CHAPTER TWENTY-EIGHT
Sa bawat haplos ni Kaito sa maseselang bahagi ng aking katawan, napapasinghap ako't napapaliyad. Nilingkis ko pa ang magkabilang binti sa baywang niya at diniin pa lalo sa namumutok niyang harapan ang sugpungan ng mga hita. Pakiramdam ko, basang-basa na ang panties ko sa matinding pagnanasa. Ganunpaman, buo pa rin ang huwisyo ko kaya naulinigan ko ang pagbukas ng pinto. Sa isang kisap-mata'y naitulak ko nang buong lakas si Kaito sabay bangon. Sa pagkabigla'y nawalan ito ng panimbang at halos ay mahulog sa maliit na kama. Dali-dali kong tinungo ang pintuan. Nakasalubong ko ang tila nagtatakang nurse.
"Filipa! Bumalik ka rito! That's an order!"
Hindi ko siya pinansin. Sapat nang nalaman kong hindi naman malubha ang kanyang kalagayan.
Lakad-takbo ang ginawa ko pabalik sa amin. Panay lingon ko sa likuran na para bagang isang magnanakaw na takot mahuli sa ginagawang krimen. Hanggang leeg din ang kaba ko na baka pinasundan niya ako. Shit! I was not thinking. Bakit ba naman kasi naglakas-loob akong bumisita sa kanya? Matitigok talaga ako ni Furukawa-san. Baka nga sa mga sandaling ito'y nasa amin na siya at pinagbabantaan na naman ang tiyahin ko. Hindi na ako nadala. Ano ba ang nangyari noong nahuli ako ng tauhan niyang nagtangkang bumisita sa Banzai Studio para lang masilip kahit panandalian lamang ang kalagayan ni Kaito? Nagpasabog sila sa parking lot at pinaamin lang sa pobreng Syrian refugee. Inakala ng lahat na act of terrorism ang nangyari. But I know better.
"Saan ka na naman nagpunta?!" naiinis na salubong sa akin ni Tita Chayong pagdating na pagdating ko sa amin. Tila natataranta ito. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sinasabi ko na nga ba, e! Ang talas talaga ng pang-amoy ng Furukawa-san na iyon!
"Ano po'ng nangyari? Pinapalayas na naman ba tayo rito? Nagbanta na naman ba si Furukawa-san?"
"Anong pagbabanta ang pinagsasabi mo riyan? Hetong anak mo. Kanina pa iyak nang iyak. May sinat yata. Kailangan na natin siya patingnan sa doktor. Kanina pa kita hinihintay."
Napahinga ako nang maluwag. Sinalat ko ang noo at leeg ni baby. Hindi naman mainit. Ang OA ni Tita Chayong! Pero naglilimahid na ito sa pawis. Nagsasanib pwersa rin ang mga luha niya't sipon para lalo siyang magmukhang batang pulubi. Naawa ako sa anak ko at na-guilty nang todo dahil halos hindi ko na siya naasikaso sa kaii-stalk sa kanyang ama.
"Siguro naman hindi ka gumawa ng kung anong katangahan this time? Isipin mo ang nangyari noong muntik ka nang magpadala riyan sa kati ng ano mo. Muntik na tayong mapahamak pati na si Kaito. Ayaw ko nang lumipat ng tirahan. Sawang-sawa na ako sa pag-aalsa-balutan kada buwan."
Hindi ako sumagot. Inasikaso ko na lamang si baby. Pinunasan ko ito't pinadede. Nasa likuran ko lang si Tita Chayong at kinukulit ako na dalhin na raw namin kahit sa clinic lang ang bata.
"Wala ho siyang sinat, Tita. Naiinitan lang. I know her. Hindi siya sanay na pinapatayan ng aircon."
"Ang arte kagaya ng ina! Paano ba namang hindi ko patayin ang aircon? Umaabot nang mahigit isang lapad ang kuryente natin kada buwan. Papaubos na ang binigay sa aking pera ni Furukawa-san. Mabuti kung makaalala pa iyong magbigay ulit. Kung hindi ka ba naman kasi tanga. Inalok ka na ng isang daang milyong yen kapalit ng pag-alis sa Japan at pangako na hinding-hindi na tutungtong dito, nagmatigas ka pa. Hay! Kung bakit kasi noong nagpasabog ng katangahan ang Diyos ang aga mong nagising. Sa harapan ka pa pumila!"
Sinimangutan ko si Tita Chayong. Hanggang kailan niya kaya isusumbat sa akin iyon? Mahirap bang intindihin ang side ko? Paano ko matatanggap ang pera? Una sa lahat hindi for sale ang pagmamahal ko kay Kaito. Pangalawa, hindi ko kayang mabuhay nang malayo sa kanya. Kahit hindi man kami nagsasama sa ngayon I'm comforted by the fact that we breathe the same air.
Naudlot ang paglilitanya ni Tita Chayong nang may kumatok. Kapwa kami napatingin sa pintuan. Parehong kinabahan. Hindi na kasi kumakatok kapag nadalaw ang mga dati niyang entertainers. Kung sino man ang dumating, tiyak na may kinalaman iyon sa pinagtataguan namin.
**********
Nahiya ako sa dumating na nurse dahil nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata nang mapadako roon. Hindi pa rin kasi humuhupa ang pananabik ko kay Filipa. Halata tuloy sa manipis kong hospital gown lalung-lalo na ngayong nakatihaya ako sa kama. Kailangan ko raw kasing i-relaks ang katawan dahil tse-tsekin niya ang vital signs ko. Pagkatapos akong ma-check, dali-dali nang tumalikod ang nurse. Pero bago niya gawin iyon, nahagip ng tingin ko ang matamis niyang ngiti.
"Kumusta na ang pasyente ko, nurse-san?" narinig kong tanong ni Akio. Bumalik ang hudas.
"Mabuti naman, sir. Maari na siyang makalabas ng ospital anytime. Hindi naman yata nakaapekto sa kanya ang aksidente. Bagkus, tila mas lumakas pa siya sa kabayo."
"Siyanga ba?" tila amused na sagot ni Akio at sinulyapan ako. Bumangon ako't naghagilap ng unan na ipantakip sa harapan. Akala ko naagapan ko iyong takpan. Mas mabilis at matalas pala ang mga mata ng hunghang. Humahagikhik na ito nang lumapit sa kama ko.
"Huwag mong sabihin na pinagnasaan mo ang nurse na iyon? Grabe talaga ang nagagawa ng pagiging tigang. Kahit na matandang nurse ay---aray!"
Hinampas ko uli ang unggoy ng unan. This time nakailag na siya.
"Ba't ka pa bumalik dito? Hindi ba't sinabi kong hindi ko na kailangan ang pagmumukha mo rito?"
"Ayaw mo bang makinig sa nasagap kong balita?"
Pinaningkitan ko siya. Kumulo ang dugo ko sa pa-suspense niya. Natutukso na naman akong batukan siya para tumigil na sa pang-iinis at pambibitin sa akin.
"Go straight to the point. Wala ako sa mood makipagbiruan!"
Sumeryoso ang hudas. Naupo ito sa kama ko at nagkuwento. Nawala bigla ang pagkainis ko sa kanya. Bago pa niya matapos ang pagsasalaysay ay napangiti na ako.
**********
Matagal nang wala ang mama pero hindi pa rin kami halos makapaniwala ni Tita Chayong. Totoo nga ba iyon? Hindi kaya bina-bluff lang kami ng matandang iyon? Marahil nagsawa na sa pananakot sa amin.
"Bukas na bukas din ay makikipagkita ako kay Furukawa-san," sa wakas ay sabi ni Tita Chayong. "Aalamin ko kung galing nga sa kanya ang utos."
Hindi na natuloy sa balak niya si Tita Chayong kinabukasan. Nang hapong iyon kasi'y naging laman ng balita ang magarbong engagement party ng bruhang si Amane at Yamauchi-san. Nang tanungin ng reporter ang mama ng maldita kung ano ang masasabi niya sa balak na pag-iisang dibdib ng anak at isa sa mga tagapagmana ng Yamauchi Corporation, nagpahaging siya sa mga Furukawa.
"Masaya akong sa wakas ay maikakasal ang nag-iisa kong anak sa tunay na may sinabi ang pamilya at hindi sa isang nagpapanggap lamang. Marahil ay alam mo naman ang pinagdaanan ng anak ko? Nalansi kami! Ang inakala naming ginto'y tanso pala!"
"Si Kaito Furukawa ba ang ibig mong sabihin?" tanong ng reporter.
Maarteng tumawa ang ginang. Hindi na nito sinagot pa ang tanong.
"Si Yamauchi-san naman dapat ang pakakasalan ng anak ko, e. Siya ang tunay na mahal. Siya ang tunay na nakatakda. At siya ang tunay na ama ng bata. Ooops! Take that one off the record." At tumawa uli ito kagaya ng ginawa kanina. Lalo tuloy siyang inulan ng tanong. Isa-isang nagsilapitan ang mga reporters sa paligid at inusisa siya kung totoo nga ang balitang hindi tunay na Furukawa ang kaisa-isa nitong apo. She answered with a knowing smile. Hindi na niya pinaunlakan pa ang mga taga-media. Kumaway na lamang siya at nagpaakay sa alalay palayo sa mga paparazzi.
Ang sumunod na news report ay ang mass withdrawal ng shares ng mga stockholders ng Furukawa Group of Companies. Nagkakaroon daw ng komosyon sa headquarters ng kompanya sa ngayon sa kadahilanang nagpoprotesta ang halos lahat nilang mga kawani sa buong panig ng Japan dahil sa hindi pagkakabigay ng sahod nila noong nakaraang buwan. Ang dating pamilya na kasing tayog ng buwan sa estado sa lipunan ay pinagpipiyestahan na ngayon sa buong bansa bilang latest victim ng bankruptcy.
"Kaya pala pinapalaya na tayo. Hindi na importante kung maging kami pa o hindi ni Kaito," malungkot kong sabi. Kahit na walang halaga iyon sa akin dahil hindi ko naman minahal si Kaito nang dahil sa mamanahin niyang pera, I still felt bad for him. Siyempre, Hapon iyon. Ma-pride. Sigurado akong labis siyang naapektuhan sa pangyayari. Alam kong hindi iyon sanay sa pangungutya ng mga tao.
Napabuntong-hininga si Tita Chayong. Nalungkot nang todo. "Kung sana tinanggap mo noon ang pera..."
"Tita Chayong---utang na loob."
Sinimangutan niya ako at iniwan sa sala.
**********
Hindi ako nagulat sa balitang ikakasal na uli ang peke kong asawa. Ang ikinabigla ko lang nagawa pang maghasik ng intriga ng walang hiya niyang ina. Napailing-iling ako.
Umiyak ang mama ko nang marinig niyang inamin ng dating balae na hindi nga akin ang kinikilala niyang apo. Si Papa nama'y tumalikod lang sa telebisyon. Minanduan niya kaming mag-ina na patayin na ang TV. Mayamaya pa, humihingal na ito na tila tumakbo ng a hundred meter dash. Nataranta si Mama. Pinindot nito agad ang nurses' station button sa gilid ng kama ni Papa at napasubsob siya sa dibdib ko. Ako nama'y hindi halos naka-react. Kung nakinig lang kasi sila noon sa akin hindi na sana ito nangyari. Paano, mas inuna pa ang ambisyon. Inakala na mapapaigting ng matrimonya sa pagitan namin ni Amane ang mga negosyo ng pamilya namin. Iyon pala'y tatraidurin lang kami. All along tama ang kutob kong pera lang at estado sa lipunan ang habol nila sa amin. Kung bakit kasi ang manhid ng mga magulang ko. Halata nang linta ang kaharap, hindi pa rin naramdaman.
Nang dumating ang nurse, lumayo kami ni Mama sa kama.
"Don't hate your father, Kaito. He was just trying to make amends," bigla na lang ay sabi ni Mama nang nakatulog na uli si Papa. Niyaya niya akong maupo sa couch na nasa loob ng hospital room na iyon.
"Amends for what?"
Hinuli niya ang kamay ko at pinisil-pisil iyon bago nagsalita.
"Dating kasintahan ng papa mo ang mama ni Amane. Inakala ng lahat na sila ang magkakatuluyan. Ang kaso I came along. At hindi namin napigilan ng papa mo ang damdamin sa isa't isa. Naging makasarili rin ako. Kahit alam ko nang buntis na si Sayaka-san sa anak nila ng papa mo noon hindi pa rin ako nagparaya."
Sa pagkakarinig sa huli nitong sinabi namanhid ang buo kong katawan at biglang sumama ang aking pakiramdam. Feeling ko maduduwal ako na hindi maiintindihan.
Ngumiti sa akin si Mama at napailing-iling.
"Hindi si Amane-chan iyon. Isinilang ang kapatid mo years before Amane-chan came along. Sa kasamaang palad hindi nagtagal ang buhay ng half-sister mo. Pinanganak kasing may butas ang kanyang puso. She died after a week. Sinikap ng papa mo na bumawi sa mga nangyari sa dati niyang kasintahan. He tried to give her everything. Siya pa ang halos naghanap ng lalaking mapapangasawa nito. At kahit maayos na ang naging buhay ni Sayaka-san sa piling ng kanyang napangasawa, hindi pa rin tumigil sa kakatulong ang papa mo. Minsan nga, naiinis na ako. Pero bandang huli'y naintindihan ko rin. Hindi matapos-tapos ang pang-uusig ng kanyang budhi."
Nakahinga ako nang maluwag. Inakala kong I committed an incestuous relationship...Buti na lang.
"When Amane-chan was born, nakipagkasunduan ang ama mo kina Sayaka-san na ipapakasal namin kayong dalawa balang-araw kaya tuwang-tuwa kami ng papa mo nang magkaigihan kayo. But then, you found that Filipina girl... Pakiramdam ng papa mo noon, fate taunted him, so your father vowed not to let history repeat itself. Pasensya na, anak."
**********
Sa tindi ng init, pakiramdam ko lahat ng taba ko sa katawan natunaw. Nakahinga lang ako nang maluwalhati pagdating ko ng apartment namin. Pagkababa ng mga pinamili sa tatami, pinaandar ko agad ang stand fan na nasa tabi ng mahabang sofa. Wala akong pake kahit naka-on din ang aircon. Pakiramdam ko kasi naglilimahid na ang buo kong katawan sa tagaktak ng pawis. Kailangan ko ng malamig na malamig na hangin.
Habang umiikot sa harap ng bentilador, naghubad na ako ng t-shirt pati bra. Kinuha ko ang nakasampay na tuwalya sa armrest ng sofa at pinampunas sa dibdib at likod. Itinaas ko rin ang hanggang balikat na buhok at hinanapan ng taling rubber band sa maliit na mangkok na nasa center table. Doon kasi tinatapon ni Tita Chayong ang mga pantali namin ni baby sa buhok. Katatali ko lang ng buhok sa tuktok ng ulo ko nang may marinig na tumitikhim sa likuran. Paglingon ko, nagkumahog akong takpan agad ang sarili. Halos madapa ako sa pagtakbo sa pinampunas na tuwalya na basta ko na lang initsa kanina sa isang tabi.
"Ano ang ginagawa mo rito, bwisit ka!" sigaw ko sa kanya. "At sino ang nagpapasok sa iyo?"
Nakita kong napakagat-labi ang walanghiyang Kaito habang nakangisi sa akin. Hinalik-halikan niya sa pisngi si baby habang isinasayaw-sayaw.
"Pinatuloy ako ni Chayong-san at iniwan niya saglit si baby sa akin dahil may pinuntahan siya."
"Hindi ka dapat naririto."
"Relax. Papa doesn't care about us, anymore."
Tinapunan ko siya nang masamang tingin habang inaayos ang pagkakabuhol ng tuwalya sa aking dibdib.
"Hindi mo na kailangan pang takpan iyan. Tsaka ba't ka pa nahihiya? Nakita ko na lahat iyan. At hindi lang basta nakita. Nahawakan ko pa't nalawayan!"
"Ang bastos mo! Manyak!"
Lumapit siya sa akin. Kumikislap sa tuwa ang kanyang mga mata.
"Hindi ka ba natutuwa na naririto ako? Hindi mo ba ako na-miss?"
Inirapan ko siya. Ano ang ikakatuwa ko roon? May babae bang matutuwa? It has been almost half a year simula ng nagdeklara ng ceasefire ang magaling niyang ama. Inasahan ko noon na tatakbo siya agad sa akin at kukunin na niya kaming mag-ina para magsamakaming muli. Pero nabigo ako. Kung kailan natanggap ko nang wala na kami saka siya magpapakita. Hayop siya!
"Heto't tuwang-tuwa ako, o!" At inunat ko ang mga labi na tila ngumingiti. Tinapunan ko uli siya nang matalim na tingin.
Binaba niya sa kuna sa sala si baby at nilapitan ako. Tinabig ko ang kamay niya sa balikat ko.
"Why are you mad?"
"Itanong mo iyan sa lelong mong panot!" galit kong sagot.
Nangunot ang kanyang noo. Itinaas niya ang baba ko gamit ang hintuturo. Tinabig ko uli ang kamay niya.
"Ano ba'ng problema?"
"Hindi na kita kailangan! Hindi ka na namin kailangan ni baby! Bumalik ka na sa pinanggalingan mo!"
Napahinga siya nang malalim. Tila naintidihan na ang pagdaramdam ko.
"Pasensya na kung hindi ko agad kayo napuntahan dito. Ang dami ko kasing inasikaso."
"Utuin mo'ng ibang babae pero huwag ako!"
Nagsalubong na ang mga kilay niya.
"Hindi nga kita binisita rito agad pero pinabantayan naman kita. Kayo ni baby. Hinintay ko lang na maayos ang lahat bago magpakita sa iyo kasi---naisip kong baka tanggihan mo ako ngayong alam mong hindi na tulad ng dati ang lahat."
Ako naman ngayon ang napakunot-noo.
"Hindi na ako ang Kaito Furukawa na nakilala mo noon. My family's broke now. Kung hindi mo na ako tatanggapin maiintindihan ko. At least ngayon, sa halos kalahating taon na paghahanda ko sa sarili at pagmumuni-muni, I guess I can take it now. Handa na ako sa maging kapasyahan mo kung aayaw ka na sa akin."
Nabigla ako sa mga sinabi niya. Nang mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin, inatake ko siya't pinagbabayo sa dibdib. Ano ang palagay niya sa akin?
Hinayaan niya ako noong una, pero bandang huli ay hinuli niya rin ang mga kamay ko. Dahil sa kapupumiglas at sa kagustuhang saktan pa siya lalo, lumuwang ang pagkakabuhol ko sa tuwalya. Nalaglag ito sa aking paanan. Natigil ako sa pagbabayo sa dibdib niya dahil bumuyangyang na sa kanyang harapan ang umaalog-alog kong kambal na kabundukan. Ganoon kami nadatnan ni Tita Chayong. Napasinghap ito at napasigaw.
"Kaito! Filipa! Diyos na mahabagin!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top