Bagong Bayani ng Gobyerno


Nais naming marinig ng bayan ko

Luzon, Visayas, at Mindanao

Pag-ibig na mayroon kami'y

Sa aming nakalipas matatanaw


Kahit maliit ang sweldo'y sadyang tinitiis

Doktor, enhenyero't guro

Damit na dunong nami'y aming ibibihis

Pagagandahin ang istado ng kapwa Pilipino


Ngunit bakit ano ito

Saludo'y ibinigay sa mga naglingkod sa iba

Ang mga sumakay sa eroplano

Bagong bayani kong tawagin mga nagkamal ng ginto sa ibang bansa


Dahil ba sa dollar na kanilang ipinapadala

Gan'to ba talaga ang dapat

Tunay na nagmamalasakit sa bayan ang halaga'y wala

Sa Gobyernong kung bibigyang grado ay apat


Kuwatro't bagsak sa pagkakalasing

Sa paglaklak ng sistemang bali

Ahensyang sa mga nangibang ibayo'y sa bayani inihambing

Ang tinutuwid ninyong daan ay mali


Di naman namin isinasantabi paghihirap nila

Mga katulad naming Pilipino ramdam namin kanilang hinagpis

Nangibang bansa upang masarap na lasa'y dumampi sa labi ng pamilya

Dama namin sa aming puso ang pangungulila nila't tangis


Sumugal at tumawid sa dagat na maalon

Dahil di matagpuan sa Pinas ang tutupad sa pangarap

Bayani ika ng ating Gobyerno embes maging hamon

Na tama na ang paglipad pagkat ang mabuhay sa sariling bayan na'y sapat


Gobyerno'y dapat gumawa ng solusyon kung paano

Hindi higit na manghikayat

Upang wala ng mawasak na pamilyang sagrado

Upang wala ng matang gabi-gabi kung umiyak


Bagong bayani ika ninyo kaya mas maraming nangarap lumipad

Narse, karpentero't iba pang manggagawa lahat sila nagsipila

Di ba mas maganda kung dito mismo sa ating bansa'y natutupad yaring hangad

Ito ba ay maling isipin o sadya lamang tama



written: July 14, 2015 @4:10pm

Cursedbypen / Mysterious Aries

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top