Chapter 2

Chapter 2

Hindi pa man sumasapit ang takdang oras ng klase ni Charity ay maaga na siyang umalis ng bahay nila. Bagamat nag-iisa at wala pa ang mga kaibigan niya, pakiramdam ng dalaga na tila ba malayang-malaya siya. Ang malamig na simoy ng hangin ang siyang dumadampi sa makinis at maputi niyang balat. Habang ang mga huni ng ibon ay mistulang naging magandang musika para kay Charity. Bukod dito, napansin din niya ang mga bulaklak sa hardin ng kanilang paaralan. Para kay Charity, mistulang nagpapahiwatig sa kaniya ang mga bagong sibol ng bulaklak na huwag siyang mawalan ng pag-asa.

Lately I'm not who I used to be
Someone's come and taken me
Where I don't wanna go
If I knew exactly what I have to do
In order to be there for you
When you were feeling low

Malambing at mahinhing pagkanta ni Charity. Dahil alam ni Charity na siya lamang ang tao sa hardin kaya malakas ang loob niyang kumanta. Sapagkat alam ni Charity sa kaniyang sarili na hindi siya ganoong kagaling kumanta. Bukod dito, kahit ang mga kaibigan niya ay hindi alam na marunong siyang kumanta.

And all the things we ever wanted
Were once yours and mine
Now, I know we can revive it
All the love we left

Muling pagpapatuloy ni Charity sa kaniyang pagkanta. Kasabay nito ay ang marahan niyang paghaplos sa rosas na daig pa ang mansanas sa kapulahan nito.

Everytime I kiss I feel your lips and
Everytime I cry I see your smile and
Everytime I close my eyes I realise that
Everytime I hold your hand in mine
The sweetest thing my heart could ever find
And I have never felt this way
Since the day I gave your love away

Hanggang sa bigla na lamang naudlot ang pagkanta ni Charity nang may marinig siyang kaluskos. Isama mo pa ang mabigat na pagbagsak ng kung ano. Kaagad namang nanlaki ang mata ni Charity dahil sa nakita niya sa kaniyang harapan. Hindi kalayuan mula sa pwesto ng kinauupuan niya, nakita niya ang isang lalaki na tila ba katatalon lamang sa isang puno. Sa hindi malamang dahilan kaagad na nakaramdam ng pagkahiya ang dalaga.

Dahil kung alam lang niyang may tao roon hindi siya maglalakas loob na kumanta. Sa buong buhay niya pakiramdam niya ngayon lang sa nakaramdam ng labis-labis na hiya. Tila ba nais ng dalaga na lamunin na lamang siya ng lupa matakasan lamang ang hiyang nararamdaman niya.

Akmang kakausapin na sana ni Charity ang lalaki pero bigla na lamang itong umalis sa harapan niya. Ang kaninang pagkahiya ni Charity ay tila ba napalitan ng inis dahil sa inasal sa kaniya ng lalaki. Pero, hindi maitatanggi ni Charity ang angking kagwapuhan ng binata. Ang matikas nitong katawan na bumagay sa maputi nitong balat. Isama mo pa ang titig ng lalaki na tila ba nakapanlalambot ng tuhod.

Sa halip na isipin pa ni Charity ang hitsura ng binata nagpasiya na ang dalaga na magtungo sa kanilang classroom. Bagamat hindi niya kilala ang lalaki masasabi niyang mas matanda ito sa kaniya base na lamang sa nakita niyang necktie nito. Malalim man ang iniisip ni Charity sa kaniyang paglalakad hindi pa rin nakaligtas sa kaniyang paningin si Zaito.

Kaya naman nakaisip ng kalokohan si Charity. Habang papalapit siyang naglalakad sa nakatalikod na si Zaito at mabilis pa sa hangin na niyakap niya ito.

"Hehehe! Good morning, Zaito my loves." Nakangiting bati ni Charity sa binata habang nakayakap pa rin dito.

"What the! Huwag mo nga akong yakapin na babae ka! Ang aga-aga ginugulo mo na naman ang araw ko!"

"Ouch ha! Namumuro ka na Zaito my loves. Hindi ba pwede masaya lang akong makita ka."

"Tigil-tigilan mo ako! Dahil hindi gagana sa akin ang pinaggagagawa mo!" Kasabay nito ang pabiglang alis ni Zaito sa kamay ni Charity na nakayakap dito.

Bagamat ganoon ang ginawa ng binata kay Charity. Sa halip na malungkot isang matamis na ngiti ang isinukli ni Charity sa lalaking kaharap niya.

"Sige na nga! Hehehe! Basta sabay ulit tayong magla-lunch. Ba-bye mauna na ako sa classroom natin."

Dahil alam ni Charity na hindi siya papansinin ni Zaito. Walang lingon na nagtatakbo si Charity sa harapan ni Zaito at kaagad na nagtungo sa classroom nila. Hindi nagtagal ay nakarating si Charity sa kanilang classroom at kaagad namang natanaw niya ang dalawa niyang kaibigan.

"Saan ka galing, Charity? Akala ko ba kanina ka pa sa school. Bakit ngayon ka lang namin nakita? Hindi mo ba alam na limang minuto na lang ay magsisimula na ang first period natin." Naniningkit na matang litanya ni Shane kay Charity.

"Ano pa bang bago Shane, alam mo namang itong si Charity kung saan-saan nagsusuot Daig pa nga yata nitong kaibigan natin si Dora." Patango-tango namang pagsabat ni Denise sa  sinabi ng kaibigan nitong si Denise.

"Hahaha!"

Sa halip na sumagot si Charity kina Shane at Denise, patawa-tawa na lang siyang umupo sa upuan niya. Kasabay nito ay ang pagpasok sa clasroom ng grupo nina Zaito. And as usual muli na namang nagpapansin si Charity kay Zaito. Kahit na nakita naman ni Charity kanina si Zaito bago magtungo sa classroom nila.

"Hey, Zaito my loves nandito ka na pala. Don't tell me na-miss mo na kaagad ako."

Sa halip na sumagot si Zaito isang malamig na tingin lamang ang isinukli nito kay Charity.  Pero tila ba wala man lang ito para kay Charity. Sa halip na malungkot dahil sa inasal sa kaniya ni Zaito, isang matamis na ngiti muli ang isinukli niya rito.

"Magandang umaga sa lahat. Dahil malapit na ang intramurals sa school natin hindi na muna ako magtuturo sa araw na ito." Nakangiting bungad kaagad sa kanilang lahat ng kapapasok lamang na guro nila.

Dahil sa sinabi ng kanilang guro na si Ms. Maranan buong klase ay tila mga batang tuwang-tuwa dahil wala silang klase. Kaya naman walang sinayang na panahon ang klase nina Charity. Kaagad naman silang nag-usap kung sino sa kanila ang mga sasali sa patimpalak. Mayroong nakabuo na ng grupo para sa battle of the bands at dance competition.

Bukod dito, napagpasiyahan din ng klase nila na si Shane at si Jasper ang gagawin nilang pambato para sa Mr. and Ms. Intramurals. Hindi naman talaga maitatanggi ang taglay na kagwapuhan at kagandahan ng dalawa kaya sila ang isinali ng klase nila. Habang si Charity naman ay tahimik at masaya lang na nagmamasid sa abala niyang mga kaklase. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pasimpleng pagpunas ni Zaito ng pawis sa kaklase nilang si Beatrice.

Sa halip na titigin pa ni Charity si Zaito sa ibang direksyon na lamang niya pinaling ang paningin. At tila isang tadhana na muli na naman niyang nakita ang mayabang na lalaki sa hardin kung saan siya tumambay. Kaya naman hindi mapigilan ni Charity ang pag-irap niya para sa lalaki na dumaan sa labas ng classroom nila. Sa tingin pa lang ni Charity daig pa niya ang may laser sa mata dahil sa sama ng tingin niya rito.

Hanggang sa lumipas pa ang mga oras na tungkol lamang sa intramurals ang pinag-usapan nila. Samantalang ang iba nilang guro ay may pinagawa lamang sa kanila at umalis na ulit. Dahil nga dalawang linggo na lang bago mag-intramurals kaya nagkaroon ng magpupulong ang mga guro nila. Sa lalim ng iniisip ni Charity hindi niya namalayan na tapos na pala ang klase nila kung hindi pa siya tinapik ni Denise.

"Charity, kanina ko pang napapansin na ang lalim ng iniisip mo." Litanya ni Denise sa dalaga habang abala sa pag-aayos ng gamit nito.

"H-Ha! Wala ito! Iniisip ko lang kung ano ang kakainin ko ngayon para sa lunch."

"Akala ko naman kung ano na ang iniisip mo." Pagsabat naman ni Shane at kaagad na isinukbit ang channel nitong bag.

Kaya naman kaagad na niyaya ni Charity ang mga kaibigan niya papalabas sa classroom nila. Pagkalabas pa lang nila bumungad kaagad sa kanila ang naiinip na mukha ni Zaito. Mababakas sa gwapo nitong mukha ang pagkainis habang nakaakbay kay Beatrice.

"Zaito my loves, kasama ba natin si Beatrice?" Nakangiting tanong ni Charity sa binatang si Zaito.

"Yes."

Sa halip na kulitin pa si Zaito pinili na lamang ni Charity na manahimik. Samantalang hindi naman nakalampas sa paningin ni Denise ang pag-irap ni Beatrice kay Charity. Gusto mang magtaray ni Denise kay Beatrice pinili na lamang din nitong manahimik. Dahil alam ni Denise na kahit anong gawin sa kanila ni Beatrice ito pa rin ang kakampihan ni Zaito.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na magkababata silang lahat maliban lamang sa kasama nilang si Beatrice. Alam din ng buong klase nila na si Beatrice ang babaeng nililigawan ng kaibigan nilang si Zaito. Natigil lamang ang tahimik nilang paglalakad patungo sa cafeteria ng tumunog ang cellphone ni Charity. Mabilis pa sa kidlat na nagpaalam sa kanila ang dalaga upang sagutin ang tawag sa cellphone.

Wala naman silang nagawa kung 'di ang tumigil at hintayin ang kaibigan nilang may kausap sa cellphone. Ilang minuto pa ang lumipas at nakabalik na rin si Charity na mababakas sa mukha ang pagkataranta.

"S-Sorry guys hindi ako makakasama ngayon." Tarantang pagpapaliwag ni Charity sa mga kaibigan niya.

"Saan ka ba pupunta?" Nakakunot ang noo na pagtatanong ni Denise kay Charity.

Sa halip na sagutin pa ni Charity ang tanong ni Denise mabilis siyang nagpaalam dito. Kahit isang tingin ay hindi na niya nagawa dahil sa pagmamadali niya sa pag-alis. Habang naiwan namang tulala ang mga kaibigan niya dahil sa biglaang pag-alis niya. Sa halip na matuloy pa ang lakad dapat nilang magkakaibigan nagpasiya na lamang umuwi sina Denise at Shane. Bukod sa ayaw nilang makasama si Beatrice nag-aalala rin sila para sa kaibigan nilang si Charity. Habang si Zaito naman at Beatrice ay napatuloy sa pagkain nila sa labas. Samantalang sina Red at Ash ay nagpaalam na rin kay Zaito na uuwi na lang din silang dalawa.

Dahil nga sa hindi natuloy ang pagkain nila sa cafeteria kaya sa labas na lamang kumain sina Zaito at Beatrice. Labis naman ang naging tuwa ni Zaito dahil walang Charity na gagambala rito.

Hanggang sa sumapit na ang dilim hindi man lang muling nagparamdam si Charity sa mga kaibigan niya. Samantalang hindi naman mapakali sa bahay nila si Denise sapagkat hindi sinasagot ni Charity ang tawag nito. Kaya naman hindi maiwasan ni Denise na hindi mag-alala para sa kaibigan nila. Sa sobrang pag-aalala hindi na namalayan ni Denise na unti-unting namigat ang talukap ng mata nito.

Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay mulat na mulat na ang dalagang si Denise. Mabilis namang nitong tiningnan ang cellphone nito ngunit kahit isang mensahe ay walang galing kay Charity.

Sa kabilang dako naman, hindi pa naimumulat ni Zaito ang mga mata nito ay kaagad ng nakarinig ang binata ng sunod-sunod na pagkatok. Walang nagawa ang binata kung 'di buksan ang pinto habang nababakas sa mukha nito ang pagkainis.

"Tsk! Mommy naman! Ang aga-aga nambubulabog ka na naman!"

"Tigil-tigilan mo akong bata ka! Ano 'tong nabalitaan kong may nililigawan ka raw na kaklase mo!"

"Yeah. That's true. What's wrong with that?"

"Basta ayoko sa kaniya! At huwag na huwag mo siyang mapapunta rito sa bahay! Maliwanag ba?"

Dahil sa narinig ni Zaito sa kaniyang mommy hindi napigilan ng binata na hindi mainis para sa ina. Sapagkat alam ni Zaito ang dahilan kung bakit ayaw ng mommy nito kay Beatrice. Sa isipin pa lang iyon naiinis na si Zaito dahil sa kagustuhan ng mommy nito.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo mommy na si Beatrice ang gusto ko at hindi ang babaeng 'yon!"

"Sumasagot ka na ngayon sa aking bata ka! Ano bang ayaw mo kay Charity maganda at mabait naman ang batang 'yon." Nakataas pa ang kilay na sambitla ng mommy ni Zaito.

"Basta ayoko sa kaniya at wala na kayong magagawa roon!"

Sa halip na sumagot pa ang mommy ni Zaito iiling-iling na lamang ito na lumabas sa kwarto ng anak. Hanggang sa pagkain nila ay tahimik lamang ang ina ni Zaito. At kahit isang sulyap man lang ay hindi nagawa ng ina ni Zaito nang magpaalam rito ang anak.

Nang makarating si Zaito sa school nila mababakas pa rin sa mukha ng binata ang pagkainis. Ngunit ganoon na lamang ang pagtataka ni Zaito dahil simula na ang klase nila ay walang Charity na dumating. Lumipas pa ang mga oras hanggang sa sumapit na ang labasan nila ay walang Charity na nagpakita sa kanila.

Laking tuwa naman ni Zaito dahil walang babaeng nangungulit dito. Hanggang sa matapos ang date nila ni Beatrice ay walang nanggulo sa kanila. Dahil sa saya ni Zaito nawala sa alaala nito si Charity pati na rin ang pinag-usapan nilang mag-ina kaninang umaga lang. Ilang araw pa ang nakalipas ngunit walang Charity na nagpakita sa kanila. Umabot pa ng isang linggo ngunit kahit anong paramdam ay wala man lang mula kay Charity.

Dumaan ang sabado at linggo kahit isang tawag man lang ay wala silang natanggap mula kay Charity. Gustuhin man nilang puntahan ito sa bahay nila ngunit ang problema nila ay hindi nila alam kung saan nakatira si Charity. Dumating ang araw ng lunes ay hindi pa rin pumapasok si Charity kaya naman labis ang pag-aalala nina Shane at Denise para sa kaibigan nila.

"Zaito, wala ka ba talagang balita sa kaniya?" Nag-aalalang tanong ni Shane habang malungkot na ininom ang shake na binili nito.

"Wala e! At saka hindi naman kami close ng babaeng 'yon," walang gana namang sagot ng binata.

"Grabe ka talaga pare, ang cold mo talaga sa kaniya." Iiling-iling namang sabat ni Red sa kaibigan nito.

Ang dating maingay na lunch nila ay ngayon ay binalot ng nakaririnding katahimikan. Mula ng hindi pumasok si Charity ay palagi na nilang kasamang mag-lunch si Beatrice. Hindi naman maiwasan nina Shane at Denise na hindi malungkot para sa kaibigan nila. Sapagkat alam nilang nasasaktan din si Charity sa ginagawa ni Zaito na pambabalewa rito.

"Don't get me wrong pare, pero hindi mo ba talaga siya nami-miss?" Nakalolokong tanong ni Ash kay Zaito.

"Who?"

"Come on, pare. Huwag kang magkaila alam ko namang kilala mo kung sino ang tinutukoy ko."

Sa halip na sagutin ni Zaito ang tanong ni Ash isang malakas na batok ang isinukli nito sa kaibigan. Hindi naman nakaligtas sa mata ni Red ang ginawang pag-irap ni Beatrice kay Ash. Hanggang sa nagulat na lamang sila sa lalaking bigla na lamang sumulpot sa harapan nila. Kaagad namang nanlaki ang mata ni Denise dahil sa lalaking ubod ng gwapo na ngayon ay nakatingin sa kanila. Batay sa kilos nito tila ba may hinahanap ito sa kanilang magkakaibigan.

"Where she is?" Nakakunot ang noo na tanong ng lalaking nasa harapan nila.

"Who?" Kaagad namang tanong ni Denise ng makabawi ito sa pagkabigla sa lalaking nasa harapan nila.

"Charity. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita. Alam ninyo ba kung nasaan siya."

"Actually, hindi rin namin alam kung nasaan siya." Maangas namang sagot ni Red sa lalaking hindi nila kilala.

Batay sa porma nito alam nilang nasa higher year na ito batay sa suot nitong necktie. Akmang magsasalita muli si Denise pero bigla na lamang umalis sa harapan nila ang lalaki.

"What the! Gwapo nga bastos naman! Sino ba 'yon? Naiinis na tanong ni Denise sa mga kaibigan niya.

Kagaya rin ni Denise ay hindi ng mga ito kilala ang lalaking iyon. Sa hindi malamang dahilan bigla may naramdaman ng kung ano si Zaito. Tila ba hindi nagustuhan ng binata ang ginawang paghahanap ng lalaking 'yon kay Charity. Mababakas din sa mukha ni Zaito ang hindi maipaliwanag na inis para sa lalaking nanggambala sa kanila.

|dark_queen18|

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top