Summer Mishaps

"F-Freya, A-Anong ginagawa mo dito?"

Kitang-kita ni Freya ang pamumutla sa mukha ng kasintahan. Halatang hindi nito inaasahan ang pag-sunod niya sa company outing ng mga ito. Tumaas ang kilay ng dalaga nang makitang ibinaba agad ng kasintahan ang kanang braso mula sa pagkaka-akbay nito sa katabing babae.

Mapanuring tiningnan niya ito. Sa dinami-rami ng babae sa kumpanya ng binata, itong mukhang dikya pa talaga ang ipinalit sa kanya. Nakakainsulto.

"Babe..." Hindi mapigilan ni Dickson ang magpakawala ng kabadong tawa. Marahan din itong humakbang papalapit sa kinatatayuan niya.

"Surprise, Dick." Freya flashed her sweetest smile, and when she saw Dick falter, she knew that she already made her point. 'Kabahan ka na.' Gusto pa sana niyang idagdag pero baka maihi na sa takot ang kasintahan.

So-sorpresahin sana niya ang binata dahil maagang natapos ang fashion show na dinaluhan niya. But what are the odds, dahil siya ang na-sorpresa nang makarating siya sa mismong resort kung saan ginaganap ang company outing ng mga ito. The moment na nakapasok siya sa lobby ng hotel para sana i-confirm ang reservation niya ay nakita niya agad ang walang habas na paglalandian ng dalawa.

'Mga talipandas!' Gusto niyang isigaw sa dalawa pero kinalma niya ang sarili. She doesn't want to make a scene in front of everyone, baka siya pa ang lumabas na masama.

Muli niyang tiningnan ang babaeng mukhang dikya. She knew her from the pictures her cheating boyfriend posts online. Palaging magkasama ang mga ito sa mga pictures, ang pinagkaiba lang ay hindi magkadikit ang mga ito. Oh, the deception!

"Siya ba si Brandon, Dick?" nakangiti pa ring tanong niya. Iyon ang naalala niyang pangalan nang minsan may mabasa siyang text message, kung saan nag-'I love you' ang kasintahan. And that was two months ago.

Hindi iyon ang unang pagkakataong nahuli niya ito. Maraming nilalanding babae sa social media ang binata, sa tuwing mahuhuli niya ay humihingi ito agad ng tawad at nagsasabing hindi na uulit. At dahil tanga pa siya noon, pinapatawad niya ito.

Tumaas ang kilay niya nang biglang lumuhod ang binata sa harapan niya. "Please, Freya. Let me explain." Pagsusumamo nito.

"Anong ipapaliwanag mo?" Wala siyang pakialam kung nakakakuha na sila ng atensyon. She's mad, really mad. "That your name suits you in the first place?"

Nakita niyang bumukas ang bibig ng binata na para bang may gusto pa itong sabihin, pero sa huli ay hindi nito ginawa. Nakita niya ang pagbagsak ng balikat nito bago tumayo at tiningnan siya ng diretso sa mata.

"Ayan ang rason!" Dinuro siya ni Dick na parang siya pa ang may kasalanan. The nerve of this guy. "I cheated because you're horrible!" Napanganga siya. Seryoso ba ito? "You've never been nice to me, Freya. Feeling mo ikaw ang laging tama, at ako ang laging may mali! Feeling mo dapat lahat ng bagay umaayon sa'yo at sa gusto mo!"

She scoffed. "So, you cheated because I'm a horrible person?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Well yes! I am horrible! You know why? Because I'm not fake unlike that bitch beside you! Instead of confronting me or talking to me about this, you decided to get even by cheating on me?!" Hindi niya napigilan ang pagak na tawang kumawala sa labi. "You're lucky you have a dick in your name because you don't have any fucking balls, Dickson Garcia!"

Tinalikuran na niya ang mga ito at nagmamadaling lumayo doon. It took all of her self-control, para lang hindi sabunutan at tadyakan ang binata kanina.

Nang makalabas siya ng tuluyan sa hotel ay hindi na niya napigilan ang mapaluha. She's not a hypocrite para sabihing hindi siya nasaktan sa nakita. May mabuting dulot din ang nangyari lalo na ang pagsasabi nito ng totoo.

If she didn't caught them in the act, she would've been the same old naive Freya who's head-over-heels with that rotten guy. Pero mas gugustuhin na lang niyang mawala sa buhay niya si Dickson kaysa patuloy siyang mag-mukhang tanga.

Tinahak niya ang daan papuntang beach. Mabuti na lang at wala pang gaanong tao. Private ang hotel at halos lahat ng mga cottages ay ni-reserve ng boss ng ex niya para sa company outing ng mga ito. Buti na nga lang at may na-book pa siya on the last minute.

Naglalakad na siya papuntang beach front nang hindi inaasahang mapuwing siya. At dahil hilam din sa luha ang mga mata niya, hindi tuloy niya napansin ang taong biglang humarang sa dinaraanan.

"Ano ba naman 'yan!" sigaw niya nang matumba siya sa buhanginan. "Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" Kumurap-kurap siya, umaasang kahit papaano ay umayos ang paningin niya.

Laking-gulat niya nang makita ang itsura ng bumunggo sa kanya. Muli niyang kinusot ang mga mata at baka may naiwan pang mga buhangin. But shit, napaawang ang mga bibig niya sa suot ng lalaking nasa harap niya. Gwapo na sana ito pero ang sakit sa mata ng suot nito.

"Sorry, Miss." Akmang aalalayan siya nitong tumayo pero itinaas agad niya ang kanang palad para pigilan ito.

"It's okay." She smiled. "I'm okay." Tumayo agad siya saka pinagpagan ang suot na nadumihan ng buhangin.

Halos manakit ang mga mata ni Freya nang muling mabaling ang tingin niya sa lalaking nakabunggo. "Ugh, this is so painful." Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at tinuro isa-isa ang suot nito.

"Bubblegum pink shirt."

"Bubblegum pink jacket." It's summer for fuck's sake.

"Bubblegum pink cropped pants."

"And your socks," she cringed at the sight of his white crew-high socks.

"Your shoes are okay though, they're cute." Tukoy niya sa itim na Sperry's boat shoes nito.

Nang bumalik ang tingin niya sa lalaki ay nakita niyang salubong ang kilay nito. "Is this the part where I should say thanks?"

Nagkibit-balikat lang si Freya, not minding the look that the guy is giving her. "Maybe. I really want to give you a make-over pero broken-hearted ako ngayon. So, bye." Ikinumpas niya ang kanang kamay    saka iniwan ang lalaki.

Ipinagpatuloy ni Freya ang pagpunta sa tabing-dagat. She needs to wash off the bad vibes na ibinigay sa kanya ng ex niya. Agad niyang hinubad ang suot na puting beach dress ng marating ang pampang. Mabuti na lang at suot na niya ang swimsuit bago pumunta roon. Magpapalamig muna siya bago umuwi, ica-cancel na rin niya ang ginawang reservation dahil wala ng saysay na manatili pa siya sa resort.

She sighed in relief when the cold water touched her skin. Pakiramdam niya'y tinangay ng mga mumunting alon ang sakit na nararamdaman. Pero hindi pa man siya nagtatagal sa tubig ay nakaramdam siya nang biglang pananakit sa kanang binti. Nang tingnan niya ito ay napahiyaw siya. May dikyang nakakapit sa binti niya!

Unti-unting umusbong ang kaba at taranta sa dibdib niya. Pinilit niyang lumangoy patungo sa mababaw na parte pero mas nanaig ang takot sa isip niya, kaya imbes na lumangoy papuntang pampang ay nagkaka-kawag siya sa tubig. Nakakainom na siya ng tubig-alat.

Akala niya'y katapusan na niya, but then she felt a pair of strong arms hold her waist and pulled her out of the water.

"I got you, Freya." Rinig niyang sabi ng sumagip sa kanya. She willed her eyes to open, at bago pa man unti-unting lamunin ng dilim ang diwa niya, nakita niya ang mukha ng sumagip sa kanya. It's no other than the Mr. Jologs without his pink attire but with his freaking abs.



'You can't do this to me, Freya!'

"I already did, Dick. Half of your stuff has already been sold online. The other half were still on sale." Freya smiled. "Oh, and if you're wondering, I'm having a garage sale today. Feel free to drop by."

She's feeling victorious. Nakaganti na siya sa lahat ng ginawang panloloko sa kaniya ni Dick. Lahat ng gadget nito ay ibinenta niya online. Ang mga natitirang gamit naman nito ay ibebenta niya ngayon sa garage sale.

'You witch! Where are my collections?!'

Natawa siya. He could scream all he wants, pero hindi na siya matatakot. Why? Because half of the things he owns came from her pocket. Lalo na ang collection nitong sapatos na siya mismo ang bumili, limited edition pa ang iba sa mga ito.

"What collection?" natatawang tanong niya bago pinutol ang tawag.

She flinched nang maramdaman ang pagkirot ng kanang binti. Hanggang ngayon halata pa rin ang sugat na iniwan ng dikya sa binti niya. The reddish lines on her leg reminds her of the pain she felt when she caught him cheating. Oh whatever, past is past. Mawawala din naman 'yon tulad ng pagkawala ng mga pulang linyang mga 'to .

'I might as well start preparing.' Marami-rami rin kasi ang mga gamit na naiwan ng magaling niyang ex. 

Busy siya sa pagsasalansan ng mga damit sa racks nang may tumigil na sasakyan sa tapat ng gate. Kunot-noong napatingin siya sa lalaking bumaba.

"Yes, may I help you?" The guy looks familiar pero hindi lang niya alam kung saan niya ito nakita. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.

'Hmm. Not bad.' White button-down shirt at khaki pants ang suot nito na binagayan nito ng isang pares ng Tommy Hilfiger Men's Pandora Shoe.

"Are you done checking me out?" Napatingin si Freya sa mukha ng lalaki. He's smirking at her. Itinaas-baba pa nito ang kilay na para bang inaakit siya. What the fuck?

"Hmm yeah, so do you think you passed my taste?" As if naman papasindak siya dahil nahuli nitong nakatitig siya.

'Di niya napigilang bumunghalit ng tawa nang makitang namula ang pisngi ng lalaki. "Are you blushing?" Lumakas ang tawa niya nang mas namula pa ito. He looks like he's going to faint. "Okay! Sorry for my bluntness, pero ano bang maitutulong ko sa'yo?"

Tumikhim muna ito, "I'm here to ask for your opinion."

"With what?"

The guy spread his arms and smiled. And that's when she realized who he really was. "OMG! Fredo? As in Alfredo Montenegro? Is that you?"

Napatili siya nang kumindat ito. Hindi niya inaakalang ito na ang dating jologs na lalaking nagligtas sa buhay niya. That was one month ago. He really did change big time. After the resort incident, they've became close. He asked her to become his fashion advisor which she willingly agreed too, because he saved her life. Recently, nalaman niyang katrabaho ito ni Dickson, pero isinawalang-bahala na lang niya.

"Sa tingin mo, pasado na ba akong prospect date mo?" nakangiting tanong ni Fredo.

"Pasado ka naman talagang ka-date dahil guwapo ka," Tumatango-tangong sagot niya. "I mean, dati pang-indoor date ka lang, ngayon pwede ng pang-outdoor." She bit her lip para pigilang matawa.

"I really admire your frankness," nakangiting sagot ng binata.

"H'wag mong sabihing na-fall ka na sa'kin?" pabirong tanong niya.

"Yes." Natigilan siya sa naging sagot nito.

Noon biglang may dumating na mag-ama at tumingin sa mga naka-display. Seryoso ba ang isang 'to? She could feel shivers running down her spine.

"I like you, Freya. You may think it's too soon but it's not. I've been admiring you since I saw you with Dickson. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya nang makita kita sa resort noong company outing." Napailing ito. "I know you can be blunt at times and ended up saying things that inadvertently intimidate or offend people, but that doesn't mean no one will admire your truthfulness."

Tinitigan niya ang binata. She looked for any signs that he's joking. "Please don't make this a joke, Fredo." Napapa-iling na sagot niya. "I-I just came from a bad relationship, been told that I'm horrible, selfish. Has been cheated by the same guy over and over. Got my heart broken, and almost died from a jellyfish sting. I'm no—" Naputol ang sasabihin niya nang biglang tawirin ng binata ang pagitan ng mga labi nila.

Awtomatikong napapikit siya at napakapit sa balikat nito. It was slow and soft, comforting in a way, na para bang sinasabi nitong magpaubaya siya. It was intoxicatingly sweet.

When they parted, she was lost in a daze.

Nagulat pa sya nang may tumikhim. Paglingon niya ay nakita niya ang mag-ama. Nakaharap sa kanila habang tinatakpan ng tatay ang mata ng anak nito.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top