagamat wala itong second floor bawing-bawi naman ito sa luwang.

Dahil sa nakaramdam siya ng gutom kaagad na naisip niyang magtungo sa kusina. Ngunit bago pa siya makapunta sa kusina nasilayan niya ang apat na lalaking himbing na himbing sa pagtulog. Matatakot na sana siya ng makilala niya ang isang lalaki na mahimbing na natutulog.

Samantalang ang dalawa ay hindi niya kilala ngunit pamilyar sa kaniya ang mukha ng mga ito. Maliban na lamang sa isang lalaki na hindi niya makita ang mukha dahil sa nakadapa ito habang mahimbing na natutulog.

Bilang pasasalamat nagpasiya ang dalaga na ipagluto ang mga ito ng agahan. Walang sinayang na oras ang dalaga at nag-umpisa na sa kaniyang pagluluto. Balak niyang lutuin ay fried rice, ham, hotdog at bacon. Nagtimpla rin siya ng kape para may mainom ang mga ito na mainit at kahit papaano ay mainitan ang tiyan ng mga ito. Dahil abala sa pagluluto ang dalaga hindi niya namalayan na may nakatitig na pala sa kaniya. Hindi pa sana niya ito mapapansin kung hindi lang tumikhim ang binata.

"Ehem! What are you doing, woman?" Mala-bedroom voice na pagtatanong ng naghihikab pang si Zack.

Dahil sa gulat ng dalaga sa binatang bigla na lang sumulpot, bigla na lamang niyang nabitawan ang hawak niyang tasa na naglalaman ng kape.

"Waaahhh! Ano ba! Nakakagulat ka naman! Sino ka ba?" Nakatungong litanya ni Charity habang pinupulot ang nabasag na tasa.

"Anong nakakagulat doon? Tinatanong lang kita kung anong ginagawa mo." Kasabay nito ay ang paglapit ni Zack sa dalaga upang tingnan ang namumulang kamay ni Charity.

"Ikaw! Aha! Kilala kita! Ikaw iyong lalaki sa hardin! Anong ginagawa mo rito sa bahay ni Kuya?"

"I'm his friend."

Sa halip na kausapin pa ni Charity ang binata pinagpatuloy na lang ang kaniyang ginagawa. Hanggang sa maalaala ni Charity na ang binata nga pala ang nagbukas ng pinto sa kaniya kagabi. Nang makapagtimpla ng panibagong kape si Charity mabilis siyang naghain bilang pasasalamat sa kuya Rashniel niya.

"Bakit ganiyan ka makatingin?" Naiilang na tanong ni Charity kay Zack na kanina pa palang nakatitig sa ginagawa niya.

Ilang segundo pa silang nagkakatitigan ngunit walang narinig na sagot ang dalaga mula sa binata. Bagkos ay mabilis itong lumapit sa kaniya kasabay ng pagluhod nito sa may paanan niya. Labis naman ang pagkagulat ng dalaga ng bigla na lang siyang paupuin ng binta.

Naramdaman na lamang ng dalaga na iniangat ni Zack ang paa niya at matiim na sinuri ito. Doon din napagtanto ng dalaga na dumudugo na pala ang kaniyang talampakan.

"Tsk! Hindi mo man lang ba napansin na dumudugo ang talampakan mo? Isama mo pa 'yang namumula mong kamay." Masungit na litanya ng binata sa dalagang si Charity.

Impit namang napadaing ang dalaga ng bigla na lamang siyang buhatin ni Zack. Ganoon na lamang ang pamumula ng dalaga ng magtungo si Zack papalabas ng kusina habang buhat-buhat pa rin siya nito. Doon din niya napagtanto na tanging malaking t-shirt lang ang suot niya. Kahit pang-ilalim ay walang suot ang dalaga dahilan upang mas lalo siyang nakaramdam ng hiya. Sakto namang nakasalubong nila ang kuya Rashniel niya na halatang kagigising lamang dahil sa gulo-gulo nitong buhok.

"What happen to her, Zack?"

"Ayos lang ako kuya. Maliit lang naman ito." Mabilis namang sagot ni Charity sa binata habang mahigpit na nakahawak sa balikat ni Zack.

Kaagad namang tumango ang kuya niya at nagpatuloy na patungo sa kusina. Dahil alam ni Rashniel na hindi pababayaan ni Zack ang dalaga kaya kampante ito sa binata. Samantalang tahimik naman silang dalawa ni Zack na tila nagpapakiramdaman pa kung sino ang unang magsasalita. Nang makarating sila sa banyo marahan namang inuupo ni Zack ang dalaga sa may sink.

"Is it hurt?"

"No, actually hindi naman siya masakit. At saka ang liit lang kaya ng sugat."

"Tsk! Maliit nga pero malalim naman ang pagkakasugat. At saka tingnan mo 'yang kamay mo namumula na lalo." Mahinahong litanya ni Zack habang seryoso sa paglilinis sa sugat ng dalaga.

Sa hindi malamang dahilan kaagad nakaramdaman ng kung ano ang dalaga sa kaniyang dibdib. Para bang pakiramdam niya mauubusan siya ng hininga sa ginagawang paglilinis ni Zack sa kaniyang sugat.

"Ayos nga lang ako. At saka pwede bang lumabas ka muna. Maliligo na lang ako pakiramdam ko kasi ang lagkit-lagkit ko na."

"Fine. Just call me if you need anything".

Kasabay nito ang pagtalikod ni Zack papalabas ng banyo habang marahan namang bumaba ng sink si Charity. Hindi  pa man tuluyan nakakalabas ng banyo si Zack ng muli siyang mapalingon sa gawi ng dalaga. Tila napako naman sa kinatatayuan nito ang binatang si Zack ng maalala nito ang likod ng dalaga.

"Hoy! Ayos ka lang ba? Bakit hindi ka pa umaalis? Teka, ano nga pala pangalan mo?"

"Tsk! I'm fine. I'm just worried about you. And    you can call me Zack."

"Hehehe! Ayos lang ako, Zack."

Wala namang nagawa si Zack kung 'di ang tahimik na lumabas ng banyo. Samantalang kaagad namang pinamulan ang dalaga dahil sa inaasta sa  kaniya ni Zack. Sa halip na isipin pa ni Charity si Zack mabilis pa sa kidlat na naligo siya. Wala sa sarili namang napatampal ang dalaga sa kaniyang noo dahil hindi niya kaagad naisip na wala siyang damit na susuotin.

Ilang minuto rin ang tinagal ng dalaga bago matapos ang kaniyang panliligo. Bago tuluyang lumabas ng banyo isinilip muna ni Charity ang ulo niya upang tingnan kung may tao ba o wala. Bukod sa nakatapis lamang siya ng tuwalya naiilang din siya dahil alam niyang puro lalaki ang kasama niya.

Muntikan namang mapasigaw ang dalaga ng makita niyang nasa gilid pala ng pinto si Zack. Kagaya ng mga palabas sa sinehan parang bumagal ang mundo ni Charity ng matitigan niya ang gwapong mukha ni Zack. At halos magdikit na ang mga labi nila kung 'di lamang sa kaunting espasyo sa pagitan nila. Mabilis namang nakabawi sa pagkakatitig ang binatang si Zack habang sunod-sunod na napalunok.

"Heto pala ang damit na susuotin mo. Kompleto na 'yan kaya bilisan mo para makakain na tayo." Hindi makatinging saad ni Zack habang panay pa rin ang lunok nito.

"Thank you, Zack." Nakangiting pahayag naman ni Charity bago tuluyang inabot ang paper bag na hawak ni Zack.

Bagamat nagtataka ang dalaga kung saan nakuha ni Zack ang damit na susuotin niya. Hindi na ito ganoong inisip ng dalaga at mabilis na nagbihis ng damit na ibinigay sa kaniya ni Zack. Ilang minuto pa ang tinagal niya bago magtungo sa kusina upang kumain ng umagahan.

Doon ay nasilayan kaagad ni Charity ang kuya Rashniel niya, pati na ang mga kaibigan nito na tahimik na naghihintay sa kaniya. Hanggang sa nabalot ang kusina ni Rashniel na masayang tawanan habang nasa hapagkainan silang lahat. Nakaramdam naman si Charity ng labis na tuwa dahil sa hindi pagtatanong ng mga ito tungkol sa nangyari sa kaniya. Tila ba hindi pa handa ang dalaga na sabihin ang matagal na niyang inililihim na tanging siya lamang ang may alam.

Bagamat may hiyang nararamdaman ang dalaga, ipinakiusap muna niya sa mga ito na manatiling lihim muna ang nangyari sa kaniya. Bukod dito, natatakot ang dalaga na baka madamay pa ang mga ito sa gulong dala niya. Kahit sa mga kaibigan niya ay hindi rin magawang masabi ng dalaga ang nangyayari sa kaniya. Sa takot na baka ang mga ito pa ang mapahamak kaysa sa kaniya. Kaya hanggang sa kaya ng dalaga mananatiling lihim ang mapait na nararanasan ni Charity.

|dark_queen18|

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top