CHAPTER ONE | Wow, What a Surprise

THIRD PERSON

Pagpasok pa lang ng apartment, lugmok na agad ang sumalubong sa kanya.

Habang nanonood ang dalawa ng basketball sa isang 5 inch flat screen TV, napansin nina Theo at Julius na nakabusangot ang mukha ng isang kaibigang nakasuot ng all black corporate attire at may hawak na party whistle sa kaliwang kamay. Agad itong inihipan kasabay ng sintunadong tunog na animo'y mabubulabog ang mga tao sa kanyang ginawa, at nang tuluyang paghiwalayin ang pang-ihip sa kanyang labi ay matamlay itong nagsalita, "Happy birthday to me."

He raised his pair of hands that's aligning with his head and shaking it with an ease of being unenergetic. "Yey," anito, at tuluyang nilagpasan ang mga gagong nasa TV sabay diretso sa kama bago ibagsak ang pintuan sa kwarto.

"Anong nangyari sa kapatid mo?" nagtatakang tanong ni Theo nang kausapin siya ni Julius na nasa tabi nito. Walang itong nakuhang sagot kundi ang sabayang pagtaas ng dalawang balikat at pagnguso sa bibig ng kaibigan nito, kaya wala siyang ibang choice kundi ang puntahan na lamang siya sa kwarto't silipin siya para tignan kung anong nangyari.

Nauna itong lumapit sa kanya at nakita ang hindi pa nagbibihis na Joey Clyde na tumulala sa kisame ng apartment. Sinubukan niyang kalabitin ang kanyang kaibigan pero binitawan niya ang kamay nito't pinaalam na wala siya sa mood kung magsalita.

Agad siyang umalis at niyaya si Julius na lumabas para bumili ng kanilang lunch, at siya?

Naiwan na lang nang mag-isa.

He cannot believe what has happened. After working as a full time call center agent for how many years, his boss forcibly fire some of its members, including him. Reason? Magbabawas daw sila ng mga tao sa lugar na iyon. Hindi ba makatarungan ang ginawa nito sa kanila? Wala naman silang record na may kasalanan sila sa HR, so bakit sila nagtatanggal?

Nang dahil sa trabahong iyon, natutulungan nito pati pamilya niya na sa 25th Avenue rin nakatira, at siya rin ang inaasahan ng kanyang pamilya, kaya noong nalaman niya na isa siya sa mga mawawalan, pakiramdam nito'y binuhusan siya ng malamig na tubig sa kanyang narinig.

"I'm sorry, Joey, but you're also fired, too."

Walong salita lamang ito pero habang tumatagal, lalala ang magiging epekto nito sa kanya — tulad noon. At hindi lang siya ang maaapektuhan, pati mga iba pang kasamahan sa trabaho, isa na roon ang pinsan ni Theo na si Jasper.

Speaking of his friend, hindi niya agad mapigilang mapakamusta sa kasamahan niya, junior katrabaho as they say. Nalalanta na agad ang buhay ng binata pero nakakaya niyang iabot ang bag sa ibaba ng kama habang nirorolyo nang kalahati ang sarili nito. At kahit nakahiga at tinatamad nang ikilos ang buong katawan ay nagagawa niyang hanapin ang kanyang cellphone, nang maikuha niya iyon ay bumungad sa kanya ang isang nakakapangmurang mensahe:

Putangina

Damang-dama ang lutong na bumalot sa isang mensahe kahit pa ngayon lang iyon binasa. Ngayon pa lang ay paglalaruan ng utak ni Joey ang mga posibleng mangyari sa kanya, gayong tatlong taon na ang anak nilang dalawa ni Amara. Oo, mayroon naman siyang part time jobs sa Kungdari Street, pero alam niyang sulit iyon sapagkat malaki ang sweldo ng Call Center kung ikukumpara sa sweldo ng ilang mga trabaho. Ginagawa niya ang lahat ng iyon para sa kanyang pamilya, subalit sasapat na ba ang sweldo gayong natanggal na siya sa trabaho?

Nagpabuga na lamang siya ng hininga at ibinalik ang direksyon sa kisame, blanko at puno ng mga tanong ang dumarating sa kanyang isipan. Sure thing, nasabi ng kanilang boss na bankruptcy ang problema, pero sa anong paraan? Bakit umalis ang ilan sa mga kasamahan nila sa trabaho? May mga ilan na mahal ang kanilang trabaho at kabilang siya roon, pero katulad niya, nabalutan iyon ng isang tanong:

Paano sila makakabalik sa dati nilang nakasanayan kung sila naman ang nawalan?

Oo, nagiging photographer siya both events and personal. Kumikita naman siya roon, pero at what cost?

Maya-maya pa'y humina ang kanyang boses kasabay ng mabagal pero nakabuburyong tinig ng "Happy Birthday" sa kanyang sarili. Tumagal iyon ng bente segundo kasabay ng paglanghap ng hangin sa mainit at walang hanging kwarto sa kasuluk-sulukan ng silid. Sakto naman ay nagpantig ang tainga ni Joey dahilan para mapakinggan ang tunog ng dalawang taong nag-uusap sa loob ng sala habang inaayos ang mga pinamiling pagkain sa labas.

Teka... bakit may kasamang isa? anito kasabay ng pagtayo ng kanyang katawan sa matigas na kamang kanyang kinahihigaan. Wala siyang pakialam kahit tanggalin ang corporate attire na suot niya, ang importante makalabas muna siya sa kwarto at alamin kung sino ang kasama nina Theo at Julius.

And for some reason, pamilyar ang boses niya.

"Teka lang— Julius, 'yung banner!"

"Wait lang, Yuri! Kinukuha ko na—nakita ko na!"

"Good! Idikit mo na bago lumabas si Joey!"

O akala lang pala nila.

Nang makalabas siya sa kwarto ay nagbago ang timpla ng kanilang ekspresyon, maging si Theo na malapit na agad maubos ang pasensya kakausok ng ilong sa kanyang paglabas.

"Man, hindi pa kami tapos mag-ayos saka ka pa lumabas ulit!"

"Malay ko ba. Tsaka tanggal ako sa trabaho so, I have no choice," mahina nitong tugon. Palipat-lipat ang tingin ng tatlo habang lumilingon sa mga nakadikit na palobong letra na nakasabit malapit sa itaas ng TV habang tumutugtog ang awitin ng Viva Hotbabes na nasa videoke, kasabay ang pagtalas nito ng tingin sa tatlong kupal na nakahawak sa iba't ibang birthday decoration mula banners hanggang party hats.

"Ayos lang sa'kin kung ganito dahil birthday ko ngayon. Pero sino ang nagpapatugtog ng Basketbol sa videoke? Porke nanood kayo kanina pagkarating ko ng apartment?"

Julius reasoned out, "Kuya, si Theo ang nagsuggest nito."

"Bakit ako?" paminintang na banggit nito sa kanya. Napansin rin na may  nagtatago sa likod ni Theo, at kung maispatan nga agad ng tingin ni Joey ay agad niya itong tinawagan sa last name niya.

"Ledesma."

Yari na ako nito, ani ng isipan ni Yuri. "Talagang sumama ka pa sa mga gagong iyon para lakasan ang boses mo?"

"Oo nga, Yuri," sabat ni Julius nang tumingin ito sa kaibigan niya. "Sabi kasi sa'yo hinaan mo ang boses, e!"

"Sorry naman! Akala ko kasi hindi niyo sinabi sa'ki—"

"E nakikisabat ka naman!"

"Calm down, you two," mahina nitong tugon kina Yuri at Julius nang malapit na silang magtalo over a single preparation. "Since nasurprise ko kayo, let's enjoy the party, shall we?"

"Kuya, akala ko ba pag-uusapan natin tungkol sa sudden dismissal niyo?"

"Mamayang gabi na iyan, Julius. Magsayahan muna tayo bago idaan sa maboteng usapan. Okay lang ba sa inyo?"

Masigabong sumang-ayon ang tatlo, at kahit lunch time ay agad nilang cinelebrate ang birthday ni Joey despite what happened in the workplace. Abot tenga ang kanilang ngiti at tila nakakaramdam sila ng pagkahigh simula noong naidaos nila ang kaarawan ng kanilang kaibigan, may pa-videoke at lunch date sa tanghali, pagdating ng hapon ay kumain sila ng chocolate cake na binili ni Yuri kanina na lalong nagpasaya sa kanilang sistema.

Lalong-lalo na kay Joey.

Si Joey na kung sumaya ay para siyang nasa cloud nine at nakakalimutan niya ang lugmok na binigay sa kanila ng boss niya. At habang ang kanilang mga kasama ay nalulungkot dahil wala silang trabaho, siya naman ay nagsasaya kasama ng kanyang mga kaibigan sa loob ng apartment.

Habang sila'y kumakain ng cake ay biglang nagparamdam sa phone ni Theo: si Jasper, na ngayon ay nasa labas ng apartment para tumambay kahit saglit. Nagpaalam naman ito sa kanila at pagkatapos ay agad nagkwentuhan ang tatlo tungkol sa isang bagay: ang love life ni Yuri.

"Ledesma," tawag nito sa kanyang apelyido. "Kamusta love life?"

"Huh? Anong love life?" sagot nito habang nakatingin sa matang kulay itim at nakasuot ng squared glasses, white shorts at purple floral polo na naka-butones sa gitna.

Dagdag ni Joey, "Pansin ko kasi ikaw na lang 'yung walang girlfriend sa'ting tatlo."

Maya-maya may kumalabit sa likod ni Joey, at si Julius iyon, "Kuya, paano magkakaroon ng girlfriend si Yuri, e researcher iyan sa isang marketing company sa Kungdari Street! Tsaka..."

Bumulong ito sa kanya, "May trauma na iyan sa past. Alalahanin mo, jumowa iyan ng taga-HUMSS."

Agad siyang binatukan ng kanyang kuya saka napatawa si Yuri nang mahinahon. Asik nito, "May binubulong ka na naman, ano?"

"Eto kasing si Julius, may sinabi sa'kin. Sabi may crush ka sa ka-strand mo—"

"Sabing wag po kayong maingay, e!" he uttered in a low tone. "Baka mamaya mag-relapse na naman iyan!"

"Mga tarantado kayo," ani Yuri bago kainin ang isang tinidor ng chocolate cake na nakapatong sa platito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top