CHAPTER EIGHT

A/N: Dedicated to the first commenter.

**********

"O, ang bilin ko sa iyo, ha?" paalala ni Tita Chayong.

Napabuntong-hininga ako habang tinatali ang buhok. Inulit niya ang sinabi. Malungkot akong tumangu-tango. Itinaas niya ang baba ko gamit ang hintuturo.

"Huwag kang padadaig sa kanila. Pare-pareho tayong foreigners dito. E ano kung native speakers sila? Tinanggap ka sa trabahong iyan dahil qualified ka. Siguro nga mas may kwalipikasyon ka kaysa sa kanila. Kung tatanggalin ka naman nila dahil hindi ka kamo native speaker, walang problema. Makakahanap ka rin naman ng panibagong trabaho dahil may working visa ka na."

"Hindi ba automatic na kakanselahin iyan kapag wala na ako sa kompanyang siyang nag-sponsor ng visa ko?"

"Hindi no! Kaya huwag kang pangambahan."

At least nabuhayan ako ng loob. Ganunpaman, mabibigat ang paang tinungo ko ang istasyon ng tren. Wala na ang dati kong sigla sa pagpasok sa trabaho. Paano ba naman kasi noong Biyernes pa ng hapon ako sinabihan ng head teacher namin na may mga nagreklamo raw sa aking mga nanay. Mali raw kasi ang pagbigkas ko sa mga English words na itinuro ko sa mga bata. Nakita raw nila lahat iyon sa CCTV kung kaya hindi na sila kampante sa akin bilang titser ng mga anak nila.

Pagpasok ko ng school, pinapunta agad ako ni Akemi sa upisina ni Mr. Anders, ang punong-guro. Hinihintay na raw niya ako roon. Natigilan ako sa bungad ng pinto nang makita ko ang mga nagreklamong nanay.

"As I've told you last Friday, there were mothers who complained about the way you teach your young learners. Here they are."

Bahagya akong yumuko sa tatlong bisita bilang pagbati. Sa pagkakaalala ko ito ang mga maaarteng magulang ng mga estudyante ko na nagtapos ng elementarya hanggang hayskul sa isang American school sa Japan at nakapag-aral din daw sa US noong kolehiyo kaya mataas ang tingin nila sa sarili kung pagsasalita ng Ingles ang pag-uusapan. Noon ko pa napansin na medyo iniismol nila ako dahil sa Pilipinas lang daw ako nagtapos at ni hindi pa nga raw nakatungtong sa kahit alin mang English native-speaking country. Ganunpaman, hindi ko iyon pinansin noon dahil inakala kong sapat nang nag-e-enjoy at natututo ng English sa akin ang mga anak nila.

"Actually, they're not the only parents who complained about the way you pronounce words in English," pahayag pa ni Mr. Anders. May kinuha itong papel sa drawer at binigay sa akin. Parang tumalon ang puso ko sa magkahalong takot, pangamba, at pagkapahiya sa mga natanggap na reklamo ng iba pang nanay ng mga batang tinuturuan. Nang binilang ko lahat ang complainants, napagtanto kong halos seventy-five percent iyon ng kabuuan kong estudyante.

"As the report says, if we will not replace you as a teacher of these students, they will be forced to change schools," malungkot na sabi pa ng head teacher. May nangilid na luha sa mga mata ko pero mabilis ko itong pinigilan. Pinilig-pilig ko ang ulo para maitaboy ko ang namumuong pagkahabag sa sarili.

"As you know, the mothers are paying a lot of money for every English lesson of their children in this school and our job is to make sure they get their money's worth for every class that they paid for."

Gusto na talagang umagos ng mga luha ko. Alam ko na kasi ang kasunod no'n. Kung mawawala ang halos seventy-five percent sa mga estudyante ko, praktikal lang para sa eskwelahan na tanggalin na nila ang serbisyo ko para wala nang magreklamo sa hinaharap. Inaasahan ko na iyon simula pa noong Biyernes pero iba pa rin pala ang dating kapag nandoon na at nangyayari na nga. Nanginig tuloy ang mga tuhod ko. Hinawakan ko ang mga ito para hindi mahalata ng mga magulang.

"What should I do?" naitanong ko sa mahina at medyo ngarag na tinig.

Hindi agad sumagot ang head teacher. Nang sulyapan ko naman ang mga nanay they gave me an arrogant look. Hindi ko nakayanan ang mga titig nila kaya napatingin ako sa mga kamay na nasa kandungan ko.

"Aaron and Kent agreed to take your students. So starting today, they will start learning from Aaron and Kent sensei. I'm sorry."

Hindi ko na napigilan ang mga luha.

"Should I f-file f-for a resignation n-now?" nabubulol kong tanong.

Malungkot na tumangu-tango ang head teacher. Napayuko ako. Ganoon ang eksenang nabungaran ni Kaito nang bigla na lang itong pumasok sa silid ng head teacher.

"Are these the mothers who complained about Ms. Ferrer's classes?" tanong agad nito kay Mr. Anders sa tonong ma-otoridad. Nagulat ang Amerikano maging ang mga nanay sa tila kawalan nito ng respeto sa kausap. Bago pa makasagot ang punong-guro, lumitaw ang tila natatakot na Akemi sa doorway at may sinenyas-senyas ito kay Mr. Anders. Nagpalipat-lipat ang tingin ng punong-guro sa sekretarya at kay Kaito. Ako nama'y sobrang gulat na gulat para man lang makapag-react.

"I saw the videos from the CCTV camera and I don't see anything wrong with how Ms. Ferrer teaches your kids. What's the fuss about? Her being a non-native speaker?"

Sumagot ang isang nanay sa English din in her fake American accent. Nakita kong nangunot ang noo ni Kaito. At halos nanlaki ang mga mata ko sa binuwelta rito ng kumag. Sa harap namin, kinorek niya ang nanay ng tamang bigkas at accent sa sinabi nitong Ingles. Pinamulahan ng mukha ang babae.

"You can't even pronounce the words right and you have the audacity to say that our teacher who was trained to teach English doesn't know what she's doing? This is the problem sometimes with little knowledge---you think you know everything when in reality what you know is just the tip of an iceberg!"

Inawat siya ni Mr. Anders dahil pulang-pula na ang mukha ng nanay na napagsabihan. Pati mga kasamahan nito'y tila galit na rin.

"If you don't like how this school teaches your kids, you can pull them all out!"

Nayanig ako sa narinig. Maging si Mr. Anders ay na-shock. Aawatin ulit sana nito si Kaito sa pagsasalita nang siya naman ngayon ang hinarap nito. He demanded for a copy of the all the complaints about me. Walang naibigay ang punong-guro. Nang makita ni Kaito ang hawak-hawak kong papel, kinuha niya ito sa akin nang walang pasabi at pinasadahan. Pagkatapos, initsa lang ito kay Mr. Anders sabay sabi ng, "Tell them all to get the hell out of here!"

Napanganga kaming lahat sa narinig. Hindi pa ro'n nagtapos. Galit nitong tinawag si Akemi.

"Who the fvck hired the new teachers?!"

Sa paputul-putol na Nihongo, pinaliwanag ng mabait na sekretarya na padala raw sila lahat ni Amane. No'n nagliwanag ang lahat sa akin.

**********

"O, ang puso!" nakangising panunudyo ni Akio. Nakatayo ito sa bukana ng doorway ng upisina ko. Nang-usisa ang hudyo tungkol sa ginawa kong eksena sa eskwelahan. Hindi ako sumagot. Tumuluy-tuloy ito sa loob at naupo pa sa visitor's chair kaharap ng desk ko.

"Palagay ko sa ngayon, alam na ng babaeng iyon na ikaw ang may-ari ng school," natatawa nitong sabi. "Hindi ka ba natatakot? Malamang magkakandarapa na siya ngayon sa iyo dahil ikaw pala ang bosing niya."

"I don't think so."

"I don't think so? Na ano? You don't think na magugustuhan ka niya kahit na alam na niyang ikaw ang may-ari ng school o you don't think na nahulaan niyang ikaw nga ang may-ari?"

"She thinks I was just throwing my weight around because I'm the owner's boyfriend. Inisip niyang si Amane ang may-ari ng school."

"Aw! Patay tayo diyan!"

Sinimangutan ko si Akio at pinalayas na sa upisina ko, pero nanatili ito roon.

"Sabi ko naman kasi sa iyo, hindi maganda na ini-involve mo ang ex mo sa isang business deal na sangkot ang pinupuntirya mong replacement niya. Marami naman sanang pupwedeng maging manedyer ng school mo kung bakit iyong ex mo pa ang napili mong mamahala no'n. Iba ka rin kasi mag-isip, e. It's obvious you dont know how women think."

Hindi na ako sumagot pa. Tama rin naman kasi siya. Wrong move na pinagkatiwala ko kay Amane ang eskwelahan. Inakala kong mapapalago niya iyon dahil alam ko namang magaling siyang mag-handle ng negosyo, lalo na if it's a service industry. Hindi ko man lang naisip na baka matunugan niya ang tunay kong motibo sa pagtatayo ng English school. Ang alam ko kasi'y wala na sa kanya ang nangyari sa amin. Inisip kong tanggap na niya ang lahat. Mukhang mali pala ako.

"Ano'ng plano natin ngayon? Tanggalin ang ex mo sa school?"

"Natanggal ko na sampo ng dinala niyang guro."

"What?!" At tumawa nang malakas si Akio. "Ang lakas talaga ng dating ng babaeng iyon sa iyo, ano?"

Nagdampot ako ng papel at kinuyumos ito bago ko binato kay Akio na nang mga oras na iyon ay nakatayo na sa harap ng pintuan. Dinampot nito ang papel at nanlaki ang mga mata.

"Baliw! Kopya ito ng contract natin with the online store na magre-release ng bago nating video game!"

Inayos-ayos ni Akio ang pagkakalukot ng papel at binalik ito sa mesa ko. Pinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Mas may matindi akong pinoproblema. A crumpled copy of a contract is the least of my worries right now.

**********

Dahil biglaan ang pag-alis ng mga newly-hired teachers, tumambak sa aming tatlo nila Lyndon at Sarah ang mga naiwan nilang klase. Ang paliwanag sa akin ni Akemi, na-pirate daw sila ng bagong tayong eikaiwa gakko malapit sa kinaroroonan ng eskwelahan namin. Ganunpaman, may kutob akong may kinalaman sa eksenang ginawa ni Kaito ang lahat. Marahil ay nagprotesta silang lima sa ginawang kalapastangan ng ungas sa tatlong nanay at kay Mr. Anders mismo.

"No, no, no!" natatawa namang tanggi ni Akemi nang sabihin ko ito sa kanya. "Ang totoo niyan, mas mataas ng limang lapad ang pasweldo sa kabilang school kung kaya naengganyo silang lima na lumipat. Huwag mo nang alalahanin ang mga nangyari. Kita mo naman, kahit pinull-out ng tatlong nanay ang mga anak nila rito, napalitan naman ng ilang doble ang bago mong estudyante."

Naalala ko si Amane. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya pala ang bosing ko. Susko! Buti na lang hindi ako nagkalat nang tinuturuan ko siya noon. Kaya pala hindi na nagpatuloy sa pag-aaral ng English sa akin. Ikaw ba naman ang magkaroon ng ilang malalaking negosyong pinapamahalaan. Maswerte na kung may panahon ka pang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Marahil ay tinesting lang niya ako noon kung kaya ako ang ni-request niyang magturo sa kanya.

"Pakisabi pala kay Ms. Amane, pasensya kamo kung nagkaroon ng alingasngas dito nang dahil sa akin."

Tila nagulat sa sinabi ko si Akemi. Ngumiti ito nang mapakla. Magsasalita na sana ito nang parang may naalala. Nang inusisa ko kung ano sana ang gusto niyang sabihin, umiling-iling lang ito at sinabing umuwi na raw kamo ako dahil nauna na sina Sarah at Lyndon. Siya na lang daw ang magsasara ng school.

Dahil alam kong bukas pa ang omise ni Tita Chayong do'n ako dumeretso pagkagaling ko ng trabaho. Nang malaman nito ang nangyari nang araw na iyon, natuwa siya. Puring-puri niya si Kaito.

"Kaya pala kung umasta siya'y parang siya ang may-ari ng school namin, girlfriend pala niya iyong bosing ko, si Ms. Amane. Ikakasal na nga raw sila, e."

"O? Akala ko ba break na ang dalawang iyon?"

"Hindi ho, Tita. Ang dinig ko po sa mga kasamahan ko sa work at sa mga students namin from Banzai Studio, na-postpone lang daw ang kasal, pero sila pa rin."

Nangunot ang noo ni Tita Chayong. Tila nalungkot. Maging ako man ay tila na-disappoint sa nadiskubre ko. Pinagalitan ko nga ang sarili. Ano naman ang pakialam ko kung mag-aasawa na ang kumag na iyon? As if naman gusto ko siya!

Nang mag-alas dose na, nagpaalam ako kay Tita Chayong na mauuna na sa apartment namin. Hindi naman niya ako pinigilan. Last trip ang sinakyan ko papunta sa amin. Dahil hatinggabi na, mangilan-ngilan na lang ang tao sa istasyon ng tren. Pagbaba ko sa lugar namin, halos kakaunti na lang kaming naglalakad sa kalye. Nasa harap na ako ng building namin nang may biglang sumulpot sa harapan ko. Dahil akala ko isa na namang pervert iyon na mambabastos sa akin, inisprayan ko siya ng dala kong pang-hentai. Napuruhan ko ata sa mga mata. Nagsisigaw ito sa sakit.

"Kuso! Baka janai ka?" galit nitong sabi. Nang makilala ko ang boses niya, nataranta ako. Si Kaito!

"Oh, sorry, sorry!" sabi ko at hinagud-hagod ko ang likuran niya. Sigaw pa rin siya nang sigaw. Wala raw siyang nakikita. Natakot na ako. Hinila ko siya agad paakyat sa apartment namin.

"Saan mo ko dadalhin?!" galit niyang sabi. Natitisod-tisod siya sa hagdan dahil nakapikit pa rin siya at hawak-hawak pa rin niya ang mga matang pinasabugan ko ng spray.

"Maghilamos ka muna sa amin. Baka makatulong."

Nang nasa loob na siya ng apartment, I guided him to the bathroom sink at pinaghilamos. Nagmumura siya habang naghihilamos. Para raw mapupunit ang eyeballs niya sa hapdi.

"Sorry nga e! Hindi ko naman alam na ikaw ang bigla na lang lumitaw. Ginulat mo kasi ako."

"Kasalanan ko pa?"

Hindi na ako sumagot. Binigyan ko na lang siya ng malinis na face towel para pampunas sa mukha at nauna na sa living room. Makaraan ang ilang sandali, lumitaw na rin ang kumag at bigla na lang nitong binagsak ang katawan sa sofa habang nakatakip pa ng basang face towel ang mukha.

"Okay ka na ba?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Niyugyog ko nang bahagya ang balikat niya. Wala pa ring sagot. Tinangka kong alisin ang face towel na nakapatong sa mukha niya. Sa una lang siya umungol pero nang tuluy-tuloy kong tinanggal ay hindi naman nagreklamo. Nanatili lang siyang nakapikit.

Shit, paano kung nabulag ko pala siya? May pananagutan kaya ako sa batas? Nang maalala kong nag-iisa siyang tagapagmana ng Furukawa business, medyo kinabahan ako. Maaaring hindi niya ako ihahabla pero hindi ko hawak ang isip ng kanyang mga magulang. What if...? Itinaboy ko iyon sa isipan.

"Salamat nga pala kanina. Pakisabi na rin kay Ms. Amane, sa nobya mo, na thank you rin."

No'n siya napadilat. Pero dahan-dahan lang muna. He squinted at me.

"Nobya?" tanong pa niya.

Tumangu-tango ako. "Sabi ni Akemi----"

"Huwag kang magpapaniwala sa sinasabi ng babaeng iyon!" putol niya sa sasabihin ko pa. Napapiksi ako sa pagtaas ng boses niya. Although hindi iyon ang kauna-unahang pagkakataong nagtaas siya ng boses sa akin, iba na ang dating no'n sa akin ngayon. Alam ko na kasi kung ano ang kaya niyang gawin. My gosh, boyfriend siya ng bosing ko! Kayang-kaya niya akong patalsikin kung gugustuhin niya.

Kinalimutan ko muna ang tungkol sa school. Tinanong ko siya kung mahapdi pa rin ang mga mata niya.

"May pumasok yatang pilik-mata sa mga mata ko. Could you check it? Ang sakit pa rin, e," daing niya.

Hinawakan ko ang mukha niya at sinabihan siyang ibuka ang mga mata. Nang nagtama ang paningin namin, nakaramdam ako ng something. I felt awkward. Kaya kahit hindi ko pa nasilip ang nasabing puwing ay nagsabi na akong wala naman akong nakita.

"Sigurado ka ba? Parang meron, e! Hipan mo nga!"

"Wala nga! Umalis ka na. Parating na ang Tita Chayong ko." Tumayo na ako at aalis na sana sa living room nang bigla na lang niya akong hinatak. Na-off balance ako at napaupo sa mismong kandungan niya. Hinampas ko ang braso niya. Pinigilan niya ang dalawa kong kamay at mahigpit akong niyakap.

"Kapag minaltrato ka sa school for being a non-native speaker, magsabi ka agad sa akin," halos pabulong niyang wika na nagpatigil sa pagpupumiglas ko. "No one can and should do that to you." Pagkasabi niyon, dahan-dahan niya akong iniupo sa sofa at tumayo na rin siya. Tahimik siyang naglakad papunta sa pintuan at walang pasabing umalis ng apartment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top