Buhay Mo'y Alam Ko Na

Isang hirit, isang laklak at nag-isip ng naiiba

Na kung bakit ganito? bakit ganyan? Alam mo ba?

Na kung bakit buhay ay kailangang magkasala?

Pagkat sawa na kasi sa hirap na kumakapit parang linta


At pilit silang tumawa, tawang parang hindi nahihiya

Parang hindi nasasaktan ng mga kutya...


Muling hirit, muling laklak tuloy akong gumala

Ako'y nagkamali pagkat sa ngayo'y puso ko'y lumalala

Dahil sa nasaksihang ulan na bumuhos sa kanilang mga mata

Nang masabayan ko ang ritmo ng kanilang kanta

Isang malungkot na awit, isang nakakaluhang drama


Tuloy ang hirit, tuloy ang laklak at akoy nakulong

Pagkat sa isip ko'y nag-iwan ng maraming tanong

Sa bawat halik at yakap na ika'y nandiri

Sa bawat nagbabagang wikang sa puso mo'y nakakasakit

Alam kong ayaw mo ng ganyan

Subalit daragdag pa ba akong sa iyo'y kukutya

Nais kitang ipaglaban subalit kung ako lang di pa rin makakaya

Nais kitang ahonin subalit ang mayroon sa akin ngayon ay wala


Sa panghuling hirit at panghuling laklak ako'y lumaya

Buhay mo'y alam ko na, alam ko na

Ngunit h'wag kang mag-alala

Walang nagbago, mahal pa rin kita

Mahal pa rin kita....



For Florie, Lina, Anne especially Neng...

Mga babaeng kung tawagin ng marami ay Magdalena



Written: January 13, 2001 @ 4:30 AM

mysterious_aries / cursedbypen

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top