CHAPTER ONE

A/N: Dedicated to the first ever commenter.

**********

Six years ago...

"Ano ba Roselda?! Alam mo namang may menor de edad dito, e. Ang bunganga mo!" saway ng isang mamasan (pronounced as mamasang) sa alaga niya. Maharot kasi magkuwento si Ate Roselda. Pati posisyon nila ng customer niyang Hapon ay nilalarawan in graphic details. Ultimong nunal sa pinakaulo ng ano ng lalaki ay kinukuwento pa nang buong detalye. Kung marunong nga lang akong mag-drawing tiyak na maisasalin ko na sa papel ang hitsura ng itits ng pinaka-latest niyang parokyano.

"Ilang taon ka na ba, Pipay?" tanong ni Ate Roselda sa akin.

"Disinuwebe na po, Ate," kimi ko namang sagot.

"Nakow, disinuwebe na pala, e! Sigurado nakatikim na ng itits 'to! Aba, no'ng mga ganyang edad ako'y nakailang palit na ako ng boypren. Lahat sila natikman ko."

Hindi na nakatiis ang mamasan. Pinokpok niya ng nirolyong newspaper sa ulo si Ate Roselda at pinapasok ako sa silid ko. Ang mamasan na iyon ay walang iba kundi ang Tita Chayong ko.

Bunsong kapatid ni Mama si Tita. Simula't sapol ay sa Japan na ito nagtrabaho. Ni wala pa raw itong disiotso nang unang tumuntong sa Osaka. Ang dahilan no'n ay ang unang kabiguan sa pag-ibig. Hindi raw kasi pumayag sina Lolo't Lola na makipag-boyfriend ito sa isang jeepney driver lang kung kaya pinaglayo sila. Sa galit ni Tita, sumama siya sa unang Hapong nakilala niya nang minsang magawi sa KTV bar ng isa naming kamag-anak. Simula noon ay sa Japan na siya napermi at pabaka-bakasyon na lang sa Pilipinas.

Paboritong pag-usapan ng mga alaga ni Tita ang ari ng mga customer nila. Wala silang pakialam kung nandoon ba ako o wala. Basta kapag nagtitipon-tipon ang mga iyan sa bahay ng tiyahin ko kapag linggo ay walang pigil ang mga bunganga.

"Ano pala'ng nangyari do'n sa Amerikanong nag-take out sa iyo no'ng nakaraan?" narinig kong tanong ni Ate Roselda sa isa niyang kasamahan.

"Hay, naku. Ang lakas ng loob, wala naman palang pera! Sen en (pronounced as seng en – one thousand yen) lang ang naibigay sa akin. Pero---"

"Pero ano, dali?!" pangungulit ng mga kasamahan.

"Ang laki ng ano niya! Grabe, mga sis! Wasak ang keps!" At humagalpak ito ng tawa.

Napahagikhik na rin ako sa kuwarto. Dinig na dinig ko pa rin kasi. Paano parang kasing nipis lang ng papel ang sliding doors na humihiwalay rito at sa sala ng bahay. Natigil lang ako sa kabubungisngis nang katukin ako ni Tita Chayong.

"Pipay! Mag-head phone ka nga! Bwisit na bata ito, a!"

Pinasok ako ni Tita sa kuwarto. Nakaupo na ako no'n sa tataming sahig at nakabuklat ang Minna no Nihongo na Japanese textbook sa ibabaw ng mababang mesa. Para kompleto ang props, nakasuot na rin ako kunwari ng headphone at kumakanta-kanta pa ng Blue Days at mukhang nakikisabay sa awitin ni Ayaka, ang isa sa sikat na Japanese singer, pero ang totoo niyan, hindi umaandar ang Ipod ko.

Nang maramdaman kong lumabas ng kuwarto si Tita, tinanggal ko ang headphone at pinagpatuloy ang pakikinig sa mga kuwento nila. Napag-alaman ko tuloy na hindi basehan ang laki ng katawan para masigurong gano'n nga rin ka-blessed sa pagitan ng mga hita ang isang lalaki. Ang sabi kasi ni Ate Roselda, nadenggoy na siya noon ng isang baseball player ng Hanshin Tigers, ang sikat na baseball team sa Osaka. Na-excite daw siya na sa wakas ay makakatikim na rin ng isang anaconda after a long drought, pero bulate lang pala ang nasagap niya. Iyon marahil ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko sa mga Hapon, gaano man siya ka-guwapo. Halos lahat kasi ng kuwento ni Ate Roselda nagpapatunay na totoo ang haka-haka na pinagkaitan sila ng tadhana.

**********

Present time...  

Hindi ko alam kung bakit pero nagagandahan ako sa mga Pinay. Tingin ko kasi may sarili silang charm na wala sa mga babae namin. Pinakagusto ko sa lahat ang pagiging malambing nila. Siyempre, idagdag na ro'n ang ganda ng hugis ng kanilang mga mata. Para sa isang singkit na katulad ko, nakahahalina ang malaki at bilog na mata ng isang Pilipina.

Marahil, kaya ayaw ko pang mag-asawa kahit na dalawang taon na lang ay trenta na ako dahil hindi ko pa siya natatagpuan---my Filipina girl. Kadalasan kasing pinapakilala sa akin ng mga kaibigan ko'y puro nagtatrabaho sa sunaku (bar). Ayaw ko sa mga iyon. Bukod sa bulgar silang magsalita'y ang bilis nilang bumukaka basta may pera lang ang lalaki.

"A, gomennasai (Sorry)," narinig kong sabi ng isang babae nang maapakan niya ang paa ko sa kamamadali. Buti na lang at naka-leather shoes ako kung kaya hindi ko masyadong ininda ang matulis na takong ng kanyang sapatos. Saglit ko lang siyang nilingon at tumuluy-tuloy na sa loob ng konbini para bumili ng yosi. Mayamaya uli, nasagi na naman niya ako. Halos magkasabay na naman kaming lumabas ng Family Mart. At gaya kanina halos patakbo na naman siya palabas kung kaya muntik na naman akong mabangga. Nag-gomennasai na naman siya sa akin. Tinaasan ko lang ng kilay at tuluy-tuloy na ako sa kotse. Ang babae nama'y tumakbo na palayo sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa kukote ko basta ko na lang siyang sinundan. At parang nawili ako sa kapapanood ng pagtaas-baba ng boobs niya habang tumatakbo. Nang bistahan kong mabuti ang mukha, napag-alaman kong hindi nga siya Haponesa. Mukha siyang Pinay! Kung sa bagay sa pagkakasabi pa lang niya ng gomennasai kanina ay halata nang gaijin (foreigner). Kadalasan naman kasi'y sumimasen ang sinasabi namin at hindi gomennasai sa mga pagkakataong iyon.

Nakita ko ang babaeng lumiko sa isang eskinita. Hindi ko na siya masusundan pa dahil bawal na do'n ang kotse. Naghanap ako ng parking lot kung saan ko pwedeng iwan ang sasakyan. Pagkaparada no'n, tumakbo na ako sa kabilang kalye. Nadismaya ako pagkakita sa isang hilera ng sunaku bar (hostess clubs) sa kung saan ko nakitang tumakbo ang magandang babae. Red light district pala ang napasukan ko. Isa siyang entertainer?

"What do you expect, Kaito?" naibulong ko sa sarili at naiinis na sinipa ang maliit na bato sa dinaraanan ko. Umalis na ako ro'n. Babalik na sana ako sa sasakyan ko nang makita ko na naman siya. Hindi ko alam kung saan siya galing dahil bigla na lang lumitaw pero mukhang do'n sa isa sa mga sunaku bars. Iba na ang suot niya ngayon. Kung kanina'y nakamini-skirt ng maong at body-hugging blue shirt, ngayo'y naka-itim na siyang slacks at puting blusa. Kahit na medyo loose ang suot na blusa'y maganda pa rin ang hubog ng dibdib. Nang mapalapit siya sa akin, napagtanto kong tunay ang kanyang kilay at mahabang pilik-mata. Idagdag pa ro'n ang bilugan at malaki niyang mata. Shit, weakness ko! Ang ganda niya talaga!

"Sumimasen, jikan ga arimasu ka? (Excuse me, do you have time?)" tanong ko.

Napatingin siya sa akin na parang nagulat. Nang mag-sink in ang sinabi ko, nakita kong tila nagdalawang-isip siya kung sasagot o ano. Magkukunwari sana akong naliligaw at magpapaturo sa kanya ng daan, pero bigla siyang umiling at dali-dali nang lumayo. Tingin ko pinagdudahan ako. Mukha ba akong masamang tao? Nainsulto ako.

"Yeah! Arigatou ne!" sarkastiko kong sigaw sa kanya. Tumakbo pa ang bwisit. Akala naman siguro gano'n siya kaganda para sundan ko pa. Pambihira! Lalong uminit ang ulo ko.

Pagdating ko sa upisina, nagulat si Akio, ang assistant ko, nang pabalibag kong isinara ang pinto. Kumatok ito at tinanong kung ano ang nangyari sa akin.

"Wala!" sigaw ko. "Dalhan mo ako ng kape!"

Napangisi si Akio. "Isa lang ang dahilan ng ganyang init ng ulo mo. Kinukulit ka na naman ba ng ermat mong mag-asawa? Sinet up ka na naman ba for a blind date?"

"It's worse than that! I was on my way here, may na-encounter akong magandang gaijin tapos bigla na lang akong iniwasan na para bang ang sama kong tao. Sabihin mo nga sa akin, mukha ba akong masamang tao?"

Pinasadahan ni Akio ang hitsura ko habang nakataas sa ibabaw ng mesa ang dalawa kong paa.

"Well, you don't look like a gangster pero mukha ka namang hosuto (male host). Baka inisip niya na ayain mo sa club n'yo at pagkakuwartahan."

Nagtaas ako ng kilay. "Japanese male hosts don't do that to Filipinas. Alam natin na wala silang pera, so why bother?"

"Ah, Pinay! Kaya naman pala ganyan na lang ang pagsisintir mo!" At tumawa na si Akio. Napailing-iling ito habang palabas ng upisina ko. Binato ko siya ng kinuyumos na papel.

**********

"Kaysa naman bumalik ka pa ng Pilipinas, dumito ka na sa Japan. Ihahanap na lang kita ng mapapangasawa mo at nang makapamuhay ka na rito forever."

Tiningnan ko si Tita Chayong at sinimangutan. Oo, twenty five na ako at nasa tamang edad na mag-asawa, pero ayaw ko namang bumagsak sa kamay ng isang matandang Hapon, ano. Mas mataas naman diyan ang pangarap ko.

"O, tigil-tigilan mo ako, ha? Sawang-sawa na ako sa katutustos sa inyong mag-anak. Mabuti nang mayroon na akong katuwang sa pagpapadala ng pera sa inyo at kina Inay."

"Tita, kaya ko hong maghanap ng trabaho na makapag-sponsor sa akin ng working visa. Huwag lang ho kayong mainip."

"Hwag mainip? Nakailang balik ka na ba rito sa Osaka? May nangyari ba ro'n sa mga interviews mo? Di ba, wala? Mahirap maghanap ng teaching job dito kahit English major ka pa sa atin dahil gusto ng mga Hapon native speakers. Huwag mo nang ipilit iyan."

Hindi na ako sumagot dahil alam kong hahaba pa ang litanya niya. Pumasok na lang ako sa pansamantala kong silid. Makipot iyon. Halos wala na nga akong nagagalawan masyado nang ipasok ko ang dalawa kong maleta. Pero at least mayroon naman akong privacy sa apartment ng Tita Chayong ko.

"Pipay, dali! May ipapakilala ako sa iyo!" narinig kong tungayaw niya. Dali-dali akong nagladlad ng futon (mattress) at nagkunwaring tulog na. Ayaw ko ngang harapin ang isa na naman niyang prospect. Nadala na ako do'n sa mga nauna niyang nireto sa akin na ka-generation ni Lolo. Simbaho na nga ng imburnal ang mga hininga'y mukhang mahilig pa. No, no, no! Kahit bumalik na lang ako ng Pilipinas at magdildil ng asin, okay lang sa akin kaysa magpalaspag naman ako sa mga lolong manyakis!

"Pipay, ano ba?!"

Narinig ko ang pag-slide ng pintuan. Kunwari'y napaungol ako sa sarap ng tulog, pero hindi nakumbinse si Tita. Hinablot niya ang comforter na nakatalukbong sa akin at bahagya akong tinadyakan.

"Tigilan mo ako sa kadadrama riyan. Mag-ayos-ayos ka na't ipapakilala kita sa anak ng kaibigan ko. Nandiyan na siya sa labas at naghihintay sa iyo. Tayo na!"

Nagdabog ako, pero wala ring nagawa. Dahil mabahong matanda ang inaasahan ko, hindi na ako nagsuklay ng buhok. Hindi ko na rin pinalitan pa ang pambahay. Nakadaster lang ako nang maluwang nang lumabas ng sala. Nagsalubong agad ang kilay ni Tita nang makita ang hitsura ko, pero huli na para pabalikin ako sa kuwarto at pagbihisin. Nakita na kasi ako ng bisita niya. At gano'n na lang ang pagsisisi ko nang tingnan ako nito from head to foot at sumimangot siya. Natigilan ako. Teka, nagkita na kami ng kumag na ito, a.

"Akala ko ba maganda ang sinasabi mong pamangkin?" narinig kong sabi ng unggoy kay Tita Chayomng kaya biglang nag-init ang mukha ko. Sobra akong nainsulto. Bukod sa nilait-lait niya ang hitsura ko, inaakala pa niyang hindi ako nakakaintindi ng salita nila kaya gano'n na lang niya ako nilapastangan sa harap ng tiyahin ko.

"All right, aaminin kong guwapo ka nga, hudas ka! Pero sigurado akong iyan lang ang maipagmamalaki mo! Buti sana kung malaki ang itits mo! Ang yabang mo!"

"Pipay!" naeeskandalong saway ni Tita. Napatingin ito sa bisita na parang humihingi ng paumanhin. Hindi ako nagpaawat.

"Totoo naman, Tita, e. Di ba ang liliit ng kuwan ng mga iyan? Kayo na rin ang nagsabi!"

"Tumahimik ka!"

Nakita kong may namutawing ngiti sa labi ng lalaki. He seemed amused.

"At least inamin mong guwapo ako," aniya sa mahina ngunit klarong Tagalog.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi lang mukha ko ang humulas sa sobrang pagkapahiya kundi pati na rin kili-kili. Napatakbo ako pabalik sa kuwarto. Narinig ko ang malakas niyang pagtawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top