CHAPTER ELEVEN
A/N: Dedicated to the first commenter.
**********
Matagal bago kami nagkibuan ni Tita Chayong. Nakatungo lang ako habang nakaupo sa sofa. Siya nama'y paikot-ikot sa maliit naming living room con dining area.
"Ang buong akala ko ayaw mo sa lalaking iyon," may himig pagtatampo ang tinig ni Tita. "Kung hindi pa ako dumating, malamang bumukaka ka na sa Hapong iyon!"
"Tita naman! Hindi naman gano'n iyon, e!" mariin kong pagtanggi.
"Anong hindi? Tigilan mo ako, ha? Dumaan din ako sa pagkabata. Iyong papikit-pikit mo habang hinahalikan ka niya'y may ibig sabihin iyon!"
"Lahat naman ng babae pumipikit kapag hinahalikan," pangangatwiran ko pa.
"Oo! Lahat ng babaeng inlab sa kahalikan nila! Naku!" At tumigil siya sa paglalakad. Binagsak niya ang katawan sa tabi ko.
"Tatanungin pa sana kita kung nililigawan ka na ng Kaitong iyon, pero hindi na. Sapat na ang nakita ko para malaman ang totoo."
Itinanggi kong nanliligaw si Kaito. Pinandilatan ako ni Tita at lalo itong nagalit. Paanong nagpahalik daw ako sa lalaking ni hindi naman nanliligaw sa akin? Hindi ako nakasagot. Makaraan ang ilang sandali, nagsalita na naman ito. This time malumanay na ang tinig.
"Mas mabuti ngang hindi siya nanliligaw sa iyo. Malaking problema kapag ginawa niya iyon."
Napaangat ako ng mukha at tinitigan siya nang matiim. Ano'ng ibig niyang sabihin? Hindi ba't binubuyo pa nga niya ako kay Kaito noon? Na jackpot pa nga raw ako kapag napusuan ako ng lalaking iyon? Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin?
"Kaya dali-dali akong umuwi at iniwan na lamang muna ang omise kay Roselda dahil 'kako'y kailangan nating mag-usap nang masinsinan tungkol kay Kaito. Marahil nagtataka ka kung bakit nagbago ang isipan ko tungkol sa batang iyon."
Gano'n na nga. Pero hindi ko iyon isinatinig. Hinayaan ko siyang magsalita nang magsalita.
"Sinadya ako ni Mrs. Furukawa noong isang araw. Tinanong niya ako kung kaanu-ano kita. Siyempre nagtaka ako kung bakit kilala ka niya. Nagkuwento siya sa akin. May pintayuan daw na English school ang anak niyang si Kaito. At nang tanungin ko kung ano iyon, sinabi niyang F-K English School."
Napanganga ako sa narinig. Sasagot na sana ako nang pinatahimik ako ni Tita Chayong. Hindi pa raw siya tapos. Huminga muna ito nang malalim bago nagpatuloy.
"Alam kong magaling ka. Hindi ko minamaliit ang iyong kakayahan. Subalit nang biglaang makakita ka agad ng trabaho sa larangang gusto mo, inaamin kong nagkaroon ako nang kaunting pagtataka. Ganunpaman, inisip ko na lamang na sinuwerte ka. Kaya nang malaman ko ito---hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Kung noon ko ito natuklasan, siguro'y nagtatatalon na ako sa kaligayahan. Alam mo namang gusto ko si Kaito para sa iyo. Pero nang malaman kong mayroon na siyang Amane at desidido ang mga magulang niyang silang dalawa ang magkatuluyan, labis akong nalungkot."
Gusto ko nang maiyak. Biglang nagsiksikan kasi sa isipan ko ang mga naging eksena sa pagitan namin ni Kaito. Ngayon ko lubos na naiintindihan kung bakit medyo ngarag at takot sa kanya si Akemi. Wala na akong mukhang maihaharap sa lalaking iyon. Nagyabang pa man din ako sa kanya!
"Mayaman din ang pamilya nila Amane sa Kansai. Kung gugustuhin nila, madali nila tayong mapatalsik dito. Alam mo naman na ang omise ko na lamang ang inaasahan ko, di ba? Hindi naman kasi ganoon ka laki ang pension na iniwan sa akin ng asawa ko."
Hindi ako nakaimik. Abala ang isipan ko sa mga naganap noong nakaraan. Ang mga panlalait ko kay Kaito. Ang pagmamagaling ko sa kanya. Dios ko! Sa kanya pala ako may utang na loob! Siguro grabe ang tawa niya sa akin noon. Ano na ang gagawin ko?
"Filipa Natalia, nakikinig ka ba sa akin?"
"H-ho? Ha, a, e opo naman, Tita."
Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Napayuko ako.
**********
Napaangat ng mukha si Akio nang dumaan ako't binati ko siya pati na ang receptionist na kausap niya. Napanganga sila pareho ng babae.
"O, bakit? Hindi ba't ito naman ang gusto n'yo sa akin? Hindi ba't lagi n'yong pinagtsitsismisan na parang may sarili akong mundo? Na hindi ko man lang nakikita ang mga nagtatrabaho sa akin? Ngayong binabati ko na kayo't pinapansin, ni hindi naman kayo nasagot," sabi ko pa sabay kagat sa earpiece ng sunglasses ko.
Saka lang yumuko ang receptionist at nagbigay-galang. Si Akio nama'y napangiti nang malawak.
"Ano'ng balita? Nanalo ka ba sa megalotto?" pang-aasar nito sabay kuha ng malaking box sa receptionist.
Sumabay na ito sa akin. Sa kalagitnaan ng hallway papunta sa upisina ko, may sumalubong sa aming tao niya at yumuko sa amin pareho bago kinuha ang box ng bagong monitor kay Akio. Binati ko rin ito. Nagulat ang lalaki. Nagkandautal pa ito sa pagsagot.
Masaya akong nauna na sa upisina ko. Alam kong sinundan ako ni Akio, pero wala na sa akin iyon. Inaasahan ko na ang pang-aalaska niya.
"Sinagot ka na niya?" tanong nito. Parang alanganing nagulat, alanganing nagtaka. "Ang alam ko, ni hindi ka pa nga nakapag-umpisang manligaw, di ba?"
"Iyan ang akala mo," nakangisi kong sagot.
Tumuluy-tuloy na siya sa loob. Hanggang tainga na ang ngisi niya.
"So ang ibig sabihin, sinagot ka na nga?" hindi makapaniwalang tanong nito.
Hindi na ako umimik. Binato ko na lamang siya ng takip ng ballpen habang nagsco-scroll down ng mga mails sa inbox ko. Dahil hindi ko masupil ang pagsilay ng ngiti sa labi, inalaska niya ako nang inalaska. For the first time, nakipagtawanan ako sa kanya.
**********
Kung dati-rati sambakol ang mukha ko sa tuwing pinapasilbihan ni Tita Chayong si Kaito at ang kaibigan niya, ngayo'y hindi na. Mas tamang sabihin na medyo asiwa ako. Sinisikap ko lang maging magalang. Hindi ko pa kasi napagplanuhan kung ano ang gagawin ko. Kung pride ko ang susundin, resignation agad ang binubulong nito sa akin. Pero ano naman ang gagawin ko sa mga taong umaasa sa akin sa Pilipinas? Hindi naman pupwedeng ipapasa ko ang responsibilidad kay Tita Chayong. Hirap din ito sa pagtutustos sa pangangailangan nila Lola at Tito na tanging sa padala lamang niya umaasa kada buwan.
"Iyan lang po ba?" tanong ko sa kanila nang maisulat na ang inorder nilang dalawang bote ng malamig na San Miguel beer at dalawang chicken breast barbeque.
"Kung pupwede mo kaming samahan dito habang umiinom, mas mainam," walang kagatul-gatol na sagot ni Kaito. Pinagpawisan ako. Ite-table pa ako ng ungas!
"Hindi ako puwede. Kung gusto mo, sabihan ko si Ate Roselda na samahan kayo rito," sagot ko naman agad. Hindi nakatingin sa kanya. Nagkunwari akong may binubura sa hawak na order form. Nilingon ko pa kunwari kung nasaan si Ate. Biglang hinawakan ako sa kamay ni Kaito at sinabihang huwag na raw akong mag-abala kung iyong agresibong babae lang ang makakasama nila.
"Okay," tipid kong sagot at umalis na roon. Binigay ko kay Tita Chayong ang order at nag-isip ng idadahilan sa pag-uwi ng maaga. Hindi ko kayang harapin si Kaito. Una sa lahat, parang pinagkanulo ko na rin ang damdamin nang gabing hinalikan niya ako. Pangalawa, siya pala ang tunay kong boss pero nilait-lait ko nang mahigit isang buwan. Pangatlo, baka kapag biglang nagbago ang pakikitungo ko sa kanya'y magduda sa akin. Naisip kong baka bigla niya akong paalisin sa trabaho o kung hindi man, baka pagbayarin niya ako sa mga nagastos niya sa pagtatayo ng eskwelahan para lamang may mapasukan ako. Hindi ko kayang magbayad sa paraan na baka naisin niya.
Ano ka ba naman? Paalisin sa trabaho? Ang hina mo naman. Hindi naman magtatayo ng isang eskwelahan ang isang lalaki para sa isang babae kung hindi niya ito gusto. Ang tanong lang diyan, hanggang saan ka niya gusto? Maaaring gusto ka lang ikama. O di kaya, gustong paglaruan habang naghahanap siya ng seseryosohing babae.
"Hoy! Kanina ka pa parang wala sa sarili, a. Ano ba'ng nangyayari sa iyo?" Gulat sa akin ni Ate Roselda. Nang mapapitlag ako tumawa ito nang tumawa. "Para ka na ring tiyahin mo. Magugulatin. Magtiya nga kayo. Marahil hanggang ngayon ay bergen ka pa."
"Ate naman, e! Nakakagulat na nga kayo, nakakapangilabot pa ang pinagsasabi n'yo." Hindi ko na siya sinagot dahil lumitaw na si Tita Chayong dala-dala ang tray na may lamang chicken barbeque at San Miguel beer. Tahimik kong dinala iyon kina Kaito.
"Nandito pala ang mga bulate," sabi kaagad ni Ate Roselda pagbalik ko sa counter. "Alam mo kung hindi lang guwapo ang matangkad na kasama niyang bonsai na iyan, sarap kutusan. Ang arte! Kung di ko pa alam."
Nangunot ang noo ko. Ano'ng alam niya tungkol kay Kaito? Nagkunwari akong hindi masyadong interesado. Tinanong ko siya kung ano ang ibig niyang sabihin.
"E di ano pa. Ganito, o!" At pinagduldulan niya sa mukha ko ang hinliliit niya. Kalahati lang daw no'n ang kay Kaito. "May nakalaro na ako dating sing tangkad at sing macho niyang supladong iyan at ganito lang ang itits o! Ni hindi pa buong hinliliit ko!" At napamura siya bago humagalpak ng tawa.
Sumimangot naman ako. Bukod sa naeskandalo na ako sa mga pinagsasabi niya, naisip kong paano nga kaya kung ganoon din si Kaito? Halimbawa lang---napakamot ako sa ulo but I convinced myself that I was just being hypothetical. Halimbawa nga na naging boyfriend ko siya, kaya ko kayang tanggapin na halos sing laki lang ng ano ng beybi ang kanya? Napangiwi ako. Bumalik lang sa kasalukuyan ang isipan ko nang mapahagalpak ng tawa si Ate Roselda.
"Iniisip mo na, ano? H'wag kang mag-aalala. Madadaan naman iyan sa dila, e. At palagay ko, magaling ang dila ng hambog na supladong iyan. Teka lang, ha? Lalapitan ko lang sila sakaling may gustong orderin pa."
Bago niya ginawa ang balak, pinadausdos muna ang spaghetti strap ng itim na blusa sa braso at binaba pa ang ukab sa bandang dibdib. Napailing-iling na lang ako sa kanya. No'n ako nakasilip ng pagkakataon na umeskapo na sa omise.
**********
Nalingat lang ako sandali, nawala na si Filipa sa paningin ko. Dahil nakita kong nawiwili na si Akio sa pakikipag-usap sa agresibong babae, tumayo ako't tumingin-tingin sa paligid. Wala na nga ang loka-loka. Ni hindi man lang nagpaalam. Naguluhan tuloy ako sa pinapakita niya. Kasi sigurado talaga akong gusto niya rin ako nang hinalikan ko siya noong isang gabi.
"Doko no iku no? (Saan ka pupunta?)" pabulong na tanong sa akin ni Akio. Inginuso pa niya ang babaeng nakapulupot na sa braso niya. Ano raw ang gagawin niya ro'n?
Ngumisi ako bago sumagot. "Kung gusto mo e di iuwi mo na." At umalis na ako ro'n.
Sinubukan kong tawagan ang numero ni Filipa. Hindi niya sinasagot. Nagpahatid ako sa taxi sa apartment nila at pinindot ko nang pinindot ang buzzer pero wala ring sumagot. Binugbog ko pa ang pintuan sa pagbabakasakaling nagbibingi-bingihan lang siya pero wala rin. Nilabas pa ako ng isa nilang kapitbahay para sabihang umaga na raw umuuwi ang mga Firipinjin (Filipinos) kung Sabado at Linggo.
Nainis na ako. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Ano ba ang gustong ipahiwatig ng babaeng iyon? Nakakabwisit naman, oo. Sala sa init, sala sa lamig!
Babalikan ko na lang sana si Akio sa omise ni Chayong-san nang nakasalubong ko siya sa hagdan. Gulat na gulat siya. Base sa dala-dala niyang plastic bag, dumaan muna pala siya sa kalapit na convenience store.
"Alam mo bang delikado rito sa street n'yo sa ganitong oras ng gabi? Hindi ba't nabastos ka na noon ng mga ojiisan sa kanto?" bungad ko agad.
Dumeretso siya sa pintuan nila at habang hinahanap niya ang susi sa bag ay nagsalita siya.
"Ba't ka naparito?"
"Gusto kitang makausap."
"Nag-usap na tayo kanina sa omise."
Tumawa ako nang mapakla. "Pag-uusap na pala sa iyo ang lagay na iyon? Nagtanong ka lang naman sa amin kung ano ang order namin bilang waitress ng tiyahin mo. Pag-uusap na iyon sa iyo?"
"Wala naman tayong dapat pag-usapan, e. Tsaka, ikaw na rin nagsabi. Gabi na. Sana tumawag ka na lang. Mukha namang nakuha mo na ang numero ko, e."
"Iyon nga ang ginawa ko kung sinagot mo lang ang cell phone mo."
Hindi siya umimik. Pero hindi rin itinulak ang pinto kahit na na-unlock na niya. Nanatili pa rin siyang nakahawak lang sa door knob habang nakatalikod sa akin.
"A-ano ba ang g-gusto mo sanang pag-usapan natin?" tanong niya. Halos pabulong.
"Alam mo kung ano ang gusto kong pag-usapan natin." At ako na ang nagtulak pabukas ng pinto. Napaatras siya. Tila natakot. Marahan ko siyang hinila papasok sa apartment nila. "Gusto mo bang makita tayo ng mga kapitbahay mong nag-uusap sa harap ng pintuan? Kanina'y may lumabas na para pagsinuhin ako. Natitiyak kong mamaya nang kaunti ay lalabas uli ang lolang iyon para magmatyag at makitsismis.
"Look. Iyong tungkol sa --- sa nangyari noong nakaraan, hindi ko gusto iyon. Nabigla lang ako. Isa pa, ano---uhm---hindi mo ba nakikita---ayaw ko ng ganito. Ayaw ko ng --- baka kasi iniisip mong porke tumutulung-tulong ako kay Tita Chayong sa omise niya at may mga kalahi ako roong nagpapa-take home sa mga customer nila baka iniisip mo ring ganoon din ako. Tumutulong lang ako kay Tita pero hindi ko gawain iyong ginagawa ng mga alaga niya."
"Alam ko." Buong pag-iingat kong hinila siya't niyakap nang mahigpit.
**********
Nalito ako nang bigla na lang niya akong yakapin. Sa pinapakita kasi niya'y parang puwede kong paniwalaan ang munting tinig sa isipan ko na baka nga gusto niya ako talaga. Iyong gusto na may malinis na hangarin. Ganunpaman, hindi mawala sa isipan ko ang maganda at fashionistang si Miss Amane. Paanong maipagpapalit iyon ng isang lalaki sa tulad kong ni hindi man lang umabot kahit sa kalahati ng standard ng babaeng iyon?
"Teka," sabi ko at marahang tinulak ang kanyang dibdib. "Ang dinig ko, ikakasal ka na. Ba't --- ba't humahabaol-habol ka pa sa akin na parang nanliligaw?"
Nangunot ang kanyang noo.
"Sino'ng maysabing ikakasal na ako?"
"Marami. Tsaka si Tita Chayong."
Napangisi siya. "Napaka-tsismosa naman nila."
"Totoo iyon, di ba? Naantala lang ang kasal n'yo ni Miss Amane pero ikakasal talaga kayo?"
"Kung sasagutin ko ba iyang tanong mo'y sasagutin mo na rin ako?"
Ako naman ngayon ang pinangunutan ng noo.
"Nanliligaw ka ba?" natanong ko na lang agad-agad. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko.
"Hindi pa ba halata?"
"Ay, sorry. Akala ko kasi'y nang-aasar ka lang, e," sarkastiko kong sagot.
Tumawa na siya sa puntong ito at hinila na naman niya ako't niyakap.
"Gusto talaga kita," bulong niya habang hinahalikan ang buhok ko. "Hindi ko alam kung bakit, basta gusto talaga kita," sabi pa niya. Napapikit ako at pinakinggan ang tambol ng kanyang dibdib. Para akong nakalutang sa alapaap nang mga sandaling iyon kung kaya hinayaan kong enjoyin ang magkahalong amoy ng usok ng sigarilyo at mamahaling cologne sa kanyang polo-shirt. Hindi ko napaghandaan tuloy nang bigla niyang nilayo ang mukha ko sa dibdib niya at hawakan ng magkabilang kamay ang aking pisngi.
"Gusto mo rin ba ako?" deretsahan niyang tanong.
"H-hindi ko alam. Tsaka---hindi ka pa nga nanliligaw nang pormal kailangan na kitang sagutin?"
"Kailangan pa ba iyon para lang masagot mo kung gusto mo rin ako o hindi?"
"Hindi ko nga alam."
Bigla na lang bumaba ang mukha niya't binigyan ako ng banayad na halik sa labi. Sinamantala pa niya ang nakabuka kong bibig at pinasok doon ang dila. Napaungol ako nang wala sa oras. Nagulat din ako sa reaksyion ko. At lalo akong nabigla nang gumapang sa leeg ko ang mga labi niya.
"Hmn, ang bango mo talaga. Amoy barbeque!" At napabungisngis siya. Nasira ang mood ko. Tinulak ko siya.
Nakangisi na siya ngayon sa akin. "Alam kong gusto mo rin ako. Salamat. Hayaan mo't liligawan na kita nang ayon sa gusto mo." At kinindatan niya ako.
Iyon lang at lumabas na siya ng apartment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top