Chapter 1
Chapter 1
Hindi pa man sumisikat ang araw ay kaagad ng nakaramdam ng lamig si Charity dahil sa tubig na bumuhos sa kaniya. Bagamat mahimbing ang kaniyang pagkakatulog mabilis pa sa hangin na naidilat niya ang kaniyang mga mata. Isang malamig na tingin naman ang bumungad sa kaniya dahilan upang mapabalikwas siya ng bangon.
Sumalubong sa kaniyang harapan ang nakakatakot na tingin ng ate niya. Kung pagmamasdang mabuti hindi maipagkakaikaila na may taglay itong kagandahan. Ang maputi at makinis nitong balat na tamang-tama sa magandang hubog ng katawan nito. Isama mo pa ang mukha nitong tila isang anghel sa ganda.
"A-Ate, anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?"
"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na huwag mo akong matatawag na ate!"
"P-Pero..."
"Tsk! Ano pang hinihintay mo? Bumangon ka na diyan at tumulong ka kina yaya!"
Walang imik namang bumangon si Charity sa maliit at basa na niyang kama na kagagawan ng ate niyang si Claudia. Tanging pag-iling na lamang ang nagawa ni Charity habang pinagmamasdan si Claudia palabas sa kwaro niya. Sa halip na patulan niya ito minabuti na lamang niyang manahimik. At kaagad na mabilis na nagpalit ng tuyong damit si Charity at tuluyan ng lumabas sa kwarto niyang may kaliitan.
Sa buong buhay ni Charity wala siyang hiniling kung 'di ang maging masaya. Bukod dito ay ang mahalin siya ni Zaito, ang lalaki na itinuring niyang tagapagligtas mula nang pagkabata niya. Bagamat hindi palaayos si Charity hindi maitatanggi ang angkin niyang kagandahan. Ang maputi at makinis niyang balat na bumagay sa inosente niyang mukha. Hindi pa man nakakapasok ng kusina si Charity ramdam na kaagad niya ang malalamig na tingin sa kaniya ng ibang mga katulong sa bahay nila.
Tila ba pakiramdam ni Charity para siyang hangin kung ituring ng mga ito. Hanggang sa matapos na niya lahat ang dapat niyang gawin ni isang tingin man lang mula sa magulang niya ay hindi niya nasaksihan. Sa halip na kumain siya kasabay ng mga ito mag-isa siyang kumakain sa may kusina. Sa halip na maging malungkot isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Charity bago tuluyang bumalik sa kwarto niya.
Isang oras pa ang lumipas at tahimik siyang lumabas ng kwarto niya. Maingat naman niyang tinungo ang pinto sa likod ng bahay nila. Sa halip na dumaan sa malaking gate nila papalabas sa napakalaki nilang bahay. Dumaan si Charity sa isang daanan na tanging mga katulong at iba pang tagapagsilbi lamang ang dumaraan. Ilang minuto pa ng kaniyang paglalakad, kaagad na napangiti si Charity ng matanaw niya sa 'di kalayuan ang kaibigan niyang si Denise.
Mabilis pa sa hangin na tinungo ni Charity ang kaibigan niya na naghihintay sa may tindahan. Sa hitsura pa lang ng kaibigan niyang si Denise. Masasabi mong galing ito sa angkan ng mayayamang pamilya. Mula pa lang sa suot nitong damit mapapansin mong mamahalin ang mga ito. Bagamat may katabaan ito hindi maitatanggi ang angkin nitong kagandahan. Bukod dito, si Denise ang pinakamatalino sa buo nilang klase.
"Hey, Charity! Bakit ang tagal mo? Kanina pa kaya akong naghihintay rito." Nakasimangot na pahayag ni Denise kay Charity.
"Pasensiya na. Tinanghali lang talaga ako ng gising."
"Talaga lang ha? Baka naman dumaan ka na naman sa bahay nina Zaito."
Sa halip na sumagot si Charity sa akusa ni Denise. Kaagad siyang napatigil nang matanaw niya ang lalaking gustong-gusto niya. Walang sinayang na oras si Charity at kaagad na lumapit sa gawi ni Zaito. Saka lamang napagtanto ni Charity na hila-hila pala niya ang kaibigan niyang si Denise.
"Hey, Zaito! Akala ko ba sabay tayong papasok. Pumunta pa naman ako sa bahay ninyo pero nakaalis ka na pala." Matamis na pahayag ni Charity kay Zaito.
"Pumayag ba akong sumabay ka sa akin? Hindi naman 'di ba. Tigil-tigilan mo nga ako sa pangungulit mo."
"Ouch naman! You hurt my feelings na naman." Nakahawak pa sa dibdib na litanya ni Charity na akala mo'y nasaktan nga.
Sa halip na kausapin pa siya ni Zaito walang lingon na sumakay ito sa pagmamay-ari nitong sasakyan. Muli pa sanang mangungulit si Charity ngunit hindi na natuloy dahil sa babaeng nakasakay na sa loob ng sasakyan ni Zaito. Kaya naman inaya na lamang ni Charity si Denise magtungo sa sasakyan nito. Bagamat dedma na naman si Charity kay Zaito hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Sapagkat naniniwala si Charity na dadating din ang panahon na magugustuhan siya ni Zaito.
Ang totoo niyan hindi naman talaga si Charity dumaan sa bahay nina Zaito. Sinabi niya lang 'yon para hindi magtaka si Denise kung bakit nahuli siya sa oras ng usapan nilang dalawa. Pagkasakay na pagkasakay pa lang nila ni Denise sa pagmamay-ari nitong sasakyan. Kaagad na nangibabaw ang malakas na tunog ng cellphone ni Denise. Lihim namang napangiti si Charity dahil alam niya kung sino ang tumatawag sa kaibigan niya.
Kaagad namang namutla si Denise nang malaman kung sino ang tumatawag dito. Samantalang tanging hagikhik ang pinakawalan ni Charity habang pinagmamasdan niya ang namumutlang si Denise.
"My God Charity! Lagot na naman tayo nito kay Shane. Bakit kasi ang tagal-tagal mong dumating?" Nagpupunas ng pawis na litanya ni Denise na katatapos lang ibaba ang tawag ni Shane.
"Sorry na kasi. Hindi na mauulit."
"Tigil-tigilan mo ako Charity. Gasgas na 'yang litanya mo sa akin. Ang aminin mo napuyat ka na naman kakapanood mo kay Levi Ackermann."
Tanging paghagikhik na lamang ang ginawa ni Charity sa kaibigan niyang si Denise. Muli pa sanang magsesermon si Denise nang huminto na ang kotse nilang sinasakyan. Mabilis pa sa kidlat na bumaba sina Denise at Charity sa sasakyan at lakad-takbo na tinungo ang classroom nila. Dahil sa lakad-takbong ginawa ng dalawa wala pang limang minuto ay nakarating na sila sa classroom nila.
Kaagad naman nilang natanaw ang nakabusangot na si Shane. Mababakas sa maganda nitong mukha ang pagkainip sa kanilang dalawa ni Denise. Hindi pa man nakakaupo si Charity ay kaagad ng naglitanya si Shane.
"Tama na ang palusot mo Charity. Alam kong ikaw na naman ang dahilan kung bakit ngayon lang kayo." Iiling-iling na pahayag ni Shane kay Charity.
"Sorry na. Hindi na talaga mauulit."
"Oo na. Alam ko namang dahil kay Levi kung bakit ka nahuli at dinamay mo pa talaga si Denise."
"Hehehe! Wala e! Levi is life." Tatawa-tawang pahayag ni Charity na may kasabay pang heart sign.
"Akala ko ba si Zaito ang gusto mo? Bakit may Levi ka pa?" Pagsingit namang pahayag ni Denise na may kinakaing tinapay.
Akmang sasagot pa sana si Charity sa pahayag ni Denise nang biglang dumating na ang guro nila. Kasabay nito ang pagpasok din nina Zaito kasama ang mga kaibigan nito. And as usual muli na namang naghugis puso ang mata ni Charity. Laking pasasalamat na lamang niya na magkakaibigan sila nina Zaito. Kaya naman madaling naipapahayag ni Charity ang damdamin niya para kay Zaito.
Ilang oras pa ang nakalipas hanggang sa natapos na ang klase nina Charity. Mabilis namang nagpaalam si Charity sa dalawa niyang kaibigan upang pumunta sa comfort room. Pakanta-kanta pa si Charity sa kaniyang paglalakad ng bigla na lamang may humarang na tatlong babae sa kaniya. Kaagad naman niyang namukhaan ang isa sa mga ito. Sapagkat ito ang nakita niya kaninang nakasakay sa kotse ni Zaito. Sa halip na manlaban pa si Charity tahimik na lamang siyang nagpahila sa mga ito. Bukod sa ayaw niya ng gulo tinatamad din si Charity na makapagtalo sa mga ito. Lihim namang napatawa si Charity sapagkat hindi niya akalain na sa comfort room siya hihilahin ng mga ito.
"Ano bang kailangan ninyo sa akin?"
"Aba't matapang kang babae ka! Bukod sa malandi ka na nga akala mo kung sino kang umasta!" Galit na galit na litanya ni Dona kay Charity.
Nagulat na lamang si Charity dahil sa bigla siyang sinampal ni Dona. Nalaman na lamang ni Charity na dumudugo ang labi niya ng may malasahan siyang tila lasang kalawang. Hindi pa nasiyahan si Dona pati ang kasama nito at pinagpatuloy ang pananakit kay Charity.
"Ano bang problema ninyo? Nanahimik ako rito tapos bigla ninyo na lang akong gagambalain." Kibit balikat na tanong ni Charity sa mga ito.
Tila ba wala lamang kay Charity ang ginagawang pananakit ng mga ito sa kaniya. Sa halip na patulan pa ang mga ito hinayaan na lamang ni Charity ang mga ito sa pananakit sa kaniya. Ilang sampal, sabunot at sipa ang natanggap ni Charity bago siya tigilan ng mga ito. Nang magsawa ang grupo ni Dona sa pananakit kay Charity malakas na tinulak ni Dona ang dalaga bago tuluyang lumabas ng comfort room. Tanging iling na lamang ang nagawa ni Charity bago ayusin ang kaniyang sarili. Kaagad namang nanlaki ang mata niya nang mapagtantong hindi pa nga pala siya umiihi. Kaya naman mabilis pa sa kidlat ang ginawa niyang pag-ihi.
Hingal na hingal si Charity ng dumating siya sa cafeteria ng school nila. Mababakas din sa hitsura ni Charity na nagmadali talaga siya. Dahil sa hitsura niyang daig pa ang pugad ng manok sa gulo ang buhok niya. Kaagad naman niyang napansin ang inip na inip na mukha ng mga kaibigan niya. Isama mo pa rito ang malamig na tingin na ipinukol sa kaniya ni Zaito.
"Bakit ba ang tagal mo? Akala ko naman nakasama ka na sa pag-flush mo." Nakasimangot na tanong ni Denise habang sinimulan ng lantakan ang kinakain nitong cake.
"Oo nga naman! At saka hingal na hingal ka pa," pagsingit naman ng isang kaibigan nila na si Red.
Bago sagutin ni Charity ang katanungan ng mga kaibigan niya mabilis niyang ininom ang tubig na nasa harapan niya. Sa mga oras na 'yon hindi na inisip pa ni Charity kung kaninong tubig ang ininom niya.
"Pasensiya naman. Tumakbo kasi ako papunta rito. At saka hindi ko namalayan ang oras." Mahinahong pahayag ni Charity habang nagsisimula ng lantakan ang pagkaing nasa harapan niya.
"Tsk. Ayusin mo nga iyang pagkain mo! Para kang hindi babae kung umasta! Hindi na nga maganda hindi pa maalam mag-ayos ng sarili."
"Zaito, my loves. Hayaan mo na ako, gutom lang talaga ang tao." Nakangisi namang sagot ni Charity kay Zaito na may kasama pang pagpapa-cute sa binata.
"Hahaha!"
Tanging malalakas na tawa ang namayani sa kanilang magkakaibigan. Tila ba naaaliw ang mga ito dahil sa ginagawang pagpapansin ni Charity kay Zaito. Mababakas din sa mukha ni Zaito ang pagkaiyamot dahil sa ginagawa ni Charity. Ngunit mabilis na tumigil ang tawanan nila nang mabilis na tumayo si Zaito sa inuupuan nito. Kasabay pa nito ang malakas na pagsuntok nito sa table nila dahilan upang matapon ang kinakain ni Charity.
"Ikaw na babae ka! Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na tigilan mo na ako. Tanga ka ba?"
"H-Hey, chill lang my loves. Masyado ka namang galit diyan." Malumanay na pahayag ni Charity na ngayon ay pinupunasan ang damit na natalsikan ng sauce ng spaghetti.
Mabilis naman napatayo ang mga kaibigan ni Zaito na sina Red at Ash upang pigilan si Zaito. Ang kaninang masayang pananghalian nila ay tila naglaho na parang isang bula. Nanlilisik na mata ang ipinukol ni Zaito kay Charity habang mahigpit nitong hawak ang panga ng dalaga. Ang kinang kanina sa mata ni Charity ay tila ba naglaho na lamang bigla. Tila ba kaagad na tinablan ng hiya si Charity dahil sa ginawa sa kaniya ni Zaito.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yong malandi ka na hindi kita gusto! Ano bang mahirap unawain doon?"
"Tama na 'yan Zaito. Nasasaktan na siya. Baka nakakalimutan mong babae pa rin si Charity." Mahinahong litanya ni Ash at mabilis na inalis ang pagkakahawak ni Zaito sa panga ni Charity.
"Grabe ka naman my loves. Aatakihin ako sa 'yo." Pailing-iling na pahayag ni Charity na tila ba wala man lang sa kaniya ang nangyari.
Hindi nagtagal ay walang paalam na umalis si Zaito sa harapan nilang magkakaibigan. Kaagad namang nagpaalam na rin ang dalawa pa nitong kaibigan na mababakas sa mukha ng mga ito ang awa para sa sinapit ni Charity. Bagamat maraming nakakakita sa ginawa ni Zaito kay Charity, tila ba walang pakialam dito ang dalaga. Kaya naman pinili na rin nilang umalis na sa cafeteria. Dahil wala na silang klase sa hapon nagpasiya silang umuwi na lang sa kani-kanilang bahay. Nang makarating sila sa gate ng school nila mabilis na nagpaalam kina Denise at Charity si Shane.
"Ayos ka lang ba talaga, Charity?"
"Oo naman. Huwag kang mag-alala Denise ganoon lang talagang magmahal si Zaito."
Kaya naman tanging katahimikan ang bumalot kina Denise at Charity. Hindi pa nagtagal ay dumating na rin ang sundo ni Denise. Akmang ihahatid na sana nina Denise si Charity ng mabilis na tumanggi ang dalaga. Wala namang nagawa si Denise kung 'di sundin ang kagustuhan ng kaibigan niya. Kasabay naman nito ay ang pagtungo ni Charity sa kabilang direksyon taliwas sa direksyon ng sasakyan ni Denise.
Dahil wala naman susundo kay Charity nagpasiya na lamang ang dalaga na maglakad patungo sa bahay nila. Sa tatlong buwang nakalipas mula ng magsimula ang pasukan nila, tila ba nasanay na si Charity sa araw-araw na kalbaryo niya. Laking pasasalamat na lamang niya na tuwing martes pagkatapos ng klase niya ang kaniyang trabaho. Sa paglalakad ni Charity nakita niyang dumaan ang sasakyan ni Zaito. Sa halip na magpapansin at habulin niya ang sasakyan nito. Pinili na lamang ni Charity na huwag na itong pansinin. Bukod sa alam niyang galit ito sa kaniya, ayaw muna niya itong istorbohin.
Nang makarating si Charity sa bahay nila walang imik siyang nagtungo sa kaniyang kwarto. Kagaya ng palagi niyang ginagawa mabilis siyang nagpalit ng damit at kaagad na nagtungo sa kusina. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa may kusina kahit isang katulong ay wala siyang nakita. Dulot ng pagtataka inikot niya ang likuran ng bahay nila ngunit wala pa rin siyang nakitang katulong.
Sinunod naman niyang tinungo ang garahe ngunit wala pa rin siyang nakita kahit isang katulong. Kahit driver at hardinero ay hindi niya nakita. Hanggang sa mapagod sa kahahanap si Charity ay wala siyang nakita kahit isang katulong. Dala ng kuryosidad muli siyang bumalik sa loob ng bahay nila. Kaagad namang bumungad sa kaniya ay ang dalagang si Claudia. Mababakas sa magandang mukha nito ang inis habang tila may hinihintay.
"What the! Saan ka ba galing? Hindi mo ba alam na gutom na ako pero kahit isa wala ka pang naluluto!"
"A-Ate, hinanap ko pa kasi ang ibang mga katulong sa bahay."
Dahil sa narinig ni Claudia na sagot ni Charity mabilis nitong nilapitan ang dalaga at walang pasabing sinabunutan nito si Charity. Hindi pa nakuntento si Claudia at sinampal pa nito ang dalaga. Wala namang nagawa si Charity kung 'di hayaan ang ginagawang pananakit sa kaniya ni Claudia.
"Simula ngayong araw ikaw na ang katulong sa bahay na 'to! Kaya huwag mo akong aartehan! Naiintindihan mo ba?"
"O-Opo ate."
"Tsk! Will you stop calling me ate! Wala akong kapatid na mamamatay tao!"
Dahil sa binitawang salita ni Claudia kay Charity parang napako at hindi makagalaw ang dalaga dahil sa kaniyang narinig. At tanging mapait na ngiti na lamang ang pumaskil sa labi ni Charity habang pinagmamasdan ang papalayong si Claudia. Kasabay nito ay ang mabilis na pagkilos ni Charity upang magpakana ng pagluluto. Sapagkat alam niya sa kaniyang sarili na mas matindi pa ang mararanasan niya kapag hindi kaagad siya nakapagluto. Sapagkat alam niya sa sarili niya na tanging siya lamang ang walang kakampi sa bahay na tinutuluyan niya.
|dark_queen18|
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top