CHAPTER TWENTY-FOUR
Hindi ko alam na nasa likuran ko lang pala si Nanang. Napansin ko lang ito nang bigla na lang siyang magsalita. Huwag ko na raw sayangin ang oras ko sa paghihintay sa hilaw kong asawa dahil sigurado raw na hindi na ako babalikan no'n.
"Okay na iyong may naipakilala kang ama ng magiging anak mo, Ate," sabat naman ni Sylvia. "Mainam ding naging saksi si Aling Delia, ang tsismosa nating kapitbahay sa pag-iisang-dibdib n'yo ng lalaking iyon. At least, pag-usapan ka man dito sa atin, mild lang. Puwede nating palabasing inaasikaso n'yo lang ang visa mo kaya medyo matatagalan ang pagbalik mo ng Japan."
Pareho ko silang sinimangutan ni Nanang at bumalik na ako sa loob ng bahay at pumanhik sa kuwarto ko. Nainis ako. Pinamukha lang kasi nila sa akin ang matagal nang umuukilkil sa isipan ko. Baka totoo ngang hindi na ako babalikan ni Kaito.
"Divina! Divina!" narinig kong sigaw mula sa labas. Napabangon ako at napasilip sa bintana na nasa tabi lang ng papag ko. As usual, naghi-hysterical na naman si Aling Delia. Ano na naman kayang tsismis ang dala nito? Nang lumitaw ang inang ko sa harap niya, excited nitong binalita na may dumating daw na package para sa amin. May tinuturo siya sa bandang likuran niya. Mayamaya'y may lumitaw na mama na may karga-kargang malaking kahon. Galing daw ng Japan ang naturang package. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko. Nagpadala si Kaito? Mabilis akong bumaba ng bahay. Kung gaano ako ka bilis na-excite sa pagdating ng package, gano'n din kabilis akong nawalan ng gana. Hindi pala kay Kaito galing iyon kundi sa Tita Chayong ko.
Malulungkot na sana ako nang tuluyan nang may napansin ako sa mga pinadala ni Tita Chayong. May nakaipit doong sobre. Naka-Katakana (Japanese syllabary used for foreign names and words) ang Filipa Ferrer sa labas nito. Naisip ko agad si Kaito. Hindi naman kasi marunong sumulat no'n ang tiyahin ko kahit na ilang dekada na siya sa Japan at wala ni isa man sa mga alaga niyang Pinay ang marunong magsulat sa wikang Hapon.
Pagbukas ko ng sobre, bumulaga sa pinakailalim ng note ang pangalan ni Kaito. Tama nga ang kutob ko. Bukod sa note ay mayroon pang plastic card doon. Na-excite ang mga kapatid ko. ATM card kaagad ang bigla nilang naisip. Ako ma'y ganoon din. Nang basahin ko ang kabuuan ng sulat, napag-alaman kong susi pala iyon sa nabiling condo unit ni Kaito sa Maynila. At pinapalipat ako ora mismo para raw sa kaligtasan naming mag-ina!
**********
"Hindi ito ang daan papunta sa ospital," sabi ko kay Yamada-san, ang driver ng ama kong sumundo sa akin sa Kansai Airport. Tumingin lang ito sa salamin sa bandang itaas ng driver's seat at sinalubong ang tingin ko pero hindi siya sumagot. Mayamaya pa, dumahan-dahan ito sa harap ng isang magarang mansyon. Umiilaw ang lahat ng poste na nakapaikot sa naturang istraktura. Nang tumapat ang sasakyan sa higanteng gate na bakal, bigla itong bumukas. Pinasok ni Yamada-san ang sasakyan doon at sinalubong kami ng tatlong tauhan ni Papa.
"What's going on?" tanong ko kay Akio na nakanganga rin habang nakatingin sa maliwanag na hardin na tila pagmamay-ari ng isang royal family. Sanay na ako sa magagarang tanawin dahil simula't sapol ay iyon na ang kinagisnan ko pero namangha pa rin ako sa hitsura ng binabaan namin. Tila isa iyong paraiso.
"Ang sabi mo nasa ospital si Mama?" untag ko kay Akio. Medyo kinakabahan na ako.
"Iyan nga rin ang sabi ng papa mo."
"Ba't tayo nandito?" tanong ko sa dalawang tauhan ni Papa pagkababa ng sasakyan.
Hindi sila sumagot. Napatingin ako sa front door na biglang bumukas. Niluwa no'n ang papa ko in his custom-made Gucci black suit kasama ang ama ni Amane. Nang makita sila, naunawaan ko agad kung para saan ang lahat. Sumulak ang dugo sa ulo ko.
"You tricked me!" galit na galit kong akusa sa ama ko nang magkaharap kami. Iningles ko na para hindi maintindihan ng ama ni Amane.
Ngumiti lang nang mapakla si Papa. Hindi siya umimik. Sa halip ay naglahad siya ng kamay na parang pinapapasok na ako sa mansyon. Tumanggi akong pumasok, pero may humawak sa magkabila kong braso. Hindi ako nakapumiglas dahil ang lalaki nila. Halos kalahati lang ang katawan ko gayong hindi naman ako maliit na tao sa taas na anim na talampakan at dalawang pulgada. Pagkapasok ko sa loob, lumitaw buhat kung saan ang naka-trahe de bodang si Amane. Kabuntot niya ang naka-sutanang blonde guy na may hawak ng isang libro.
"Mabuti't nandito ka na, anak," bati ni Mama. Lumabas ito mula sa isa sa mga silid doon kasama ang mama ni Amane. Pagkakita sa kanyang okay naman, lalong kumulo ang dugo ko. Napakuyom ang magkabila kong palad.
**********
Humilab ang tiyan ko bandang alas nuwebe ng gabi kung kaya napilitan akong lumabas ng silid at maghanap ng maaaring makain sa loob ng pantry. Puro instant noodles lang ang nandoon. Nakakainis! Sana hindi ko muna pinauwi sa amin sa Pampanga si Sylvia. Wala akong mautusang bumili ng pagkain sa labas. Gusto kong kumain sana ng mainit na siopao. Ang alam ko bukas pa ang tindahan malapit sa kinaroroonan ng condo.
Nagtalo ang isipan ko kung sasaglit ba ng tindahan o ano. Gustuhin ko man, medyo nag-alangan ako. No'ng isang araw kasi'y may napansin kaming magkapatid na tila sumusunod sa amin. Baka mayroon na namang mang-i-stalk sa akin. Sa kalagayan ko, mahihirapan na akong makaiwas doon kung sakali. Ang bigat na ng tiyan ko gayong anim na buwan pa lang ang dinadala ko. Hindi na ako makakatakbo.
Shit! Gusto ko talagang kumain ng siopao!
Nagpalakad-lakad ako sa loob ng condo. Nate-tempt na akong magbihis at sumaglit ng tindahan. Magbibihis na sana ako nang may narinig na kaluskos sa labas ng unit ko. Nakita kong gumalaw ang seradura ng front door. Inatake ako ng nerbiyos. Pati bata sa tiyan ko'y tila nag-riot din sa kaba. Dali-dali akong naghanap ng maipampalo sa burglar. Wala akong mahanap kundi walis tambo. Hawak-hawak iyon, pumwesto ako sa tabi ng pintuan. Pagkabukas no'n pinalo ko nang ubod-lakas ang trespasser.
"Itai! (Aray!)" sigaw nito.
Nagulat ako nang makitang hindi naman miyembro ng akyat-bahay ang napalo ko nang ilang beses kundi si Kaito. Galit itong tumingin sa akin habang sapo ang noong namumula.
"Oy, sorry. Hindi ko alam."
*********
Looking at her with her big belly made everything worth it. Gaya ng lagi kong naiisip she looked so fresh and beautiful. Gusto ko siyang yakapin at halikan. Na-miss ko siya talaga nang husto. Four months felt like a century. Ang tagal naming hindi nagkita.
Nang makita kong labis siyang nag-alala sa pagkapalo sa ulo ko, sinakyan ko na iyon. Umarte akong tila nasaktan masyado. Nakita ko siyang nataranta. Inakay niya ako papunta sa malaking couch sa sala. Pinaupo niya ako roon at pumunta siya sa kusina. Pagbalik niya'y mayroon na siyang dalang bimpo at ice cubes. Binalot niya ng bimpo ang ice cubes at dinampi iyon sa noo ko.
"Ouch! Careful!"
Napayuko ako at hinimlay ko ang ulo sa kandungan niya habang umuungol.
"Ang sakit talaga! Balak mo ba akong patayin?" sabi ko pa.
Hindi siya nakasagot agad. Tila nagulat siya sa ginawa ko. Tinulak pa niya sana palayo sa kadungan ang ulo ko, pero siniksik ko iyon doon. Pagkasagi ng ulo ko sa umbok ng kanyang tiyan, I felt the baby inside her tummy kicked my head. Nagulat ako. Napabangon ako agad.
"The baby kicked me!" tuwang-tuwa kong sabi. Bago pa siya maka-react, pinatong ko na ang ulo sa tiyan niya. Gumalaw uli ang bata. Lalo akong natuwa. Hinalikan ko ang tiyan niya sa labis na katuwaan. Napasinghap siya. I held her hand. Nang maghinang ang mga paningin namin, dahan-dahang bumaba ang mukha ko't ginawaran siya nang masuyong halik sa labi.
**********
A bigger part of me says, I should not let my feelings rule my head. Ganunpaman, hindi ko nakontrol ang sarili nang bigla na lang niya akong hinalikan. Ang hinanda kong panunumbat ay bigla kong nakalimutan.
You're so pathetic, Pipay!
Nang lumayo siya't titigan ako sa mga mata, bigla akong napayuko. Sinapo niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ang tungki ng aking ilong.
"Kumusta ka rito?" tanong niya sa akin sa mahinang tinig.
"M-mabuti naman."
"Good. Natanggap mo ba ang mga padala ko sa iyo noong nakaraang buwan?"
Tumangu-tango ako sabay pasalamat sa kanya.
Ginagap niya ang palad ko. Humingi siya ng paumanhin kung bakit natagalan ang pagbalik niya ng Pilipinas. Hiningi rin niya ng paumanhin ang pagpapadala ng card thru Tita Chayong's package. Hindi raw niya alam kung paano iyon maipaabot sa akin nang hindi siya nag-aalala na baka makarating sa mga magulang niya ang tungkol doon. Pinabantayan daw kasi ng mga ito ang lahat ng post office sa Japan. Pati nga cell phone niya't email ay may kutob daw siyang bantay-sarado ng mga tauhan ng ama. Ito nga raw pagpunta niya ng Pilipinas ay kailangan pang ilihim nang todo.
"I have to go to Russia just to come here," sabi pa niya.
Nang mangunot ang noo ko, nagpaliwanag ito na nilansi raw niya ang mga tao ng ama na maaring nakabantay sa lahat ng airports ng Japan ng biyaheng patungong Pilipinas. Ang bilin daw niya sa mga tauhan sa Banzai Studio, makikipagkita siya sa isang Rusong computer programmer na balak nilang i-hire kung kaya kailangan niyang puntahan ito sa Russia. Sinabi niya iyon sa mga empleyado sakaling usisain sila ng papa niya tungkol sa kanya.
"Hindi kaya kalabisan naman iyan? Lalo mong pinagduda ang mga tauhan ng ama mo niyan."
"Hindi, no. Tingin ko, they'll believe my alibi. Ginawa na namin iyan noon nang may nag-apply sa aming video game developer na taga-Bangladesh. Ako mismo ang pumunta sa kanila para doon isagawa ang interbyu. Gano'n ako kapag gusto ko ang tao."
Napaisip ako. Nang mapagtanto ko ang hirap na dinanas niya para lang mapuntahan ako, nakaramdam ako ng ibayong kaligayahan. Nag-alala man ako nitong nakaraan dahil alam kong ayaw na ayaw sa akin ng mga magulang niya at hindi siya nakipag-communicate sa akin kahit minsan, nawala lahat iyon nang marinig ko ang kuwento niya.
Ginagap niya uli ang isa kong kamay kaya nag-init ang mukha ko. Lalo iyong uminit nang dinala pa niya iyon sa kanyang bibig at bigyan ng light kisses habang nakatitig sa akin.
Habang nagmo-moment kami, biglang tumunog ang tiyan ko. Bigla kong inagaw ang kamay at pinantakip iyon sa mukha. Narinig ko siyang tumawa.
"Alas nuwebe na. Hindi ka ba nakapaghapunan?"
"K-kumain na ako. Nagki-crave lang ako ng siopao."
Ngumiti siya uli. Nagbutingting siya ng cell phone at naghanap ng maaring bilhan no'n.
"Actually, mayroon sa tindahan one block away from here," sabi ko.
"Magpa-deliver na lang tayo," sabi niya.
"I'm sure wala nang delivery sa mga oras na ito," sagot ko naman.
After a few minutes, ngumiti siya. Mayroon siyang nahanap.
**********
As I was watching her eat the siopao I ordered, may kung anong humaplos sa puso ko. I could watch her forever. Ang cute niya tingnan lalo pa't parang hindi siya aware na pinagmamasdan ko siya. Umiwas ako ng tingin nang mapasulyap siya sa akin. Nagbutingting ako ng cell phone. Timing. May mensahe ako from Akio. Tawagan ko raw siya.
"May telepono ka ba?" tanong ko sa kanya. "I want to call Akio, but I can't use my phone."
Pagkabigay niya ng CP, pinindot ko agad ang numero ng kaibigan. Napag-alaman kong natuklasan nila Papa ang pagpunta ko ng Pilipinas kahit na dumaan pa ako ng Russia. Mag-ingat daw ako dahil may pinadala na raw na tao ito para sapilitan akong ibalik ng Japan. Ingatan ko raw si Filipa dahil baka ito ang pagbuntunan ng galit ng papa ko. Napasulyap ako kay Filipa at biglang natakot.
"I have to go again," sabi ko sa kanya pagkatapos naming mag-usap ni Akio. "Whatever happens, don't open the door, okay? I'll send some people to watch over you."
Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Parang pinunit no'n ang puso ko, pero wala akong magawa. Kung hindi ako aalis nang oras na iyon, baka nga may gawin sa kanya ang mga tauhan ni Papa. Hindi ko maaring isugal ang kaligtasan niya. Tinawagan ko ang contact kong security agency sa Maynila at sinabihang magpadala sila agad ng taong magbantay kay Filipa ora mismo. Nang makausap ko ang dalawang pinadala ng agency, saka ko lang siya iniwan.
**********
Noon, akala ko karaniwang disgusto lang ng mga magulang ang nararamdaman ng parents ni Kaito sa akin. Bandang huli'y napag-alaman kong seryoso na pala iyon. Iyong klase na handa silang gumawa ng krimen, huwag lang mapasaakin ang anak nila. Natakot tuloy ako. Pinapauwi sana ako ng tatang ko sa amin dahil mas safe daw ako roon, pero ang sabi naman ni Tita Chayong huwag na huwag na raw muna akong umuwi dahil alam na ng mga taong gustong manakit sa akin ang lugar namin sa probinsya. Baka raw madamay ang pamilya ko mabigyan lang ng sampol si Kaito. Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ko iniwasan noon pa ang damuho. Heto tuloy at daig ko pa ang isang kriminal sa pagtatago.
Kapanganakan ko na nang magkita kami uli. Dumating siya sa ospital kung saan ako nanganak. Kinausap siya agad ni Tatang. Sinabihang kung hindi niya ako kayang ipaglaban sa mga magulang ay kalimutan na kaming mag-ina nang tuluyan. Hindi nakasagot si Kaito. Sinaway naman ni Nanang si Tatang.
"You're so beautiful, baby. I'm sorry if daddy is a coward. I should have faced grandpa and grandma and assert what I want in my life. But here I am, hiding from them like a goddamn criminal," anas ni Kaito sa baby girl namin habang hinahagkan-hagkan ito sa noo. May nangilid na luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan sila mula sa pintuan ng CR na nasa loob ng private room sa St. Luke's Hospital.
Nang matapos sa pagbubulong ng kung anu-ano sa anak, nagpahid ng luha sa mukha si Kaito. Nakanti naman ang puso ko. Naawa ako sa kanya. Ang lahat ng inis ko sa kanya'y naglaho. Gano'n nga siguro ka tindi ang ama niya na pati ang isang barumbadong tulad ni Kaito ay mawalan ng sapat ng lakas na loob para tuluyan itong suwayin.
"Hindi basta-basta si Furukawa-san. Maging ang mga miyembro ng yakuza sa Osaka ay takot kumanti sa kanya. Sa lawak ng kanyang impluwensya, kaya niyang diktahan ang sino mang politiko o katulad niyang business man sa Japan. Kaya kailangan mong mag-ingat, Filipa, at dahil sa iyo'y nasira siya sa isang maimpluwensya ring tao sa Kansai," paalala sa akin minsan ni Tita Chayong.
Naisip ko tuloy, tuluyan nang ipaubaya si Kaito kay Amane. Nagdesisyon ako na pagkaalis ni Kaito ay aalis na rin kami sa condo na binili niya para sa amin. Nagsabi si Nanang na doon muna kami sa kapatid niya sa Benguet. Marahil ay hindi na kami masundan doon ng kung sino mang tauhan ng papa niya. At marahil kung tuluyan na akong lumayo kay Kaito'y tumigil na rin sila sa kahahabol sa akin.
Nang nagpaalam si Kaito para bumalik sa tinutuluyang hotel, nalungkot ako. Alam ko kasing iyon na ang huli naming pagkikita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top