CHAPTER TEN
A/N: Dedicated to the first commenter.
**********
Buti na lang naabutan ko ang tren papuntang Umeda Station. Nakahinga ako nang maluwag. Okay na kahit siksikan at hindi ako halos makagalaw. Ang importante ay hindi ako ma-late sa pagkikita namin ni Amane o mas angkop na tawagin kong Miss Amane. Nakakahiya naman kung ang boss ko pa ang maghihintay sa akin. Pero gano'n na nga ang nangyari. I came just in time for our meeting, pero nandoon na siya sa Starbucks na nasa seventh floor ng Hep Five at prenteng sumisipsip ng kanyang matcha frappuccino. Kasama niya ang babaeng minsa'y bumisita sa kanya sa eskwelahan habang tinuturuan ko siya ng English---si Mitsuko-san.
"Pasensya na po kung nahuli po ako ng dating," sabi ko sa kanila sabay yuko nang bahagya.
Tinaas ni Amane-san ang kanang kamay niya at paulit-ulit itong winagayway na parang nagtataboy ng insekto sa mukha. Ang ibig sabihin no'n, walang anumang nauna sila ng dating. Ngumiti pa siya sa akin, gano'n din ang kasama niya.
"Maupo ka," sabi pa ni Miss Amane at hinugot ang isang bakanteng upuan sa tabi niya at minuwestrang doon daw ako maupo.
"O siya, iiwan na kita rito. I-text mo na lang ako kung tapos na kayo't babalikan kita," paalam sa kanya ni Mitsuko-san. Kumaway naman ito sa akin bago tinungo ang pababa na escalator na halos sa bandang likuran lang namin.
"Ano ang gusto mong inumin?" ang tanong niya sa akin sa malumanay na tinig. Medyo naalangan ako dahil palagay ko hindi iyon bagay. Sino ba naman ako?
"Ah, sige po. Mag-oorder po muna ako ng maiinom ko." Tatayo na sana ako para tumungo sa counter nang pinaupo niya ako ulit. Hindi na raw kailangan na doon pa ako umorder. Tinawag niya ang isa sa mga crew ng Starbucks at kaagad naman itong lumapit sa amin. Inorder niya ako ng matcha frappuccino. Namangha ako sa kakayahan niyang magmando sa tao nang hindi naman lumalabas na parang feeling self-entitled siya. Dapat kasi'y self-service doon at sa counter lang pupwedeng umorder ng inumin o kakainin.
"Marahil ay nagtataka ka kung bakit gusto kong makipagkita sa iyo."
Iyon na nga ang kanina ko pa iniisip. Subalit hindi ko isinatinig iyon. Nanatili akong tahimik.
"Nakarating sa akin ang mga naging reklamo ng mga nanay sa iyo. Pasensya na talaga sa kanila, ha?" At hinuli pa niya ang isa kong palad para pisilin. "Sana'y huwag mong isipin na ganoon kaming mga Haponesa ka walang pakundangan sa kapwa," patuloy pa niya. Nakangiti na. "Dahil doon, ako na mismo ang humihingi sa iyo ng tawad." At yumuko siya sa harapan ko.
"Oh, no! Hindi n'yo na ho kailangang gawin pa iyan sa akin, Miss Amane!"
Ngumiti uli siya. This time may lungkot na sa kanyang mga mata.
"Nais ko ring ihingi ng paumanhin ang naging desisyon ni Mr. Anders patungkol sa reklamo ng mga nanay." At yumuko na naman siya. Nagprotesta sana ako. Hindi na ako komportable sa sitwasyon. Hindi niya dapat ginagawa sa akin ang mga ginagawa niya ngayon.
"Sana'y huwag mong isipin na hindi ka namin pinapahalagahan, Fereru-san. Mahalaga ka rin sa aming paaralan kahit na hindi ka nagmula sa mga bansang nagsasalita talaga ng Ingles."
"Huwag po kayong mag-alala, Miss Amane. Naipaliwanag na po sa akin ni Akemi-san ang lahat. Naiintindihan ko po. Wala na po kayong dapat ipangamba."
Bahagya siyang natigilan nang marinig ang pangalan ni Akemi. Sinipat niya ang mukha ko. Ngumiti naman ako sa kanya para patunayan na wala na sa akin ang lahat.
"Magaling kung gano'n. Alam mo na marahil na pinatanggal ko ang lahat ng mga bagong guro para hindi sila pagmulan ng kung anu-ano pang isyu sa eskwelahan. Ang nakarating kasi sa aking balita'y isa sa kanila ang dahilan kung bakit nagkalakas-loob ang mga nanay na magreklamo laban sa iyo."
Nasamid ako sa sinisipsip kong matcha frappuccino.
"T-tinanggal po?!"
Nagulat din siya sa reaksiyon ko.
"Hindi ba't naipaliwanag na sa iyo ni Akemi-san ang lahat?"
Nangunot ang noo ko. Iba kasi ang kuwento ni Akemi kung bakit bigla na lang nawala ang mga bagong guro. Ba't gano'n? Hindi nagtugma ang paliwanag nila? Sasabihin ko pa sana ang narinig ko buhat kay Akemi, pero hindi ko na itinuloy. Naisip kong baka malagay sa alanganin ang sekretarya namin.
"P-pasensya na p-po," ang sabi ko na lang sabay ngiti. "OA lang po talaga ako minsan."
**********
"Nakaalis na? Hindi ba't alas singko ang off no'n ngayon?"
"Opo. Pero---tumawag po si Miss Amane at --- pinapunta po siya ng Umeda," nauutal na paliwanag ni Akemi. Parang natatakot na ewan. Kung sa bagay, lahat ng empleyado ko'y gano'n ang reaksiyon sa tuwing tumataas na ang boses ko.
"Nag-undertime siya para lang makipagkita sa babaeng iyon? Paano ang mga klase niya?"
"Nagkansela po ang huli niyang klase. May sakit daw kasi ang mga bata."
Napamura ako. Nataranta lalo si Akemi. Hindi na ako nagpaalam. Dali-dali na lang akong lumabas ng eskwelahan at bumalik sa parking lot. Kung kailan excited pa naman akong yayain sana siyang mag-dinner saka naman wala! Tinawagan ko si Akio.
"Kanselahin mo ang reservation ko sa Matsuzakagyu!"
"O? Akala ko gusto mong mag-yakiniku tonight?"
"I changed my mind!"
Bago ko napindot ang end call ay narinig ko ang tawa ni Akio.
"Hindi siya pumayag, ano?" text niya sa akin.
Nang hindi ko sinagot, sinundan pa iyon. "Ang sabi ko naman sa iyo lagi, dapat tinatanong mo muna ang babae bago ka magpa-reserved for dinner."
Nangunot ang noo ko. Paano niya nalamang date nga dapat iyon? Ang sabi ko lang sa kanya no'ng isang araw nang inutusan ko siyang magpa-reserved do'n, gusto kong ma-relax at kumain ng first-class yakiniku after work today. Wala akong binanggit na may dadalhin akong babae ro'n.
"Sa kaunti kong nalalaman tungkol sa mga Filipina, dapat daw tinatrato silang parang prinsesa. Manliligaw ka rin lang, aba'y mag-gambaru (try your best) ka naman." Text niya uli at may karugtong iyong laughed-out-loud emoticon. Aba't nahulaan nga ng hudas!
Bago ko buhayin ang makina ng sasakyan, tinawagan ko siya uli.
"Huwag kang assuming! Hindi porke nagpakansela ako ng reservation ay naindiyan na ako ng ka-date ko. At sino ang maysabi sa iyong date nga sana dapat iyon? Why the hell would I take her to dinner anyway?"
Humahagalpak na tawa ang sagot ni Akio. "Kahit hindi mo sabihin halata naman, e. Sino lang ba ang may kakayahan na galitin ka nang ganyan?"
"Alam mo, sobra ka nang namimihasa sa akin. Porke lagi kitang pinagpapasensyahan, nawiwili ka na sa pambabastos mo. Baka nakalimutan mo kung sino ang boss sa ating dalawa? I could fire you now if I want to. Oo nga. Ba't hindi ko naisip agad iyan? You're fired!"
"Sure," tumatawang sagot ni Akio at binabaan ako ng telepono.
**********
"O, ba't ngayon ka lang? Huwag mong sabihing hanggang alas onse ang turo mo sa iskul n'yo?" salubong kaagad sa akin ni Ate Roselda. As usual, naka-mini skirt na naman ito ng itim na halos panty lang ang natatakpan. Pinaresan pa ng kulay pulang tube na hapit na hapit sa katawan. Bago ako makasagot sa sinabi niya, pinausukan muna ako ng sigarilyo. Naubo pa ako tuloy. "Le-me gez, may lablayp ka na ba, Pipay? Nakipag-date ka, ano?"
Hindi ko na sinagot ang mga tanong niya dahil sumulpot sa kanyang likuran si Tita Chayong. Mukha itong problemado. Nang makapagmano ako sa kanya'y tahimik lang akong binasbasan.
Nang magsidatingan ang mga suki niyang parokyano'y nagkunwari siyang masaya pero napansin ko pa ring parang may bumabagabag sa kanya.
"Ano pong nangyayari sa inyo, Tita?"
"Mag-usap tayo mamaya."
Nangunot ang noo ko. Pati si Ate Roselda'y napa-double take sa kanya. Nang malayu-layo na sa amin si Tita'y binulungan ako ni Ate Roselda.
"Kung may lablayp ka na, ituloy mo lang iyan. Huwag kang tumulad diyan sa tiyahin mo na pagkatapos mabiyuda sa matandang Hapong napangasawa ay nagpakatigang na. Kita mo na ang nangyayari kapag tayong mga babae'y hindi nadidiligan? Matutulad ka riyan sa tiyahin mong bugnutin. Kanina pa iyan. Ewan ko kung ano'ng nangyayari riyan."
Napatingin uli ako sa tiyahin ko. No'n ko lang napansin kung gaano siya ka masigasig sa pag-aasikaso sa mga parokyano ng omise niya. Sinisiguro niya talagang lahat ay naaasikaso nang maayos. Kung may nagtataray na alaga'y kaagad niya itong pinagsasabihan.
"Dumaan lang po ako, Tita, para ibigay sa iyo itong pinabibili n'yong skewers para sa chicken barbeque. Mauuna na ako sa atin. Sa apato (apartment) na lang po tayo mag-usap?" sabi ko nang mapadaan siya uli sa counter kung saan kami nakatambay ni Ate Roselda.
"Sige. Hetong pera pantaksi mo. Siguradong hindi mo na maabutan ang last trip ng tren."
Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko. Five minutes na lang at darating na ang tren.
"Tatakbo na lang po ako, Tita," sagot ko at dali-dali nang tumakbo palabas. Dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan muntik na akong mabangga sa isang nagmamadali rin papunta sa pinanggalingan ko.
"Ooops! Gomenasai! (Sorry)" sabi ko kaagad.
"Filipa? I mean, Feruru-san?"
"Kaito! I mean, Furukawa-san!"
May tumawa. Nakita ko ang supervisor ng Banzai Studio at bahagya akong yumuko sa kanya. Bumati siya sa akin ng magandang gabi.
"Sige. Mauuna na ako't baka hindi ko na abutan ang last trip ng tren." At tumakbo na ako papunta sa train station. Saktong kaaakyat ko ng istasyon nang dumating ang tren papuntang Kyoto. Ang bilis ko rin sanang tumakbo pababa sa platform pero nasarhan pa rin ako ng pintuan. Pinokpok ko pa sana ito para bumukas, pero umabante na ang tren. Napakuyom ang mga palad ko. Kung hindi ako nabundol ng Kaito na iyon, umabot sana ako. Bwisit! Ba't lagi siyang epal sa buhay ko?!
Lulugu-lugo akong bumalik sa itaas. Wala na akong choice kundi mag-taksi na lang. Bumaba ulit ako at nag-abang ng taxi sa terminal. Naka-ten minutes na'y wala pa ring dumating. Babalik na lang sana ako sa omise ni Tita Chayong nang may humintong itim na kotse sa harapan ko. Dumungaw sa bintana si Kaito. Iniwas ko agad ang tingin nang makita siya.
"Uuwi ka ba sa inyo? 'Lika na, ihatid na kita."
Tumaas agad ang kilay ko. Ano ang nakain nito't ihahatid pa raw ako?
"May babalikan ako sa upisina. Nakalimutan kong dalhin kanina. Total naman madadaanan ang inyo bago ang building namin, sumabay ka na."
"Huwag na. Magta-taxi na lang ako.:
Bumaba siya ng kotse niya at tumayo sa harapan ko. Lumayo ako. Tumawa siya.
"Ano ba'ng nangyayari sa iyo? Ayaw mong pinapakitaan kita ng magandang asal? Bakit ba?" At tumawa na naman ito. "Huwag mong sabihing---" Sinadya niya sigurong bitinin iyon para tumingin ako. At napatingin nga ako at pinangunutan ko siya ng noo.
"Gusto mo ako, ano? Kaya hindi ka---"
"Ano'ng gusto? Napaka-assuming mo naman!"
"Nagkakaganyan lang ang isang babae kung gusto niya ang isang lalaki."
Ngumiti-ngiti siya't pinasadahan ako ng tingin. Napahawak ako sa knee-length kong palda. Napapagpag ako ng imaginary dust doon dahil sa tiim ng titig niya sa akin.
"Tigilan mo ako, ha? Mainit ang ulo ko ngayong nahuli ako sa last trip nang dahil sa iyo!"
"Kaya nga I'm making it up to you. Sabi kasi ni Akio, tiyak na hindi ka umabot ng last trip dahil naantala ka namin. 'Lika na before I change my mind."
Natigilan ako sa narinig. Ang ibig sabihin, binalikan niya ako sa istasyon dahil na-guilty siya?
Nang hindi pa rin ako tuminag, nilingon niya ako at sinabihan ng, "Tingin ko type mo nga ako kaya nahihiya kang sumama sa akin ngayon."
"Hindi a!" mariin kong tanggi at lumapit na ako sa kotse niya. Binuksan ko sana ang backseat nang pinigilan niya ang kamay ko. Napalunok ako sa pagdaiti ng mga kamay namin. Sinikap ko lang huwag magpahalata.
"Do'n ka sa kabila. Sa front seat, ha? Hindi ako driver mo."
Kung sa ibang Hapon iyon, walang ganoong konsepto. Katunayan nga sa back seat nila pinapaupo ang kasabayan para raw mas safe. Pero itong ungas na ito'y para na ring ibang lahi kung mag-isip. Exposed nga siya sa kultura sa ibang bansa. Nag-wonder tuloy ako kung saan niya iyon natutunan.
"Nagugutom ako. Gusto mo bang kumain muna?"
"Busog na ako. Tsaka hindi ako kumakain sa disoras ng gabi." Well, totoo naman iyon. Pagkatapos kasi naming mag-Starbucks ni Miss Amane ay nag-all you can eat dinner na rin kami doon sa Hep Five.
"Ang dinig ko nag-undertime ka kanina sa school. Totoo ba iyon?"
"Ano'ng undertime? Wala na akong klase nang umalis ako ro'n. Nagkansela ang mga students ko sa last period kaya napilitan akong umuwi nang maaga."
"Umuwi nang maaga? E ba't nandito ka pa? Huwag mong sabihing, nag-part-time ka nang buong gabi sa omise ni Chayong-san?"
"Nagkita kami ni Miss Amane."
"Miss who?" Napasulyap siya sa akin.
Bahagya kong ikinuwento ang pagkikita namin ni Miss Amane. Bigla siyang natahimik. Hinintay niyang matapos ang kuwento ko bago magsalita.
"Ano pa'ng sinabi niya sa iyo?"
"Wala. Humingi lang ng paumanhin sa mga nangyari pagkatapos ay nag-usap na kami ng ibang bagay."
"Gano'n?" Tila hindi siya naniniwala.
"Mayroon pa ba dapat kaming pag-usapan?"
Hindi na siya sumagot. Tumahimik siya. Nagsalita na lang siya muli nang nasa tapat na kami ng building namin. Bumaba pa siya at sinamahan ako sa itaas kahit na ilang beses kong sinabihang hindi na kailangan dahil safe na ako ro'n.
"Alam mo namang wala rito ang Tita Chayong ko. Hindi ka dapat naririto sa loob ng apato namin."
"Bakit? Natatakot ka ba sa sasabihin ng mga kapitbahay o --- sa akin?" Tinukod niya sa dingding na nasa likuran ko ang dalawa niyang kamay. Napasinghap ako. Gusto kong iwasang tumingin sa mga mata niya, pero hindi ko nagawa. Para kasing may magneto iyong humihigop sa aking paningin.
"Ano ba'ng ginagawa mo?" anas ko sa kinakabahang boses.
Bumaba ang mukha niya kung kaya napapikit ako. Ang bilis-bilis na ng kabog ng dibdib ko nang mga sandaling iyon. Para na ngang tatalon ang puso ko sa sobrang excitement, e. Pero ang inaasahan kong halik ay hindi dumating. Nang idilat ko ang mga mata, nakita ko siyang titig na titig sa mukha ko.
"Gusto kong malaman mo na habang naririto ako, walang sinuman ang maaaring makapanakit sa damdamin mo. Not even Amane."
Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit gusto kitang proteksyunan?" anas pa niya.
May kutob na ako, pero ayaw kong maging assuming. Sinakyan ko muna ang boladas niya.
"Bakit?"
"Dahil type kita."
Nabulunan ako ng laway. Type raw niya ako?
"Ano'ng type? Type utuin?"
Napangisi siya.
"Ba't ganyan kayong mga Filipina? Ang aarte n'yo? Pasalamat ka nga't ako pa ang nagsasabi niyan sa iyo. Hindi ko gawain iyan sa mga kalahi ko. Babae ang nagko-confess sa amin, lalo na sa akin."
May kung anong warmth na lumukob sa buo kong katawan. Nae-excite akong hindi maintindihan.
"Malay ko ba naman kung type mo lang akong utuin."
Naramdaman ko na lang ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Banayad lang ang halik na iyon pero bigla akong nag-init.
"Gano'ng type," bulong niya sa tainga ko matapos ang halik. "Hindi pa ba klaro?"
Nang hindi ako sumagot, gumapang uli ang mga labi niya sa labi ko. This time napahawak na ako sa batok niya kung kaya biglang bumaba ang mga kamay niya't yumakap na sa akin. I was halfway in dreamland nang biglang bumukas ang pintuan ng apartment.
"Pipay!" naibulalas ni Tita Chayong.
Kapwa kami nagulat ni Kaito. Nabitawan niya ako agad at napayuko siya nang bahagya kay Tita.
"Magandang gabi po."
"KAITO?!"
"Ja, oyasumi (Sige, good night)" sabi niya, sa akin nakatingin. Nagpaalam din siya kay Tita Chayong at lumabas na ng apartment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top