CHAPTER NINETEEN
A/N: Merry Christmas everyone!
**********
Matagal nang nakaalis si Kaito pero naiisip ko pa rin ang mga pinagsasabi ko sa kanya. Susko! Paano na lang kung totohanin nga niya ang lahat? Kinatok-katok ko ang sentido. Hindi ka talaga nag-iisip! Nakakainis ka!
Mag-o-ofuro (bath) na sana ako nang nag-ring ang cell phone ko. Bumalik ako sa living room at nagkandakumahog sa pagkuha no'n sa loob ng bag. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil inakala kong tumawag ang hunghang. Para akong lobong nawalan ng hangin nang makita kong si Yamauchi-san lang pala. Sinisiguro lang na nakauwi ako nang maayos sa bahay.
"Tungkol do'n pala sa narinig mong usapan namin ni Fuukawa-san, totoo iyon. O-okay lang ba?" deretsahan niyang sabi. Medyo nagulat ako. Hindi naman kasi ganoon ang mga lalaking Hapon. Naalala ko, hindi nga pala siya puro.
Siyempre, kailangan kong magmaang-maangan. Hindi ko alam pero naasiwa ako bigla. He's a good catch and I should be flattered but my gut tells me I shouldn't believe him. Siguro hindi lang ganoon kalakas ang kompiyansa ko sa sarili na maisip ko agad na ang isang kagaya ni Yamauchi-san who can get any girl he wants ay magkakagusto sa isang Pinay na kagaya ko.
I heard him laugh. Dapat akong kiligin, pero ewan ko ba. Wala iyong dating sa akin.
"Pwede ba kitang ligawan?"
Hindi ako nakasagot agad. Nagtatalo ang isipan ko kung pahihintulutan ko siya o hindi. Alam ko na kasi nang mga oras na iyon na hindi ko siya magugustuhan. Kung napaaga-aga lang sana ang pagkikita naming dalawa, baka nahulog pa ang loob ko. Kaso nga lang...
"Filipa-san---Filipa? Are you still there?"
"P-pasensya na. Nabigla lang ako. Pwedeng saka na lang tayo mag-usap? Dumating na kasi ang Tita Chayong ko at kailangan ko siyang ipaghanda ng hapunan. Hindi pa raw siya nakakain e," pagsisinungaling ko.
"At this hour?" He sounded skeptical.
"Oo. Sige. Kita na lang tayo sa school." At binaba ko na agad ang phone. Napahawak pa ako sa dibdib. Gosh! Paano ko kaya siya pakikiharapan sa eskwelahan? Ayaw ko siyang manligaw. Nakakainis naman, o!
Halos tanghali na kami nagkita ni Tita Chayong kinabukasan. Inumaga daw sila ng pagsasara ng o-mise dahil mayroong mga parokyano roong halos ayaw umuwi. Halos sumalampak na lang siya sa silya sa kusina con kumedor namin. Mukhang patang-pata ang katawan.
"May nangyari ba sa inyo ni Kaito?" bigla na lang niyang naitanong sa akin habang pinaghahain ko siya ng brunch niya. Muntik ko nang matapon ang sabaw ng hawak-hawak kong mangkok.
"Tita naman! Ano naman ang akala n'yo sa akin?"
Nangunot ang noo niya't sinimangutan pa ako.
"Ang advance ng utak mo! Hindi iyon ang ibig kong sabihin! 'Kako nag-away na naman ba kayo? Ang init-init ng ulo niya nang dumating sa omise at halos ayaw na niyang umalis doon."
"Ah," tangi kong nasabi. Nakagat ko ang labi sa pagpigil ngumiti. I just prayed to God na hindi na-sense ni Tita Chayong ang pagiging defensive ko.
"Nagalit po siya sa akin dahil nag-undertime ako kahapon."
"O ba't ka naman nag-undertime? Pambihira ka! E kung masagad ang pasensya no'ng tao at sisintahin ka na lang bigla? Alam mo naman ang ugali ng mga Hapon. Kaibigan ka sa kaibigan, pero kapag papatay-patay ka sa trabaho'y hindi sila mangingiming palitan ka."
"Actually po, hindi naman talaga undertime. Sa labas ko lang po mineet ang isa kong estudyante dahil hindi niya raw kayang pumuntang school. Bawal pala iyon."
"Siyempre naman, bawal! Ikaw talaga. Ang slow mo minsan."
Hindi na siya nang-usisa pa. Sinunggaban na niya ang inihain kong sinigang na hipon sa sampalok at mainit na kanin. Mayamaya pa, tumawag si Ate Roselda. Nag-usap sila. Tawa na siya nang tawa. At nakalimutan na niyang usisain pa ako tungkol kay Kaito. Nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko pa kayang magkuwento sa kanya tungkol sa buwisit na iyon. Pero natuwa ako nang malaman na nagsintir ang damuho sa mga sinabi ko sa kanya.
**********
Nakailang kape na ako para huwag antukin, pero maya't maya'y nahuhulog ang mga mata ko. Hindi ko matapos-tapos basahin ang pinapa-review sa akin ni Akio na kontrata. Kumikirot pa ang ulo ko sa tuwing naaalala ko ang bwisit na babaeng iyon. May araw din siya sa akin!
"Tumawag ang taga-Nintendo. Ano na raw ang desisyon mo? Should we go ahead with the plan?" sabi ni Akio habang sumisilip sa maliit na siwang ng pintuan ko.
Binagsak ko ang nasabing kontrata sa ibabaw ng mesa at tinaas pa ang magkabilang paa sa ibabaw no'n. Humikab ako't humilig sa sandalan ng swivel chair ko.
"Bad mood ka pa rin ba? Ikaw kasi, e. Ang kupad-kupad mo. Kung niligawan mo na siya noon pa disin sana'y kayo na! At hindi ka sana namomroblema ngayon kay Yamauchi-san."
Bigla akong napaupo nang deretso sabay baba ng mga paa sa sahig.
"Sino ang maysabing siya ang pinoproblema ko? Ulol!"
"Kahit hindi mo naman sabihin alam ko. Kilala ko yata ang likaw ng bituka mo. Siguradong kinakabahan ka ngayon kaya mainit na naman ang ulo mo. Ang dinig ko kina Yamada-san halos tirik na ang araw nang lisanin n'yo ang omise ni Chayong-san. Sayang at hindi ako nakasama!"
I made a mental note to strangle Yamada-san. Nagkataong sumilip siya sa pintuan at may sinenyas-senyas kay Akio. Inangilan ko ito agad. Bigla itong umatras. Pumasok lang sa loob ng silid nang tawagin ng bosing niya para kunin ang dala-dala niyang folder. Pagkabigay ng nasabing folder kay Akio, yumuko siya sa harap namin nang hanggang baywang at dali-daling lumabas ng upisina ko.
"Ikaw naman, tinatakot mo ang tao. Ni hindi na nga nakapalit ng damit iyo sa kakabuntot sa iyo kagabi, e."
"Pakisabi ro'n na bawas-bawasan niya ang tulis ng dila niya dahil kapag nainis ako'y puputulin ko iyon ng labaha!"
Humagalpak ng tawa si Akio. Lalo akong ininis. Sa galit ko, hinagis ko sa dingding ang pinapa-review niyang kontrata at pinalayas ko siya sa upisina ko.
Aasarin pa sana ako ng damuho nang biglang lumitaw sa may pintuan ang sekretarya niya at sinabing nasa telepono raw si Filipa at gusto siyang makausap. Natigil ako sa pagmumura sa kanya. Gusto ko pa sanang tanungin ang sekretarya kung tungkol sa ano iyon, pero pagkayuko sa akin ay halos kumaripas na ito ng takbo paalis. Do I look that scary? Pinasadahan ko ng tingin ang floor to ceiling glass wall na animong higanteng salamin sa gilid ko at nakita ko ngang tumutubo na nang kaunti ang balbas ko and I looked haggard. I saw Akio raised his eyebrow before he left. Nakangisi pa ang damuho.
"Yes, Ferreru-sensei. Of course, you can. Please give my regards to Yamauchi-san," narinig kong sabi ni Akio sa telepono nang sundan ko siya sa upisina niya. Kaagad akong naalarma. Nagsitayuan ang lahat na auditory nerves sa tainga ko para mapakinggan ang usapan nila pero biglang nagpaalam ang hudas.
"O? Akala ko sawang-sawa ka na sa mukha ko? Ba't ka nandito?"
"Ano'ng pinagsasabi mo sa baabeng iyon? Kailan ka nagdesisyon para sa eskwelahan ko? Pinahintulutan ba kita?"
Nagmaang-maangan ang gunggong. Ano raw ba ang pinagsasabi ko?
"Did you just tell her it's okay for her to continue on teaching that bastard outside of school?!"
"Pardon?" pang-iinis ng loko-loko.
I stormed out of his room and slammed the door. Kailangang maabutan ko ang babaeng iyon sa school. Hindi pupuwede ang sistema niya sa akin. Ang tigas ng ulo!
**********
Nagulat ako sa mga sinabi ng kaibigan ni Kaito. Tinatanong ko lang naman siya kung tuloy ang pina-book niyang lessons ng dalawa niyang tao nang hapong iyon. Ba't gano'n ang mga sinabi niya sa akin? Paanong napasok sa usapan si Yamauchi-san? And how did he know the guy?
"O, ano raw? Tuloy ba?" tanong ni Akemi nang maibaba ko ang telepono.
"Walang sinabi, e. Hindi ko rin nakausap ang dalawa."
Nangunot ang noo ni Akemi. Iniwan ko siya at bumalik na lang sa classroom ko. Binilin ko na lang sa kanya na kapag tumawag ang isa man sa kanila'y sabihan ako agad nang maabisuhan ko ang isa ko pang adult student na saka ko na lang siya turuan pagkatapos ng klase ko sa mga taga-Banzai Studio.
Nag-aayos ako ng mesa nang biglang lumitaw si Kaito. Mukhang galit na galit ito. He looked scary. May nangingitim nang tubo ng balbas sa kanyang mukha at halos hindi siya nakapagsuklay ng buhok nang maayos.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na bawal makipagkita sa estudyante sa labas ng eskwelahang ito?! Are you testing my patience?"
"H-ha? Ano ba'ng pinagsasabi mo?"
"Huwag ka nang magmaang-maangan pa. May nakapagsabi sa akin na sinusuway mo talaga ang patakaran ko sa school na ito. Sinabi ko na sa iyong huwag nang makipagkita sa lalaking iyon, di ba? Kung gusto niyang matuto nang English, pumarito siya kamo!"
Saka lang ako naliwanagan. Hindi pa rin pala siya nakaka-moved on tungkol sa set-up namin ni Yamauchi-san no'ng isang araw.
"Nasabihan ko na siya na hindi na pupuwede ang cafe lessons na gusto niya. Pumayag naman. Mamaya pupunta na siya rito. Nagpa-book na siya kay Akemi-san."
Medyo nagulat siya. Hindi kaagad nakasagot. Sinamantala ko iyon.
"Iyan ba ang pinunta mo rito? Inisip mo na naman bang mag-a-undertime ako? Huwag kang mag-alala. Hindi ko sinasayang ang bayad mo sa akin."
Pagkasabi ko no'n tumalikod na ako at pinagpatuloy ko na ang agsasalansan sa mga worksheets na ginagamit ko sa klase ko.
"Cancel his lesson."
Bigla akong natigilan at napalingon sa kanya. Did I hear him right?
"Nagkansel na ng meeting niya ang tao just to come here this afternoon, ba't ko kakanselahin ang klase namin? Masisira tayo sa kanya."
"I don't care. I don't need him."
"Napaka-unprofessional ko naman kung bigla na lang akong magkansela nang walang kadahilanan. Ano ang sasabihin ko sa kanya?"
"Sabihin mo something came up kaya hindi mo siya matuturuan ngayon. Si Lyndon na ang bahala sa kanya mamaya. I already told Lyndon-sensei. Wala naman daw siyang klase later kaya okay sa kanyang maging substitute teacher ni Yamauchi-san."
Nangunot ang noo ko. Ano na naman ang drama ng lalaking ito? Talaga nga bang pinagseselosan niya si Yamauchi-san? I suddenly felt good upon realizing it. Baka nga! But then again, I remembered what he said to me the other night. At kumulo agad ng dugo ko.
"Mag-ligpit ka na, may pupuntahan tayo."
"Ha? Hindi pa ako tapos dito."
"I'm your boss kaya ako ang masusunod dito."
Nagmatigas ako. Hindi pupwede ang gano'n sa akin. Masisira ako sa mga estudyante ko. May quota akong dapat habulin para makuha ko ang standard monthly salary ng eskwelahan. Kulang pa ako ng limang klase sa buwang iyon at two days na lang bago matapos ang Nobyembre.
Nahagip ng tingin ko si Akemi sa bandang pintuan at sumesenyas-senyas siya na sundin ko na lang daw ang amo namin. Mainit daw kasi ang ulo ng bosing.
"This better be worth my time," sabi ko na lang sa kanya in gritted teeth.
He gave me a slow smile.
**********
Ang totoo niyan, spur of the moment lang ang sinabi ko. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin. All I know is, I don't want her to see that bastard again. May pakiramdam kasi akong nahuhulog na ang loob niya sa Brazilian na iyon at hindi ako makakapayag do'n. I have to do something.
Baka tama nga si Akio. All I need is to bed her. Baka siguro kapag naikama ko na siya'y titigil na rin ang kahibangan ko. Marahil ay horny lang ako. Ang tagal na panahon na ngang hindi ako nakipag-anuhan sa babae. Ilang buwan na ba? Almost half a year? I couldn't beleive I lasted that long! Pero ano'ng magagawa ko? Sa tuwing nagta-try ako sa iba, bigla na lang akong natitigilan kapag naaalala ko siya. Kahit nga kay Amane ay nawalan na ako ng gana. Hindi na exciting for me ang Friday nights, no strings attached rule namin.
Nang dumating kami sa harap ng building ng condo unit ko, nakita ko siyang napasilip ng bintana sa side niya. Napatingin siya sa akin nang pinasok ko na sa parking lot sa basement ang kotse. I sensed her tension.
"Nasa'n tayo? At bakit tayo narito?" She sounded nervous.
"May kukunin lang ako sa taas. 'Lika. Akyat ka muna." I tried to act casually. Hindi siya agad kumilos. Saka lang siya tuminag nang buksan ko na ang pintuan sa gilid niya.
Pagdating namin sa unit ko, I saw her looked around. My heart burst with pride dahil maayos ko namang na-maintain ang bachelor's pad ko. Hindi nakakahiyang pagdalhan ng bisita, lalung-lalo na siya. Buti na lang napalinis ko iyon no'ng isang araw.
Inalok ko siya ng beer. Umiling siya agad. Pero tinanggap niya ang can of apple juice na inabot ko. Pinaupo ko siya sa living room while I took a quick shower. Paglabas ko ng silid, makinis na uli ang mukha ko't nakabihis na rin ako ng pantalong maong na may butas sa tuhod saka puting t-shirt. Mukha siyang nagulat nang makita niya ako. At tila nagtaka pa.
"C'mon, I want to show you something. Ang sabi kasi sa akin ng tiyahin mo'y mahilig ka raw sa paintings at nagpe-paint ka pa nga raw on your spare time."
Kinuwento ko pang mayroon akong original works ng mga batikang pintor gaya nila Picasso at Sotatsu. Kumislap agad ang mga mata niya. It worked!
Pagpasok niya sa kuwarto ko saglit lang nangunot ang noo niya nang makita ang pristine, white king-sized bed sa gitna ng kuwarto. Naagaw agad ng mga paintings sa dingding ang pansin niya. When I saw the look of disbelief and great appreciation in her eyes, I felt a pang of guilt. Heto ako't may binabalak na masama sa isang tila inosenteng babae. As soon as I thought of the word innocent, I scolded myself. Pinaalalahan ko ang sarili na mukha lang ng babaeng ito ang inosente. Ang katunayan nagpapa-ano siya sa kung sinu-sinong lalaki at the right price.
Habang pinagmamasdan niya ang isang painting ng kilalang Japanese artist, I hugged her from behind. Napakislot siya at kaagad niyang hinampas ang kamay kong nakapulupot sa baywang niya. Hindi ako bumitaw. Sa halip ay hinalikan ko siya sa batok at kinagat-kagat pa ang gilid ng leeg niya. I felt her stiffened. Nagpumiglas siya. Nang bigla siyang napaharap para sampalinn siguro sana ako, niyakap ko siya't kinuyumos ng halik sa labi. Tinulak niya ako. Hinila ko naman siya at pareho kaming bumagsak sa kama. Kinubabawan ko siya agad at siniil uli ng halik sa labi.
"Hindi ba sabi mo, naka-advance payment na ako sa iyo? Puwes, gusto ko nang kunin ang serbisyo na matagal ko nang nabayaran."
She looked hurt. I felt guilty. Pero hindi ko na kayang kontrolin ang paghihimagsik ng alaga ko. Parang sasabog na rin ang puson ko. Hinuli ko ang dalwa niyang kamay at kinulong iyon sa mga palad ko bago bumaba uli ang mga labi ko sa kanyang mukha. Pinaliguan ko siya ng halik. Nang dumako na ako sa punong dibdib niya, she moaned. Iyon lang ang hinihintay ko't nagmadali na akong maghubad ng damit. I also helped her take off her clothes.
**********
Diyos na mahabagin! Ano ba ang nangyayari sa akin? Ako pa ang nagbukas ng zipper ng pantalon niya. My head tells me to stop and push him away, but my body tells me otherwise. Nang hawakan niya ang sugpungan ng mga hita ko, napasinghap ako. Pumikit na lang ako't nagpaubaya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top