Ang Iyong Upuan

Tinitignan kita sa iyong upuan

Nakasanayan ko nang pagmasdan

Mga gawi mo, ang iyong pag ngiti

Tuwing makita mo'ng ako sayo'y nakatanaw


Pinagmamasdan kita sa iyong upuan

Kulang ang araw ko, kung di ko makikita

Iyong kariktang malarosas

Walang kaparis, wala


Sinisilayan kita sa iyong upuan

Ang iyong pagbuklat ng libro

Pagtaas ng kamay upang sumagot sa ating guro

Ang boses mong mala tinig nang anghel


Nililingon ko pa rin ang iyong upuan

May pupunan pa kaya sa kakulangan

Maganda ka talaga, di lang pala ako ang naakit

Sapilitang inagaw ang iyong kamusmusan






05-09-15

Di ko alam kung nagrarhyme... pero sana okay naman basahin... medyo nageexperiment ako nang istilo... yung tipong free style... At medyo sinisimplehan ko ang paggamit ng salita...



cursedbypen/mysterious_aries




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top