Baguhin Mo Ako

Baguhin mo ako panahon

Hilumin ang bawat galit na tumatahan

Ang mga kabiguang humaplos sa akin

Mga sugat na tinamo sa nakaraan


Baguhin mo ako guro

Ituro sa'kin ang tamang landas

Ang daang patango sa kaaya-ayang bukas

Nang buhay ay magkaroon ng halaga


Baguhin mo ako kaibigan

Damputin aking kamay na nanginginig

Bigyang payo itong isip na puno ng ligalig

Nais kong damhin ang iyong positibong pananaw


Baguhin mo ako hirang

Ipadama sa'kin ang tunay na pagmamahal

Di ang huwad na yakap at halik

Upang katawa't pisngi ay makatamo ng pag-ibig


Baguhin mo ako Panginoon

Ako ay naliligaw sa sanga-sangang daan

Nawa'y ipakita mo ang tamang hagdan

Patungo sa lugar na iyong kinaroroonan



05-02-2015


Cursedbypen/mysterious_aries


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top